RELIABLE BA ANG NEW TESTAMENT?
Upang lalo po nating makilala kung sino si HESUS, hindi lamang po ang BIBLIA ang sinisikap nating siyasatin. Sapagkat sinabi po mismo ni HESUS na marapat saliksikin ang mga kasulatan na MAGPAPATOTOO tungkol pos a KANIYA.
Joh 5:39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.
At sapagkat ang BIBLIA po, lalong-lalo na ang New Testament ay ang nagpapahayag ng buhay, ministeryo at mga sinalita ni HESUS, sisikapin po nating alamin kung “reliable” po ang mga ito. Sapagkat marami din po ang naniniwala na ang New Testament ay hindi na po masasabing “reliable.”
Sa ibang religion po ay sinasabi nilang ang New Testament ay “corrupted” na daw po. May katunayan po ba sila na ang mga ito ay “corrupted” nga?
Kung mapapatunayan po nila ay maaari natin itong paniwalaan. Subalit sisikapin po nating tuklasin at saliksikin mula po mismo sa mga Bible Scholars at sa mga Biblical Archaeologists ang “reliability” ng New Testament.
Noong July 2000, ang ABC News anchorman na si Peter Jennings ay nasa Israel at ipinalalabas ang isang television special tungkol kay Jesus Christ. Sa kaniyang programa na may title na “The Search for Jesus” ay bumangon ang mga katanungan kung ang New Testament ay masasabing tumpak pagdating sa mga sinasabi ng kasaysayan.
Ipinalabas ni Jennings ang mga opinion tungkol sa mga Gospel Accounts mula kay DePaul professor John Dominic Crossan, kasama din ni Crossan ang tatlo mula sa kanilang grupo na Jesus Seminar at dalawa pang Bible Scholars. (According to jesusseminar.org, “The Jesus Seminar was organized under the auspices of the Westar Institute to renew the quest of the historical Jesus. At the close of debate on each agenda item, Fellows of the Seminar vote, using colored beads to indicate the degree of authenticity of Jesus’ words or deeds.”)
Ang ilan sa kanilang naging mga komento ay nakakagulat. Ipinapalabas sa national TV ang kanilang mga naging pahayag. Hindi lamang nabanggit ni Dr. Crossan ang kaniyang pagdududa sa halos 80 porsiyento ng mga pahayag o sinalita ni HESUS, kundi hindi din nila pinapaniwalaan ang pagpapakilala ni HESUS bilang DIOS, ang mga himala at ang pagkabuhay na mag-uli.
Bunga nito, si Jennings ay totoong namamangha sa mga inilalarawan ni Dr. Crossan tungkol kay HESUS.
Searching for true Bible history is always news, which is why every year Time and Newsweek go on a cover story quest for Mary, Jesus, Moses, or Abraham. Or—who knows?—maybe this year it will be “Bob: The Untold Story of the Missing 13th Disciple.”
Pinalalabas ni Dr. Crossan na ang mga original accounts tungkol kay HESUS ay binago ng mga oral traditions at hindi diumano naisulat hanggang sa pagkatapos na mamatay ang mga Apostol.
Samakatuwid, ang mga ito ay hindi diumano reliable at bigo na bigyan tayo ng maayos na imahe tungkol sa buhay at mga pangyayari tungkol kay HESUS. Paano natin malalaman na ang mga ito ay TOTOO?
Ano ba ang sinasabi ng mga ebidensiya? Kailan nga ba naisulat ang mga dokumento ng New Testament? At sinu-sino ang mga sumulat ng mga ito?
NAWALA, BUNGA NG MGA MALING SALIN?
May mga hinala na ang New Testament ay hindi na reliable dahil nawala na diumano ang tunay na kahulugan nito o ang mga tunay na pangyayari bunga ng mga maling pagkakasalin.
Ano nga ba ang sinasabi ng mga ebidensiya? Magtanong tayo ng ganito: Sino ang mga sumulat nito at kailan nga ba naisulat ang New Testament?
Pansininin po natin ang kahalagahan ng mga katanungan na ito.
Kung ang mga accounts tungkol kay HESUS ay naisulat pagkamatay ng mga tunay na saksi, walang makapagpapatunay na ang mga ito ay totoo.
Subalit kung ang New Testament ay naisulat samantalang nabubuhay ang mga tunay na Apostol, kung magkagayon ay mapapatunayan ang authenticity o katotohanan ng mga ito.
Ang mga sumulat ng New Testament ay nagpapakilalang sila ang mga tunay na saksi, mga tunay na nakakita tungkol sa mga pangyayari kay HESUS.
Ipinahag ito ni Apostol Pedro sa kaniyang sulat:
“We were not making up clever stories when we told you about the power of our Lord Jesus Christ and his coming again. We have seen his majestic splendor with our own eyes” (2 Peter 1:16, NLT).
Malaking bahagi ng New Testament ay ang 13 sulat ni Apostol Pablo sa mga Iglesia at sa ilang karakter. Tinatayang ang mga sulat niyang ito ay nasa kalagitnaan ng 40s at 60s (mga 12 hanggang 33 taon pagkamatay ni HESUS), sinasabing ang mga ito ang pinaka-unang pagsaksi sa buhay at mga katuruan ni HESUS.
Si Will Durant ay sumulat tungkol sa historical importance ng mga sulat ni Pablo,
“The Christian evidence for Christ begins with the letters ascribed to Saint Paul. … No one has questioned the existence of Paul, or his repeated meetings with Peter, James, and John; and Paul enviously admits that these men had known Christ in the flesh.” Will Durant, Caesar and Christ, vol. 3 of The Story of Civilization (New York: Simon & Schuster, 1972), 555.
MAY KATOTOHANAN BA ITO?
Sa mga aklat, magazines at ilang mga TV documentaries, ang grupong Jesus Seminar ay pinapahayag na ang mga Ebanghelyo ay naisulat mga 130 hanggang 150 A.D. ng ilang mga hindi kilalang authors.
Kung totoo ang mga petsang ito, magkakaroon ng pagitan na tinatayang mga 100 taon mula sa kamatayan ni HESUS. Ang mga scholars ay ipinalalagay na ang kamatayan ni HESUS ay nasa pagitan ng 30 hanggang 33 A.D. At sapagkat sa mga panahong ito ay mga patay na ang mga tunay na saksi (Apostol), ang Ebanghelyo kung gayon ay isinulat ng mga hindi kilala at mga huwad na authors.
Anong mga ebidensiya ang maaari nating ipakita tungkol sa mga pahayag ng na naisulat nga sa Ebanghelyo ang buhay ni HESUS?
Ang mga scholars ay nagkakaisa na ang Ebanghelyo ay naisulat ng mga Apostol noong unang siglo (first century). Ipinahayag nila ang mga kadahilanan nito at ito ang ating masusing pag-aaralan.
Pansamantala, pansinin natin na mayroon tayong TATLONG PANGUNAHING ebidensiya na maaaring bumuo ng matibay na pundasyon kung bakit ito ang kanilang paniniwala.:
• Mga sinaunang dokumento ng mga hindi naniniwala gaya ni Marcion at ang paaralan ni Valentinus na ipinapahayag ang tungkol sa New Testament.
• Mga hindi mabilang na mga writings ng mga sinaunang Kristiyano gaya ni Clement eng Roma, si Ignatius at si Polycarp.
• Ang mga nadiskubreng kopya ng Gospel fragments na carbon-dated as early as 117 A.D.
Ang Biblical archaeologist na si William Albright ay nag-conclude base sa kaniyang ginawang pagsisiyasat na ang lahat ng mga aklat ng New Testament ay naisulat lahat samantalang ang mga Apostol ay mga buhay pa. Sinulat niya,
“We can already say emphati¬cally that there is no longer any solid basis for dating any book after about 80 A.D., two full generations before the date of between 130 A.D. and 150 A.D. given by the more radical New Testament critics of today.” William F. Albright, Recent Discoveries in Biblical Lands (New York: Funk & Wagnalls, 1955), 136.
Elsewhere Albright put the writing of the entire New Testament at “very probably sometime between about 50 A.D. and 75 A.D.” William F. Albright, “Toward a More Conservative View,” Christianity Today, January 18, 1993, 3.
Ang skeptical scholar na si John A. T. Robinson ay nagbigay pa ng petsa ng pagkakasulat ng New Testament na higit na mas maaga kahit sa mga petsang ibinigay ng mga conservative scholars.
In Redating the New Testament Robinson asserts that most of the New Testament was written between 40 A.D. and 65 A.D. That puts its writing as early as seven years after Christ lived. John A. T. Robinson, Redating the New Testament, quoted in Norman L. Geisler and Frank Turek, I Don’t Have Enough Faith to Be an Atheist (Wheaton, IL: Cross¬way, 2004), 243.
Kung totoo man ang mga ito, anumang mga historical errors ay maitutuwid kaagad ng mga tunay na nakasaksi at maging ng mga kaaway ng Kristiyanismo.
Tunghayan natin ang ilang mga bagay na maghahatid sa atin tungkol sa mga orihinal na dokumento ng tinatawag nating New Testament sa ngayon.
Ang mga orihinal na sulat ng mga Apostol ay sagrado. Ang mga iba’t ibang scholars at sekta ng relihiyon ay pinag-aralan ang mga ito, at iningatan na gaya ng isang natatagong kayamanan.
Bunga ng paglipas ng panahon, ang mga ito ay unti-unting nasisira. Sa loob ba naman ng halos 2000 taon ay mapapanatili ang kabuuan nito? Samakatuwid ang mga orihinal na manuskrito ay wala na sa ngayon. Kaya’t maraming mga scholars ang hanggang ngayon ay nagsisiyasat at naghihintay na baka sakaling may lumitaw na mga bagong nadiskubreng mga kasulatan o di kaya ay mga bagay na magpapatotoo sa mga kasulatang ito.
Subalit huwag po nating ipalagay na ang New Testament lamang ang sumapit sa ganitong kapalaran. Maging ang ilang mga dokumento tungkol sa sinaunang kasaysayan ay wala na ding natitira pa sa ngayon.
Ang mga historians ay hindi naman nababahala sapagkat may mga reliable copies naman silang pedeng pag-aralan at pagbatayan. Subalit ang mga ancient copies ba ng New Testament na ito ay masusumpungan pa sa ngayon? At kung mayroon man ay masasabi bang reliable ito kumpara sa mga orihinal na manuskrito?
Habang lumalago ang iba’t ibang mga relihiyon, ilang daang kopya ang masusing ginawa sa ilalim ng mahigpit na gabay ng mga pinuno ng mga relihiyon na ito. Bawat titik ay maingat na isinulat sa mga parchment or papyrus.
Hanggang sa ngayon, ang mga scholars ay pinag-aaralan ang mga suriviving copies na ito upang mapatunayan ang authenticity at maiakma ng husto sa mga orihinal na dokumento.
Sa katunayan, ang mga scholars na nagsisipag-aral tungkol sa ancient literature ay nakabuo ng pag-aaral, tinatawag nila itong “science of textual criticism” upang mapag-aralan ang mga dokumentong gaya ng The Odys¬sey, na ikinukumpara sa mga iba pang ancient documents upang mapatunayan ang accuracy ng mga ito.
Kalaunan lamang, ang military historian na si Charles Sanders ay gumawa ng karagdagang ikauunlad ng textual criticism sa pamamagitan ng paglikha ng three-part test na tumitingin hindi lamang sa authenticity ng kopya ng dokumento, kundi tumitingin din naman sa kredibilidad ng mga sumulat nito
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. The bibliographical test
2. The internal evidence test
3. The external evidence test
Tingnan natin ang mangyayari kung ang mga ito ay ating i-aaply sa mga dokumento ng New Testament.
BIBLIOGRAPHICAL TEST
Ang test na ito ay may layon na ikumpara ang mga dokumento sa ibang sinaunang kasaysayan sa parehong kapanahunan.
Tinatanong dito ang mga sumusunod:
• How many copies of the original document are in existence?
• How large of a time gap is there between the original writings and the earliest copies?
• How well does a document com¬pare with other ancient history?
Imagine po kung mayroon lamang po tayong dalawa o tatlong kopya ng original New Testament manuscripts, ang magagawang sampling ay napakliit lamang na halos hindi makapagbibigay ng maayos na accuracy.
Sa kabilang banda, kung mayroon tayong daan-daan o libo-libo, madali po nating matutuklasan kung mayroon mang kahit maliit na kamalian bunga ng pagsasalin.
Sa kasalukuyan, kung ikukumpara natin ang mga ibang ancient writings kapuwa sa bilang ng mga kopya at pagitan ng panahon nito sa orihinal na kopya, mahigit 5,000 manuscripts ng New Testament ang mayroon tayo sa ngayon batay sa original Greek language.
Kung bibilangin naman ang salin sa ibang wika, ang bilang ay aabot ng halos 24, 000 na mayroong petsa mula ikalawa hanggang ika-apat na siglo.
Kung ikukumpara ito sa second-best-documented ancient historical manuscript, ang Homer’s Iliad, ay mayroong lamang 643 copies. (McDowell, 34)
At tandan po natin na karamihan sa mga ancient historical works ay mayroon lamang ilang existing manuscripts (karaniwan ay mababa sa 10 ang bilang).
Sinabi ni New Testament scholar Bruce Metzger,
“In contrast with these figures [of other ancient manuscripts], the textual critic of the New Testament is embarrassed by the wealth of his material.” (Bruce M. Metzger, The Text of the New Testament (New York: Oxford University Press, 1992), 34)
“The wealth of manuscripts, and above all the narrow interval of time between the writing and the earliest extant copies makes it [the New Testament] by far the best attested text of any ancient writing of the world.” – John A. T. Robinson, critical scholar
TIME GAP
Mahalaga ang bilang ng manuskrito, subalit mahalaga din ang pagitan ng pagkakasulat ng orihinal na sulat at ang petsa kung kailan ito kinopya.
Ang German critic na si Ferdinand Christian Baur (1792–1860) ay minsang nagpahayag na ang John’s Gospel ay hindi diumano naisulat hanggang sa dumating ang 160 A.D.; samakatuwid, hindi diumano ito naisulat ni John.
Kung ito ay totoo, maaari nating pagdudahan ang mga sulat ni John at maging ang kabuuan ng New Testament din naman.
Subalit nang ang ilang cache ng New Testament papyri frag¬ments ay natagpuan sa Egypt, at kabilang dito ang mga fragments ng Gospel of John (specifi¬cally, P52: John 18:31-33) na mayroong petsa sa pagtaya na 25 years pagkatapos na isulat ni John ang original.
Sinabi ni Metzger,
“Just as Robinson Crusoe, seeing but a single footprint in the sand, concluded that another human being, with two feet, was present on the island with him, so P52 [the label of the fragment] proves the existence and use of the Fourth Gospel during the first half of the second century in a provincial town along the Nile far removed from its traditional place of composition (Ephesus in Asia Minor).”(Metzger, 39)
Sa patuloy na pagkakatuklas, ang mga archaeologists ay nakatuklas ng mga copies of major portions of the New Testa¬ment na may petsang halos 150 years sa mga orihinal na sulat. (Metzger, 36-41)
Halos karamihan sa mga ancient documents ay may time gaps na mula 400 to 1,400 years. Halimbawa ay ang Aristotle’s Poetics na naisulat noong 343 B.C., subalit ang pinaka-earliest copy ay may petsang 1100 A.D., at mayroon na lamang limang kopya na natitira.
Sa katotohanan, mayroong halos kumpletong kopya ng Bible na tinatawag na Codex Vaticanus, na isinulat halos mga 250 to 300 years pagkatapos na isulat ng mga Apostol ang mga original nito. Ang PINAKAMATANDANG kopya ng New Testament na naisulat sa an¬cient uncial script ay tinatawag na Codex Sinaiti¬cus, na sa kasalukuyan ay matatagpuan sa British Museum.
Gaya ng Codex Vaticanus, ito ay may petsa noong ika-apat na siglo. Ang Vaticanus at Sinaiticus, kung ibabalik natin ang kasaysayan ng unang mga Kristiyano, ay gaya lamang ng mga sinaunang biblical manuscripts na mayroon lamang kaunting pagkakaiba sa isat isa, subalit maya kakayahang makapagbigay sa atin ng magandang larawan tungkol sa mga sinasabi ng orihinal na dokumento.
Maging ang critical scholar na si John A. T. Robinson ay inamin na,
“The wealth of manuscripts, and above all the narrow interval of time between the writing and the earliest extant copies, make it by far the best attested text of any ancient writing in the world.”(John A. T. Robinson, Can We Trust the New Testament? (Grand Rapids: Eerdmans, 1977), 36)
Sinabi ni Professor of law John Warwick Montgomery,
“To be skeptical of the resultant text of the New Testament books is to allow all of classical antiquity to slip into obscurity, for no documents of the ancient period are as well attested bibliographically as the New Testament.” (Quoted in McDowell, 36)
Ang punto natin ay ito, kung ang mga New Testament re¬cords ay ginawa at lumaganap na halos malapit sa petsa ng tunay na pangyayari nito, kung magka-gayon ay halos accurate ang pagkakalarawan nito tungkol kay HESUS.
Subalit ang mga external evidence ay hindi sapat upang patunayan ang reliability ng isang dokumento, ang mga scholars ay sinikap din na patunayan ang mga internal evidences.
ANG PAGKAKATUKLAS NG CODEX SINAITICUS
Noong 1844 ang German scholar na si Constantine Tischendorf ay nagsasaliksik ng mga New Testament manuscripts.
Aksidente lamang nang mapansin niya ang isang basket na may laman na mga lumang pahina sa library ng monastery of St. Catherine sa Mount Sinai. Ang German scholar ay nagulat at natuwa sapagkat noon pa lamang siya nakakita ng ganoong kalumang mga Greek manuscripts.
Tinanong ni Tischendorf ang librarian tungkol sa mga ito at nalaman niyang ang mga ito ay itatapon na at gagamitin na lamang na pamparingas ng apoy. Dalawa umanong basket na puno ng mga papel ang nasunog na.
Pinagdudahan ng mga monks ang labis na pagka-gusto ni Tischendorf na mapasakanya ang mga manuscripts kung kaya’t pinagbawalan na siyang makitang muli ang ito. Subalit pinayagan nila na makuha niya ang 43 pahina ng mga pahina na kaniyang natuklasan.
Labinlimang (15) taon ang lumipas, nagbalik si Tischendorf sa Sinai monastery, at sa pagkakataong yaon ay sa pamamagitan na ng tulong ng Russian Tsar Alexander II. Nang siya ay naroroon na, dinala siya ng isang monk sa kuwarto nito at hinila ang isang nakabalot sa tela na mga manuskrito na nakatago sa lagayan ng mga plato at baso. Agad na nakilala ni Tischendorf ang mga mahahagalagang natitirang mga bahagi ng mga manuskrito na nauna na niyang nakita.
Pumayag ang monasteryo na ipakita sa tsar ng Russia ang mga manuskrito sapagkat ang tsar ng Russia ay protector ng Greek Church. Noong 1933 ang mga manuskritong ito ay ibinenta sa British Museum sa halagang £100,000 (pounds).
Ang Codex Sinaiticus ay isa sa mga pinaka-unang kumpletong manuskrito ng New Testament na mayroon tayo, at ito ay ibinibilang na pinakamahalaga. Ang iba ay sinasabi na isa ito sa mga 50 Bibles na ipinahanda ni emperor Constantine kay Eusebius noong unang bahagi ng ika-apat na siglo. Ang Codex Sinaiticus ay nakatulong ng malaki sa mga scholars upang mapatunayan ang accuracy ng New Testament.
“To be skeptical of the resultant text of the New Testament books is to allow all of classical antiquity to slip into obscurity, for no documents of the ancient period are as well attested bibliographically as the New Testament.” – John Warwick Montgomery, Professor of Law
TEST
Gaya ng mga mahuhusay na detectives, ang mga historians ay pinatutunayan ang reliability sa pamamagitan ng pagtingin sa mga internal clues. Ang mga clues na naghahayag ng motibo ng mga authors at ang kanilang paghahangad na maihayag ang mga detalye at iba pang bagay na maaaring mapatunayan.
Ang mga pangunahing internal clues na ginamit ng mga scholars upang subukin ang reliability ng mga manuskrito ay ang mga sumusunod:
- Consistency of eyewitness reports• Details of names, places, and events
- Letters to individuals or small groups• Features embarrassing to the authors
- The presence of irrelevant or counterproductive material
(14 J. P. Moreland, Scaling the Secular City (Grand Rapids: Baker, 2000), 134-157)
Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga internal evidence na maaring maglayo o maglapit sa conclusion na ang isang dokumento ay tunay ngang reliable.
Sa maigsing paraan ay titignan natin ang mga internal evidence ng historicity ng New Testament.
ANO BANG MAYROON?
Ilan sa mga aspeto ng New Testament ay matutulungan tayo upang maalaman at mapatunayan ang kaniyang reliability base sa kaniyang laman at katangian.
Consistency. Ang mga huwad na dokumento ay karaniwang inconsistent. Kaya kung ang New Testament ay huwad, mapapansin kaagad natin ang mga kontradiksyon kung mayroon man na siyang magpapatunay na mayroon ngang kamalian sa mga ito. Subalit kung ang bawat Ebanghelyo ay nagpapahayag ng pare-parehong bagay, mapagkakamalan naman na ang mga ito ay mayroong sabwatan. Para bang sinasabing ang lahat ng mga kasabwat ay nagsisikap na magkalapat ang mga detalye ng kanilang plano sa kabuoan. Ang sobrang consistency wika nga ay nakapagdududa din naman.
Ang mga saksi sa isang krimen o isang aksidente ay nagpapahayag ng tama at actual na pangyayari subalit nagkakaiba-iba ang mga ito ayon sa kani-kanilang pagtingin o perspective. Halimbawa, naniniwala ang marami na si President John Kennedy ay na-assassinate, subalit ang ilang mga nakasaksi ay nagkaiba-iba sa kanilang mga pahayag sa ilang mga detalye kung ilang beses nila nadinig ang mga putok ng pag-baril at kung saang direksyon ang mga ito nagmula.
Gaya din naman ng apat na Gospels o Ebanghelyo, ang mga ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay ni HESUS sa magkakaibang pagtingin o perspective. Subalit, bagaman magkakaiba ang perspective ng mga ito, ang mga Bible scholars ay namamangha sa consistency ng kanilang mga accounts o paglalahad at ang malinaw na paglalarawan kay HESUS at sa KANIYANG mga TURO na kapuwa ang bawat isa ay nagku-complement sa pahayag ng bawat isa.
Details. Ang mga Historians ay gustong-gusto ang mga detalye sa isang dokumento sapagkat mas nagiging madali para sa kanila na patunayang ito nga ay reliable. Ang mga sulat ni Pablo ay puno ng mga detalye at gayundin naman ang mga Gospels.
Halimbawa ay kapuwa ang mga Ebanghelyo ni Luke at ang aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay naisulat para sa isang tao na nagngangalang Theophilus, na walang duda na sa panahon na yaon ay isang marangal na tao.
Kung ang mga sulat na ito ay pawang mga imbento lamang ng mga apostol, ang mga peke at huwad na pangalan at lugar ay madaling masusumpungan ng kanilang mga kaaway, ang mga Hudyo at mga Romano.
Subalit maraming mga detalye ng New Testament ang napatunayang “TUNAY” maging ng mga “Independent Verification.” Ang classical historian na si Colin Hemer, halimbawa ay sinabi niya,
“Identifies 84 facts in the last 16 chapters of Acts that have been confirmed by Archaeological research.”( Quoted in Geisler and Turek, 256)
Sa ilang mga lumipas na mga siglo, ilang mga skeptical Bible scholars ang umaatake sa pagkakasulat at kung kailan ito nasulat sa Gospel of Luke. Pinipilit nila na ito ay nasulat noong ikalawang siglo lamang ng hindi kilalang manunulat.
Ang Archaeologist na si Sir William Ramsey ay nakumbinsi na tama ang kanilang pahayag at doon ay nagsimula siyang magsaliksik. Pagkatapos ng masusing pagsisiyasat, nakumbinsi niya na mali ang pahayag ng ilan. Sinabi ni Ramsey na,
“Luke is a historian of the first rank. … This author should be placed along with the very greatest historians. … Luke’s history is unsurpassed in respect of its trustworthiness.”( Quoted in McDowell, 61)
Ang mga pahayag o salaysay sa mga aklat ng mga Gawa ng mga Apostol tungkol sa mga paglalakbay ni Pablo, paglalahad ng mga lugar na kaniyang napuntahan at nabisita, ang mga taong kaniyang nakita, mga mensaheng kaniyang ipinangaral at ang mga pag-uusig na kaniyang tinanggap, ang mga detalye bang ito ay masasabing huwad o peke?
Ang Roman historian na si A. N. Sherwin-White ay sumulat,
“For Acts the confirmation of historicity is overwhelming. … Any attempt to reject its basic historicity must now appear absurd. Roman historians have long taken it for granted.”(Quoted in McDowell, 64)
Mula sa mga accounts ng Gospel hanggang sa mga sulat ni Apostol Pablo, ang mga sumulat ng New Testament ay hayagan at bukas na inilarawan ang mga detalye nito, kabilang ang pagbanggit sa mga indibiduwal na nabubuhay sa kanilang kapanahunan. Ang mga historians ay na-verify o napatunayang totoo ang halos 30 pangalan na binabanggit dito. (Geisler and Turek, 269)
Letters to small groups. Karaniwan sa mga huwad na teksto ay mula sa mga dokumentong kapuwa pang-kalahatan at pang-publiko. Ang Historical expert na si Louis Gottschalk ay nagpahayag na ang mga personal letters na nakaukol sa maliliit audiences ay may malaking probabilidad na maaasahan o reliable. (J. P. Moreland, 136-137)
Sa anong kategorya nabibilang ang New Testament documents? Karaniwan sa mga ito ay nakaukol pangunahin upang maihatid sa mas malawak na audience. Subalit malaking bahagi ng New Testament ay pawang mga personal na sulat na isinulat sa mga maliit na grupo at mga indibiduwal. Ang mga dokumentong ito ay sinasabing hindi maituturing na dahilan upang mapawalang-kabuluhan ang mga ito.
Embarrassing features. Karamihan sa mga manunulat ay hindi pumapayag na hiyain ang kanilang mga sarili sa mga taong nakakabasa ng kanilang mga sulat. Ang mga Historians ay naobserbahan na ang mga dokumentong nagtataglay ng mga paghahayag ng mga kahiya-hiyang bagay tungkol sa mga sumulat nito ay masasabing higit na katiwa-tiwala. Ano ang sinasabi ng mga sumulat ng New Testament tungkol sa kanilang mga sarili?
Nakapagtataka, na ang mga sumulat ng New Testament ay inilahad ang kanilang mga sarili (halos lahat) sa kahiya-hiyang kalagayan bilang mga duwag, mangmang at kulang sa pananampalataya.
Halimbawa ay ang tatlong beses na pagkakaila ni Pedro kay HESUS, o di kaya ay ang mga pagkakataong nagtatalo ang mga Apostol tungkol sa kung sino ang pinakadakila sa kanila- ang mga salaysay na ito ay paang nasulat sa mga Ebanghelyo. Ang respeto sa mga Apostol ay mahalaga sa unang bahagi ng kapanahunan ng Iglesia, kung isasama ang mga ganitong pangyayari ay hindi makabubuti maliban na lang kung nag-uulat ng katotohanan ang mga apostol. (Geisler and Turek, 276)
Sa aklat na The Story of Civilization, sinulat ni Will Durant tungkol sa mga apostol,
“These men were hardly of the type that one would have chosen to remold the world. The Gospels realistically differentiate their characters, and honestly expose their faults.”(Durant, 563)
“The reliability of the New Testament is further documented by over 36,000 extra-biblical Christian documents….If all the copies of the New Testament were lost, you could reproduce it…with the exception of a few verses.” – Norman Geisler, New Testament scholar
Counterproductive or irrelevant material. Ipinahayag ng mga Ebanghelyo na ang Libingan na walang laman ay natuklasan ng mga babae, at sa kaugalian ng mga Israelita, ang pahayag ng mga kababaihan ay maituturing na walang kabuluhan at hindi tinatanggap sa mga hukuman.
Ilan sa mga huling salita ni HESUS sa krus ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Kalakip pa nito ang mga insidente o pangyayari sa New Testament na masasabing counter productive o hindi makabubuting isama pa sa pagsasalaysay kung ang layunin ng sumulat ay walang iba kundi ihayag ng matuwid at wasto ang buhay at mga katuruan ni HESUS.
EXTERNAL EVIDENCE TEST
Ang pangatlo at kahuli-hulihang paraan ng pagsukat sa isang dokumento kung ito ay reliable ay sa pamamagitan ng external evidence test.
Sa ganito’y maari tayong magtanong. Ang mga historical records ba na labas o hindi kasama sa New Testament ay kinukumpirma ang reliability nito?
Ano ang sinasabi ng mga non-Christian historians tungkol kay HESUS?
“Overall, at least seventeen non-Christian writings record more than fifty details concerning the life, teachings, death, and resurrection of Jesus, plus details concerning the early church.” (Gary R. Habermas, “Why I Believe the New Testament is Historically Reliable,” Why I am a Christian, eds Norman L. Geisler & Paul K. Hoffman (Grand Rapids, MI: Baker, 2001), 150)
This is astounding, considering the lack of other history we possess from this time period. Jesus is mentioned by more sources than the conquests of Caesar during this same period. It is even more astounding since these confirmations of New Testament details date from 20 to 150 years after Christ, “quite early by the standards of ancient historiography.” (Ibid)
The reliability of the New Testament is further substantiated by over 36,000 extra biblical Christian documents (quotes from church leaders of the first three centuries) dating as early as ten years after the last writing of the New Testament. (ibid)
If all the copies of the New Testament were lost, you could reproduce it from these other letters and documents with the exception of a few verses. (Metzger, 86)
Ang Boston University professor emeritus na si Howard Clark Kee ay nag-conclude,“The result of the examination of the sources outside the New Testament that bear … on our knowledge of Jesus is to confirm his historical existence, his unusual powers, the devotion of his followers, the continued existence of the movement after his death … and the penetration of Christianity … in Rome itself by the later first century.” (Quoted in McDowell, 135)
Ang mga external evidence test ay makabubuo ng ebidensiya bunga o mula sa iba pang tests na isinagawa dito.
Sa kabila ng mga pagtutol ng maraming mga skeptics o hindi naniniwala, ang paglalarawan kay HESUS ng New Testament ay pinatutunayan ng mga pagsubok na ginawa dito.
Bagaman marami pa din ang ayaw maniwala gaya ng Jesus Seminar group, ang consensus ng mga eksperto, anuman ang kanilang paniniwala at pananampalataya, ay kinukumpirma na ang New Testament na binabasa natin sa ngayon ay tunay na naglalarawan sa buhay at mga sinalita ni HESUS.
Si Clark Pinnock, isang professor of interpretations sa McMaster Divinity College, ay nagpahayag na,
“There exists no document from the ancient world witnessed by so excellent a set of textual and historical testimonies. … An honest [person] cannot dismiss a source of this kind. Skepticism regarding the historical credentials of Christianity is based upon an irrational basis.” (27 Quoted in Josh McDowell, The Resurrection Factor (San Bernardino, CA: Here’s Life Publishers, 1981), 9)
IMPOSTOR?
Si Ferdinand Waldo Demara Jr. ay tinatawag na dakilang impostor. Nagawa niyang magpanggap sa mga katauhan bilang psychologist, university lecturer, college department head, school teacher at bilang prison warden. Nagawa na din niyang magsagawa ng operasyon bilang huwad na doctor.
Subalit madami naman ang nagsasabi na si Frank Abagnale ay mas mahusay na impostor. Sapagkat sa dad na 16 hanggang 21, si Abagnale ay nagging isa sa mga matagumpay na con artists. Nagawa niyang magkaroon ng $2.5 million sa pamamagitan ng huwad o talbog na tseke sa halos 50 states at 26 na bansa sa labas ng Estados Unidos. Nagawa din niyang magpanggap bilang isang airline pilot, attorney, college professor at bilang paediatrician bago siya mahuli ng mga French police.
Kung pamilyar sa inyo ang kuwento na ito, ito marahil ay napanood na ninyo ang pelikula ni Leonardo DiCaprio na may pamagat na Catch Me If You Can, na naipalabas noong 2002. Kung si HESUS ay hindi ang MESIYAS na gaya nang KANIYANG PAKILALA, walang duda na nahigitan ni HESUS si Abagnale at Demara sa pagiging impostor.
Ang pinag-uusapan natin dito ay hindi lamang, daan o libong tao na nadaya o naloko, kundi halos bilyong tao sapagkat ang buhay at kasaysayan ni HESUS at ang KANIYANG mga TURO ay nakapagpabago sa takbo ng kasaysayan at paniniwala sa halos 2000 taon na nakakalipas.
Peke nga ba o huwad na MESIYAS si HESUS, na nagawa niyang dayain kahit ang mga mahuhusay na religious scholars?
Posible kaya na si HESUS ay lihim na sinanay ng KANIYANG mga magulang upang maging isang katuparan ng hula sa Israel na matagal na nilang hinihintay na maganap?
Sa katunayan kung huwad nga si HESUS, hindi SIYA ang magiging kauna-unahang individual sa kasaysayan ng Israel na magsisinungaling tungkol sa KANIYANG pagiging MESIYAS. Sa mga lumipas na mga siglo, bago pa man SIYA isilang at maging pagkatapos pa man NIYA isilang, ay may mga bumangon na din na nagpahayag na sila ang MESIYAS, subalit napatunayan lamang na ang mga ito ay mga baliw o nasisiraan lamang ng ulo.
Ang propesiya o hula mula sa Ancient Hebrew ay malinaw na ipinapahayag na mayroong lilitaw na maghahari na magbibigay ng kapayapaan sa Israel at magiging kanilang Tagapagligtas.
Ang mga hulang ito ay lubos na inaasahan ng maraming mga Hudyo, na pinag-ukulan nila ng malabis na pag-asa.
Sa ganitong tanawin sa Israel, hindi kaya akma na sinuman sa kanila ay magpanggap o magpahayag na sila nga ang MESIYAS? Ang sagot sa katanungang ito ay nakabatay sa hula na mababasa sa Old Testament na tumuturo sa pagdating na MESIYAS.
Ayon sa mga Kasulatan, ang DIOS ng mga Hudyo ay nagsalita sa KANIYANG mga lingkod sa pamamagitan ng mga PROPETA, mga lalaki at babae na pinili ng DIOS. Ilan sa mga mensahe ng mga propeta ay para sa kanilang kasalukuyang panahon, ang iba naman ay para sa pang-hinaharap. Ang tungkulin nila ay upang ipahayag kung ano ang kalooban ng DIOS sa KANIYANG bayang Israel at sa KANIYANG mga tao.
Ang malagay sa kalagayan ng mga PROPETA noong araw ay mahirap. Kahit na nagsasabi sila ng katotohanan, sila ay maaaring saktan o patayin o di kaya ay ipakulong ng mga taong ayaw na makadinig ng kanilang mga sinasabi. Ilan sa mga hari ang ayaw makadinig ng mga masasamang balita. Ayon sa kasaysayan, ang Propetang si Isaias ay hinati ang katawan.
Kaya kung pag-aaralan natin, mahirap ang maging isang Propeta noong araw, kamatayan ang naghihintay kung napatunayang mali ang kanilang sinasabi at kamatayan din kung may posibilidad na tama ang kanilang sinasabi.
Eto ngayon ang tanong: Paano maikukumpara ang mga Propeta ng Biblia sa mga Psychics sa kasalukuyang panahon?
Prophets versus Psychics
Para mapatunayan natin na ang mga makabagong Psychics ay hindi man lamang marapat maipantay sa mga Propeta ng Biblia, pag-aralan natin ang mga ilang kilalang Psychics na kinikilala hanggang sa kasalukuyan.
Si Jean Dixon (January 5, 1904 – January 25, 1997), isang American psychic ay may special ability na hulaan ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Subalit nang mapatunayan, ang reputasyon niya ay nabahiran ng pag-aalinlangan. Diumano ay nahulaan niya ang inagurasyon at pagkamatay ni John F. Kennedy.
Isang halimbawa ay ang kaniyang pangitain noong February 5, 1962, na isang bata ang ipapanganak sa Middle East na babaguhin ang daigdig sa taong 2000. Ang taong ito ay bubuo diumano ng isang relihiyon lamang at magbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa daigdig. Nakita din niya ang imahe ng Krus na tumutubo sa ulo ng lalaking yaon hanggang sa matabunan nito ang kabuuan ng lupa. Ang batang ito ay maaring mula sa angkan ng Egyptian Queen Nefertiti. (1 Terence Hines, Pseudoscience and the Paranormal (Buffalo, NY: Prometheus Books, 2003), 193)
Nasaan ang taong ito? Nakita ba natin ito? At nasaan ang Kapayapaang tinutukoy?
Sa katunayan, isang masusing pagsasaliksik ang ginawa at dalawang hindi matututulang bagay ang nabuo. Ang rate ng accuracy ni Dixon ay katumbas lamang ng mga ibang humuhula ng mga bagay sa hinaharap.
Gaya ng mga naisapublikong hula ni Nostradamus ay napatunayang nagtataglay ng kamalian bagaman ang kaniyang mga hula Malabo o vague. (2 Josh McDowell, The New Evidence That Demands a Verdict (San Bernardino, CA: Here’s Life Publishers, 1999), 194)
Halimbawa ay ang hulang ito ni Nostradamus:
Takes the Goddess of the Moon, for his Day & Movement:
A frantic wanderer and witness of Gods Law,
In awakening the worlds great regions to Gods will (Ones Will).
( Prediction 3, Quatrain 2, 28)
Nang magkaroon ng pagsasaliksik tungkol sa mga prediksyon ng top 25 psychics, 92 percent ng mga hula ay napatunayang mali. Ito ay matutunghayan sa “The People’s Almanac.” Ang ibang 8 percent ay questionable pa, at maaari lamang ipaliwanag sa pamamagitan ng tsansa. (McDowell, Ibid)
Sa ibang isinagawang experiments tungkol sa mga kilalang psychics sa mundo, ang rate ng accuracy nila ay napatunayang umabot lamang ng 11 percent, na masasabing hindi na masama ang average nito subalit ito din ang nakukuhang score ng mga ibang humuhula din ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Hindi natin mene-menos ang mga ito subalit marahil ito ang dahilan kung bakit walang psychic na kahit kailan ay nanalo sa mga loterya o lotto.
Ang malaking pagkakaiba ng mga propeta ng DIOS ay ang paghahayag ng mga detalyadong pangyayari tungkol sa hinaharap at may kinalaman sa mga bukas at maliwanag na plano ng DIOS. At lahat ng mga ito ayon sa Kasulatan, ay ginawa nila sa pamamagitan ng mahusay na accuracy. Ang mga psychics kung manghula ay masyadong malabo, karaniwan ay para bang naghihintay ng kanilang kikitain kung ito ay bebenta sa mga tao. Inaalok nila ang mga pambihirang impormasyon subalit napatutunayan naman na ito ay may kamalian kapag pinag-aralang masusi.
Pag-aaral tungkol sa mga Propeta ng DIOS
Ang propesiya ay maaring mystical (spiritual) o meta-physical (based on abstractReasoning; transcending physical matter or the laws of nature; denoting certain 17th- century English poets known for their subtlety of thought and complex imagery). Sa magaan na pangungusap at madaling maintindihan ang propesiya ay mahiwaga.
Napanood na po ba natin ang Star Wars, na kung saan ay hinulaan na darating ang isang tao na magbibigay ng balance to the Force? Eh ‘yung sa The Lord of the Rings movie na hinahabi ang kuwento sa pamamagitan ng imahinasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga hula sa hinaharap? Ang mga ganitong hula ay matatagpuan lamang sa mundo ng imahinasyon.
Sa tunay na buhay, sinasabi nila na kung ang isang tao daw ay may kakayahang malaman ang kahit isang minuto ng mga bagay sa hinaharap ay may kakayahan na daw itong pamunuan ang sanlibutan. Isipin na lang natin, isang minuto lang ng bagay sa future at gagamitin natin sa isang casino game, maaring ikaw na ang maging pinakamayaman na tao dito sa mundo.
Subalit sa daigdig ng relihiyon, ang mga Propesiya ay mayroong importanteng papel na ginagampanan. Sapagkat ito ang nagiging daan kung mayroon ngang tao na nagagawang kausapin ng DIOS, o kung hindi man, sapagkat tanging DIOS lamang ang may kakayahan na malaman ang mga bagay sa future.
At sa puntong ito, ang mga Propesiya sa Old Testament ay matatawag na kakaiba o unique, sapagkat maraming aklat na pang-Relihiyon sa sanlibutang ito ang hindi nagtataglay ng ganitong mga hula.
Halimbawa, ang Book of Mormon at ang Hindu Veda ay maaaring kini-claim nilang mula sa DIOS, subalit anuman ang gawin, hindi kailanman mapapatunayan na ito nga ay mga salita ng DIOS, maliban na lamang na sabihin, na “oo ang mga aklat na ito ay katunog nga o kahawig nga ng mga sinalita ng DIOS.”
Ang Bible scholar na si Wilbur Smith ay kinumpara ang mga prophecies ng Biblia sa ibang mga historical books, at doon ay sinabi niya na,
“The Bible is the only volume ever produced by man, or a group of men, in which is to be found a large body of prophecies relating to individual nations, to Israel, to all the peoples of the earth, to cer¬tain cities, and to the coming one who was to be the Messiah.” (Quoted in McDowell, 12-13)
Ayon sa mga Hudyo, ang isang propeta ay napatutunayang tunay na Propeta kung ang kaniyang mga hinula at naging pahayag ay 100 porsiyento na nagkakaroon ng katuparan. Samakatuwid, ang tunay na MESIYAS, kung ito man ay dumating ay kailangang tuparin ang lahat ng mga bagay na hinula tungkol sa KANIYA at sa KANIYANG pagdating, sapagkat kung hindi ito mangyayari ay hindi maituturing na SIYA nga ang tunay na MESIYAS.
Kaya ang tanong natin, naganap nga ba kay HESUS lahat ang sinasabing HULA ng LUMANG TIPAN tungkol sa pariritong MESIYAS? Daang taon bago ipanganak si HESUS ay mayroong mga 61 pahayag at umaabot ng halos 300 reperensiya ang tungkol sa MESIYAS. (McDowell, 164-193)
(to be continued)
I had a good time here but will return to google now.