Sino ang Gumawa kay Satanas?

Marami ang nagtatanong kung saan nanggaling ang diablo. Mula sa alamat ng mga Arabiyano, nilikha daw ito ng Dios sa pamamagitan ng apoy. Lumikha nga ba ng DIOS ang masamang nilalang gaya ng diablo? Sinasagot ng Biblia lahat ng mga katanungan na ito. Sa paksa na ‘Sino si Satanas?’ mauunawa natin na si Satanas ay nagawang mahikayat ang sangkatauhan at naging kalaban kapuwa ng Dios at lahat ng mga lingkod ng Dios. Ngayon naman ay tatalakayin natin kung ano ang pasimula ni Satanas, at upang magawa natin iyan, kailangan nating saliksikin ang Biblia. Paroonan natin ang kasaysayan ng paglikha – Genesis 1:1.

Sa unang talata na ito, wala tayong mababasa na naroon na si Satanas sa araw ng paglalang. Ang Biblia, kung magpahayag ng kuwento ay hindi lamang sa isang talata, matatagpuan natin ang kabuoan ng kuwento sa ibang mga talata ng Biblia.

Sa Lumang Tipan, ipinakilala si Job na isang taong matuwid at matatakutin sa Dios. Ngunit sa kabila nito, kinailangan na magdaan siya sa mga matitinding hirap at sakit, at dahil dito, nagawa niyang tanungin ang kahatulan ng Dios. Sinagot siya ng Dios sa pamamagitan ng mga katanungan upang matulungan siyang maunawaan na wala siya sa kalagayan upang maunawaan ang tungkol sa mga gawa at kahatulan ng Dios.Sinabi ng Dios, “Where were you when I laid the earth’s foundation?” God asked him. “Tell me, if you understand. Who marked off its dimensions?…On what were its footings set, or who laid its cornerstone—while the morning stars sang together and all the angels shouted for joy?” (Job 38:4-7, NIV). Mula dito ay makikita natin nang likhain ng Dios ang lahat ng mga bagay, ang naroroon lamang ay mga anghel, na naghihiyawan sa kagalakan sapagkat kanilang nakikita ang mga kahangahangang mga nilikha ng Dios. Nasaan ang diablo dito?

Sa Genesis 1:2 ay sinasabi na pagkatapos na likhain ng Dios ang langit at ang lupa, “ang lupa ay walang anyo at walang laman.” Ang English at Tagalog translation ay isinalin ito ngunit hindi akma sa pinanggalingan at pinagkuhanang orihinal na salin na Hebrew.

Ang mga salitang tohu va-bohu, ay isinalin na  “without form and void,(walang anyo at walang laman)” ay mas mainam na isalin bilang “waste and void” (Young’s Literal Translation).

Sa Isaiah 45:18, sinabi ng Dios na tungkol sa lupa, ay “He did not create it in vain.” Sa talatang ito ay makikita natin ang parehong salita na tohu ang ginamit. Kung hindi niya ito nilikha sa kalagayang sira, paano ito nagkaganito?

Bahagi ng kasagutan dito ay makikita sa Genesis 1:2. Ang Hebrew word na hayah, kung isasalin ay  “was”  ang kahulugan at maaari ding katumbas ng salitang “became,” katulad ng mababasa sa Genesis 2:7 at Genesis 19:26.

Ang lupa ay hindi nilikha na sira (waste and void) subalit naging ganito lamang ito sapagkat mayroong pangyayaring naganap sa pagitan nito. Matutunghayan sa Rotherham’s Emphasized Bible, ang Genesis 1:2 ay mas mainam na isinalin at mababasa na, “Now the earth had become waste and empty.” Ang pagsasalaysay sa aklat ng Genesis ay hindi kabuoan ng buong kasaysayan, lalo na ang pangyayaring naganap sa pagitan ng dalawang unang talata.

Pinapaliwanag ba sa ibang aklat sa Biblia ang tungkol sa kalagayang binabanggit (waste and void)? Sa 2 Peter 2, matutunghayan kung paano ipinakita ang ilang halimbawa ng kahatulan ng Dios sa mga kamaliang nagagawa ng tao. Ang talatang 5 at 6, ay tinatalakay ang tungkol sa malaking baha sa panahon ni Noah at kalaunan naman ay ang pagkagunaw ng Sodoma at Gomorrah.

Ngunit bago dumating sa talatang ito, sa talatang 4 ay mababasa natin na, “Sapagka’t kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila’y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;” Sa orihinal na salin at wikang Griyego, ang tinutukoy dito na pinagbulidan ay ang Tartarus (ταρταρόω ) tartaroo – From Τάρταρος Tartaros̄ (the deepest abyss of Hades); to incarcerate in eternal torment: – cast down to hell.

Ngunit, kailan nagkasala ang mga anghel na tintukoy dito? Hanapin natin ang kasagutan sa ibang talata at sa Judas 6 binabanggit doon na “At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.”

Ang pag-iwan ng tahanan na binabanggit dito ay isang pangyayaring naganap sa mga anghel na ito nang kanilang iwan ang dako at kalagayan na una nang ibinigay sa kanila ng Dios. Naroon sila sa araw ng paglalang, subalit nag-aklas laban sa Dios, “Rev 12:8  At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.”

Ang Pagbagsak ng mga Anghel

Sa aklat ng Propeta Isaias 14 ay mababasa ang pag-aklas ng mga anghel. Sa talatang 4, pinatutungkulan ng Dios ang “hari ng Babilonia”  na sa panahon ni Propeta Isaias ay nag-uumpisang makilala ito bilang isang makapangyarihang bansa sa dakong yaon ng daigdig. Ang hari nito ay sinikap na palawakin ang kaniyang nasasakupan sa pamamagitan ng digmaan at pamimilit. Ginawa niyang alipin, pinagnakawan at sinira ang mga bansa na nakapaligid sa kaniya. Masama ang hari ng Babilonia, sapagkat nagkakaroon siya ng kapangyarihan at kayamanan sa pamamagitan ng pangdadahas, madugong pakikipaglaban na siya namang katangian na naglalarawan kay Satanas. Kung babasahin natin sa ilang mga talata ng kasulatan, makikilala natin na si Satanas ay ang tunay na kapangyarihang nagpapagalaw sa lahat ng mga kaharian sa sanlibutan. (paghambingin ang Luke 4:5-7; John 12:31; Revelation 12:9; 13:2).

Sa talatang 12, ay mapapansin natin ang paglipat mula sa isang pisikal na hari sa isang pinuno na lalong mataas sa kaniya. May mga scholars na nagsasabi na ang orihinal na wika sa mga talatang ito ay isang uri ng panaghoy o panambitan, paglalarawan ng kalungkutang nadama ng Dios bunga ng mga pangyayaring binabanggit na naganap: Isa 14:12  Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! Isa 14:13  At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Isa 14:14  Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan. Ipinaliliwanag dito ang pagkahulog ng anghel na tinatawag na tala sa umaga, sapagkat hinangad niyang maging Dios at mapantayan ang kalagayan ng Dios.

Sino ang anghel na ito na nagawang itaas ang kaniyang sarili sa ibabaw ng lahat ng mga anghel(ang star o tala ay sumisimbolo sa anghel- Revelation 1:20) ng Dios, upang hamunin ang Dios sa Kaniyang pamamahala sa buong sansinukob?

Sa Ezekiel 28, matatagpuan natin ang kasagutan. Ang chapter na ito ay halos kapareho ng Isaias 14. Ngunit dito sa Ezekiel 28:2, ang pinatutungkulan ay ang “prince of Tyre.” Ang Tyre, ay isang baybaying siyudad sa dakong hilaga ng sinaunang Israel sa dagat ng Mediterranean, at pamoso bilang isang pangunahing sentro ng kalakalan. Ang mga pinuno nito ay naging masasama at malulupit dahil sa kanilang kayamanan at impluwensiya.

Sa mga talatang 6-10, sinabi ng Biblia na dahil sa pagmamalaki o kayabangan ng pinuno nito, ang kaniyang lakas at kayamanan ay babagsak. Sa talatang 12, mapapansin natin na “king of Tyre” na ang pinatutungkulan at hindi na “prince of Tyre” na gaya nang una. Sumisimbolo na hindi na ang pisikal na prinsipe ang pinatutungkulan kundi ang tunay na  namumuno – ang “hari” na siyang tunay na may kapangyarihan sa trono.

Ang pagsasalarawan sa katangian ng “hari ng Tiro” ay malinaw na ang pinatutungkulan ay hindi isang tao. “Eze 28:13  Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda. Eze 28:14  Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa’t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.”

Walang sinumang tao ang maaaring umakma sa deskripsiyon bilang “puno ng karunungan at sakdal sa kagandahan.” (talatang 12). Ang nilalang na ito ay nilikha- at naroon din sa Eden, na halamanan ng Dios. Siya ang pinahirang kerubin.

Ano ang kahulugan ng mga katagang ito? Ano ang ibig sabihin ng “kerubin na tumatakip?”

Sa Hebrew 8:5, mababasa natin na ang tabernakulo na itinayo sa panahon ni Moises- ay ang sangtuario na dinadala ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa ilang – at ito ayon sa talata ay kopya at anino ng kung ano ang nasa langit(NIV).

Sa Exodus 25:18-20, niliwanag na ang Dios ay inutusan ang Israel na gumawa ng pisikal na representasyon- ng Kaniyang Luklukan na maaari nilang dalhin sa kanilang paglalakbay sa ilang.  Sa magkabilang dulo ng “luklukan ng awa” na kumakatawan sa Luklukan ng Dios, ay ang mga kerubin na ginto na ang kanilang mga pakpak ay tumatakip sa luklukan ng awa. Ang dalawang kerubin, na yari mula sa ginto, ay kumakatawan sa tunay na mga anghel – na ang kanilang mga pakpak ay tumatakip sa Luklukan ng Dios.

Nakasaad sa aklat ng Ezekiel na ang nilalang na pinatutungkulan ng Dios ay ang “kerubin na tumatakip,” nangangahulugang isa sa siya sa mga kinikilalang dakilang anghel na naglilingkod sa Luklukan ng Dios. Ang mga anghel na ito ay binigyan ng tungkulin na maglingkod at tumakip sa banal na Luklukan ng Dios sa langit.

Maraming talata sa Biblia na ang Dios ay umuupo sa pagitan ng mga kerubin, ipinakikitang ang mga nilalang na ito ay kapiling ng Dios at naglilingkod sa Kaniyang Luklukan (1 Samuel 4:4; 2 Samuel 6:2; 2 Kings 19:15; 1 Chronicles 13:6; Psalm 80:1; Isaiah 37:16).

Samantala, ang dakilang kerubin na binabanggit ay inilalarawan din bilang nasa “banal na bundok ng Dios.” Sa Biblia, ang burol at bundok ay karaniwang kumakatawan sa pamahalaan (Revelation 17:9-10). Ang tinutukoy na anghel ay bingyan ng karapatan na pamahalaan ang ibang mga anghel,  na umaabot ng daang milyon ang bilang (Daniel 7:9-10; Revelation 5:11).

Sinabi ng Dios sa anghel na ito, “Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” (Ezekiel 28:15)  At gaya ng paglalarawan sa Isaias 14, ang talatang ito ay naglalarawan sa isang nilikhang nilalang, at hindi isang tao. Ang nilalang na ito ay pambihira at makapangyarihan, sakdal hanggang sa masumpungan ang kalikuan, sa pamamagitan ng kaniyang kagandahan at karilagan, na siyang sumira at lumason sa kaniyang karunungan(Ezekiel 28:17). At dahil dito ay itinapon siya ng Dios – Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya’t inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga. (talatang 16)

Ang kasalanang ito na bumangon sa napakandang anghel ang nagtulak sa kaniya upang labanan ang Dios na makapangyarihan sa lahat. “Isa 14:13  At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Isa 14:14  Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan.”

Gaya nang ating nalaman, ang anghel, ang kerubin na nilikha ng Dios na maganda, sakdal at makapangyarihang espiritu ay nag-aklas laban sa Dios. Hindi nilikha ng Dios ang diablo- Satanas. Ang nilikha ng Dios ay isang sakdal na anghel, na sa pamamagitan ng kaniyang sariling kalooban ay bumangon ang kasamaan, na naging dahilan upang siya ay maging diablo at Satanas, kaaway ng Dios at ng mga lingkod ng Dios. Sa pamamagitan ng kaniyang kasamaan at pag-aklas laban sa Dios, binago niya ang kaniyang sarili at naging diablo at Satanas. Hindi nabawasan agn kaniyang kagandahan at kapangyarihan nang siya ay naging Satanas. Taglay niya pa ito hanggang sa kasalukuyan, hindi upang paglingkuran ang Dios kundi upang paglingkuran ang kaniyang sariling kalooban at kasamaan.

Taglay ni Satanas ang kakayahan upang mahikayat maging ang kaniyang mga katulad na anghel. Nang mag-aklas siya laban sa Dios, hinikayat niya ang ibang mga nilalang na anghel upang labanan ang pamunuan ng Dios. Inilarawan ito bilang simbolo sa Apocalipsis 12: 3-4, “Rev 12:3  At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo’y may pitong diadema.
Rev 12:4  At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
Sa talatang 9, ay niliwanag na ang dragon na ito ay si Satanas. Nabasa na natin na ang mga bituin ay sumisimbolo sa mga anghel (Apoc. 1:20). Ang ikatlong bilang ng mga anghel sa langit ay nahikayat at sumunod kay Satanas at ibinagsak sila dito sa lupa, kasama ng diablo. Hindi sila nagtagumpay sa Dios at sa Kaniyang mga anghel na hindi sumunod sa diablo.

Sinasabi ng Biblia na si Satanas at ang ibang mga anghel o tinatawag na mga demonyo, mga hindi malinis na espiritu. Sila ay mga anghel na bumagsak at hindi nagtagumpay sa kanilang layunin na paglingkuran ang Dios at ang sangkatauhan(Hebrews 1:13-14). Sinasabi ng Biblia na hindi lamang nila kayang hikayatin ang mga tao kundi may kapangyarihan din silang sumanib sa mga tao bilang masamang espiritu(ang pagsanib, o direktang pag-kontrol sa pagkilos at galaw ng katawan ng mga tao). Ang mga sinasaniban ay nagpapakita ng kakaibang pagkilos, karaniwan ay bayolente at mapanira. (Matthew 8:28; 17:14-18; Acts 19:14-16; Luke 8:27-33).

Ang mga lingkod ng Dios ay hindi dapat matakot sa mga espiritu ng mga demonyo sapagkat kung paanong madaming masasamang espiritu, higit ang dami ng mga tapat at mga lingkod ng Dios na mga anghel na isinugo upang paglingkuran ang mga lingkod ng Dios. (God’s servants are not to be fearful on such demonic influence. While there are many evil spirits, they are fewer in number and inferior in power to God’s faithful angels, who are “ministering spirits sent to serve those who will inherit salvation” (Heb 1:14  Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?) Ang mga Kristiyano ay hindi dapat matakot sapagkat “hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.”( 2 Tim. 1:7)

Ang pinakamabisang paraan upang hindi mahikayat at hindi maapektuhan ng masasamang espiritu ay ang pagkakaroon ng malakas na pananampalataya, at mabuhay nang naaayon sa kalooban ng Dios. Ang mga tapat na lingkod ng Dios ay napupuspos ng espiritu -Efeso 5:18, sa pamamagitan nito ay tatakas ang diablo – Jas 4:7  Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers