Sino ang Tunay na Hesus? (part 2)

AYON SA EBANGHELYO – ANG KAPANGANAKAN
Ang mga sumulat ng EBANGHELYO (Gospel) ay hinalaw ang kanilang salaysay mula sa Old Testament. Ayon sa mga hula ng mga Propeta, ang MESIYAS ay paririto at matutunghayan ito sa Isaiah 9:6-7.

“A child is born to us, a son is given to us. And the government will rest on his shoul­ders. These will be his royal titles: Wonder­ful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace. His ever expand­ing, peaceful government will never end. He will rule forever with fairness and justice from the throne of his ancestor David.” (Isaiah 9:6-7, NLT)

Mahigit kumulang sa 700 taon nang sabihin ito ni Propeta Isaias tungkol sa pariritong MESIYAS, at ayon sa EBANGHELYO, ang pangyayaring ito ay naganap sa pagkapanganak ni HESUS.

Sa pamamagitan ng PAHAYAG ng isang ANGHEL sa isang BABAE, na sinasabing siya (MARIA) ay manganganak ng isang LALAKI bagaman siya ay walang asawa. Sa iba marahil ay imposible ang bagay na ito, ngunit sa DIOS, alam nating WALANG IMPOSIBLE.

Si MARIA ay malapit na noong ikasal sa isang lalaki (JOSE), isang ANLUWAGI (karpintero). Subalit nang sabihin ni MARIA kay JOSE ang pagdalaw sa kaniya ng ANGHEL at ang kaniyang paglilihi, tinangka ni JOSE na siya ay hiwalayan.

Subalit mababasa natin sa aklat ng EBANGHELYO ni MATEO, na nagpakita din ang anghel kay JOSE sa panaginip at siya ay nakumbinsi na huwag hiwalayan si MARIA.

Mat 1:18  Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Mat 1:19  At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa’y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.

Mat 1:20  Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

Mat 1:21  At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.

Mat 1:22  At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

Mat 1:23  Narito, ang dalaga’y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.

Mat 1:24  At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;

Mat 1:25  At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.

Sinasabi din ng EBANGHELYO na ipinanganak ang sanggol sa BETHLEHEM, ang bayan na pinagmulan ni JOSE. Kailangan kasi na lahat ng mga HUDYO ay magbalik sa kanilang bayang pinagmulan upang magpatala (CENSUS), alinsunod ito sa kautusan ng gobyernong Roma na nakakasakop sa kanilang bayan.

At samantalang ang BETHLEHEM ay puno ng mga balik-bayan, napilitang manuluyan sina JOSE at MARIA sa isang sabsaban.

Luk 2:1  Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.

Luk 2:2  Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.

Luk 2:3  At nagsisiparoon ang lahat upang sila’y mangatala, bawa’t isa sa kaniyang sariling bayan.

Luk 2:4  At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi’y Bet-lehem, sapagka’t siya’y sa angkan at sa lahi ni David;

Luk 2:5  Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.

Luk 2:6  At nangyari, samantalang sila’y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.

Luk 2:7  At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka’t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.

Luk 2:8  At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

Luk 2:9  At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila’y totoong nangatakot.

Luk 2:10  At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka’t narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

Luk 2:11  Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.

Luk 2:12  At ito ang sa inyo’y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.

Luk 2:13  At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:

Luk 2:14  Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

Luk 2:15  At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon.

Luk 2:16  At sila’y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.

Luk 2:17  At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.

Luk 2:18  At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.

Luk 2:19  Datapuwa’t iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.

Luk 2:20  At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.

Luk 2:21  At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.

ANG MGA PINAGDUDUDAHANG TAON NI HESUS
Ang KABATAAN ni HESUS ay tinatawag ng marami na nakakadudang panahon, sapagkat mapapansin natin na napakatahimik ng EBANGHELYO kung tungkol sa KABATAAN ni HESUS ang pag-uusapan.

Dahil dito, marami ang nagdududa kung ano ang nangyari sa KABATAAN ni HESUS. Kung may binabanggit man tungkol sa KANIYANG KABATAAN ay tungkol lamang sa pagkakataon na SIYA ay NAWALA ng KANIYANG mga MAGULANG (JOSE at MARIA). At nang SIYA ay matagpuan, nakita SIYANG nakikipag-usap sa mga nasa TEMPLO kung saan siya natagpuan. Kahayagan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Maliban sa insidenteng ito at sa mga detalye tungkol sa KANIYANG kapanganakan marami ang nagtataka kung bakit hindi na inilahad ang ilang bahagi ng KANIYANG BUHAY.

Subalit ang mga KADAHILANAN nito ay madali lamang maunawaan.
Nagpasimula ang PUBLIC MINISTRY ni HESUS sa edad na 30 taong gulang. Hindi kailangang isulat lahat ang mga pangyayari sa KANIYANG BUHAY sapagkat hindi naman ito kailangang maisulat pa.

Wala sa KANIYANG mga ARAL at HIMALANG ginawa ang KANIYANG ginawa nang SIYA ay bata pa. Lahat ng ito ay KANIYANG GINAWA nang magpasimula SIYANG mangaral sa mga tao. Dagdag pa dito, ang KANIYANG mga APOSTOL ang SIYANG pangunahing sumulat ng NEW TESTAMENT, na hindi pa naman SIYA nakakasama noong SIYA ay bata pa. Ang mga BAGAY lamang na kanilang NASAKSIHAN ang kanilang ISINULAT.

PANGANGARAL
Sa edad na halos 30 taon, si HESUS ay pumaroon sa NAZARETH, kung saan SIYA lumaki at araw noon ng SABBATH nang SIYA ay pumaroon sa SINAGOGA.
At nang SIYA ay TUMAYO doon upang BUMASA ng KASULATAN, ang BALUMBON ng AKLAT ni PROPETA ISAIAS ay ibinigay sa KANIYA at KANIYANG BINASA.
Doon ay BINASA NIYA ang nakasulat,

The Spirit of the Lord is upon me, for he has appointed me to preach Good News to the poor. He has sent me to proclaim that captives will be released, that the blind will see, that the downtrodden will be freed from their oppressors, and that the time of the Lord’s favor has come. (Luke 4:18-19, NLT)

Muli NIYANG ibinalik ang AKLAT sa nagbigay sa KANIYA at naupo. Bawat isa ay nakatingin lamang na mabuti sa KANIYA. At doon ay KANIYANG sinabi,

“This Scripture has come true today before your very eyes!” (Luke 4:20-21, NLT)

Ayon sa EBANGHELYO ni LUCAS, dito nagpasimula ang KANIYANG PUBLIC MINISTRY. Ang mga talata sa Aklat ni Isaias ay tumutukoy sa pariritong MESIYAS at nang KANIYANG ipahayag na ang “Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.”

Luk 4:16  At siya’y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.

Luk 4:17  At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,

Luk 4:18  Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,

Luk 4:19  Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.

Luk 4:20  At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya.

Luk 4:21  At siya’y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.

Ang MINISTERYO ni HESUS ay nilakipan NIYA ng paggawa ng mga HIMALA, subalit sa bawat himala ay may kalakip na ARAL na dapat matutunan.
Gaya halimbawa ng mababasa sa LUMANG TIPAN sa aklat ni Propeta Isaias.

“In that day deaf people will hear words read from a book, and blind people will see through the gloom and darkness” and “When he comes, he will open the eyes of the blind and unstop the ears of the deaf” (Isaiah 29:18; 35:5).

Kaya sa bawat pagkakataong magpapadilat SIYA ng bulag at magpapagaling ng mga BINGI, mayroon itong laman na aral sapagkat hinulaan ng mga PROPETA.
Bukod sa paghahayag ng KANIYANG mga ARAL sa mga tao, ang EBANGHELYO ay nagpapahayag tungkol sa GRUPO ng mga TAO na naging KANIYANG mga TAGASUNOD (APOSTOL).

Hindi lamang naging MESIYAS si HESUS, kundi naging isang GURO, na tinuturuan ang mga APOSTOL tungkol sa ikapagpapatuloy ng KANIYANG KAHARIAN, sa sandaling SIYA ay mamatay na.

ANG KAMATAYAN AT PAGKABUHAY NA MAG-ULI
Ang MINISTERYO ni HESUS ay kaagad ding natapos kung paano ito nagpasimula. Sa KANIYANG pagdating sa HERUSALEM para magdiwang ng PASKUA, sinabi NIYA sa KANIYANG mga APOSTOL na SIYA ay IPAGKAKANULO, HUHULIHIN at IPAPAKO sa KRUS, subalit sa loob ng TATLONG ARAW, nangako SIYA na SIYA ay muling PAKIKITA.
Sa KANIYANG mga PAHAYAG na ito ay NALITO ang mga APOSTOL, sapagkat iniisip nila marahil na bakit sa KAMATAYAN magtatapos ang PAGHAHARI ng KINIKILALA NILANG MESIYAS. Sa katotohanan ay nakita NIYA na ang KANIYANG PAGHAHARI ay magpapasimula sa KANIYANG KAMATAYAN.

At gaya nang KANIYANG inihula, ipinagkanulo nga SIYA ng isa sa KANIYANG mga alagad (JUDAS ISCARIOT) at SIYA ay DINAKIP ng mga kawal Romano.

Hinatulan SIYA ng KAMATAYAN sa KRUS sa ilalim ng Gobernador na si Pontius Pilate (sapagkat dito SIYA dinala ng mga pangulong saserdote, sa ilalim ng batas ng Roma ay hindi sila maaaring humatol at magparusa).

Sa ganap na ika – 3:00 ng hapon, pagkatapos ng halos anim na oras ng pagkakabayubay sa krus ay sinabi niya ang mga katagang, “NAGANAP NA.” At doon ay nalagutan SIYA ng hininga.

Sinasabi ng EBANGHELYO na pagkatapos ng TATLONG araw ay lumaganap ang balita na ayon sa mga nakasaksi ay muli nilang nakita si HESUS na BUHAY. At samantalang dumadami ang bilang ng mga SAKSI na nagpapatoo, nagkaroon ng kaguluhan sa Herusalem. Dito nagpasimula ang KRISTIYANISMO.

May nakilala na ba tayong tao na sobrang lakas ng atraksiyon at karisma na laging sila ang nasa center of attention? Maaring bunga ito ng kanilang appeal, personality o angking talino. Subalit kung pag-aaralan natin, ang mga ganitong tao ay tila mayroong hiwagang bumabalot.

Ganito kasi ang nangyari kay HESUS dalwang libong taon na ang nakakalipas. Subalit kung anuman ang naging dahilan kung bakit si HESUS ay nananatiling MAHALAGA at KILALA sa kasalukuyan, iyon ay dahil sa mga bagay na SINABI NIYA sa KANIYANG SARILI.

Bagaman mula sa isang maliit na bayan lamang at lumaking anluwagi o karpintero, ang mga SINABI NIYA, kung totoo man ito ay nagkaroon ng malaking EPEKTO sa buhay ng maraming mga tao.

Ayon sa KANIYA, ikaw at ako ay SPECIAL at bahagi ng isang MALAKING PLANO.

Ito ding mga bagay na ito ang naging daan upang ang maging pagtingin sa KANIYA ng marami ay NASISIRAAN ng ULO lalo na sa panig ng mga HUDYO at mga Romano sa KANIYANG kapanahunan.

Wala mang awtoridad at kakamping malaking tao o pulitiko, sa loob ng halos tatlong taong pangangaral ay BINAGO ni HESUS ang MUNDO hanggang sa sumunod na 20 siglo. Madami din namang mga religious leaders ang nagkaroon ng impact sa buhay ng mga tao pero iba ang naging impact ni HESUS.

Ano ba ang KAKAIBA kay HESUS? SIYA ba ay matatawag na DAKILANG TAO lamang o MAYROON PA KAYANG HIGIT dito?

Ang mga katanungan na ito ay papunta sa pagkaunawa KUNG SINO BA TALAGA SI HESUS?

Ang iba’y naniniwala na si HESUS ay isa lamang PUNO o LIDER ng isang dakilang RELIHIYON. Subalit sa iba’y higit pa ang pagkakilala sa KANIYA. Ang mga KRISTIYANO ay naniniwala na ang DIOS ay nagkatawang-tao sa pamamagitan ni HESUS. At naniniwala sila na ang mga EBIDENSIYA ang magpapatotoo sa paniniwala nilang ito tungkol kay HESUS.

SINO NGA BA ANG TUNAY NA HESUS?
Si HESUS kaya ay isa lamang DAKILANG GURO? Halos lahat ng mga scholars ay kumbinsido na si HESUS ay isang DAKIALNG GURO kapag moralidad ang pag-uusapan. Ang KANIYANG mga pananaw ukol sa moralidad ng mga tao ay isang dakilang tagumpay na kinikilala kahit ng mga ibang RELIHIYON.

Sa kaniyang aklat na Jesus of Nazareth, ang Jewish scholar na si Joseph Klausner ay sumulat na,

“It is universally admitted … that Christ taught the purest and sublimest ethics … which throws the moral precepts and maxims of the wisest men of antiquity far into the shade.” 1 Quoted in Josh McDowell, Evidence That Demands a Verdict, vol. 1 (Nashville: Nelson, 1979), 127.

Ang KANIYANG Sermon sa Bundok ay masasabing pinaka-maganda at pinaka-dakilang KATURUAN na maaaring matanggap ng mga tao. Sa katunayan ang tinatawag natin sa ngayon na “EQUAL RIGHTS” ay hinango lamang sa mga KATURUAN ni HESUS.

Ang Historian na si Will Durant ay nagsabi tungkol kay HESUS,

“he lived and struggled unremittingly for ‘equal rights’; in modern times he would have been sent to Siberia. ‘He that is greatest among you, let him be your servant’—this is the inversion of all political wisdom, of all sanity.” Will Durant, The Story of Philosophy (New York: Washington Square, 1961), 428.

Samantala, sinikap naman ng ilan na IHIWALAY ang KANIYANG mga TURO sa mga bagay na SINABI NIYA SA KANIYANG SARILI, na ang paniniwala ay DAKILANG TAO lamang SIYA na NAGTURO ng MATAAS NA PRINSIPYONG MORAL.

Ganito ang pananaw ni Thomas Jefferson, naging pangulo ng America.

President Thomas Jefferson, ever the enlightened rationalist, sat down in the White House with two identical copies of the New Testament, a straight-edge razor, and a sheaf of octavo-size paper. Over the course of a few nights, he made quick work of cutting and pasting his own Bible, a slim volume he called “The Philosophy of Jesus of Nazareth.” After slicing away every passage that suggested Jesus’ divine nature, Jefferson had a Jesus who was no more and no less than a good, ethical guide.( Linda Kulman and Jay Tolson, “The Jesus Code,” U. S. News & World Report, December 22, 2003, 1. )

Ito ang naging pagkakilala ni Jefferson kay HESUS ayon sa kaniyang sariling kagustuhan. Sa katunayan, talagang nagustuhan niya ang pagtuturo ni HESUS tungjkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao na nagawa pa niyang gamitin ito sa isinulat niyang Declaration of Independence na kung saan ay kaniyang isinulat na, “We hold these truths to be self-evident, that all men are created equal….”

Subalit hindi ang MATAAS NA URI NG PRINSIPYONG MORAL at MABUBUTING GMA ARAL ang nagpasiklab ng damdamin ng mga kumalaban kay HESUS nang panahong yaon na bumago sa kasaysayan ng sanlibutan.

Sa katunayan, kung titingnan natin, KUNG HINDI TOTOO ANG MGA SINABI NIYA TUNGKOL SA KANIYANG SARILI, hindi SIYA kung gayon maaaring tawaging MABUTING GURO.

Dahil diyan, marami ang naniwala na si HESUS ay isa lamang DAKILANG LIDER NG RELIHIYON.

DAKILANG LIDER NGA LAMANG BA SI HESUS?
Ang titulo bang ito, DAKILANG LIDER NG RELIHIYON ang pinakamagandang deskripsiyon ni HESUS? Nakakagulat, subalit totoo, na si HESUS, kahit kailan ay hindi nagpahayag na siya ay isang religious leader.

Wala SIYANG naging kaugnayan sa anumang religious politics sa KANIYANG panahon, at ang KANIYANG MINISTERYO ay KANIYANG isinagawa sa labas ng kahit anumang relihiyon na noong araw ay nakatayo na.

Kung ikukumpara si HESUS sa ibang religiopus leaders, mapapansin natin ang MALAKING KAIBAHAN. Si Ravi Zacharias, na lumaki sa kulturang HINDU, ay pinag-aralan ang mga relihiyon sa mundo at napansin niya ang isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga religious leaders at ni HESUS.

Whatever we may make of their claims, one reality is inescapable. They are teachers who point to their teaching or show some particular way. In all of these, there emerges an instruction, a way of living. It is not Zoroaster to whom you turn; it is Zoroaster to whom you listen. It is not Buddha who delivers you; it is his Noble Truths that instruct you. It is not Mohammad who transforms you; it is the beauty of the Koran that woos you. By contrast, Jesus did not only teach or expound His message. He was identical with His message. (Ravi Zacharias, Jesus among Other Gods (Nashville: Word, 2000), 89.)

Ang katotohanan ng pahayag na ito ni Zacharias ay binigyang diin ng maraming beses sa EBANGHELYO na ang mga TURO ni HESUS ay “Come to me” or “Follow me” or “Obey me.”

Bukod dito sinabi mismo ni HESUS na ang KANIYANG PANGUNAHING MISYON AY MAGPATAWAD NG KASALANAN, isang bagay na TANGING DIOS LAMANG ANG MAKAGAGAWA.

Walang ibang religious leader na nagpahayag ng ganito, na mayroon silang kapangyarihan upang magpatawad ng kasalanan.

At ayon kay Huston Smith sa aklat na The World’s Great Religions, higit na IPINAKILALA ni HESUS ang KANIYANG SARILI. Sinulat niya na,

Only two people ever astounded their contemporaries so much that the ques¬tion they evoked was not ‘Who is he?’ but ‘What is he?’ They were Jesus and Buddha. The answers these two gave were exactly the opposite. Buddha said unequivocally that he was a mere man, not a god—almost as if he foresaw later attempts to worship him. Jesus, on the other hand, claimed … to be divine. (Peter Kreeft and Ronald K. Tacelli, Handbook of Christian Apologetics (Downers Grove, IL: InterVarsity, 1994), 150.)

SINABI BA NI HESUS NA SIYA AY DIOS?
Maliwanag, na kung aalamin natin ang mga unang taon ng iglesia, si HESUS ay KINILALA bilang PANGINOON at ang pananaw ng mga KRISTIYANO sa KANIYA ay DIOS. Subalit ang KANIYANG pagka-DIOS ay isang DOKTRINA o KATURUAN na naging laman ng malalaking debate.

Kaya nga ang tanong ay ito, IPINAHAYAG BA NI HESUS NA SIYA AY DIOS (MANLILIKHA), o ang KANIYA lamang pagka-DIOS ay isang bagay na inimbento lamang o ito lamang ang naging pananaw ng mga sumulat ng NEW TESTAMENT?

Maraming mga scholars ang nagpahayag na si HESUS ay isang MAKAPANGYARIHANG GURO at NAGTATAGLAY NG HINDI MATATANGGIHANG PERSONALIDAD, kaya ang KANIYANG mga ALAGAD ay TINAGGAP na lamang na SIYA AY DIOS o kaya ay ginusto lamang nilang isipin na si HESUS ay DIOS.

Si John Dominic Crossan at ang the Jesus Seminar (isang grupo of ng mga scholars na hindi naniniwala lalo na sa mga bagay na himala) ay ilan lamang sa mga naniniwala na si HESUS ay NAPAGKAMALIAN LAMANG NA ITURING NA DIOS.

Ilan sa mga relihiyon na nagsasabing hindi naman NIYA ipinahayag na DIOS ang KANIYANG SARILI ay ang mga Iglesia ni Cristo, Jehovah’s Witnesses, Christian Scientists, Unitarians, at ang ilan sa mga grupo ng relihiyon na labas sa tradisyunal na sangka-Kristiyanuhan gaya ng Islam.

Maraming mga Kristiyano ang nagpupumilit na si HESUS ay TUNAY na NAGSABING SIYA AY DIOS.

Bilang isang deist o naturalist (deism: a movement or system of thought advocating natural religion, emphasizing morality, and in the 18th century denying the interference of the Creator with the laws of the universe), si Jefferson ay walang problemang tanggapin na si HESUS ay isang MABUTING GURO NG MORALIDAD AT ETHICS subalit kaniyang isinasantabi ang pagiging DIOS ni HESUS. ( A deist is someone who believes in a standoffish God—a deity who created the world and then lets it run according to pre-established laws. Deism was a fad among intellectuals around the time of America’s independence, and Jefferson bought into it.)

Subalit gaya nang ating paliwanag, KUNG SI HESUS AY HINDI YAONG GAYA NANG KANIYANG IPINAPAHAYAG KUNG SINO SIYA, kung gayon kailangan nating humanap ng ibang maari pang maging alternatibo, sapagkat wala sa pananaw na ito ang magbibigay sa KANIYA ng titulo na DAKILANG GURO NG MORALIDAD kung NAGSISINUNGALING SIYA SA KANIYANG MGA PAGPAPAKILALA.

Sapagkat kahit ang mababaw na pagbabasa ng EBANGHELYO ay naglalarawan na si HESUS ay ISA NA HIGIT PA SA MGA PROPETANG GAYA NINA MOISES AT DANIEL.

Dalawang katanungan ang dapat nating pag-ukulan ng ibayong pansin:
• Inamin ba talaga ni HESUS na SIYA ay DIOS?
• Nang sinabi NIYANG “DIOS,” ang kahulugan ba nito ay SIYA BA ang MANLILIKHA na binabanggit sa LUMANG TIPAN (Hebrew Bible) ?

Upang masagot ang katanungang ito, tingnan natin ang salita mismo ni HESUS,

Matthew 28:18, NLT: “I have been given complete authority in heaven and on earth.”

Ano ang ibig sabihin ni HESUS nang sabihin NIYANG “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin?”

Ang salitang “authority” o kapamahalaan sa panahong yaon ay madaling maunawaan ng mga HUDYO, na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Roma. Sa panahong yaon, si Caesar ang supreme authority sa mga bayan at bansang nasasakop ng Roma. Ang kaniyang salita ay batas at makapaglulunsad agad ng digmaan dahil sa laki ng kaniyang hukbong kawal. Ang kaniyang salita ay may kapangyarihang humatol sa mga criminal ng lipunan at magsagawa ng mga bagong batas at palatuntunan ng pamahalaan. Sa katotohanan, ibinilang din niya ang kaniyang sarili na diyos din naman dahil sa laki ng kaniyang kapangyarihan.

Sa biglang tingin, sa salitang ito ni HESUS ay tila gusto NIYANG PANTAYAN ang kapangyarihang taglay ni CAESAR. Pansinin nating hindi NIYA sinabing HIGIT ang KANIYANG kapamahalaan sa mga PINUNONG HUDYO o sa mga GOBERNADOR NG ROMA, manapa ang KANIYANG PAHAYAG ay GANAP NA KAPAMAHALAAN sa LANGIT at sa LUPA (UNIVERSE).

Sa harap ng mga kausap NIYA, nangangahulugan ito na SIYA ANG DIOS, hindi “diyos” – kundi “ANG DIYOS”.

Ayon sa dating hindi naniniwala at isang Oxford professor na si C. S. Lewis,

Jesus’ claim to be God hit both his followers and enemies like a thunderbolt: ‘Then comes the real shock,’ wrote Lewis: ‘Among these Jews there sud¬denly turns up a man who goes about talking as if He was God. He claims to forgive sins. He says He always existed. He says He is coming to judge the world at the end of time.’ C. S. Lewis, Mere Christianity (San Francisco: HarperCollins, 1972), 51.

INAMIN BA NI HESUS NA SIYA ANG MANLILIKHA?
Posible ba na inilalarawan lamang ni HESUS ang KAPAMAHALAAN ng DIOS at hindi naman ang ibig sabihin ng pahayag NIYANG ito ay SIYA NGA ang MANLILIKHA? Maari nga ito, sa unang tingin.

Subalit ang sinabi ni HESUS na KAPAMAHALAAN sa LANGIT at LUPA ay magkakaroon lamang ng SENSE kung SIYA NGA ang MANLILIKHA ng BUONG SANSINUKOB. Ang salitang “ALL” o “lahat” ay kasama ang lahat ng mga bagay, including the creation itself.

Habang pinag-aaralan pa natin ng husto ang mga SALITANG ito ni HESUS ay isang pattern ang mapapansin natin. May mga deklarasyon si HESUS, na KUNG TOTOO ay posibleng tumuturo sa KANIYANG pagka-DIOS. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • I am the resurrection and the life. (John 11:25, NIV)
  • I am the light of the world. (John 8:12, NIV)
  • I and my Father are one. (John 10:30, NIV)
  • I am the Alpha and the Omega, the First and the Last, the Beginning and the End. (Revelation 22:13, NIV)
  • I am the way, the truth, and the life. (John 14:6, NIV)
  • I am the only way to the Father [God]. (John 14:6)

Muli, kailangan nating tingnan ang konteksto. Sa Lumang Tipan (Hebrew Scriptures), nang tanungin ni Moises ang pangalan ng DIOS, sinabi ng DIOS sa kaniya, “I AM.” Sinasabi ng DIOS kay Moises na SIYA ang TANGING MANLILIKHA, walang hanggan at makapangyarihan.

Mula sa panahon ni Moises, walang HUDYO o SINUMAN na nagpakilala sa TITULONG “I AM.” Dahil ITO ang naging pakilala ni HESUS, IKINAGALIT ito ng husto ng mga HUDYO sa KANIYANG panahon.

Katunayan, halimbawa’y ipinaliliwanag nila kung bakit hinahangag nilang patayin si HESUS,

“Because you, a mere man, have made yourself God” (John 10:33, NLT).

Ngunit ang punto dito ay ang lubos nilang IKINAGAGALIT ay dahil IPINAKIKILALA NIYANG SIYA ay DIOS, ang MANLILIKHA.

Dahil ditto sinabihan SIYANG NAMUMUSONG. Ang PAMUMUSONG o Blasphemy ay mabigat na kasalanan para sa mga HUDYO.

ANONG KLASENG DIOS?
Ang ilang nagtuturo na tayo ay mga “dios” ay maaaring tanggapin ang PAKILALANG ito ni HESUS. Ang ideya na tayong lahat ay bahagi ng DIOS, at tayong lahat ay may binhi ng pagka-DIOS ay hindi posibleng ito ang nais ni HESUS na maging kahulugan ng KANIYANG pahayag.

Itinuro ni HESUS sa paraang maiintindihan ito ng mga HUDYO, kung paano nila NAKIKILALA ang DIOS at kung paano inilalarawan ng Hebrew Scriptures ang DIOS at hindi sa paraan ng pagkakaunawa ng mga makabagong relihiyon sa kasalukuyan.

Marami sa atin ang sadyang hindi matanggap na si HESUS ay ang DIOS, kaya tinatawag na lamang SIYA ayon sa kanilang pagkakaintindi sa KANIYA, MABUTING GURO. Ngunit kung SIYA ay HINDI DIOS, tanggap ba natin na tawagin lamang natin SIYANG isang MABUTING GURO?

Pahayag ni Lewis,

“I am trying here to prevent anyone from saying the really foolish thing that people often say about Him: ‘I’m ready to accept Jesus as a great moral teacher, but I don’t accept his claim to be God.’ That is the one thing we must not say.” Lewis, 52.

Sa kaniyang pagsasaliksik sa katotohanan, alam ni Lewis na hindi maaari ang parehong katuwiran tungkol sa kalagayan ni HESUS. Maaaring si HESUS ay DIOS na nahayag sa LAMAN o di kaya naman ay HINDI TOTOO ang KANIYANG MGA PAHAYAG TUNGKOL SA KANIYANG SARILI. At kung ang mga ito ay hindi totoo, hindi naman maaaring tanggapin na SIYA ay maging ISANG MABUTING GURO. Maaring sinasadya NIYA na magsinungaling lamang o di kaya naman ay nasisiraan ng ulo, na iniisip NIYANG SIYA ay DIOS lamang, pahayag pa ni Lewis.

Kaya ito ang mga puwedeng pagpilian patungkol sa tunay na kalagayan ni HESUS:

• Si HESUS ay nagsisinungaling sa KANIYANG PAHAYAG

• Si HESUS ay baliw na nagpapanggap lamang na DIOS

• Si HESUS ay DIOS – gaya nang KANIYANG PAHAYAG

NAGSINUNGALING BA SI HESUS?
Ang tanong na kailangan nating pagukulan ng pansin dito ay, “ANO ANG POSIBLENG DAHILAN NI HESUS NG KANIYANG PAGSISINUNGALING TUNGKOL SA KANIYANG PAKILALA SA KANIYANG SARILI, kung ito man ay TOTOO?”

SIYA ang nagturo na ang DIOS ay laban sa mga SINUNGALING at sa mga MAPAGPAIMBABAW, kaya imposibleng magsinungaling SIYA dahil alam NIYANG hindi matutuwa ang DIOS sa KANIYA. Lalong hindi NIYA ito ginawa para sa KANIYANG mga alagad(sapagkat halos lahat ng mga ito ay namatay na naging martir sa pananampalataya).

So, imposibleng nagsisinungaling SIYA. Ayon kay Apostol Pedro,

1Pe 2:22 Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:

Dalawa na lamang ang pwede nating pagpilian.

Maraming mga tao ay nagsisinungaling para sa pansariling pakinabang, Sa katunayan, ang karaniwang motibo ng maraming kasinungalingang ginagawa ng mga tao ay napatunayang bunga ng pansariling interes lamang.

ANO BA ANG POSIBLENG MAGING PAKINABANG NI HESUS KUNG SIYA NGA AY NAGSISINUNGALING SA KANIYANG PAHAYAG SA KANIYANG SARILI? Posible kayang KAPANGYARIHAN? Kung maniniwala ang mga tao na SIYA ang DIOS, magkakaroon nga naman SIYA ng IBAYONG KAPANGYARIHAN o KAPAMAHALAAN.

Subalit nakita natin na HINDI naman hinangad o ginawa ni HESUS na ilagay ang KANIYANG SARILI sa isang mataas na kalagayan sa lipunan upang magkaroon ng kapangyarihan o kapamahalaan. Manapa, malimit pa nga ay tinutuligsa NIYA ang mga taong nasa kapangyarihan tungkol sa kanilang pagiging paimbabaw.

Bukod pa dito, mas pinili NIYA na ang makasama ay ang mga mahihirap at nakakaranas ng maraming salaghati sa buhay na ito, sila na walang kapangyarihan.

Kung KAPANGYARIHAN ang motibo ni HESUS, di dapat sana ay iniwasan NIYA ang mapako sa KRUS. Subalit sa ilang pagkakataon, sinabi NIYA sa KANIYANG mga APOSTOL, na ang KRUS ay ang huling hantungan ng KANIYANG MISYON. Paanong ang mamatay sa kamay ng mga kawal Romano ay magbibigay sa KANIYA ng kapangyarihan o kapamahalaan?

Nang si HESUS ay mamatay sa krus, anumang personal na interest na mayroon man SIYA(kung mayroon man) ay natapos lahat iyon. Subalit hanggang sa huling yugto ng KANIYANG hininga sa krus, ay nanatili SIYANG naninindigan sa KANIYANG mga PAHAYAG tungkol sa KANIYANG sarili.

Naniniwala ba ang mga HISTORIANS na si HESUS ay nagsisinungaling lamang? Ang mga scholars ay pinag-aralang mabuti ang mga salita at naging buhay ni HESUS kung may makakapa silang kahit maliit na EBIDENSIYA na maaaring maging kapintasan ng KANIYANG karakter. Subalit, kahit ang mga dating hindi naniniwala ay nagulat sa kawalan ng depekto, dungis o kapintasan man sa karakter na KANIYANG ipinakita.

SI John Stuart Mill, isang skeptic at antagonist, ay nagsabi tungkol kay HESUS, “ideal representative and guide for humanity.” Quoted in Josh McDowell, The New Evidence That Demands a Verdict (San Bernardino, CA: Here’s Life, 1999), 159.

Ayon sa mananalaysay na si Philip Schaff, walang ebidensiya, maging sa kasaysayan ng IGLESIA, na si HESUS ay nagsinungaling sa KAHIT anumang bagay.

Sinabi ni Schaff,

“How, in the name of logic, common sense, and experience, could a deceitful, selfish, depraved man have invented, and consistently maintained from the beginning to end, the purest and noblest character known in history with the most perfect air of truth and reality?”Quoted in McDowell, New Evidence, 160.

Kung papaniwalaan natin kung nagsisinungaling si HESUS, ay magiging laban ito sa lahat at anumang bagay na KANIYANG itinuro at kinamatayan. Sa maraming mga scholars, illogical ito at walang sense. Subalit kung hindi naman paniniwalaan ang mga PAHAYAG NI HESUS, marapat lamang na magkaroon ng matibay na paliwanag tungkol dito.

NASISIRAAN BA NG ULO SI HESUS?
Si Albert Schweitzer, na ginawaran ng Nobel Prize noong 1952 dahil sa kaniyang mga gawaing makatao, ay mayroong sariling pananaw tungkol kay HESUS.

Ang kaniyang conclusion ay “kabaliwan” ang dahilan na nasa ilalim ng pagpapakilala ni HESUS na SIYA ay DIOS. Sa madaling sabi, si HESUS ay mali sa KANIYANG pahayag subalit wala diumano SIYANG intension na magsinungaling. Ayon sa kaniyang haka, si HESUS mismo ay nadaya ng KANIYANG sarili na SIYA ang MESIYAS.

Bilang isang skeptic, sinabi ni C. S. Lewis na si HESUS ay hindi maaaring maging sinungaling at baliw.

“He would either be a lunatic—on a level with the man who says he is a poached egg—or else he would be the Devil of Hell.” Lewis, 52.

Subalit maging ang mga hindi naniniwala sa Kristiyanismo ay malaking katanungan sa kanila ang kabaliwan ni HESUS. Isang social reformer si William Channing (1780–1842), na umaming hindi Kristiyano ay nagsabi na,

“The idea that Jesus was self-deluded is the most absurd title we could give him.” Nothing Jesus said or did point to any mental instability. Quoted in McDowell, New Evidence, 161, 162.

Maging ang skeptic na si Rousseau ay kinilalang ang karakter at pag-iisip ni HESUS ay nakahihigit o superior,

“What presence of mind. … Yes, if the life and death of Socrates are those of a philosopher, the life and death of Jesus Christ are those of a God.” Quoted in McDowell, New Evidence, 122, 129.

Sinabi ni Schaff,

“Is such an intellect—thoroughly healthy and vigorous, always ready and always self-possessed—liable to a radical and most serious delusion concerning his own character and mission?” Quoted in McDowell, New Evidence, 162.

Si HESUS ba ay SINUNGALING o BALIW? O SIYA ang TUNAY NA DIOS?

Ang pahayag ni HESUS sa KANIYANG sarili ang dapat na pumilit sa atin upang magpasya tayo kung SINO nga ba talaga SIYA.

Hindi natin pwedeng i-cut and paste lang ang mga sinalita NIYA, gaya nang ginawa ni Thomas Jefferson.

Sinabi ni Lewis,

You must make your choice. Either this man was, and is, the Son of God: or else a madman or something worse. You can shut Him up for a fool, you can spit at Him and kill him as a de¬mon or you can fall at his feet and call Him Lord and God. But let us not come with any patronizing nonsense about His being a great human teacher. He has not left that open to us. He did not intend to. Lewis, 52.

Bago maging APOSTOL si PABLO, ang una niyang pagkakilala kay HESUS ay huwad at impostor. At bilang isa sa mga PINUNONG HUDYO, nanguna siya sa pag-uusig sa mga Kristiyano. Kalaunan ay sinabi niya sa mga taga-Filipos,

Though he was God….he appeared in human form. Philippians 2: 6, 7

Ang kabuuan ng mensahe ng buhay at mga salita ni HESUS ay magiging VALID lamang kung mapapatunayang TUNAY o TOTOO din ang claim NIYA tungkol sa KANIYANG SARILI.

Kung ITO NGA AY TOTOO, marapat lamang na bigyang halaga natin ang KANIYANG mga TURO at KAUTUSAN. Kayo, Sino po si HESUS para sa inyo?

(to be continued)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers