Materyal at Espirituwal na Buhay

Sinabi ni Hesus,

Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios. (Mateo 4: 4) Ito ang nagpapatunay na ang buhay natin ay hindi lamang materyal, kundi mayroong bahagi ng ating pagkatao na tinatawag na espirituwal.

Ang materyal na bahagi ng ating pagkatao ay ang bahagi ng ating buhay na pawang ang pangangailangan ay materyal na bagay din, gaya ng pagkain, pananamit, tahanan at iba pang bagay na maaaring mahawakan at maranasan.

Samantalang ang espirituwal na bahagi ng ating pagkatao ay tumutukoy sa mga bagay na pangangailangan ng ating mga kaluluwa o pagkataong loob. Ito ang pinaka-importanteng bahagi ng ating pagkatao sapagkat sa puso natin laging tumitingin ang Dios. 1Pe 3:4 Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

May mga pastor o tagapangaral na laging binibigyang diin ang pamumuhay na espirituwal at hindi naman masamang bigyang diin ito. Subalit ang hindi maganda, ay bigyang paliwanag na hindi na mahalagang bigyang pansin ang materyal na bahagi ng ating buhay.

Kapuwa mahalaga ang materyal at ang espirituwal na buhay. Subalit alam nating higit nating dapat patatagin ang espirituwal na bahagi nito. Ngunit hindi nangangahulugang dapat nang pabayaan ang materyal na bahagi ng ating buhay.

At dahil kapuwa mahalaga ang materyal at espirituwal, dapat nating pag-aralan kung paano natin kapuwa mapapaunlad ang dalawang mahalagang bahaging ito ng ating buhay.

Mayroong nangangaral na hindi daw makakapasok sa langit ang mga mayayaman, sapagkat ang paniniwala nila, tanging ang mga dukha lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mayroon namang naniniwala na ang mga dukha ay hindi magiging karapatdapat sa Dios, kundi ang mga mayayaman lamang ang magiging karapatdapat. Naniniwala pa nga ang mga ito na ang palatandaan na pinagpapala ng Dios ang mga tao ay kung ito ay nagtataglay ng mga biyayang materyal. Naniniwala sila na ang mga taong walang materyal na biyaya ay hindi sa Dios.

Sabi ng Biblia, 1Sa 2:7  Ang Panginoo’y nagpapadukha at nagpapayaman: Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas. Maliwanag dito na ang kayamanan o biyayang materyal ay pawang buhat sa Dios. Nasa Dios ang pagginhawa nating mga tao at nasa Kaniya din ang kakayahan upang tayo ay makaranas ng karukhaan.

Kaya hindi nangangahulugan na kung mayaman na at gumiginhawa na sa buhay ay lumalayo na ang Dios sa atin. At hindi din naman nangangahulugan na kung nararanasan natin ang kahirapan ay lalong pinababayaan na tayo ng Dios.

Ang importanteng bagay nating dapat maintindihan dito ay matutunan nating ang buhay natin sa mundo ay pansamantala lamang. Hindi ito permanente, pansamantala lamang ang lahat. Kaya nga hindi dapat masobrahan ang paghahangad sa mga bagay na materyal. Subalit hindi din naman nangangahulugang pabayaan na lamang ang materyal na bagay.

Maraming mabubuting bagay din kasi ang maaaring idulot ng mga materyal na bagay. Malaki ang pagkakataon nating makapagbigay kung mayroon tayong ibibigay. Hindi tayo makapagbigay kung wala tayong ibibigay. Maraming mga kapatid sa Biblia na nagawang makatulong sa mga Apostol dahil nakakaginhawa sila sa buhay.

Kaya maaari naman palang pagsamahin na paunlarin ang materyal at ang espirituwal na bahagi ng ating buhay.

Ang dapat lang pag-ingatan ay ang pagkahulog sa tukso, gaya ng ilan na nahulog sa tukso dahil sa paghahangad ng ginhawa sa buhay nating ito. 1Ti 6:10 Sapagka’t ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers