Sino si Satanas?

Marami ang hindi sigurado kung ano ang kanilang papaniwalaan. Nakikita nila ang diablo na parang isang karakter lamang na pang-fairy tale – na isang nilikhang may pulang anyo, na may pakpak ng paniki at buntot na matulis, na laging may dalang malaking tinidor at naninirahan sa lugar na maraming apoy. Maraming tao ang ganito ang paniniwala sa kaniya at hindi seryoso ang pagkakilala sa kaniya. Mayroong nga bang diablo? At kung mayroon man, saan siya nagmula? Ano ang kaniyang papel, layunin at plano? Isa ba siyang tunay na nilalang o kumakatawan lamang sa lahat ng uri ng kasamaan?

Paano inilarawan ng Biblia ang diablo? Inihayag ng Biblia na mayroong isang makapangyarihan, na nagawang dayain at kontrolin ang lahat ng kasamaan sa daigdig. Tinawag siya ng Biblia na diablo – at Satanas. Maraming mga pagdurusang nararanasan ng tao ay dahil sa kaniya. Ngunit hindi inisip ng mga tao ang ganitong pananaw tungkol sa diablo o ‘di kaya naman ay hindi alam kung saan kukuha ng kasagutan. Sa kasalukuyan, marami ang nagtatawa sa konsepto na mayroong literal at pisikal na diablo, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga kahirapan at pagdurusa na nakikita natin sa paligid. Ngunit ano ang katotohanan? Mayroon nga bang diablo?

Saan tayo maaaring kumuha ng kasagutan? Isa lamang ang tiyak na makapagbibigay ng tunay na paliwanag tungkol sa diablo, kung sino at ano siya? Ipinaliwanag ng Biblia ang lahat tungkol sa diablo at ang lahat ng paniniwala na hindi tiyak kung mayroon nga bang diablo ay pawang haka lamang o alamat. Sa Biblia ay ipinaliwanag ang pinagmulan ng diablo, at maging ang kaniyang mga kasamang mga demonyo at matutuklasan natin na sila ay tunay na gaya naman natin na tunay na nag-eexist.

Ano ang sinasabi ng Biblia? Sinabi ni HESUS na ang diablo ay isang tunay na nilalang, at kung tinatanggap natin si HESUS at ang Biblia, kung ganun ay kailangan din nating tanggapin na mayroon ngang diablo. Ang Ebanghelyo, ang unang apat na aklat sa Bagong Tipan, ay ipinakikilalang ang diablo ay kaaway ni HESUS, na ang layunin ay ibagsak at hadlangan lahat ng kaniyang mga panukala at mga gawa. Bago ilunsad ni HESUS ang Kaniyang ministeryo o pangangaral, sinikap ni Satan sa pamamagitan ng panunukso na daigin si HESUS at hadlangan sa Kaniyang layunin (Matthew 4:1-11; Luke 4:1-13).

Ang Apostol na si Pedro, na nakaranas din ng pakikipagpunyagi sa diablo (Matthew 16:21-23; Luke 22:31-32), ay nagbigay ng babala sa atin na magpuyat, magbantay at manalangin laban sa ating kalaban na diablo. 1Pe 5:8  Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Ang babalang ito ni Pedro ay upang tulungan tayo na maintindihan na ang diablo ay hindi lamang kalaban ni HESUS, kundi gayundin naman nating mga tagasunod ni HESUS, na ang layunin ay silain. Sa English ay “to devour” o kainin, kaugnay ito ng sumpa sa ahas sa Genesis 3: 14 na ang kaniyang magiging pagkain ay ang lupa – ang tinutukoy ditong lupa ay tayong mga tao. Ang pagsila sa tao ay hindi literal na kainin ang mga tao, kundi ang kahulugan nito ay hilahin ito sa paggawa ng masama at mailayo sa tunay na DIOS.

Mula umpisa hanggang katapusan, ang Biblia ay nagpapahayag na ang diablo ay kaaway ng sangkatauhan. Matutuklasan natin sa Biblia kung gaano kalaki ang paghahangad ng diablo na makuha ang mga tao, lalo na ang mga lingkod ng DIOS, sapagkat kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya – Apoc. 12: 12.

Ang pangalang SATAN, gaya ng pahayag sa Biblia, ay mula sa salitang Hebrew na ang kahulugan ay  “adversary” – the enemy, opponent, antagonist, foe. Ang verb forms naman ng panggalan na ito ay nangangahulugan na “accuse,” “slander” and “be an adversary” (Anchor Bible Dictionary, Vol. 5, 1992, “Satan,” p. 985). Ang Devil ay mula naman sa salitang Greek na diabolos, na sa salitang ugat na ito nagmula ang salitang diabolical, na ang inilalarawan ay tungkol sa bagay na masama o kasamaan. Ang salitang Diabolos ay may kahulugang “an accuser, a slanderer” (W.E. Vine, Vine’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words, 1985, “Devil, Devilish”).

Nakita natin na halos magkatugma ang kahulugan ng salitang Hebreo na Satan at ang Greek word na diabolos. Sa katunayan, ang Septuagint, na siyang pinakamatandang Greek translation ng Lumang Tipan, ay isinalin ang salitang Satan sa Greek word na diabolos. Kapuwa nangangahulugang  “slanderer” or “accuser” Ang parehong Hebrew at Greek terms ay ginamit sa New Testament upang ipatungkol sa kaaway ng sangkatauhan.

Hindi lamang ito ang inihayag ng Biblia tungkol sa katangian ng diablo. Sinabi ni HESUS na si Satanas ay “sinungaling at ama nito” at “walang katotohanan” sa kaniya – Juan 8: 44. Sa pamamagitan ng kaniyang pandaraya at kasinungalingan ay nagagawa niyang magtagumpay sa maraming mga tao. Ang kalakhan ng kaniyang kasinungalingan at impluwensiya ay naging daan upang ipahayag ni Apostol Juan na siya, ang Diablo ang “dumadaya sa sanlibutan” (Apoc. 12:9) Ano ang kahulugan nito? Ano ang ibig ihayag ng Dios sa atin nang ipahayag Niya na ang diablong ito ay dumadaya ng sanlibutan? Ano ang implikasyon at epekto ng mga salitang ito?

Ang Pagbagsak ng mga Unang Tao

Paano dinadaya ng diablo ang sanlibutan? Saan ito nagpasimula? Ang kasaysayan ay nagpasimula sa mga unang taong nilikha. Gaya nang pahayag sa aklat ng Genesis, nilikha ng Dios si Adam at Eve, na inilagay sila sa napakagandang paraiso na tinawag na hardin ng Eden. (Genesis 1:26-27; 2:7-8). Doon ay pinasimulan ng DIOS na magkaroon ng ugnayan sa mga unang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng utos (Genesis 2:16-17).

Ngunit, mayroong nangyari na nagkaroon ng pagbabago sa ugnayan na ito sa pagitan ng tao at ng DIOS. “Ang ahas nga [ang diablo - Revelation 12:9; 20:2] ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? (Gen.3:1)

Sinabi ng DIOS kay Adam at Eve na makakain nila ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy sa Eden, maliban sa isa – ang puno ng pagkakilala sa mabuti at masama (Genesis 2:16-17). Sinabi Niyang sila ay mamamatay sa sandaling kainin nila ang bunga.

At si Satanas, na nasa anyong ahas, ay pumaroon sa babae (Eve) at kinontra kung ano ang sinabi ng Dios sa kanila: Gen 3:4  At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Gen 3:5  Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.

At naniwala ang babae(Eve) sa ahas. Kinain niya ang bunga at ibinigay ito sa lalake(Adam.) Sa pagkakataong yaon ay kapuwa nakagawa sina Adam at Eve ng isang pangyayari na siyang sinimulang tularan ng sanlibutan – ang piliing magpasiya sa ganang kanilang mga sarili, na siyang nagdala sa kanila sa ilalim ng mapandarayang kapangayarihan ni Satanas(1 John 3:10), sa halip na sa katotohanan ng DIOS. Ang buhay ng tao ay nagpasimulang magbago simula noon. Ang kasalanan – paglaban sa kautusan ng DIOS – ay pumasok sa sanlibutan(Romans 5:12). Ngayo’y inaani ng sangkatauhan ang malagim na bunga nito.

Ang pagsuko ni Adam at Eve sa impluwensiya ni Satanas ay siyang naging pasimula ng “kasalukuyang kasamaan” (Galatians 1:4). Nagawa ni Satanas na ipasok ang kaniyang mga pandaraya sa ugnayan ng DIOS at sa Kaniyang mga nilikhang tao. Nagawa niya ito sa pamamamagitan ng pangungumbinsi na nagsisinungaling sa kanila ang DIOS tungkol sa pagkain ng ipinagbabawal na prutas, at sa pamamagitan nito, sa kasaysayan ng sangkatauhan ay naihayag na siya ay hindi lamang kaaway ng DIOS kundi ng buong sangkatauhan.

Naging batayan ni HESUS ang insidenteng ito sa tuwing makakaharap Niya ang mga may ibig na sirain at hadlangan ang Kaniyang mga gawa at mga salita – mga mamamatay tao na ibig Siyang patayin lalo na nang ipahayag Niya na SIYA at ang AMA ay IISA. Nalalalaman ni HESUS ang pinagmulan ng kanilang mga hangarin: Joh 8:44  Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.

Si Satanas ay tunay na mamamatay-tao mula pa nang una. Bagaman hindi kailangan na literal o pisikal niyang saktan sina Adam at Eve upang patayin. Nalalaman niya na kung mahihila niya ang mga taong ito sa kasalanan- sa pagsuway sa kautusan ng Dios – ay magbubunga sa kanila ng kamatayan. (Romans 6:23). Ang kaniyang mga kasinungalingan – mga pandaraya – ay tuwirang nagpataglay kay Adam at Eve ng kalagayang ikamamatay. Sa pamamagitan ng paghila sa lahat ng mga tao sa ganoon ding kaparaanan ng paglabag at pagsuway sa mga kautusan ng Dios. malaki ang papel na ginagampanan ni Satanas sa mga tao mula pa sa panahon nina Adam at Eve (Romans 5:12).

Sinabi ni HESUS na si Satanas ay “sinungaling at ama nito.” Ang kaniyang kasinungalingang pandaraya ang nagdala ng kasiraan sa ugnayan ng mga tao sa Dios. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ni Adam at Eve – ang pagyakap sa pandaraya ni Satanas upang hilahin ang tao sa kasalanan, naputol nito ang ugnayan natin sa ating Panginoong DIOS at hudyat upang lalo tayong mangailangan ng kaligtasan sa pamamagitan ni HESUS. (Isaiah 59:1-2; Romans 3:23-24; Acts 4:12).

Ang sangkatauhan ay patuloy na sumunod sa mga hakbang na iniwan nina Adam at Eve malaon nang panahon. Nalalaman ni Satanas, sa pamamagitan ng daya, na tayong mga tao ay patuloy na makagagawa ng paglabag sa kalooban ng Dios gaya nina Adam at Eve, at ito ay bunga ng kanilang nagawang paglabag na siya din namang nagiging padron sa ating kapanahunan. (Romans 5:10; 8:7; Ephesians 2:1-3).

Bakit puno ng pagdurusa ang sanlibutan? Ang sagot, gaya nang pahayag ng Biblia, ay simple: Kung ano ang ating itinanim ay siya nating aanihin, “Huwag kayong padaya” ang sabi ni Apostol Pablo. “ang Dios ay hindi napabibiro, anuman ang ating ihasik ay siya nating aanihin.” Sinuman na maghasik sa kaniyang buhayna puno ng pagkakasala ay aani ng kapinsalaan. (Galatians 6:7-8, NIV). Ang ating mga gawa, ginawa at ginagawa ay nagbubunga at mayroong kapalit. Maraming mga pagdurusa, hirap at sakit na nararanasan ng mga tao ay bunga ng kanilang mga maling desisyon, maling pasiya at paggawa. Madalas, bagaman hindi yaon ang hangarin natin ay nauuwi sa masamang kapalaran ang ating mga kilos at pagpapasiya.

Kung sasaliksikin natin ang mga pangunahing dahilan ng pagdurusa ng mga tao, malalaman natin na may pinagmulan ang mga ito. Karaniwan, ang pangunahing dahilan ay ang KASALANAN- ito man ay kasalanan ng isang tao o ng ibang tao – at ang paghihirap at pagdurusa ang karaniwang nagiging bungang kapalit ng mga pagkakasalang yaon. Sa pamamagitan ng pandaraya at paghila sa mga tao sa paggawa ng kasalanan, nagawa ni Satanas na hawakan ang buong sanlibutan na puno ng kasinungalingan, pagdurusa at kamatayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers