Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang Mga Lingkod ng Dios na Kaniyang Iniibig
(Lokal ng Bahrain – June 9, 2012)
Click Play Button:
10 Sunday Jun 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Click Play Button:
08 Friday Jun 2012
Posted in Filipino Topics
Mahal tayo ng Dios.
Ito ang malimit nating madinig sa mga nangangaral ng Kaniyang mga salita. Sa katunayan, ang mga aral sa Biblia ang makapagpapatunay nang hindi masayod na pag-ibig ng Dios lalo pa nga sa Kaniyang mga lingkod.
Hindi lahat ng mga tao ay maituturing na Kaniyang mga lingkod. At hindi nagkulang ang Biblia sa pagpapakilala ng mga katangian ng mga lingkod ng Dios na Kaniyang iniibig. Paano sila ipinakilala ng Biblia? (Hebreo 10: 38) Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
Dalawang bagay ang dapat nating maunawaan sa talatang ito. Una, kapag sinabing mabubuhay sa pananampalataya, ang kahulugan nito ay ang pagsasabuhay ng mga salita ng Dios at paglakad sa Kaniyang mga kautusan at kalooban. Ang tunay na lingkod ay nagsasalita, nag-iisip at gumagawa ng mga bagay na ayon sa pananampalataya. Ikalawa, ang lingkod ng Dios ay hindi kaylanman umuurong. Hindi ito duwag sa anumang bagay na maaari nitong kaharapin sa kaniyang buhay. Ibig sabihin, mabubuhay at mamamatay ang isang lingkod na pinanghahawakan ang kaniyang pananampalataya.
Gaya ng lalaking si Job, ang isang lingkod ay matatakutin sa Dios at humihiwalay sa anumang anyo ng kasamaan. (Job 2: 3) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kaniyang pagtatapat… Taglay ng isang lingkod ang kaunawaan tungkol sa kung ano ang tama at kung ano ang mali, ang karapatdapat at hindi karapatdapat sa paningin ng Dios, at alam din niya kung ano ang magiging daan ng kaniyang pagkakamali. Nasa kaniya din ang unawa upang magawa kung ano ang kalooban ng Dios.
Ngunit hindi nangangahulugan na kung lingkod na ng Dios ay hindi na nagkakamali o nagkakasala. Sa Biblia, sinasabing walang matuwid na hindi nagkakasala. (Ecles. 7:20) Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala. (1 Juan 1: 8, 10) Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
Normal ang magkasala, huwag lamang itong sasadyain. At kung nagkasala man tayo sa Dios, kung taus-puso ang paghingi natin ng kapatawaran, ay Kaniya namang ipagkakaloob ang Kaniyang kapatawaran. Sabi nga ni Apostol Pablo, mapalad yaong ang kanilang mga kasalanan ay hindi ibinibilang ng Dios. (Roma 4: 7-8) Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya’y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
Sapagkat nang tawagin ang mga lingkod, sila ay inilagay sa iglesia ng Dios upang mangagbanal o magpakabanal sa lahat ng paraan ng kanilang mga pamumuhay. ( 1 Cor. 1: 1-2) Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
Bawat kaanib na nagsisikap gumawa ng kabanalan sa paningin ng Dios ay hindi makakatakas sa paggawa ng kamalian. Lamang, alam nating pagdating sa punto ng paggawa ng kasalanan, alam nating may kasalanang sinasadya, may kasalanang hindi sinasadya, may kasalanang hindi ikamamatay at may kasalanang ikamamatay.
Paano ipinadadama ng Dios ang Kaniyang pag-ibig sa mga lingkod Niyang nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay?
Ang pag-ibig ng Dios ay walang hanggan sa Kaniyang mga lingkod. Kalakip ng dakilang pag-ibig Niya ang pagkakaloob Niya ng kahabagan. Subalit hindi liko ang Dios na kunsintihin at pahintulutan ang Kaniyang mga lingkod na patuloy na nakagagawa ng pagkakasala. Mayroong kalooban ang Dios patungkol sa pagkakasalang nagagawa. Bagaman lingkod, kailangang magdaan sa pagdidisiplina ng Dios upang maituwid ang bawat kamaliang nagagawa. Ang pag-ibig ng Dios ay hindi nakikigalak sa kamalian.
Kaya naman, kung ang isang lingkod ay nagkakasala, makakaasa siya ng pagdidisiplina ng Dios. (Awit 89: 30-32) Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo’y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
Ang pagdidisiplina ng Dios ay pagtutuwid sa mga kamaliang nagagawa. Sa gayon, ang bawat nagkakasala ay matutong magsisi at manumbalik sa Dios. Sinumang gumaganap nito, sinumang nagsisisi at tumatanggap ng palo at pagsaway ng Dios ay inililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa tiyak na kapahamakan. (Kawikaan 23: 13-14) Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka’t kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya’y hindi mamamatay. Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
Gaya ng magulang sa kanilang mga anak, ang Dios ay may layuning maiwasto ang bawat nagagawa nating kamalian. Kaya naman, marapat lamang na tanggapin natin ang bawat parusang ipinagkakaloob ng Dios. (Kaw. 3: 11-12) Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka’t sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Bukod sa layuning pagtutuwid, hangad ng Dios na mailigtas ang Kaniyang mga lingkod sa tiyak na kapahamakan pagdating ng takdang panahon ng paghatol. Bawat isa ay haharap sa hukuman ng Dios sa araw ng paghuhukom, subalit ang mga lingkod ng Dios ay hindi kasamang hahatulan ng sanlibutang ito. Bukod na hahatulan ng Dios ang Kaniyang mga lingkod. At ang bawat kaparusahang tinatanggap sa ngayon ay kahabagan at pagibig ng Dios sa Kaniyang mga lingkod upang sila ay huwag mahatulang kasama ng sanlibutang ito. (1 Cor. 11: 32) Datapuwa’t kung tayo’y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
Kaya mapalad ang mga tumatanggap ng parusa sa ngayon, sapagkat tinatanggap nila ang pag-ibig at kahabagan ng Dios. (Awit 94: 12) Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. (Job 5: 17) Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya’t huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
Kaya naman, bawat aral na ating tinatanggap at naririnig ay paalala sa atin upang tayo ay sawayin ng Dios sa posibleng kamaliang ating nagagawa. Hindi tayo dapat magdamdam kung tayo ay tinatamaan sa bawat sermon na ating nadidinig. Ang mga aral ay inihahatid sa atin bilang palatandaan ng pagsaway ng Dios.
Kaya sa tuwing tayo ay makikinig, alamin natin ang dahilan at aral na ibig nitong ihatid sa atin sapagkat walang aral na mula sa Dios na ang layunin ay basta na lamang saktan ang ating kalooban. Ang layunin ng bawat aral ay upang dalhin tayo sa kasakdalan ng paglilingkod, tanglawan ang ating mga landas sa tamang paraan ng pamumuhay at paglilingkod at higit sa lahat, sawayin ang ating mga kamaliang nagagawa sa ikatutuwid ng ating mga pamumuhay sa paningin ng Dios.
Bilang mga magkakapatid, ano ngayon ang maaari nating magawa sa bawat isa upang matugunan natin ang pag-ibig na inuukol sa atin ng Dios?
Tungkulin ng bawat isa na paalalahanan ang kaniyang kapatid. Kung mahal natin ang bawat isa, hindi natin dapat kunsintihin ang anumang kamaliang nagagawa ng iba. Subalit, kailangang gawin natin ang lahat sa kaayusan. (Heb. 3: 13) Nguni’t kayo’y mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan: (1 Tim. 5: 11) Dahil dito kayo’y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa’t isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
Ang pagpapatibay, pangangaral at pagpapaalala ay ilan lamang sa mga pangunahing layunin ng kapatid sa kaniyang kapuwa kapatid. Bilang mga sangkap ng iisang katawan, tungkulin nating ingatan ang bawat isa at ito ay gagawin natin sa pamamagitan ng pagpapaalala sa isa’t isa. (1 Cor. 12: 25) Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa’t isa.
At dito’y naniniwala si Apostol Pablo na kung ang kapatid ay mayroong tunay na pagibig sa kaniyang kapatid ay walang dahilan upang hindi niya magawang paalalahanan ang kapatid. Bawat isa ay binigyan ng kakayahan sa pamamagitan ng mga kaalaman at kaunawaang tinatanggap natin mula sa mga salita ng Dios. (Roma 15: 14) At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa’t makapagpapaalaala naman kayo sa isa’t isa.
At kung ito ay magagawa natin, makikilala ng iba na ito ay palatandaan ng pagiging tunay na lingkod, samakatuwid baga’y kung mayroon tayong pagibig sa isa’t isa. (Juan 13: 34-35 ) Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa.
27 Sunday May 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
(Lokal ng Bahrain – May 25, 2012)
Click Play Button: