Pakikipagkaisa sa mga Demonyo

1 Corinthians 10:20-21-  Subali’t sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio. Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo’y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.

Gamitin natin ang paghahambing na ito ni Apostol Pablo, ang espirituwal nating pamumuhay bilang mga Kristiyano ay hindi dapat kombinasyon o pinagsama-samang doktrina ng mga tao at doktrina ng Dios o ng Biblia.

Kailangan nating matutunan at maintindihan kung ano ang tunay na pagkain (tunay na pananampalataya o tunay na mga katuruan ng Dios) at ang mga hindi tunay na pagkain (mga paniniwala ng tao gaya ng pamahiin, mali o hiduwang pananampalataya, at ang mga aral na nagmula sa paganismo).

Bilang mga Kristiyano, kailangang malaman natin na may mga aral na mali, na may mga aral ng demonyo, na may mga bulaang apostol at mga tagapangaral.

Marami ang nagsasabing sila ay mga Kristiyano subalit ang kanilang mga aral na sinusunod ay may kinalaman sa mga aral na mula sa paganong paniniwala, gaya ng astrolohiya o zodiac signs, paniniwalang intsik gaya ng fortune cookies,christmasnew year celebrationHalloween at iba pa.

Gaya ni Apostol Pedro, binibigyang babala ni Apostol Pablo ang mga miyembro ng iglesia na mag-ingat tungkol sa pagtalikod ng marami at pagyakap sa mga paniniwalang demonyo: 1Ti 4:1  Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.

Ang salitang mapanghikayat na sa wikang english ay seducing ay namula sa Greek word na planos na ang kahulugan ay Of uncertain affinity; roving (as a tramp), that is, (by implication) an impostor or misleader: – deceiver, seducing. Ang salitang planet ay nagmula din sa salitang ito. Sa mga sinaunang astronomers na mga Griyego, naniniwala sila na ang mga planeta ay tila pagalaw-galaw o kumikilos. Ito din ang kalooban ng diablo na gawin sa mga tao, ang pagalawin ito o kontrolin papalayo sa kalooban ng Dios, papalayo sa mga tunay na aral ng Dios at sa tunay na landas na dapat lakaran nating mga tao.

Ito ang sinasabi ni Apostol Pablo na tunay nating mga kalaban. Eph 6:10  Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Eph 6:11  Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Eph 6:12  Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

Hindi madaling makilala ang mga aral ng demonyo.

Maraming pandarayang ginagawa ang diablo at ang mga demonyo upang mailigaw ang marami. Kaya naman, maraming mga tao ang naligaw sa tunay na paniniwala. Sa halip na ang sundin ay ang kalooban ng Dios, hindi nila namamalayan na aral na pala ng tao o ng demonyo ang kanilang sinusunod.

At dahil mas nakakarami ang hindi nakakilala sa tunay na Dios, taglay niSatanas ang kakayahan na sabihin sa kanila ang kahit anumang bagay at agad silang naniniwala.

Halimbawa ay ang mga pamahiin, paniniwala sa mga rebulto na diumano ay larawan naman ni Hesus at ng iba pang mga santo, mga paniniwalang ilang daang taon nang tanggap ng sangkatauhan kung kaya’t mahihirapan nang ituwid dahil ang bilang ng taon na inilagi nito ay sapat nang dahilan para sa kanila upang matanggap na ito ang katotohanan.

Hindi namamalayan ng marami na ang kanilang tinatalima ay mga aral ng demonyo. Hindi nila ito nahahalata sapagkat ginagamit din ng diablo ang mga salita ng Dios upang dayain ang mga tao.

Subalit sa mga tunay na Kristiyano, madali nilang makilala ang sa Dios at ang mga lalang lamang ng Diablo. At ang mga tunay na Kristiyano ay kailan man hindi papayag na makipagkaisa nang tuluyan sa mga lalang ng diablo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers