Ang mga Nangatuto sa Panginoong Hesus (Last part)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo,” for date August 31, 2014)

honour_roll

Ang pagkatuto ay proseso.

Pagkatapos na marinig ang mga aral, kailangang tanggapin at sampalatayanan ang mga ito nang buong puso. Bago tanggapin, kailangang malinaw na nauunawaan ang mga aral at kung ito ay ganap nang matanggap, kailangang ihanda ang puso at kalooban ng sinumang nagtaglay nito.

Bakit kailangan ang paghahanda? Ang puso at kalooban ay kailangang maihanda sapagkat ito ang magpapakita ng pagkukusa upang ganapin ang mga aral na natutunan.

Ipinakikita ng isang taong natuto ang pagbabago sa kaniyang sarili base sa kaniyang mga natutuhan. Kung ang isang tao ay hindi kinakitaan ng pagbabago, kung magkagayon, ang taong yaon ay hindi tunay na natuto.

Ang tunay na natuto ay kinakikitaan ng malaking pagbabago, gaya nang sinabi,“Kung tunay na siya’y inyong pinakinggan, at kayo’y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.” (Efeso 4:21-24) 

Bunga ng aral na tinanggap, babaguhin nito ang ating pagkatao. Mula sa masamang paraan ng pamumuhay ay ibibihis ang bagong pagkatao na ayon sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Maging sa pananalita ay magkakaron ng malaking pagbabago, “Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa’t isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa. Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig” (Efeso 4:25, 29) 

At lahat ng negatibong paguugali at gawi ay aalisin natin sa ating mga sarili, sapagkat ang ibinubunga ng mga salita ng Dios ay kabanalan, kalinisan at kabutihan lamang. (Efeso 4:31-32)

Higit sa lahat, ang tunay na natuto ay lumalayo sa lahat ng uri ng kalikuan at kasamaan. Ang nananatili sa kalikuan ay hindi palatandaan ng natuto. Ang tunay na natuto ay may tatak na ganito, “Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.” (2 Timoteo 2:19)

Hindi lamang ang mga ito ang kanilang nilalayuan, kundi maging ang mga pinanggagalingan ng mga katitisuran at pagkakabahabahagi (Roma 16:17-18). 

Paano pa makikilala ang tunay na natuto sa aral ng Panginoong Hesus?

Ang sinumang natuto ng katuwiran ay nagkakaroon ng kakayahan upang siya naman ay makapagturo din naman sa iba (2 Timoteo 2:24-26) Nagagawa niyang patibayin, hindi lamang ang kaniyang sarili, kundi maging ang ibang kapatid na nangangailangan ng pagpapayo, pagtutuwid at pagpapalakas-loob.

Sabi nga ng Biblia, “Turuan mo ang pantas, at siya’y magiging lalong pantas pa:iyong turuan ang matuwid, at siya’y lalago sa pagkatuto.” (Kawikaan 9:9) Ibig sabihin, ang bawat natuto ng mga aral ay lalo pang lalago sa kaalaman, sapagkat nasa kanila ang pagsisikap at paghahangad na lalo pang maunawa ang lahat ng mga kalooban ng Dios.

Makikilala silang lubos na natuto sapagkat magsisilbi silang ilaw na nagliliwanag sa gitna ng magulo at madilim na sanlibutang ito (Mateo 5:16), at sa ganito ay lalo nilang nabibigyan ng kapurihan at karangalan ang Dios.

Paano naman yaong mga hindi natuto sa mga aral ng Panginoong Hesus?

Hindi lahat ng mga nakapakinig ng aral ng Panginoong Hesus ay dinatnan ng pagkatuto. Kumbaga sa pag-aaral, hindi lahat ng nag-aaral ay pumapasa at natututo sa kanilang mga pinagaaralan. Ang ilan ay bumabagsak at hindi umaabot sa pamantayan.

Sa Biblia, mayroong mga taong walang pagkatuto. Mayroong mga tao na pilitin man nating alisin sa kanila ang kanilang kamangmangan ay hindi ito hihiwalay sa kanila (Kawikaan 27:21-22). Ang dahilan, sapagkat mayroong mga tao na nahihirapang tumanggap ng pagsaway. Ang totoo, ayaw talaga nilang magpasaway. Ang mga ganito kahit kailan ay hindi matututo. (Kawikaan 15:10)

Mayroon pa nga na kahit pilitin nilang mag-aral nang lubos, na gumugol man sila nang maraming panahon sa pagsasaliksik, ngunit ayaw naman nilang magpasakop sa katuwiran ng Dios, at ang sinusunod nila ay ang kanilang sariling kaisipan, kailan man ay hindi pa din sila makakarating sa pagkatuto (2 Timoteo 3:7-8).

Ang ganito karaniwan ay hindi nakakalagpas sa pandaraya ng diablo, ang kalaban ng Dios. Ito ang kaniyang sinasamantala. Kaya maraming mga tao ang hindi makawala sa silo at pandaraya ng Diablo sapagkat tamad silang alamin ang katotohanan.

Gaya nang hula sa huling araw, “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.” (1 Timoteo 4:1)

Kaya nga’t pinaaalalahanan tayo ng mga araling ito. Magingat tayo sa ating sarili, magingat tayo sa mga aral na nagliligaw lamang sa atin. Huwag tayong maging mga mangmang (lalo pa nga sa mga daya ng Diablo) kundi unawain natin ang kalooban ng Dios.

Sundin natin ang payo, “Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka’t ang mga araw ay masasama. Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.” (Efeso 5:15-17)

 

 

Posted in Filipino Topics | Tagged , | Leave a comment

Ang mga Nangatuto sa Panginoong Hesus (Part 8)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo,” for date August 28, 2014

soldier_in_sunset-1600x900

Mapapalad ang mga Mapagpayapa

Ang salitang mapagpayapa (peacekeeper) ay may kahulugan na isang taong nagpapanatili at nagsasauli ng kapayapaan, maaaring siya ay namamagitan upang matamo ang kapayapaan. Ang halimbawa nito ay mga sundalo, pulis at ilang personahe ng militar na ipinapadala upang maging kinatawan sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Ang salitang mapagpayapa (peacemaker) ay maaari ding mangahulugan ng isang tao, o grupo ng mga tao o bansa na ang layunin ay pagkaisahin ang dalawang grupo na nagkakaroon ng hidwaan, away o ‘di pagkakaunawaan. Sila din ay mayroong tungkulin na patigilin ang kaguluhan, away, sigalot o digmaan.

Sila kaya ang tinutukoy ng ating paksa na ipinahayag ng Panginoong Hesus? Sinabi Niya, “Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng Dios.” (Mateo 5:9)

Ang isang mananampalataya ay maaaring maging mapagpayapa.

Subalit paano tayo magtataglay ng katangiang ito? Una sa lahat, kailangan munang sa atin masumpungan ang kapayapaan. Hindi tayo maaaring maging tagapamagitan ng dalawang pangkat na hindi nagkakaunawaan kung sa sarili mismo natin ay wala ang kapayapaan.

Ikalawa, kailangang matutunan natin ang kahatulan (sound judgment). Dahil ang magiging tungkulin natin ay tagapamagitan alang-alang sa kapayapaan, ang pagkaunawa sa kahatulan ay mahalaga (Awit 119:7, 30, 66). Ang pagtataglay nito ay makakatulong upang huwag tayong magkaroon ng pagkiling sa sinuman.

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, pagbabasa at pakikinig ng mga katuwiran o salita ng Dios ay matututunan natin ang kahatulan.

Ikatlo, kailangan nating magkaroon ng kredibilidad (Kawikaan 19:10). Ibig sabihin, kailangang maayos ang ating buhay, na kailangang ayon ito sa mga katuwiran ng ating dakilang Dios. Sa pamamagitan nito, ay magkaroon ng kapangyarihan ang ating tinig sa kanilang ating pinag-aayos.

Kailangan ding magkaroon tayo ng buong kamalayan sa pangyayari o sitwasyon (awareness). Bago tayo mamagitan sa dalawang panig, tiyakin nating alam natin ang lahat ng pangyayari. Kung magkagayon, ay magkaroon tayo ng ganap na kamalayan (Kawikaan 25:8).

Kailangan din ang ugaling hindi madaling magalit (Kawikaan 15:18). Makakatulong na mayroon tayong ganap na pagpipigil sa ating mga sarili, sapagkat ang namamagitan ay kailangang siyang unang kakitaan ng kapayapaan at kahinahunan.

Sa punto ng pagpapayo sa magkabilang panig, makabubuting piliin natin ang ating sasabihin. Mas mainam na gumamit tayo ng mga salita mula sa mga Banal na Kasulatan, upang matiyak nating ang ating sasabihin ay matuwid at ayon sa katuwiran.

Sabi nga ng Biblia, “Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan, Pangungusap na magaling, na di mahahatulan; upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.” (Tito 2:7-8)

Sa paghatol o pagpapasiya sikapin naman nating maging matuwid sa pagsasagawa nito. Huwag tayong magtatangi ng tao. Huwag tayong magliliko pagdating sa paghatol. Gaya nang pahayag, “Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan: inyong didinggin ang maliliit, na gaya nang malaki.”(Deuteronomio 1:17)

Sinabi din ng Biblia, “Huwag kang magliliko ng paghatol: huwag kang tatangi ng mga pagkatao: ni kukuha ng suhol: sapagkat ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.” (Deuteronomio 16:19)

Sa kabuuan, kung ibig naging maging tagapamagitan at maging simbolo ng kapayapaan, maging tapat tayo una sa ating mga sarili, sa ating mga kapuwa at higit sa lahat ay sa harap ng ating dakilang Dios.

Sa lahat ng mga katuruang ito, sino sa mga kapatid ang tunay na nangatuto sa Panginoong Hesus? … sa susunod

Posted in Filipino Topics | Tagged , | Leave a comment

The People who Learned from Christ (part 7)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo” for date August 24, 2014 – Fourth Sunday)

Blessed are the Pure in Heart

 Health insurance or love concept

No one had ever seen God. However, one of the conditions of seeing God, is described by Christ,

“Blessed are the pure in heart, for they will see God.” (Matthew 5:8) 

If we want to see God, we better have a clean and pure heart!

But how does a person possess a clean and pure heart? What does it mean to have a pure heart?

We usually hear from people that they are kind to others, that they don’t step on others’ rights, and that they don’t do bad things and take advantage of others. But, are those proofs of having a pure heart?

The meaning of the word pure is anything that has no dirt and blemish. In the Bible, there is no righteous person that did not ever sin in his or her life. People sin and become dirty in the sight of the Lord.

A person becomes clean through washing of water and spirit, that is, by the words of God through Baptism in the church of God.

Once a person is cleansed through Baptism, he will now have a chance to become holy in the sight of God, and sanctification is done through the words of God. The Bible says, “Sanctify them by the truth; your word is truth.” (John 17:17)

In order for us to become fully pure, what do we need to possess and ask to the Lord? King David tells us the answer to this, “Create in me a pure heart, O God, and renew a steadfast spirit within me.” (Psalms 51:10)

The heart can be pure only if there will be a complete change of spirit inside us. We need to be totally controlled by the will of God. The change can only happen if we let the power of God totally control us.

If until now, we are controlled by our own ways, we can never have a pure heart; we can never change. The contents of the heart are always against the will of God.

That’s why it is important to ask the Lord to change the spirit within us, and make our hearts pure and clean. Also, we need to ask Him to prepare us in abiding His will and commands. Only through these ways we can have a pure heart.

How do we know that a person has a pure heart?

It is easy to say that we have a clean heart. However, having a pure heart, which is inside is manifested outside, that is, by our deeds. The Bible says, “He who has clean hands and a true heart; whose desire has not gone out to foolish things, who has not taken a false oath.” (Psalms 24:4)

Anyone who has a pure heart does not go to foolish and evil things. Jesus Christ explains that a clean heart should be evident inside and out. He says, “Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You are like whitewashed tombs, which look beautiful on the outside but on the inside are full of the bones of the dead and everything unclean. In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:27-28) 

A pure heart is not self-righteous and not full of hypocrisy and wickedness.

Therefore, if we desire to have a pure heart, we should avoid being corrupted by the wickedness of this world or any form of evil thoughts. There were some who have clean hearts, but eventually corrupted because they lost control of their selves. Apostle Paul tells us, “To the pure, all things are pure, but to those who are corrupted and do not believe, nothing is pure. In fact, both their minds and consciences are corrupted.” (Titus 1:15)

God expects us to keep away from all sorts of corruptions. We have to keep away from dirt if we really want to have a clean life… and it starts in the heart.

What more do we need to understand? … To be continued

Posted in Christian Teachings | Tagged , , | Leave a comment

The People who Learned from Christ (part 6)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo” for date August 21, 2014, Fourth Thursday)

Blessed are the Merciful

Grace Before Dying

The Bible tells us that anything we sow, we shall reap. If we sow love, love will return to us. Otherwise, if we sow hatred, hate will also come back to us.

One of the topics in Jesus’ Sermon on the Mount, tells us that, if we are merciful, we shall obtain mercy too, “Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.” (Mateo 5:7)

Being merciful is one of God’s greatest attributes. Because of His love and mercy, He doesn’t punish people right away every time they commit mistakes and sins.

His overflowing mercy gave us a chance to repent and move closer to Him. The Bible says, “For I will be merciful to their unrighteousness, and their sins and their iniquities will I remember no more.” (Hebrews 8:12) 

It doesn’t matter how sinful we are in the past, as long as we come to Him and make the right repentance, His mercy will surely follow and make our sins disappear. The Bible says, “Come now, and let us have an argument together, says the Lord: how may your sins which are red like blood be white as snow? how may their dark purple seem like wool.” (Isaiah 1:18)

God’s mercy and love is eternal and will not last, because that’s who He is. He is a God of love and mercy, especially to His beloved children. (Psalms 86:15; Isaiah 49:15 at Lamentations 3:22)

However, how can we show that we possess God’s mercy?

As a person, we can show we have God’s mercy in a number of ways. God’s parable about the Good Samaritan doesn’t only tell about love for others. It shows how we can be merciful to others too (Luke 10: 30-36).

In the story, we can see that the status of life cannot hinder us to show mercy and help others in need. The Samaritan, being one of the lowest members of the society, because of being a result of intermarriage of a Jew and a Gentile, is more than willing to help the wounded person.

Samaritans are always being lowly treated in the society. They are almost at the bottom, only next to the Gentiles. But their status in life did not change how the Good Samaritan treats others. Everyone has a chance therefore to show mercy and help others in need. And this is one of the things that Christ wants us to learn on this message.

However, it is not the only way that we can be merciful.

Apostle Jude tells us about showing mercy to those who are in doubt, and to those who are being misled, to snatch them out of the fire (Jude 22-23), and sharing them the faith that we have received can do this.

This is done through preaching the words of God. If we can be part of the propagation of the Gospel of Christ, then we are helping others to be saved. Christ tells us that there are some sheep that are still lost, and they are needed to be found and be placed in one flock, which is the church of God (John 10:16).

And so, everyone is encouraged to be part of sharing the words of God to others. It can be by attending evangelical missions, prayer meetings, visitations, and by opening our hearts by way of helping financially to the missions of the church. The contributions of the members of the church constantly help others to know the teachings of God.

 

Besides these things, what is the other thing that we need to understand? … To be continued

 

 

Posted in Christian Teachings | Tagged , | Leave a comment

The People who Learned from Christ (part 5)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo” for date August 17, 2014, Third Sunday)

Blessed are those who Hunger and Thirst

Hand reaching for water.

When did it happen that it is a blessed thing to experience hunger and thirst?

If this teaching of Christ will be heard by people who are suffering from poverty and hunger, they will not be happy. For sure, they would disagree and they would say that it has never been fortunate for them to experience it.

How come did Jesus say that they are blessed? “Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied.” (Matthew 5:6)

Notice that what Jesus said was not the hunger for food or thirst for drinks. It is not the hunger that poverty stricken people experience or the hunger that sluggish people feel.

The hunger and thirst is for the food coming from the words of God, which is the righteousness of God that can come from the Holy Scriptures.

Blessed are those who hunger or thirst for the words of God, because they will be filled and be satisfied – this would mean that they will be enriched with the knowledge and wisdom of God’s teachings.

The will of God is that He desires all people to know the truth and be saved (1 Timothy 2:3). Anyone who hungers for knowledge of God would surely be given.

In fact, this is what Christ gave to the Samaritan woman whom He talked in the well, “But whosoever drinketh of the water that I shall give him shall never thirst; but the water that I shall give him shall be in him a well of water springing up into everlasting life.” (John 4:14)

In the eyes of God, these people who receive the words of God with faith are the true blessed. If we receive and believe in His words, which are the true righteousness, this will lead us to the promised eternal life.

We shall never hunger nor thirst, because what He will give us is the eternal life, a blessing that we can never find and experience in our life on earth.

This is what Christ told to His disciples, And Jesus said unto them, I am the bread of life: he that cometh to me shall never hunger; and he that believeth on me shall never thirst.” (John 6: 35)

Therefore, we are truly blessed that we were called unto his church, the church of God. We are blessed because we embraced and believed the teachings of our Lord Jesus Christ.

Apostle Paul tells something about this, that we need to be thankful about the blessedness of our calling. There are a lot of things that we need to be thankful for, but we are thankful the most because of the knowledge given to us. He says, “I thank my God always on your behalf, for the grace of God which is given you by Jesus Christ; That in every thing ye are enriched by him, in all utterance, and in all knowledge.” (1 Corinthians 1:4-5)

This blessing is indeed a great fate, that because of Jesus Christ, we were able to grow in knowledge, in holiness and in righteousness.

However, it is not enough that we are thankful of this blessing. We need to show that we were really taught of His teachings by showing Him our complete obedience to His will and commands, and that we do not possess self-righteousness, instead, we are acknowledging His will in our lives. (Philippians 3:9)

Besides this, what more do we need to understand from our Lord Jesus Christ? … To be continued

 

 

 

 

Posted in Christian Teachings | Tagged , , , | Leave a comment

Ang mga Nangatuto sa Panginoong Hesus (part 7)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo” for date August 24, 2014 – Fourth Sunday)

photo from: http://emmanuellegomez.files.wordpress.com/2011/08/i__ll_give_you_my_heart.jpg

Mapapalad Silang may Malinis na Puso

Wala pang taong nakakita sa Dios. Subalit isa sa mga kundisyon para makita Siya ay yaong ipinahayag ng Panginoong Hesus, “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios.” (Mateo 5:8)

 Kung ibig nating makita ang Dios, dapat magtaglay tayo ng malinis na puso!

Ngunit paano magkakaroon ng malinis na puso ang isang tao? Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng malinis na puso?

Malimit nating marinig sa marami, na sila naman ay mabuti sa kanilang kapuwa, na wala naman silang pine-perhuwisyong tao, at wala naman silang ina-agrabyado. Ito kaya ay batayan para masabing mayroon tayong malinis na puso?

Ang kahulugan ng salitang malinis ay walang bahid nang dungis o dumi. At sa Biblia, wala namang tao na nagpapakasakdal at hindi nagkakasala, o hindi man lamang nadudumhan. Lahat ng tao ay nagkakamali, kaya lahat ng tao ay maaaring maging madumi sa paningin ng Dios.

Ang tao, ayon sa Biblia ay nagiging malinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig at ng salita ng Dios. At ito ay ginagawa sa pamamagitan ng Bautismo sa iglesia ng Dios.

Sa sandaling ang tao ay makapaglinis na sa pamamagitan ng Bautismo, mayroon na siyang pagkakataon na maging banal sa paningin ng Dios, at ang pagpapakabanal ay sa pamamagitan ng mga salita ng Dios, gaya nang sinabi, “Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.” (Juan 17:17)

 At upang malubos ang pagiging malinis ng isang lingkod, ano ang kailangan niyang hilingin at taglayin sa kaniyang sarili? Gaya ni haring David, hiniling niya sa Dios na likhaan siya ng malinis na puso, “Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.” (Awit 51:10)

 Upang magkaroon tayo ng malinis na puso, kailangang mabago ang taglay nating espiritu sa loob natin sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kalooban ng Dios. Ang pagbabagong ito ay magaganap lamang kung hahayaang magkaroon ng kapangyarihan sa atin ang mga salita ng Dios.

Kung sariling kagustuhan pa ang nasusunod, hindi natin magagawang magbago. Hindi magiging malinis ang ating puso kahit kailan, sapagkat laging ang laman ng puso ng tao ay pakikipag-alit laban sa Dios.

Kaya nga, importanteng hilingin sa Dios na baguhin ang espiritung nasa ating kalooban, at hilingin na likhaan tayo ng malinis na puso. Hilingin din natin ang kahandaang magpasakop sa Kaniyang mga kalooban at kautusan. Tanging sa ganito lamang paraan tayo magkakaroon ng malinis na puso.

Paano makikilala ang mayroon nang malinis na puso?

Madaling sabihin na malinis na ang pusong taglay natin. Subalit lahat ng ito ay dapat makita sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan. Ang may malinis na puso ay mayroong mababang kalooban, “Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan.” (Awit 24:4)

Gaya nang aral ng Panginoong Hesus, ang may malinis na puso ay malinis sa labas at ang kaloob-looban nito. Walang halong pagpapanggap, gaya nang ginawa ng mga Eskriba at Fariseo na Kaniyang malimit na tuligsain. Sinabi Niya, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.” (Mateo 23:27)

Ang mga ganito ay nag-aaring ganap at malinis lamang sa kanilang sarili, ngunit nananatiling madumi sa paningin ng Dios. Sila’y nagaanyong matuwid lamang sa harap ng mga tao, ngunit puno pala ng katampalasanan at pagpapaimbabaw (Mateo 23:28).

Kaya kung nagiibig tayo na magtaglay ng malinis na puso, dapat umiwas tayong mahawa ng maraming karumihan ng kaisipan at ng kasamaan sanlibutang ito.

Mayroong nagiging malinis sa paningin ng Dios, datapuwat sa kawalan ng pagiingat ay nagagawang magpakahawa sa mga karumihan, gaya nang pahayag, “Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis:datapuwa’t sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.” (Tito 1:15)

Kaya inaasahan ng Dios na tayo ay lalayo sa lahat ng mga bagay na nakakahawa at nagagawang padumihin ang ating puso na nagsisikap na maging malinis sa paningin ng Dios.

Ano pa ang isa sa mahalagang katuruan mula sa Panginoong Hesus? … Sa susunod

Posted in Filipino Topics | Tagged , | Leave a comment

Ang mga Nangatuto sa Panginoong Hesus (part 6)

(From the sermon entitled, “Ang mga Kapatid na Nangatuto sa Panginoong Hesukristo” for date August 21, 2014, Fourth Thursday)

Mapapalad ang mga Mahabagin

mercy

Biblia ang nagturo sa atin, na anuman ang ating itinanim, ay siya nating aanihin. Anuman ang ipinakita natin sa ating kapuwa ay siya din nating tatanggapin.

Kung mabuti ang ipinakita natin, mabuti din ang babalik sa atin. Kataliwas nito, kung masama ang ating ibinigay, ay masama din ang ating tatanggapin.

Ito ang diwa ng ating pagtalakay sa katuruan ng Panginoong Hesus tungkol sa isang katangian ng Dios na dapat taglayin ng Kaniyang mga lingkod. Sinabi ni Hesus, “Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka’t sila’y kahahabagan.” (Mateo 5:7)

Ang pagiging mahabagin ng Dios ang isa sa pinakadakilang biyaya na maaari nating matamo bilang tao. Dahil sa habag at pagibig Niya sa atin, anuman ang ating nagagawang kasalanan o kalikuan ay hindi Niya agad pinarurusahan.

Ang Kaniyang habag ang nagtutulak upang bigyan tayo ng pagkakataon na magsisi at manumbalik sa Kaniya. Gaya nang pahayag, “Sapagka’t ako’y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.” (Hebreo 8:12)

Na anuman ang ating nagawang pagsalansang, gaano man ito kabigat o kalalim, hindi ito magiging hadlang upang makamit ang Kaniyang kahabagan at kapatawaran. Ganito ang sinasabi sa Isaias 1:18, “…bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa.”

Ang Kaniyang kahabagan at kaawaan ay walang hanggan at hindi nauubos, sapagkat Siya ay Dios na puspos ng kahabagan at pagibig, lalong lalo na sa Kaniyang mga minamahal na mga anak. (Awit 86:15; Isaias 49:15 at Panaghoy 3:22)

Subalit, paano natin maipapakita na taglay natin ang kahabagan na katangian ng Dios?

Bilang tao, sa maraming bagay ay maaaring ipakita natin ang pagiging mahabagin. Isa sa nagtuturo ng pagiging mahabagin ay ang talinhaga ng Panginoong Hesus tungkol sa Mabuting Samaritano (Lukas 10:30-36).

Sa kasaysayang yaon, makikita natin na hindi mahalaga ang kalagayan natin dito sa sanlibutan upang hindi natin maipakita ang pagiging mahabagin sa ating kapuwa. Magugunitang ang pagiging Samaritano ay lahi na bunga ng pagsasama ng Hudyo at ng Gentil. Mababa ang kalagayan nito sa lipunan at kadalasan ay hindi pinakikitunguhan ng mga Hudyo sa kanilang kapanahunan.

Subalit, ang mga api at aba ay mayroong pagkakataon na magpakita ng kahabagan at kabutihan sa kapuwa. At ito ang ibig ng Panginoong Hesus sa ating lahat, na matutunan nating gumawa ng mabuti sa lahat, anuman ang ating kalagayan sa buhay.

Ngunit hindi lamang sa ganito tayo maaaring magpakita ng kahabagan. Sinabi ng Biblia na ang pangangaral o pagtulong sa pangangaral ng mga salita ng Dios ay isang paraan ng pagpapakita ng habag sa kapuwa. Sinabi ng Biblia, “At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan; At ang iba’y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.” (Judas 22-23)

Ibig sabihin, ang maging bahagi ng pangangaral ng salita ng Dios ay pagpapakita ng habag sa kapuwa, sapagkat ang mga salita ng Dios ay magliligtas sa atin at sa kanila na didinig at sasampalataya.

Kung ito ay magawa natin, hindi lamang naipapakita natin ang ating malasakit sa kanila, kundi nagagawa nating matagpuan ang mga tupang wala pa sa kulungan o sa iglesia na itinayo ng ating Panginoong Hesus (Juan 10:16).

Kaya’t bawat isa ay hinihikayat na maging bahagi ng pangangaral, ito man ay sa pamamagitan ng pagdalo sa mga gawain, pagdalaw sa mga kapatid, pulong panalangin, at maging bukas ang ating puso sa pagtulong lalo pa nga sa pinansiyal na bahagi upang patuloy pang maihatid ang mga katuwiran sa lahat ng nangangailangan. Ang ambag ng isang kapatid ay malaking tulong sa gawaing inilulunsad ng mga Tagapangaral.

Bukod dito, ano pa ang isang mahalagang katuruan ng Panginoong Hesus na dapat nating matutunan? … Sa susunod

Posted in Filipino Topics | Tagged , , | Leave a comment