Maglinis Tayo

Hangad ng Dios na tayo ay magbago at maging malinis bago tayo makapasok sa kaharian ng langit. Nakasulat sa aklat ng Pahayag 21:27, “na walang anumang bagay na marumi na papasok sa kaharian ng langit.”

Ang paglilinis ay gagawin dito sa lupa, habang tayo ay nabubuhay at mayroong pagkakataon na gawin ito. Sapagkat kapag tayo ay namatay na, imposible na magkaroon tayo ng pagkakataong maglinis ng ating mga kasalanan. Wala nang paglilinis na magaganap kapag tayo ay namatay na.

Huwag tayong maniwala sa maling paniniwalang mayroong magaganap na paglilinis sa kabilang buhay, ang tinutukoy natin ay ang paniniwala ng marami tungkol sa purgatoryo.

Mayroon lamang ilang bagay na kailangan nating maunawaan tungkol sa paglilinis na kailangan nating gawin. Una, kailangang iwasan natin ang mga katuruang pang-tao o mula lamang sa haka-haka ng mga tao. Lahat ng kaalaman na kakailanganin natin ay dapat isa lamang ang panggalingan, ito ay ang Banal na Kasulatan, ang Biblia.

Ikalawa, sinasabi ng Biblia na lahat tayo ay nagkasala at hindi naka-abot sa kaluwalhatian ng Dios. Ito ang ultimong dahilan kung bakit kailangan nating maglinis sa ating mga kasalanan at marating natin ang kasakdalan na hinahanap ng Dios na makita sa ating lahat.

Posible ba na marating ang kasakdalang ating tinutukoy?

Hindi ipapangaral ni HESUS ang pagpapakasakdal kung hindi ito magagawang marating ng mga tagasunod Niya. Ibig sabihin, kung ito man ay iutos ni HESUS, tinitiyak Niya na ito ay magagawa nating marating. (Mateo 5:48 – “magpakasakdal kayo, sapagkat ang inyong Ama na tumawag sa inyo ay sakdal.”)

Ang paglilinis o pagpapakasakdal niliwanag ng Biblia na isang kalagayan ng paglago ng pananampalataya sa tulong ng kahabagan ng Dios. Mayroong proseso na kinakailangang sundan at gawin upang maabot at marating ang kasakdalan o kalinisan.

Kalakip ng proseso ng paglilinis ay makikita ang pagbabago sa pamumuhay ng isang nagsisikap na magawa ito. Ang pagbabago ay palatandaang mayroong pagsulong o pag-unlad na nagaganap.

Ang isa pang kahulugan ng paglilinis ay isa itong proseso ng pagbabanal, na nagaganap sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay ng isang mananampalataya. Sa dalawang depinisyon, mapapansin nating mahalaga ang pagbabago.

Ang pagbabago ay ipinakikita sa pamumuhay, sa gawi, kilos, pananalita, pag-iisip at pakikitungo sa kapuwa at kapananampalataya. Ang isang naglilinis ay sinisikap na mabuhay ng ayon sa pananampalataya at kalooban ng Dios.

Ang unang bahagi ng paglilinis ay nagaganap kapag ang isang tagapakinig o nagsisiyasat ng kalooban ng Dios ay naging isang mananampalataya. Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng salita ng Dios (Roma 10:17).

Pagkatapos ng pagsampalataya sa pamamagitan ng pakikinig, kasunod nito ay ang pagganap ng isang bagay na nararapat gawin ng bawat isa, samakatuwid baga ay ang bagay na ginanap ni HESUS bilang pagpapakita ng halimbawa. Ang tinutukoy natin ay ang BAUTISMO. (Mateo 3:15)

Bakit Bautismo?

Sa pamamagitan ng Bautismo, ang mga karumihan o kasalanang nagawa natin ay patatawarin ng Dios, ang pagpapatawad ng Dios ay palatandaang nililinis Niya tayo, upang maihanda sa panibagong buhay, sa bagong paraan ng pamumuhay na batay sa Salita ng Dios, sa pamamagitan ng patnubay ng Banal na Espiritu, kaya’t ang sinumang nabautismuhan ay ipinanganak ng mga Salita ng Dios.

Ang mga salita ng Dios ang maglilinis sa atin, ito ang babanal sa atin at magtutuwid sa ating mga maling lakad at masamang haka ng kalooban.

Ang paglilinis ay ginagawa ng mga lingkod hindi lamang sa pagkakabautismo. Sinisikap ng mga Kristiyano na maglinis sa tuwina. Ginagawang gawi ang pagpapasakdal sa lahat ng paraan ng pamumuhay, sa paraang tuloy-tuloy at pasulong na pag-unlad at pagbabago patungo sa tunay na pagsunod sa Kaniyang mga banal na kalooban.

Ginagawa ang paglilinis sa bahay ng Dios, na siyang Iglesia ng Dios. Dito naanib ang mga unang lingkod, mga Kristiyano, mga Apostol na tinawag na mangagbanal gaya nina Apostol Pablo. (1 Corinto 1:1 -2)

Ang paglilinis o pagpapasakdal, gaya ng pagbabago ay hindi kaagad agad na malulubos. Ito ay tuloy-tuloy na proseso.  “For both He who sanctifies and those who are being sanctified are all of one, for which reason He is not ashamed to call them brethren …” (Hebrews 2:11) “For by one offering He has perfected forever those who are being sanctified.” (Hebrews 10:14)

Pansinin natin na ang ginamit na salita ay “being” na ang kahulugan ay tuloy-tuloy o patuloy na isinasagawa at hindi lamang gagawin kapag naisipan na gawin at kapag nawala na sa isip ay hindi na gagawin.

Hangad ng Dios na ang paglilinis natin ay hindi lamang sa ating mga kaluluwa, kundi maging sa ibang sangkap ng ating katawan, ang espiritu at ang katawan. Ito ang tatlong sangkap na bumubuo sa atin, katawan, kaluluwa at espiritu. Binigyang diin ni Apostol Pablo ang paglilinis at pagpapakasakdal sa tatlong sangkap na ito sa kaniyang sulat kay TImoteo. “Now may the God of peace Himself sanctify you completely; and may your whole spirit, soul, and body be preserved blameless at the coming of our Lord Jesus Christ.” (1 Thessalonians 5:23)


Ang paglilinis ng katawan ay nangangahulugan ng pag-aalis ng masasamang bisyo, na nagpapadumi sa katawan gaya ng labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng bawal na gamot at iba pa. Ang mga ito ay tuwirang sumisira ng sangkap ng ating mga katawan gaya ng lungs at kidney.

Samantala, ang paglilinis ng espiritu at kaluluwa ay malawak na aralin, subalit kung paiikiliin ay nangangahulugan ng pamumuhay na banal, sa puso at isipan, nahahandang lagi sa pagganap ng kalooban ng Dios, na laging lumalayo sa kasamaan at kasalanan ng sanlibutang ito.

Ipinahayag ni Pablo ang mga pamamaraan upang maging malinis tayo sa lahat ng paraan ng ating pamumuhay at upang maging karapat-dapat sa Dios.

  • For this is the will of God, your sanctification: that you should abstain from sexual immorality; that each of you should know how to possess his own vessel in sanctification and honor, not in passion of lust, like the Gentiles who do not know God … For God did not call us to uncleanness, but in holiness.” (1 Thessalonians 4:3,7)
  • “Therefore, having these promises, beloved, let us cleanse ourselves from all filthiness of the flesh and spirit, perfecting holiness in the fear of God.” (2 Corinthians 7:1)
  • “But in a great house there are not only vessels of gold and silver, but also of wood and clay, some for honor and some for dishonor. Therefore if anyone cleanses himself from the latter, he will be a vessel for honor, sanctified and useful for the Master, prepared for every good work.” (2 Timothy 2:20)
  • “I speak in human terms because of the weakness of your flesh. For just as you presented your members as slaves of uncleanness, and of lawlessness leading to more lawlessness, so now present your members as slaves of righteousness for holiness … What fruit did you have then in the things of which you are now ashamed? For the end of those things is death. But now having been set free from sin, and having become slaves of God, you have your fruit to holiness, and the end, everlasting life.” (Romans 6:19-22)

Mahalaga kung gayon ang paglilinis, at nararapat isagawa ng lahat ng mga Kristiyano. Ipagpatuloy natin ang pagsasaliksik ng mga katuwiran at salita ng Dios upang lalo nating mapatunayan ang mga pamamaraan ng Dios upang tayo ay lubos na maging karapatdapat sa Kaniya.

Sa Kaniya ang lahat ng kapurihan at karangalan. Siya nawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers