Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang Tagubilin ng Dios sa mga Nagsipasok sa Pintuan ng Langit
(Lokal ng Bahrain – August 5, 2012)
05 Sunday Aug 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
03 Friday Aug 2012
Posted in Filipino Topics
Mahalaga na maunawaan nating ang langit man ay may pintuan. Hindi nga lang ito gaya nang karaniwang nakikita natin sa mga pelikula, nababasa sa mga libro at kathang isip lamang ng mga tao. Ang pintuan ng langit ayon sa Biblia ay walang iba kundi ang “bahay ng Dios” na mababasa sa Genesis 28:17. “At siya’y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito’y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.”
Sa talatang ito ay mababasa natin ang pangitain na nakita ni Jacob sa kaniyang panaginip. Sa kaniyang panaginip ay nakita niya ang isang hagdan na mula sa lupa ay umaabot hanggang langit, at doon ay kaniyang nakita ang mg anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon. At doon ay ipinahayag sa kaniya ng Dios ang kapangakuan na ang kaniyang binhi ay dadami gaya nang pangako ng Dios sa kaniyang mga magulang na sina Abraham at Isaac, at higit sa lahat ay pangakong saan man siya pumaroon ay hindi siya iiwan ng Dios.
Ang bahay ng Dios sa Biblia ay ang Templong ipinagawa ni David, na siyang Templo sa Jerusalem. Subalit ang templong ito ay giniba at ilang beses na ipinatayo at muling giniba.
Pagdating ng Panginoong Hesus, sa Kaniyang pangangaral ay ipnakilala Niya na ang Kaniyang katawan ay templo. Kalaunan ay ipinaunawa Niyang ang iglesia na Kaniyang itinayo ay ang templo na Siya ang puno nito. (Hebreo 3: 4, 6 ) Sapagka’t ang bawa’t bahay ay may nagtayo; datapuwa’t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.Datapuwa’t si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.
At ang sinumang pumasok sa Kaniya ay makakasumpong ng kapangahingan, na ang kahulugan ay kung sinuman ang ibig na maging bahagi Niya o ng Kaniyang iglesia, ay makakasumpong ng kapayapaan at kapanatagan. (Juan 10: 7, 9) Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
Subalit ang pagpasok dito ay hindi magiging madali sapagkat ang pahayag ni Hesus ay makipot ang daan. Ang kagandahan nito, makipot man ang daan subalit ang patutunguhan nito ay ang buhay na walang hanggan. Ang utos ay malinaw, “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.” (Mateo 7: 13-14)
Sa mga nakasumpong at nakapasok na sa pintuang makipot, ano ang ibig ipaunawa ng Biblia?
Nang utusan tayong magsipasok sa makipot na pintuan (iglesia), sinabi ni Hesus na kailangan nating “magpilit” sapagkat marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi mabibigyan ng pagkakataon. Ang pagpupumilit ay nangangahulugan ng ibayong pagsisikap na maging bahagi ng iglesia o ng katawan ng ating Panginoong Hesus. Maraming gustong maglingkod sa Dios ngunit hindi pinahahalagahan ang pagpasok sa pintuang makipot (iglesia). (Lukas 13: 24) Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
Gaya nang pahayag hindi magiging madali ang pagpasok sa pintuang makipot, maraming magiging kahadlangan at nangangailangan ng malaking pagtitiis sa paglilingkod sa Dios. Sa pagtitiis ay makakasumpong tayo ng malaking kabanalan, at itinulot ng Dios na maranasan natin ang maraming tiisin upang makalikha tayo ng ibayong kabanalan.
Bukod sa mga pagtitiis, nariyan din ang mga kasalanang maaaring pumigil at humadlang sa atin. Siyempre, hindi titigil ang kalaban ng Dios hangga’t hindi tayo napagwawagian. Gagawin niya ang lahat para mahikayat tayong tumalikod sa Dios, at ito ay sa pamamagitan ng mga tukso at kaway ng sanlibutang ito na siyang pipigil sa atin na gawin ang kalooban ng Dios. Kaya naman, kailangan nating mapagtagumpayan ang mga pagkakasalang ito. (Hebreo 12: 1) Kaya’t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.
Bukod dito, hindi lahat ng mga naglilingkod sa Dios ay pare-parehong matitibay ang pananampalataya. Mayroong ilan na hindi pa nagiging lubos o ganap ang paniniwala at pag-asa sa Dios. Kaya naman, sa maraming mga bagay ay agad na nasusumpungan sa panghihina. Kumbaga sa katawan, marami ang masasaktin at agad na bumibigay kapag dinadapuan ng karamdaman. (1 Corinto 11:30) Dahil dito’y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
Dahil dito, hindi lahat ay nakapanatili sa makipot na pintuan (iglesia). Ang iba ay nagsitalikod sa pananampalataya bunga ng kahinaan, tukso at kaway ng sanlibutan. Ang iba ay nahikayat ng mga maling aral ng pananampalataya. At ang ilan ay naging kalaban ng mga tunay na aral ng ating Panginoong Dios. (1 Tim. 4:1; 2 Tim. 3:7-9)
Kaya naman, madaling sabihin na kung bilang ng mga maliligtas ang pag-uusapan, tiniyak ng Biblia na hindi ito marami, sapagkat ayon sa Biblia, “kaunti lamang ang makakasumpong niyaon.” At sino ang mga kaunting ito na sinasabi ng Biblia?
Maliwanag ang pahayag, ang nagpipilit na makapasok sa makipot na pintuan ay mabibigyan ng malaking pagkakataon upang masumpungan ang buhay. Ibig sabihin, kapag ang tao ay hindi man lang nagsikap, o hindi pinahalagahan ang panawagang ito ng Panginoon, huwag umasa ang taong yaon na makakasumpong siya ng buhay.
Ang pagpasok sa makipot na pintuan (iglesia`) ay nangangahulugan ng ibayong pagsunod sa kalooban ng Dios. Ang pagtalima sa kalooban ng Dios ay hindi magiging madali, sapagkat kailangan ang malaking sakripisyo upang maganap ito. Sinumang sumusunod sa kalooban Niya ay kailangang talikuran ang sariling kagustuhan, at pasanin ang krus na ipinapapasan ng Panginoon. (Lukas 9: 23) At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Ang pagsunod sa Dios ay pagpasan ng krus sa lahat ng araw ng buhay. Hindi minsan lamang sa isang taon o kung kailan lamang natin maisipan kundi sa lahat ng pagkakataon.
At ang sinumang naghahangad na sumunod at tumalima sa kalooban ng Dios ay walang magiging katuwiran o dahilan sa sarili. Lahat ng bagay ay isasakripisyo natin kung gusto nating maging karapatdapat sa Kaniya. Ang magiging pangunahin sa atin ay walang iba kundi ang paglilingkod sa Dios at pagganap ng Kaniyang mga kalooban. Magiging ikalawa na lamang sa atin ang mga bagay na dati ay inaakala nating mahalaga gaya ng mga mahal natin sa buhay, negosyo, kabuhayan at mahahalagang gampanin. (Lukas 9: 59-62) At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa’t siya’y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama. Datapuwa’t sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa’t yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios. At ang iba nama’y nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwa’t pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.
Bukod sa mga sari-saring sakripisyo, tatanggapin din natin ang pag-uugaling itinakda sa loob ng iglesia samakatuwid ay ang pagpapakabanal sa lahat ng paraan ng pamumuhay. Bawat miyembro kung gayon, ay tatalikod sa dating pagkataong sumama dahil sa pandaraya ng kaaway ng Dios. Ang Banal na Espiritu ng Dios ang tutulong sa atin upang magawa natin ito. (1 Tim. 4:7-8) Datapuwa’t itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: Sapagka’t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni’t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
Hindi magiging madali ang pagsasanay sa kabanalan. Bibilang ito ng mga panahon at ng maraming pagsubok at pagtitiis. Dadalawin tayo ng mga hindi karaniwang pagsubok ng buhay kaya nangangailangan tayo ng katapangan at katatagan upang harapin at pagtagumpayan ang mga ito. Sa lahat ng mga ito ay layunin ng Panginoong Dios na palitawin ang tunay nating pananampalataya. (1 Pedro 1: 6-7) Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama’t ngayo’y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli’t muling pagsubok, Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
Bakit kailangang pagtagumpayan ang lahat ng mga ito?
Gaya nang pahayag ng Biblia, ang mga pagsubok ay tinatawag na matuwid na paghuhukom ng Dios sa Kaniyang bahay. Noon pa man ay nararanasan na ito ng mga unang naglingkod sa Kaniya. Ang layunin ng Dios ay upang bukod na mahatulan ang mga lingkod upang hindi mapasama sa itinakdang araw ng paghuhukom ng mga mabuti at masama. Ang paghuhukom ng Dios ay paraan ng Kaniyang pagpili upang sinumang makapagtagumpay ay mapabilang sa mga pagkakalooban ng pangakong gantimpala, ang buhay na walang hanggan. (1 Pedro 4: 17-19) Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios? At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap? Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
Dahil dito ano ang ipinapayo sa atin ng Biblia?
“Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sakaniyang laman; At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios; Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig, Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka’t tapat ang nangako:” (Hebreo 10: 19-23)
Ang payo ng Biblia ay malinaw, na huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa ating lahat na napabilang sa Kaniyang katawan (iglesia). Ingatan natin ang pagkakilala ng ating pagasa sa pamamagitan ng pagpapakita ng lubos na pananampalataya at pagtalima sa Kaniyang mga kalooban.
Alalahanin nating walang papasok sa kaharian ng Dios na anumang bagay na marumi (Apoc.21: 27). Ngayon pa lamang ay imarka na natin sa ating mga puso at isipan na ang tanging paraan upang makapasok doon ay ang pagpapakabanal sa lahat ng paraan ng ating mga pamumuhay. At anumang anyo ng kasamaan at kaway ng sanlinbutan ay ating iwasan at iwaksi.
Ipinayo ni Apostol Pablo na tumakbo tayo o maglingkod na may pagpipigil. Hampasin natin o disiplinahin ang ating mga sarili sapagkat kinakailangan ito upang makapagtagumpay tayo. (1 Corinto 9: 25-27) At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira. Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.
15 Tuesday Nov 2011
Posted in Filipino Topics
Sinumang maanib sa Iglesia ng Dios ay nagkakaroon ng Bagong Pagkatao.
Pagkatao na nilalang sa kabanalan at katotohanan ng mga salita ng Dios.
Eph 4:24 At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
Ang pagkatao na nilalang sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan ay ilan lamang sa magiging kaakibat na pagkakakilanlan ng sinumang maaanib. Ngunit isa sa mga pagtutulad ni Apostol Pablo na ginawa sa lahat ng mga maaanib sa iglesia ay ang pagtutulad sa mga sangkap ng katawan.
Ang katawan ay IISA ngunit napakaraming mga sangkap nito. Bawat isa ay mahalaga sa kaniyang sarili at nagtutulong-tulong sa bawat pagkilos ng katawan.
Rom 12:4 Sapagka’t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Rom 12:5 Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa’t isa.
Ang katawan na tinutukoy dito ni Apostol Pablo ay hindi karaniwang katawan lamang, kundi ito ay tumutukoy sa katawan ni Kristo, na siyang iglesia. 1Co 12:27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa’t isa’y samasamang mga sangkap niya. 1Co 12:28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.
At gaya ng sangkap ng ating mga katawan, lahat ng mga ito ay minagaling ng Dios. Siya ang pumili, siya ang naglagay ng lahat ng mga sangkap na ito ayon sa kaniyang kagamitan o tungkulin. Bawat isa ay mahalaga. 1Co 12:18 Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. 1Co 12:20 Datapuwa’t maraming mga sangkap nga, nguni’t iisa ang katawan.
At kung paanong ang bawat sangkap ng katawan ay mayroong kani-kaniyang gamit, ang iglesia ng Panginoon ay gayundin. Ang iglesia bagaman iisang katawan ay maraming mga gawain. At gaya ng katawan, hindi lamang iisa ang sangkap nito. Mayroong iba’t ibang mga sangkap sa iglesia.
Mapapansin, na ang katawan ay kumikilos sa pagkakaisa. Anuman ang ginagawa ng katawan, kumikilos ito sa tulong ng iba’t ibang sangkap nito upang maisakatuparan ang kaniyang gawain. Kapag may sangkap na na hindi nakikiisa, halimbawa’y nagkaroon ng depekto sa sangkap ng katawan, gaya nang pagkakasakit, nahihirapan sa kabuoan ang katawan.
Gaya ng sinasabi ng kasabihan, “ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan.”
Ito ay sa kadahilanang ang mga sangkap ng katawan ay kumikilos ayon sa pagkakaisa nito. At kung ang ilang sangkap o kahit isang sangkap nito ay hindi makikiisa, magkakaroon ng kahirapan sa pagkilos nito.
Sa iglesia, ang tawag dito ay pagkilos o paggawa sa iisang espiritu. 1Co 12:4 Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwa’t iisang Espiritu. 1Co 12:11 Datapuwa’t ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa’t isa ayon sa kaniyang ibig.
Bakit ang mga sangkap ng Katawan ang pinagkunang halimbawa sa bawat kaanib ng iglesia?
Ang bawat naanib sa iglesia ay ibinibilang na sangkap ng katawan. Gaya nang katawan, ang bawat sangkap nito ay kaisa sa layunin ng kabuoan nito. Ginawa ito ng Dios upang huwag mag-isip ang bawat sangkap na hiwalay sa layunin ng kabuoan ng katawan.
Sinabi ni Pablo, 1Co 12:17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. 1Co 12:18 Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
Kung magkakani-kaniya ng galaw ang mga sangkap, ano ang mangyayari?
Hindi magkakaroon ng magandang “inter-action” sa pagitan ng iba pang mga sangkap. Ganito ang nangyayari kapag nagkakaroon ng depekto o sakit ang ibang mga sangkap ng katawan. Kapag hindi na ito kumikilos ng maayos napipinsala at nadadamay ang ibang sangkap.
Halimbawa, kapag naputukan ng ugat o veins ang tao, bagaman ito ay maliit na sangkap lamang ng katawan, malaki ang nagiging epekto nito sa kabuoan ng katawan.
Ang iglesia na siyang katawan ni Kristo ay mayroon ding ganitong pagkakatulad. 1Co 12:26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.
Kaya nga tinawag ang mga kaanib sa isang katawan o iglesia sa layuning magkaroon ng pagkakaisa. Kung magkakani-kaniya ang mga sangkap, hindi nito natutugunan ang layunin ng pagkakatawag. 1Co 12:25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa’t isa.
Kaya tungkulin ng bawat isa na ingatan ang kaniyang kasangkap, ang kaniyang kapatid sa pananampalataya, kung magkagayon ay huwag mabahagi ang katawan o iglesia kundi kumilos ito nang ayon sa kalooban ng Dios o ayon sa kaniyang pagkakatawag.
Kaya bawat isa ay mamahalin ang bawat kasangkap. Tinatawag ito na “fellowship in the church.” Pag-iingatan sa isa’t isa, pagmamahalan sa isat’ isa bilang mga sangkap ng iglesia ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng bawat sangkap. Eph 5:29 Sapagka’t walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
Pansinin natin kung paano minahal ni Kristo ang iglesia, sa gayunding paraan Niya ibig na ang bawat sangkap ay magmahalan.
Ang lubos na layunin ay upang ang bawat sangkap ay maging lapat sa isa’t isa. Bawat isa ay magkakapatid at ang Dios ay ang ating AMA. Hangad Niya na makita tayo sa pagkakaisa, pagmamahalan at kapayapaan.
Eph 4:16 Na dahil sa kaniya’y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa’t kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa’t iba’t ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
11 Saturday Jun 2011
Posted in Filipino Topics
Tags
Ano po ba ang kaugnayan ng Iglesia sa daan, sekta o relihiyon? Niliwanag po ba ang mga ito sa Biblia? Ang karaniwang pagkakamali ng maraming mga tao tungkol sa iglesia ay pinapakahulugan nila itong kapilya o edipisyo o gusali. Kapag tinanong natin sila, hindi nila alam ang kaibahan ng kapilya at ng iglesia.
Ang iglesia ay nagmula sa salitang ekklesia na ang katumbas o kahulugan ay kalipunan na mga taong nagtataglay ng pananampalataya at napakalayo nito sa kahulugan ng kapilya. Ang kapilya ay ang gusali na pinagkakatipunan. Sa pagkakataong ito ay liliwanagin natin ang ugnayan ng iglesia, sa daan o sekta ng relihiyon.
Samantala, ang salitang SEKTA ay mula naman sa Middle English na secte, mula sa Old French na secta, na ang kahulugan ay course, school of thought and from a feminine past participle of sequ which means to follow. Ang sekta ay grupo ng mga tao na nabuo mula sa mga malalaking grupo bunga ng pagkakaiba iba ng paniniwala o gawi. Ang sekta ay grupo din ng relihiyon, na humiwalay mula sa malaking grupo o denominasyon.
Ang salitang RELIGION naman ay mula sa Middle English na religioun, mula din sa Old French na religion, at sa Latin na relegio, o religion, tinatawag ding relegare na ang kahulugan ay muling itali o iugnay. Pinaniniwalaang ito ay mga paniniwala o pananampalataya sa isang Makapangyarihan sa lahat na Siyang Maylikha ng lahat. Kinapapalooban ito ng mga paniniwala, katuruan, at mga gawi hango sa mga Banal na pagtuturo.
Sa ilang mga grupo ng pananampalataya, o yaong mga tinatawag na non-sectarian, ang relihiyon diumano ay hindi mahalaga para sa kanila. Para sa kanila ang pinaka-importante ay ang tamang pagkakaroon ng ugnayan o relasyon sa Dios.
Gaya nang pakahulugan dito, ang relihiyon ay nangangahulugang italing muli. Ito ay isang kaparaanan o proseso ng pagtatali o pag-uugnay sa pagitan nating mga tao at ng Dios. Nang mahulog ang mga unang tao sa pandaraya ng Diablo, pumasok ang kasalanan, at gayundin ang kamatayan.
Rom 5:12 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala:
At sapagkat ganito ang naging kalagayan nating mga tao, na naging mga patay tayo dahil sa ating mga kasalanan at kabiguan, pumasok si Hesus upang tayo ay magtamo ng kaligtasan. (Efeso 2: 5) Ang kahabagan ng Dios ang nagligtas sa atin. Lamang, nangangailangan na tayo ay maiugnay muli sa Dios sapagkat ang ating mga kasalanan ang nagpapahiwalay sa atin mula sa Kaniya.
Ang relihiyon na nangangahulugang muling pakikipag-ugnay ay gayon ang gagawin sa atin. Binibigyan tayo ng pagkakataon ng Dios, sa pamamagitan ng relihiyon na magkaroong muli ng ugnayan sa Kaniya. Samakatuwid ang tamang pagrerelihiyon ay paraan ng tamang pagkikipagugnay o pakikipagrelasyon sa Dios.
Sa panahon ng mga Apostol, mayroong mga ilang mga tinatawag na sekta, na gaya ng kahulugan nito ay mga grupo na nagmula sa mga relihiyon. Ang relihiyon ng mga Hudyo ay nahati sa mga sekta na gaya ng sekta ng mga Pariseo at mga sekta ng mga Saduceo. Si Apostol Pablo, bago tawagin sa iglesia ng Dios ay aminadong kaanib siya sa sekta ng mga Pariseo, isang mahigpit na sekta ng relihiyon sa kaniyang kapanahunan.
Act 26:5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
Samantala, ang DAAN, na siyang pamamaraan ng pamumuhay ay inilalarawan din bilang sekta o grupo. Ito ang naging paliwanag ni Apostol Pablo kapag tinatalakay niya ang tungkol sa mga iniisip ng iba patungkol sa daan o sa sekta.
Act 24:14 Nguni’t ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
Act 26:5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
Act 26:6 At ngayo’y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang;
Ano ngayon ang kaugnayan ng iglesia ng Dios sa daan, sekta at relihiyon?
Ayon kay Pablo, ang iglesia ng Dios na kaniyang ipinangangaral ay ang SEKTA o DAAN na kaniyang inuusig nang siya ay nasa sekta pa ng mga Pariseo.
Act 22:4 At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
Upang bigyang liwanag ang sekta o daan na kaniyang inusig, sinabi niya,
Gal 1:13 Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
Maliwanag dito, na ang daan o sekta na kaniyang pinag-uusig ay walang iba kundi ang iglesia ng Dios na siyang katawan ng ating Panginoong Hesus, na kinabibilangan ng mga taong tumanggap sa Kaniyang mga salita at sumampalataya.
Col 1:24 Ngayo’y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
Col 1:18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia; (a)
Col 1:14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
Ipinaliwanag pa ito ng lubusan ni Pablo sa 1 Corinto 12: 27-28,
1Co 12:27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa’t isa’y samasamang mga sangkap niya.
1Co 12:28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.
Ano ang katunayan na dito nga tinawag si Pablo?
1Co 1:1 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,
1Co 1:2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
Sa aklat ng mga Gawa, isinaysay ni Pablo ang pagkakatawag sa kaniya sa iglesia ng Dios. Naalala niya ang tinig, na nagsasabing “ako si Hesus na iyong pinag-uusig.” Magugunitang ang inusig niya ay ang iglesia ng Dios – ang mga kaanib nito. Nangangahulugang ang pag-uusig sa iglesia ay nangangahulugan ng pag-uusig kay Hesus, sapagkat ang iglesia ay katawan ni Hesus. Hindi maaaring paghiwalayin ito.
22 Saturday Jan 2011
Posted in Filipino Topics
Tags
1Co 1:26 Sapagka’t masdan ninyo ang sa inyo’y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
1Co 1:27 Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
1Co 1:28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
1Co 1:29 Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
Walang makakaharap sa Dios at magsasabing may pagkakapuri sa sarili na lahat ng bagay na kaniyang taglay ay mula lamang sa kaniyang mga kamay at lahat ay kaniyang tinatamasa bunga ng kaniyang sariling pagsisikap.
Sinumang tawagin ng Dios ay bunga lamang ng Kaniyang kahabagan. Walang sinuman na maaaring makapagmalaki sa Kaniya.
Maraming pagkakataon, kapag ang pananampalataya ng bayang Israel ay humihina, ang Dios ang gumagawa ng kaparaanan upang ipaalala sa kanila ang kanilang pakikipagtipan sa Kaniya. Sa tuwina ay laging namamagitan ang Dios upang ipaunawa sa kanila ang kanilang mga pagmamapuri at kakulangan ng pananampalataya.
Sa pasimula pa lamang ng paglalang ng Dios, pilit nang ini-aangat ng sangkatauhan ang kanilang sarili sa Dios sa pamamagitan ng pagpili at pagsunod sa kanilang sariling kagustuhan sa halip na ang gawin ay ang kalooban ng Dios.
Napaka-simple lamang ng kalakaran ng Dios.
Kailangan nating maunawa bilang mga tao na tayo ay nagtataglay ng mga kakulangan, kapintasan at kahinaan. Ang mga ito ay sapat nang dahilan upang maintindihan natin na ang ikaliligtas natin ay hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap lamang. Kailangan natin ang habag na magmumula sa Dios para matamo natin ang kaligtasan.
Kapag lubos na nating nauunawaan na ang pagliligtas ay nasa kamay ng Dios, dito natin makikita ang ating mga sarili na lubhang kay baba kumpara sa Dios. Subalit hindi naman tayo dapat mag-alala, ang katangian ng mga pinipili ng Dios ay ang mga mabababa, ang mga may kakulangan.
Sila yaong mga taong hindi nakikita ang kanilang sarili bilang matataas, kundi mababa sa paningin ng Dios, na ang kanilang kalagayan ay sintaas lamang ng tinutungtungan ng kanilang mga paa.
At dahil mababa ang tingin nila sa kanilang mga sarili, hindi na sila nahihirapang makisama sa kanilang kapuwa kapatid sa pananampalataya na kapuwa may gayunding pagtingin sa kanilang mga sarili.
Ang pagiging mababa ay katangian ng Dios at ipinakita Niya ito sa Kaniyang ginawang pagkakatawang-tao sa pamamagitan ni Hesus. Php 2:5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman: Php 2:6 Na siya, bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Php 2:7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: Php 2:8 At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
Sa maraming pagkakataon, ipinakita ni Hesus ang pagiging malapit Niya sa mga mabababa ang kalagayan, sa mga makasalanan na handang magsisi at magbalik-loob sa Dios.
Sa kabilang banda, ayaw ng Dios ng may nagmamapuri. ito ang dahilan kung kaya’t mas pinili Niya ang mga mabababa ng sanlibutang ito, yaon ay upang hiyain ang mga nagmamataas at nagmamapuri.
Ito din ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay nagtataglay ng kahinaan.
Ang kahinaang ito ay sapat na dahilan upang huwag tayong manangan sa ating mga sarili lamang kundi dapat lamang na umasa sa kapangyarihan at kahabagan ng Dios.
08 Saturday Jan 2011
Posted in Christian Teachings