Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang mga Bagay na Nararapat at Hindi Nararapat
(Lokal ng Bahrain – February 3, 2013)
02 Saturday Feb 2013
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang mga Bagay na Nararapat at Hindi Nararapat
(Lokal ng Bahrain – February 3, 2013)
20 Friday Jul 2012
Posted in Filipino Topics
Tags
Ang salitang sakdal ay nangangahulugan ng kawalang dungis o kapintasan, at sa paglilingkod sa Dios, mahalagang maipakita natin ang pagpapaka-sakdal sapagkat isa sa mga pangunahing utos ng Dios ay ang pagpapakasakdal natin sa Kaniyang harapan. Siya ay Dios na sakdal at lahat ng Kaniyang mga lingkod ay nararapat din namang maging sakdal sa Kaniyang harapan. (Mateo 5: 48) Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Maaaring sa iba ay napaka-imposible na maging sakdal o perpekto, subalit sa paningin ng Dios ay maaaring maging sakdal tayo dahil sa Kaniyang kahabagan sa atin. Sinasabi ng iba na walang taong perpekto, subalit sa tulong ng Dios, maaabot natin ang kasakdalan na Kaniyang hinihingi sa atin, sapagkat Siya ang mag-aaring sakdal sa bawat isa.
Subalit kung pag-aaralan natin, maraming mga naglingkod sa Dios noon na naging sakdal sa Kaniyang paningin. Maaaring sa interpretasyon ng marami, ang salitang “sakdal” ay wala kahit kaunting bahid o kapintasan subalit mababakas natin sa Biblia ang pakahulugan at kung paano ibilang ng Dios na sakdal ang Kaniyang mga lingkod.
Si Noe ay ipinakilala na matuwid at sakdal sa kaniyang kapanahunan. Sa paningin ng Dios, si Noe ay sakdal sapagkat lahat ng Kaniyang iniutos sa kaniya ay sinunod ni Noe. (Gen 6:9, 22) Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
Si Job ay sakdal at matuwid nang ipakilala ng Biblia. At dahil dito ay hinamon ng Dios si Satanas na mananatili itong matuwid bagaman kaniyang subukin. (Job 1: 8, 22) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan. Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.
Nang utusan ng Dios si Abraham na magpakasakdal, ginanap niya ito at pinatotohanan maging ng Panginoong Hesus. (Gen.17:1) At nang si Abram ay may siyam na pu’t siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya’y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. (Juan 8:39) Sila’y nagsisagot at sa kaniya’y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Kung kayo’y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
Nang magkasakit si Haring Ezekias isinamo niya sa Dios na alalahananin ang sakdal niyang pamumuhay at dahil dito at dininig ng Dios ang kaniyang samo. (2 Hari 20:3) Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako’y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
Ngunit lahat ba ng mga naglingkod sa Dios ay naging sakdal sa gawaing paglilingkod?
Hindi lahat ng naglingkod sa Dios ay naging sakdal sa mga gawaing paglilingkod. Mayroong mga lingkod na kinakitaan ng kasamaan at nahiwalay sa bayan ng Dios. Ipinahayag ng Biblia na ang mga nagsisigawa ng kasamaan ay walang puwang sa harapan ng Dios. (Awit 37: 37-38) Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka’t may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan. Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
At ito ay pinatutunayan maging sa mga sulat ni Apostol Pablo na mayroong mga lingkod o naging kapatid na naanib sa iglesia ng Dios na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Dios. Dapat sana’y wala nang puwang sa mga lingkod ang mga kasamaan, subalit mayroon pa ding mas pinili ang gumawa ng masama. (1 Corinto 6: 8, 11) Nguni’t kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito’y sa mga kapatid ninyo. At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni’t nangahugasan na kayo, nguni’t binanal na kayo, nguni’t inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios. (Galacia 3:3) Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo’y nangagpapakasakdal kayo sa laman?
Maging si Apostol Pedro ay nagpahayag tungkol sa mga kapatid na nagsisigawa ng kasamaan sa halip na lumakad na may kasakdalan sa paningin ng Dios. (2 Pedro 2: 13-14) Na nangagbabata ng masama na kabayaran ng gawang masama; palibhasa’y inaari nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw, mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw sa kanilang mga daya, samantalang sila’y nangakikipagpiging sa inyo; Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait.
Tiniyak ng Biblia na mahahayag ang mga ganitong klase ng naglilingkod sa Dios. Makikilala sila at tiniyak na kaylanman ay hindi pahihintulutang makapagpatuloy na naglilingkod sa Dios. (Kawikaan 26:26) Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. (2 Timoteo 3:9) Nguni’t sila’y hindi mangagpapatuloy: sapagka’t mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.
Ang kahihinatnan ng mga ito ay tiyak na kapahamakan. Ipinahayag ng Panginoong Hesus, (Mateo 24: 48-51) Datapuwa’t kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon; At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing; Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman, At siya’y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Papaano magiging sakdal sa gawaing paglilingkod sa Dios ang mga naanib sa iglesia ng Dios?
Pakatandaan nating sa ganang ating mga sarili ay wala tayong magagawang anumang bagay na sukat nating ikasakdal malibang ang Dios ang magbigay sa atin ng lakas at espiritu upang maging sakdal tayo sa Kaniyang harapan. Ang Dios ang magpapasakdal sa atin sa paraang hindi ayon sa kaisipan nating mga tao kundi sa kaparaanang Siya ang nagpasya at nagtakda. (Awit 18: 32) Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. (Hebreo 13: 20-21) Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga’y ang Panginoon nating si Jesus, Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa’t mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Paano ang ginawa ng Dios para makalakad sa kasakdalan ng mga gawaing paglilingkod ang mga lingkod ng Dios?
Naglagay ang Dios ng mga pastor at mga ministro upang ang mga lingkod Niya ay maturuan ng mga araling gagabay sa kanilang mga gawaing paglilingkod. Samakatuwid, tataglayin ng mga lingkod Niya ang sapat na unawa at kaalaman upang magawa ang mga kalooban ng Dios. Ang mga ministro o pastor ang magpapaalala sa kanila sa mga bagay na kinakailangan nilang gawin at siya ding magsisilbing tagapagbigay-babala sa kanilang mga nalilihis ng landas. (Jeremias 23: 4) At ako’y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon. (Jeremias 3:15) At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban, na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa.
Kung maaaralan, at tatanggapin ng lahat ng mga lingkod ang mga salita ng Dios, walang dahilan para hindi maabot ang kasakdalan ng pananampalataya, sapagkat ang mga salita ng Dios ang magsisilbing gabay at tanglaw sa paanan ng mga lingkod sa kanilang pamumuhay at paglilingkod sa Dios. (Efeso 4: 11-12) At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:
Kaya bawat isang kapatid ay pupuspusin ng kaalaman at unawa, upang lubos na magawa ang tunay na kalooban ng Dios. Sa ganito’y matiyak na ang lahat ay makalalakad at makararating sa kasakdalan. (Colosas 1: 9-10) Dahil dito’y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo’y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, Upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa’t gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios; (2 Timoteo 3: 15-17) At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Ngunit hindi sapat na magtaglay ng kaalaman at unawa ang isang lingkod. Kailangang bumangon ang pananampalataya na magpapakilos sa kaniya upang lubos siyang tumalima sa mga kalooban ng Dios. Kung ang pananampalataya ay hindi lubos, hindi din magiging lubos ang pagtalima. Kung may pagaalinlangan sa pananampalataya, ay hindi din magiging ganap ang isang lingkod. At kung ang pananampalataya ay patay o baog, walang bungang kabanalang malilikha at hindi mararating ng isang lingkod ang kasakdalan.
Ano ang pinakamahalagang sangkap na magpapakilos sa pananampalataya ng isang lingkod upang marating nito ang kasakdalan sa mga gawaing paglilingkod sa Dios?
Dapat ding taglayin ng isang lingkod ang pag-ibig. Sapagkat kung mayroong pag-ibig, walang bagay na magiging mahirap. Walang magiging hadlang na hindi magagawang lagpasan at mapagtagumpayan. Kung may pag-ibig, palalayasin nito ang takot at magagawa niya ang mga bagay na dati niyang kinatatakutang gawin. (1 Juan 4: 18) Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka’t ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
Kaya ipinayo na magbihis ng pag-ibig sapagkat ang pagibig ay siyang tali ng kasakdalan. (Colosas 3:14) At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan. Ang pag-ibig ang naguugnay sa isang lingkod at sa Dios, at kung mayroon nito, lahat ng mga gawaing paglilingkod na ikasasakdal sa paningin ng Dios ay magiging madali.
Bukod sa pag-ibig ano pa ang dapat na gawin ng isang lingkod?
Gaya nang pahayag ni Apostol Pablo, marapat nating gawin mula sa puso ang tunay na kalooban ng Dios. Maglilingkod tayo hindi gaya nang naglilingkod sa paningin ng ating mga kapuwa tao, kundi naglilingkod tayo sapagkat alam nating mayroong Dios na nakakakita sa atin. At ang Dios na nakakakita sa atin, na Siyang ating pinaglilingkuran ang Siyang sa atin ay magpapala. (Efeso 6: 6) Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
Pakatandaan nating ang pagpapakasakdal o paggawa ng kabanalan sa paningin ng Dios ay hindi lamang sa panahong tayo ay dumadalo ng pagsamba o pagkakatipon. Ang kabanalan ay sa lahat ng paraan ng pamumuhay. Kaya anuman ang ating ginagawa, sinasabi, iniisip at pinaplano, lagi nating isaalang –alang ang paggawa ng kabanalan sapagkat ito ang tunay na kalooban ng Dios sa atin, samakatuwid ay ang ating pagpapakabanal. (1 Pedro 1: 15-16) Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.
At upang lubos nating magawa ang mga ito, kailangan nating lubos na talikuran ang paggawa at lahat ng uri ng anyo ng kasamaan. Lahat ng mga masasamang ugali at paraan ng ating pamumuhay noon ay ating tatalikuran. Ang tunay na sakdal at may takot sa Dios ay yaong gaya ni Job na humihiwalay sa kasamaan. (Job 1:1)
18 Friday May 2012
Posted in Filipino Topics
Isang bagay na nakagawian ng mga lingkod ng Dios ang maghandog ng pagpapasalamat. Noon pa man, ang kaugaliang ito ay mababakas natin sa mga unang mananampalataya.
Isang mabuting bagay ang pagpapasalamat at tunay na hinahanap ng Dios. Ang mga kasaysayan ng mga unang naglingkod na mababasa sa Biblia ang nagtuturo sa atin upang tayo naman ay magsisunod sa mga magagandang pamamaraan ng paglilingkod at pagtalima sa mga kalooban ng Dios. Nakasaad sa Roma 15: 4, “Sapagkat ang anomang bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.”
At kung ang mga magagandang pamamaraan ng paglilingkod ay naipakita ng mga unang mananampalataya, ang mga ito ay hinahanap din naman ng Dios sa mga lingkod Niya maging sa kapanahunan nating ito. (Ecles. 3:15) “Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.”
Sa panahon pa ni Abel ay kaniyang naipakita ang paghahandog sa Dios ng akmang paglilingkod. Sa panahong yaon ay wala pang kautusan ukol sa paglilingkod at paghahandog. Kaya masasabi nating ang ginawa niyang yaon ay kusang paghahandog na kaniyang ipinagkaloob bilang pagpapasalamat sa Dios. (Gen. 4:3-4) ”At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon. At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog.”
Maging si Noe na lingkod ng Dios na iniligtas sa malaking pagbaha ay kinakitaan ng ganitong paghahandog sa Dios ng paglilingkod. (Gen. 8:20-21) “At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagkat ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.”
At maging si Haring David na gumawa ng maraming mga awit ng pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoon ay kinakitaan din ng ganitong uri ng paghahandog sa Dios. (1 Cro. 29: 10-14, 20-21)
Kung mayroon man tayong magagawa ay tularan natin ang kanilang ipinakitang paglilingkod at pagtalima sa mga kautusan ng Dios sapagkat ang pagtulad sa kanila ay nangangahulugan na din ng pagtulad sa kanilang ipinakitang pananampalataya sa Dios. (Hebreo 13: 7) “Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.”
Kung ang mga unang mananapalataya ay naghandog sa Dios ng kanilang pasasalamat at pag-aalay, paano dapat ipakita ng bayan ng Dios ang kanilang paghahandog sa panahong ito?
Bilang bayang pag-aaring sarili ng Dios, ang iglesia ng Dios ay may tungkuling ipahayag ang karangalan ng Dios na Siyang tumawag sa lahat ng mga kaanib nito. Bawat kaanib ng iglesia ay may tungkuling bigyang karangalan at kapurihan ang Dios sa pamamagitan ng pagpapasalamat. (1 Ped. 2: 9) “Datapuwat kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan.”
Ang Pagpapasalamat ng bayan ng Dios ay bilang pagtanaw sa napakalaking bagay na ginawa ng Dios sa Kaniyang iglesia, na sa pamamagitan ng Panginoong Hesus ay ibinigay nito ang Kaniyang buhay at ginamit ang Kaniyang dugo bilang pangtubos sa kasalanan ng marami. (Gawa 20:28) “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga Obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”
Kaya bawat isa, o ang buo Niyang bayan ay maghahandog sa Dios ng pagsamba at pasasalamat, dala-dala ang kanilang mga handog bilang kusang kaloob sa ating dakilang Dios, upang Siya ay sambahin sa ganda ng kabanalan, sa pamamagitan ng Espiritu at ng Kaniyang mga katotohanan. (1 Cro. 16:29) “Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa Kaniyang pangalan: mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.”
Sundin natin ang pahayag ni Apostol Pablo, sa talatang Roma 12: 1-2, “Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.” Mahalagang sangkap ang pagsisiyasat at pagtatalaga sa sarili sapagkat ang katawan natin mismo an gating ihaharap sa Dios bilang mga handog na magsisilbing alay natin sa Kaniya.
Ito ang malaking kaibahan sa panahon natin ngayon kaysa sa panahon ng mga unang lingkod ng Dios. Kung noon ay mga hayop na sinusunog ang inihahandog sa Dios, na nagsisilbing mabangong amoy sa Kaniya, sa panahong ito ay inihahandog natin ang ating mga sarili sa Kaniya na dapat namang matiyak natin kung ito nga ay tunay na nagiging karapatdapat sa Kaniyang paningin.
Makakatulong nang lubos ang pagsisiyasat sa sarili, ang paghingi sa Dios ng kapatawaran sa bawat pagkukulang o kasalanang nagagawa at pagpapahayag ng pakikiisa sa mga gawaing paglilingkod sa Kaniya.
Kalakip din ng ating mga sarili ay ang ating mga kusang kaloob na mga abuluyan na siyang pangunahing ambagan natin sa loob ng iglesia upang patuloy pang matugunan ang mga pangangailangan sa pangangasiwa at pangangaral ng mga salita ng Dios. Kaya inihahanda natin ang mga ambagang ito sapagkat nalalaman nating ito ay nakakatulong sa mga gawaing paglilingkod sa Dios. (2 Cor. 9:7) “Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na Masaya.”
11 Friday May 2012
Posted in Filipino Topics
Ang gawaing paglilingkod ay mahalaga sa ating mga magkakapatid. Isa sa mga bagay na inaasahang makita ng Dios sa ating lahat ay mga gawaing paglilingkod sapagkat tinawag tayo upang Siya ay ating paglingkuran.
Noon pa man, ang mga unang lingkod ng Dios ay nagpakita na ng pagpapahalaga sa mga gawaing paglilingkod, lalo pa nga ang mga gawaing may kinalaman upang ang Dios ay handugan ng mga sakripisyo at pagsamba. Sa panahon ng mga sinaunang lingkod, gaya nina Noe, Abraham at Moises, ang mga gawaing paglilingkod nila sa Dios ay handugan Siya ng mga pagsamba sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na susunugin na tunay namang nagiging isang mabangong samyo sa Kaniya.
Sa panahon naman ng mga sinaunang Israel, pagkatapos na sila ay magkaroon ng iba’t ibang uri ng mga kapistahang kanilang itinakda upang pasalamatan, purihin at paglingkuran ang Dios, naging ugali na nila na ang mga ito ay kanilang pahalagahan, mula sa kanilang mga magulang hanggang sa kanilang mga anak at sa mga sumunod pa nilang mga lahi. Katunayan, hanggang sa kasalukuyang panahon, maraming mga makabagong Israel ang patuloy pa ding isinasagawa ang mga gawaing paglilingkod na ito.
Ilan sa kanilang mga nakasanayang gawin ay mababasa natin sa 1 Samuel 1: 7, 9 na sinasabi, “At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kaya’t siya’y umiiyak, at hindi kumakain. Sa gayo’y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila’y makainom. Ngayo’y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon. “
Ito ang nagpapatunay na saan mang dako sila naroroon, sila ay umaahon sa dako ng Templo ng Dios upang doon ay kanilang isagawa ang kanilang paglilingkod sa Dios. (1 Sam. 1:3) At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon.
Sadyang noon pa man ay may taunang paghahain na isinasagawa ang mga unang lingkod ng Dios. Ito ay kanilang ginawang panata na kanilang sinisikap na tuparin, hindi lamang ng isang indibiduwal kundi ng kanilang buong sambahayan o angkan. (1 Sam. 20:6 ) Kung ako’y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya’y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka’t siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan.
Sa mga awit ni David ay kaniyang ipinahayag ang pagpapatunay na ang nakagawiang paglilingkod ay bahagi ng kanilang pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoong Dios. (Awit 122: 1-4) Ako’y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo’y magsiparoon sa bahay ng Panginoon. Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem; Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan: Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga’y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
Paano nila ipinakita ang kanilang paghahanda sa tuwing sumasapit ang kanilang pagpapasalamat sa Dios?
Anumang bagay na inihahandog at isinasagawa upang paglingkuran ang Dios ay marapat lamang na paghandaan. Hindi akma na basta na lamang isagawa ito nang hindi pinagtatalagahan. Noon pa man, ang mga unang lingkod ay nagpakita ng kanilang ginagawang paghahanda. Sa Awit 108: 2-3 ay sinasabi, “Kayo’y gumising, salterio at alpa: ako ma’y gigising na maaga. Ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako’y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.”
At bawat isa sa kanila ay nagdadala ng kanilang mga kusang handog upang ialay sa Panginoong Dios. (Exodo 35: 29) Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa’t lalake at babae, na ang puso’y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
Ang kanilang paghahanda ay upang ipamalas sa Panginoon ang kanilang malabis na pagnanasang Siya ay mahandugan ng pagpupuri at pasasalamat. Ito ay panahon ng pagsasaya para sa kanila sapagkat ang kanilang kasiyahan ay mapaglingkuran at sambahin ang Dios. (Hukom 21: 19) At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
Kalakip ng mga paghahandog ng kanilang mga kusang kaloob ay ang kanilang mga tinig ng pagpapasalamat sa Dios na tunay na Kaniyang kinalulugdang mapakinggan. (Awit 147: 7) Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
At kalakip ng paghahandog ng mga tinig ng pagpupuri sa Dios ay ang pakikinig ng Kaniyang mga salita. Ang mga kasulatan noon ay binabasa sa Templo ng Panginoon at kanilang pinakikinggan. (Isa. 2: 2 -3) At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. (Gawa 13:7) Na kasama ng proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.
Ginagawa nila ang mga ito bilang pagbabayad ng panata sa Panginoon taun-taon at nakagawiang gawin maging ng kanilang mga anak at mga sumunod na salin ng lahi. (1 Sam. 1: 21) At ang lalaking si Elcana, at ang buong sangbahayan niya, ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon, at ganapin ang kaniyang panata.
Paano naman natin dapat paghandaan ang ating mga pagpapasalamat sa Dios?
Kung paanong ipinakita ng mga unang lingkod ang kanilang pagtatalaga o paghahanda upang mapaglingkuran ang Dios, sa gayunding kaparaanan din naman dapat na ipamalas natin ang ating mga paghahanda.
Tungkol sa pagkakaloob, batid nating kusang kaloob ang ninanasa ng Dios na ating maisagawa. Ibig sabihin, sikapin nating sa ating pagkakaloob ay ating mapaghandaan ang anumang naipasya ng ating mga puso sapagkat pawang bahagi ang mga ito ng ating paghahandog sa Dios. Gaya nang mga unang Kristiyano, ipinakita nila ang paghahanda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanilang mga sarili, bilang pagtugon sa pagganap ng kalooban ng Panginoon. (2 Cor. 8: 5) At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.
Sa mga Awit ni David ay ipinahayag ang ilang mga payo pagdating sa pagkakaloob ng handog sa ating Panginoong Dios. (Awit 50: 14, 23) Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan: Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
(Awit 116: 17-18) Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; (Awit 29: 1- 2) Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.
Ibilang nating panata na kailangan nating isakatuparan ang pagpapasalamat at paghahandog ng pagpupuri sa Dios, kung magkagayon ay matularan natin ang mga nauna sa ating mga lingkod na naipamalas ang karapatdapat na paglilingkod sa Panginoon.
15 Sunday Apr 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Tags
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang Dapat Tiyakin ng mga Lingkod sa Kanilang Pangingibang Bayan
(Lokal ng Bahrain – April 13, 2012)
Part 1: Pagsamba – April 13, 2012 part 1
Click Play Button:
Part 2: Pagsamba – April 13, 2012 part 2
Click Play Button:
30 Friday Mar 2012
Posted in Filipino Topics
Tags
Kalooban ng Dios na lumapit tayo sa Kaniya at maglingkod. Ito ang layunin ng pagkakalikha Niya sa atin at siyang dahilan kung bakit tayo narito sa sanlibutang ito.
Subalit hindi maikakaila na pagdating sa paglilingkod sa Dios, hindi maiiwasan ang maraming mga kahadlangan. Ang kalaban ng Dios, ang Diablo ay hindi titigil hangga’t hindi nailalayo at hindi nahahadlangan ang mga tao na lumapit sa Dios. Ginagawa niya ang lahat upang ang tao ay mailigaw sa katotohanan upang huwag masumpungan ang Dios.
Sa isang liham ni Pablo, ipinaliwanag niya kung paano hinadlangan ni Satanas ang kaniyang kagustuhang makita ang mga kapatid. Ito ang nagpapatunay na sadyang si Satanas ay isang malaking kahadlangan. (1 Tesalonica 2: 18) Sapagka’t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
Ipinaliwanag ni Pablo na ang mga kahadlangang ito na mula sa Diablo, ay mga tinik sa laman na pilit niyang binabata at nilalabanan. (2 Cor. 12:7) At nang ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako’y tampalin, nang ako’y huwag magpalalo ng labis.
Ang mga tinik sa laman na kaniyang tinutukoy ay ang mga kasalanang tumitira sa ating pagkatao. Na bagaman tinalikuran na natin ang mga kasalanang ito, ipinaliliwanag niya sa atin na mayroong mga kasalanang nananatili nating nagagawa, hindi man natin kagustuhan. (Roma 7:19-20) Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
Ang isa sa kahadlangang tinutukoy pa ni Pablo ay ang paghahalintulad niya sa kaunting lebadura na nagpapakumbo sa buong limpak. Ang lebadura ay artipisyal na sangkap ng tinapay na inihahalo upang magmukhang malaki ang tinapay. Nang liwanagin niya, ang lebadura ay mga pag-uugaling artipisyal na Dapat maalis sa gitna ng mga lingkod na tinawag sa loob ng iglesia. (Galacia 5:7-9) Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo’y huwag magsisunod sa katotohanan? Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo. Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak.
Anu-ano ang mga tinutukoy ni Pablo na nagiging hadlang sa paglilingkod sa Dios?
Sinabi ni Hesus, (Mateo 16:11-12) Ano’t hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo’y tungkol sa tinapay? Datapuwa’t kayo’y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo. Nang magkagayo’y kanilang natalastas na sa kanila’y hindi ipinagutos na sila’y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
Ang lebadura pala na tinutukoy dito ay hindi patungkol sa tinapay kundi patungkol ito sa mga aral ng mga Fariseo at Saduceo. Talastas nating ang mga Fariseo at Saduceo ay mga mahigpit na sekta ng Relihiyon sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Panginoong Hesus. Ang mga ito ay mahigpit pagdating sa pagganap ng mga kautusan ng Dios. Subalit ang mga ipinakikita ng mga ito ay taliwas sa tunay na kalooban ng Dios. Bagaman bukambibig nila na kailangang ganapin ang mga Kautusan, ang kanilang mga pamumuhay ay malayo sa pagganap nito. Kaya’t sinabi ng Panginoon na ang mga aral ng mga Fariseo ay pagpapaimbabaw o pagpapakitang tao lamang. (Luk 12:1) Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa’t nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito’y pagpapaimbabaw nga.
Bilang halimbawa, sinabi ni Hesus, (Mat 23:25) Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka’t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa’t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan.
Sadyang hanggang salita lamang ang mga ito at hindi ginagawa maging ang kanilang nalalamang Dapat na ganapin. (Mateo 23: 2-3) Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. Lahat nga ng mga bagay na sa inyo’y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.
Hindi mabuti na makita sa atin ang pagpapaimbabaw o pagpapakitang tao. Bilang mga magkakapatid, makabubuting ipakita natin ang pamumuhay na naaayon sa katapatan at katotohanan. (1 Cor. 5:6-8) Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak? Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo’y maging bagong limpak, na tulad sa kayo’y walang lebadura. Sapagka’t ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga’y si Cristo: Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.
Kaya nga, upang tayo ay hindi mahadlangan ng mga bagay na ito, ano ang itinuturo ng Biblia na kailangan nating maunawa?
Hindi tayo lubos na makalalapit sa Dios kung patuloy tayong mapagtatagumpayan ng mga kahadlangang ito. Ipinayo ng Biblia, na alisin natin ang bawat anyo ng kahadlangan upang tuluyan tayong makapaglingkod sa Dios nang nararapat. Alisin natin ang bawat pasan na hindi naman ipinapapasan sa atin, gaya ng mga kasalanang patuloy na pumipigil sa ikapagigingdapat natin sa Dios. (Heb 12:1) Kaya’t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.
Sapagkat kung ang kasalanan ang magwawagi sa atin, alam nating masaklap ang magiging kabayaran nito. (Roma 6: 21-23) Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo’y ikinahihiya ninyo? sapagka’t ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan. Datapuwa’t ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan. Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
At sa halip na kasalanan ang pasanin ng bawat isa, bakit hindi natin pasanin ang tunay na ipinapapasan sa atin ng ating Dios, samakatuwid ay ang Kaniyang mga kalooban at mga Kautusan. (Mateo 11: 28-30) Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.
At labanan natin ng buong pananampalataya ang lahat ng uri ng kahadlangan na maaaring dumating pa sa ating mga buhay, yamang nalalaman nating ang Diablo ay hindi titigil hangga’t hindi tayo napagtatagumpayan. (1 Pedro 5: 6-8) Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya’y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
Sa tuwina ay lagi nating hilingin sa Dios sa pamamagitan ng panalangin na patatagin pa ang ating mga pananampalataya, na palakasin tayo sa ating mga kahinaan upang tayo ay hindi mahadlangan. Panatilihin natin ang palagiang pakikipag-ugnay sa Dios sapagkat tanging Siya lamang ang makakatulong sa atin upang tayo ay magtagumpay.
05 Sunday Feb 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Tags
Dios, God, Man, Paglilingkod, Paglilingkod sa Dios, Service to the Lord, Services, Tao
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang Nagtutulak sa Tao Upang Paglingkuran ang Dios
(To download, right click and save as – To listen click the play button below)
Other People’s Motives in Serving the Lord
(To download, right click and save as – To listen click the play button below)
03 Friday Feb 2012
Posted in Filipino Topics
Tags
Sa iba’t ibang layunin ay pinaglilingkuran ng mga tao ang Dios.
Iba-iba ang kadahilanan. Ang iba ay hango lamang ang layunin sa mga kinagisnang tradisyon at paniniwala. Ang iba naman ay naglilingkod sa Dios base sa sariling kagustuhan o kagustuhan ng mga mahal sa buhay.
Ngunit mayroong sadyang naglilingkod bunga ng pagtalima sa kalooban ng Dios. Ang mga ito ay sadyang naunawaan ang kahalagahan ng paglilingkod at ang magiging kahihinatnan nito. Ang paglilingkod ay isang pagkakataon na ibinibigay ng Dios sa bawat tao. Sa katunayan, nananawagan ang Dios sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan, na saliksikin ito, hanapin ang Kaniyang mga katuwiran, at sundin at talimahin ang Kaniyang mga kalooban at mga banal Niyang kautusan sapagkat ito ang pangunahing dahilan at layunin ng pagkakalikha sa ating mga tao.
Subalit, maraming mga tao ang tumanggi sa panawagang ito ng Dios. Marami ang naging bingi at bulag sa katotohanan at iwinalang kabuluhan ang Kaniyang mga salita.
At sa mga tumugon, sila ay inaring tapat ng Dios at inilagay sa paglilingkod sa Kaniya. (1 Tim. 1:12) Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka’t ako’y inari niyang tapat, na ako’y inilagay sa paglilingkod sa kaniya. At gaya ni Pablo, isang bagay itong dapat pasalamatan nang lubos sapagkat ang mabigyan ng pagkakataon na mapaglingkuran ang Dakilang Dios ay isang malaking karangalan.
Ang iba naman ay naglilingkod sa Dios dahil sa pakinabang na materyal.
Iniisip ng marami na kapag naglingkod sila sa Dios ay magtatamo sila ng mga pagpapala. Ganito ang kaisipan ng mga sinaunang naglilingkod sa Dios. Ayon sa mga nagsisipag-aral ng kulturang Hudyo, ang mga ito ay naniniwala na ang mga tunay na lingkod ng Dios ay Kaniyang pinagpapala sa buhay na ito sa mga materyal na bagay. Samantalang ang pagiging hikahos sa buhay na ito ay palatandaan ng paglimot sa mga palatuntunan ng Dios.
Ang kaisipang ito ay hindi nalalayo sa kaisipan ng Diablo. Naniniwala si Satanas na ang tao ay naglilingkod lamang sapagkat pinagpapala ito ng Dios sa buhay na ito. Ganito ang naging pagtingin niya sa lingkod ng Dios na si Job. Si Job ay matuwid at matatakutin sa Dios, sumusunod sa Kaniyang mga utos at humihiwalay sa kasamaan. Ngunit ang paniwala ni Satanas, naglilingkod lamang si Job sapagkat ang pagpapala ng Dios ay sumasagana sa kaniyang tahanan. (Job 1:9-10) Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain.
Hindi na nakapagtataka kung sa panahon nating ito ay maging ganito ang kaisipan ng mga tao. Noon pa man ay nalason na ng Diablo ang kaisipan ng marami. At ang naging pangunahing bitag ng Diablo ay ang mga bagay na materyal sapagkat nalalaman nito na ang kahinaan ng maraming mga tao ay mga bagay na materyal. Inakala tuloy ng marami na ang kabanalan o ang paglilingkod sa Dios ay paraan ng pakinabang at pagginhawa sa buhay. Ang mga ganitong kaisipan ay palatandaan ng kasalatan sa katotohanan. (1 Tim. 6:5) Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.
Subalit ganito nga ba ang katotohanan sa paglilingkod sa Dios?
Ano ang dapat nating maunawaan kung ganito ang magiging katuwiran ng maraming mga tao?
(1 Cor. 15:19) Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag. Maliwanag ang pahayag dito ni Apostol Pablo. Noon pa man ay sinabihan na niya ang mga kapatid sa Corinto na hindi tayo dapat maglingkod sa Dios dahil lamang sa pag-asang tutulungan tayo ng Dios sa buhay na ito. Kahabag-habag tayo sa paningin ng Dios kung ganito ang ating kaisipan. Hindi dapat na maging sangkalan ang paglilingkod para lamang magtamo ng mga bagay na materyal sa buhay na ito. Ang paglilingkod sa Dios ay espirituwal na bagay at ang tunay na kagantihan ng Dios sa mga taong tunay na naglingkod sa Kaniya ay buhay na walang hanggan.
Ngunit sa mga taong naglingkod at umasa lamang sa Kaniya sa buhay na ito ay sa buhay na ito lamang din ang kanilang magiging kagantihan. (Awit 17:14) Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon, sa mga tao ng sanglibutan, na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito, at ang tiyan nila’y pinupuno mo ng iyong kayamanan: kanilang binubusog ang kanilang mga anak, at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol. Pansinin nating ang kayamanang tinamasa ng bawat tao ay hanggang dito lamang sa lupa at hindi ito kaylanman madadala sa kanilang mga hukay. Ang kanilang mga naiwan ang makikinabang sa lahat ng kanilang mga pinagpagalan.
Anumang materyal na bagay o yaman sa mundo ay kumukupas at pansamantala lamang. At ang pagtataglay nito ay hindi palatandaan ng pagiging tunay na lingkod gaya ng paniniwala ng iba. Hindi din dapat maging saligan ang mga ito sapagkat ang mga ito ay may katapusan. Bagaman ang mga materyal na yaman ay maaaring gamitin sa gawang kabanalan at paglilingkod, makapaglilingkod pa din tayong mga tao kahit na salat tayo sa mga bagay na ito. Sapagkat ang kagantihang mula sa Dios ay ang manang walang pagkasira at walang dungis, hindi kumukupas, na walang iba kundi ang buhay na walang hanggan doon sa langit sa Kaniyang kinaroroonan. (1 Pedro 1:4) Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo.
Dahil dito, ano ngayon ang ipinapaalala sa atin ng Biblia?
Yamang alam nating may katapusan ang lahat ng mga bagay dito sa mundo, hindi tayo dapat na lubhang mangunyapit o lubos na magpakasakdal sa mga gawang pang-laman at materyal. Hindi dito sa lupa ang tunay na tahanan ng mga tunay na lingkod ng Dios kaya marapat lamang na ang maging pangunahin nating layunin sa buhay na ito ay kung paano mararating ang ipinangako ng Dios na buhay na walang hanggan. Ang wika ni Pablo, “ Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka’t ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa’t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.” (2 Corinto 4:18)
At lagi nating tandaan na sa buhay na ito ay kailangang maging handa tayo sa pagtanggap ng anumang pangyayaring maaaring dumating sa atin, mabuti man ito o hindi para sa atin. Sapagkat ang wika ng Biblia, hindi lamang mabubuting bagay ang ating tataglayin sa buhay na ito. (Job 2: 10) “Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?”
Ang mga lingkod ng Dios ay nahahanda sa pagdating ng anumang bagay sa kanilang buhay. At mananatili silang nagtatapat at nagbibigay ng ibayong kapurihan sa Dios bagaman buhay ang maging kapalit nito. (Filipos 1:20) Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma’y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.
Hindi hadlang ang karukhaan o kasalatan sa buhay na ito upang maipakita natin ang ating pagtatapat at paglilingkod. (2 Cor. 8:2) Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob. Sumagana nawa tayong lahat sa paggawa ng mga bagay na mabuti na Siyang kalooban ng Dios sa ating lahat.
22 Saturday Oct 2011
Posted in Filipino Topics
Ang pagpapasalamat ay isang gawa na mabuti hindi lamang sa paningin nating mga tao kundi maging sa paningin ng Dios. Isang mabuting bagay ang magpasalamat, lalo pa nga sa mga magagandang bagay na ating tinatanggap sa araw-araw.
Sa isang lingkod ng Dios, hindi masama na makasanayan na magpasalamat sa Dios sapagkat alam naman nating napakaraming bagay talaga na sadyang marapat ipagpasalamat sa Dios. Ang pagpapasalamat sa mga lingkod noong araw ay isang panatang nakasanayan nilang gawin bilang pagtugon sa kabutihan ng Dios sa kanilang buhay. Psa 61:8 Sa gayo’y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Hindi kaila sa mga lingkod ng Dios na Siya ang nagpapasan ng ating mga pasan sa araw-araw. Ibig sabihin, Siya ay laging nariyan para tumulong at umalalay sa atin sa tuwina. Psa 68:19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga’y ang Dios na siyang aming kaligtasan. Psalm 68:19 Praise the Lord, who carries our burdens day after day; he is the God who saves us.
Anupa’t napakaraming mga bagay na marapat nating ipagpasalamat sa Kaniya, gaya ng mga materyal na bagay na patuloy Niyang ibinibiyaya sa atin. Wika ni Hesus, Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? (Mat 7:11)
Ang Dios ang nagbibigay ng ating mga kakainin sa araw-araw, Mat 6:11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Mat 6:31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Mat. 6: 32b talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Maging ang ating buhay at lakas ay sa Dios pawang nagmumula. 1Ch 29:10-13 Kaya’t pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man. Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka’t lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat. Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. Kaya’t ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.
Sa maraming mga kapahamakan at kasamaan ay patuloy tayong inilalayo ng Dios. Patuloy Niya ding dinudugtungan ang ating buhay, at sa lahat ng mga ito, tunay na marapat pasalamatan ang Dios.
Ngunit ano ang isa sa Malaking Dahilan na dapat nating Ipagpasalamat sa Dios?
Kung mayroon man tayong malaking dahilan na dapat ipagpasalamat ay yaong tayo ay Kaniyang inaring tapat at inilagay sa paglilingkod. Gaya ni Pablo, ito ang lubos niyang ipinagpapasalamat sa Dios. 1Ti 1:12 Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka’t ako’y inari niyang tapat, na ako’y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
Ang pag-aaring tapat ng Dios sa Kaniyang mga lingkod ay nangangahulugan na pinagkalooban Niya ang mga ito ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Tinanggap Niya ang mga ito sa kabila ng kanilang mga nagawang pagkakasala sa Kaniya. At hindi Niya tiningnan ang dati nilang kalagayan, sapagkat taglay ng Dios ang pagpapatawad. Psa 130:3-4 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? Nguni’t may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
Kaya maibibilang na malaking kapalaran na marapat ipagpasalamat ang magkamit ng kapatawaran at tawagin ng Dios at ilagay sa paglilingkod. Rom 4:7-8 Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya’y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
Ang mga ito ay inaring tapat ng Dios at inilagay sa paglilingkod. Tinawag sila upang magbanal o gumawa ng kabanalan alang-alang sa kapurihan ng Dios. 1Co 1:1-2 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
Bukod sa Pagpapasalamat, paano pa natin dapat gantihin ang Dios?
Gaya ni Job, ang pagtanaw ng utang na loob Niya sa Dios ay hindi humahangga sa pagpapasalamat, nilakipan niya ito ng panata na handa niyang pagtapatan habang siya ay nabubuhay. Job 27:5-6 Malayo nawa sa aking kayo’y ariin kong ganap: Hanggang sa ako’y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat. Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako’y buhay.
Kaya, bagaman makaranas ng maraming pagsubok ang isang lingkod, at maging dahilan ito ng kaniyang pagkalugmok, babangon at babangon ito sa tulong ng Dios. Pro 24:16 Sapagka’t ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni’t ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
Handa nitong iwan ang dating pagkatao, palibhasa palatandaan ito na siya ay natuto sa mga katuwiran ng ating Panginoon. Eph 4:21-24 Kung tunay na siya’y inyong pinakinggan, at kayo’y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
At nalalaman natin na kung mayroon mang malaking dahilan para magbago at iwan ang dating pagkatao ang isang lingkod, sapagkat inilibing na ang dating pagkatao sa pamamagitan ng pagkakapako ng Panginoong Hesus sa krus. Rom 6:6 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan…
At kung mayrron mang kabayaran na maaaring maipagkaloob ang mga lingkod, iyon ay yaong ihandog ang kanilang mga sarili. Nangangahulugan ito na ang kanilang mga buhay ay ilaan sa paglilingkod at pagganap ng Kaniyang mga palatuntunan. Rom 6:13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
Ang katawan ay gagamitin sa pagganap ng Kaniyang mga kalooban na siyang pinaka-pagsamba sa Dios. Rom 12:1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
Tunay na wala tayong maibabayad sa Dios, maliban na nga na ang ating mga sarili ay ating ipaglingkod sa Kaniya, na ang natitira nating buhay at lakas ay gamitin natin sa ikapupuri Niya, sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaniyang karangalan, gaya halimbawa ng pangangaral ng Kaniyang mga banal na Salita.
Pagsikapan nating masumpungang lagi sa ikapupuri sapagkat dito lamang nagkakaroon ng kabuluhan ang ating pagiging lingkod.
14 Tuesday Jun 2011
Posted in Filipino Topics
Psa 100:2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Masayang maglingkod sa Dios.
Kahit maraming bagabag at tiisin, kapag naglilingkod tayo sa Kaniya, lahat kaya nating tiisin. Dahil ito sa pag-ibig natin sa Dios, at dapat lang naman na ito ang maipakita natin sa Kaniya. Hindi baga ang Dios ang unang umibig sa atin? Hindi pa tayo ipinanganganak ay inibig na tayo ng Dios.
Kaya naman, ang pag-ibig natin sa Kaniya ang nagtutulak sa atin upang tayo ay maglingkod na may kasayahan. Bakit kailangang may kasayahan? Paano kung kasalukuyang nakakaranas ng mga pagsubok at salaghati ng buhay? Maipapakita pa din ba natin ang kasayahan kung bagabag na ang puso?
Ang tunay na naaralan at natuto sa mga katuwiran ng Dios ay may kakayahang harapin ang lahat ng mga bagay na dumadating sa buhay. Alam naman natin na sa sanlibutang ito ay makakaranas tayo ng sari-saring kapighatian, kaya naman dapat ay laksan natin ang ating mga kalooban, ito ang ipinayo sa atin ng Panginoong Hesus, “ Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.” (Juan 16: 33)
Kung minsan, nagiging dahilan ang maraming mga hindi magagandang pangyayari sa buhay upang ang isang lingkod ay manghina, mawalan ng pag-asa at tumigil sa paglilingkod. Hindi dapat maging ganito. Ang pagpapakita ng panghihina ay palatandaan na hindi lumalago ang pananampalataya.
Alam natin na hindi lamang magagandang bagay ang maaari nating maranasan habang nasa sanlibutan tayo. Gaya ng pahayag ni Job, “Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2: 10) Kung ang mindset o laman ng isipan natin ay ganito, na tanggap nating hindi lamang tayo tatanggap ng mabuti kundi maging ng mga bagay na masasama o hindi magandang pangyayari, kung magkagayon walang bagay na hindi natin matatanggap sa ating buhay.
Ang nagiging Kasayahan sa kabila ng Kapighatian
Psa 1:2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
Kung tayo ay tunay na naglilingkod sa Dios, ang tunay na makapagbibigay sa atin ng kasayahan ay hindi ang mga bagay na pang-sanlibutan o materyal na bagay. Ang kasiyahan natin ay ang mga kautusan ng Dios. Ibig sabihin, ang pananatili sa pagtupad ng utos ng Dios ang susi upang ang kasiyahan ay mataglay natin kahit na nakakaranas pa tayo ng matitinding pagsubok sa buhay na ito.
At gaya nang pahayag ng Biblia, ang liwanag ng katuwiran ang magbibigay kasayahan sa atin. Psa 97:11 Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso.
Pansamantala lamang ang Lahat
Alam nating ang mga kasalukuyan nating nararanasan ay pansamantala lamang lahat. Lahat ng mga ito ay matatapos. Ito ang isa pa sa nagbibigay sa atin ng pag-asa at kasayahan habang naglilingkod sa Dios. Wala na siguro tayong hindi kayang tiisin kung ang lagi nating iisipin ay matatapos din ang lahat ng mga ito.
Alam nating higit sa lahat, ang pangako ng Dios, samakatuwid baga ay ang buhay na walang hanggan ay sadyang nakalaan sa mga magtatagumpay. At ang palatandaan ng nagtagumpay ay ang mga nakapanatiling naglilingkod at may kasiyahang ginaganap ang mga kautusan ng Dios.
Ang higit na nagbibigay sa atin ng pag-asa ay ang pangakong ito.
Rev 21:1 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
Rev 21:2 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
Rev 21:3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
Rev 21:4 At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
Nalalaman nating ang mga kapighatian na ating nararanasan sa kasalukuyan ay hindi marapat itumbas sa kaluwalhatiang ipagkakaloob sa atin ng Dios. Rom 8:18 Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
At sa katotohanan, hindi lamang naman tayo ang nakakaranas ng mga hirap sa sanlibutang ito. Masdan natin ang buong mundo, halos lahat ay humihibik sa tindi ng kahirapang patuloy na nararanasan. Rom 8:22 Sapagka’t nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.
Ang kaibahan natin, taglay natin ang pag-asa, kaya naman anuman ang ating nararanasan, nagpapatuloy tayong may kasayahang gumaganap ng ating mga tungkulin sa harapan ng Dios, na patuloy natin Siyang bigyan ng karangalan.
Rom 8:23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga’y tayo nama’y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba’t, ang pagtubos sa ating katawan.
Rom 8:24 Sapagka’t tayo’y iniligtas sa pagasa: datapuwa’t ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya’t sino nga ang umaasa sa nakikita?
Rom 8:25 Datapuwa’t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo’y hinihintay nating may pagtitiis.