Katiyakan sa Hinihintay

Hebrews 11:1, Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

Mas malinaw nating mauunawaan ang talatang ito depende kung paano natin naiintindihan ang salitang “kapanatagan.” Sa wikang English, isinalin ito na “substance,” ngunit sa wikang Greek tinawag itong “hupostasis.” Ang kahulugan nito ayon sa Strongs Dictionary ay “a setting under (support), that is, (figuratively) concretely essence, or abstractly assurance (objectively or subjectively): – confidence, confident, person, substance.” Malapit ngang kahulugan ang kapanatagan o katiyakan.

Sa espirituwal na diwa nito, ang hindi nakikitang pananampalataya ay nagiging saligan, at siyang nagpapakilos sa gawa na nakikita. Subalit hindi dito dapat matapos ang pakahulugan nito sa salitang hupostasis. Paano nga ba natin dapat tingnan ang kahulugan ng pananampalataya sa buhay natin?

Kung gagawing subjective ang kahulugan nito, pwedeng isalin ang talata sa ganito, ang pananampalataya ay pagiging sigurado sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Maaari din na ang maging salin ay ganito, sa pananampalataya, lahat ng inaasahan ay nagkakaroon ng katuparan. Binibigyang diin dito ang lubos na paniniwala sa kung ano ang ating pinaniniwalaan.

Kung objective naman ang magiging salin nito, ang talata ay maaaring maging ganito, ”Faith is the substance of things hoped for” or “Faith is the title deed of things hoped for.” Binibigyang diin naman dito na ang pananampalataya ay isang bagay na labas sa ating pagkatao na ating maaaring asahan.

Kung titingnan natin, higit na sumasang-ayon ang pakahulugang subjective sapagkat umaayon ito sa tema ng kabuoan ng sulat ni Apostol Pablo. Malaking panahon ang ginugol ni Pablo upang mapaalalahanan ang mga Hebreo tungkol sa kung gaano kadakila ang kanilang sinasampalatayanan, na ang mga bagay na tumutukoy kay HESUS ay higit sa anumang bagay na maaaring asahan ng tao sa buhay na ito.

Bagaman, dito ay masusumpungan natin na ang tunay na suliranin ay ang puso ng mga Hebreong ito. Ibig ipaunawa ni Pablo sa kanila na kanilang winawalang kabuluhan ang mga bagay ng Dios sa kanilang sarili. Hindi ibig sabihin na wala silang pinaniwalaan, sa katunayan, mayroon silang sinampalatayanan. Subalit winalang kabuluhan ng mga mangmang nilang puso ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga maling gawa.

Makailang beses na pinaalalahan sila ni Pablo na kanilang alalahanin ang mga dating bagay, na kanilang muling buhayin ang kanilang pagtitiwala at pananampalataya nang una. Mas mainam na maging salin ay ganito, ang pananampalataya ay ang katiyakan ng mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Ang isang nananampalataya ay naniniwala na ang mga bagay na hindi niya nakikita lalo na ang mga bagay ng Dios ay katotohanan, na dahil dito ay kikilos siya at gagawa nang buong pag-asa at pagtitiwala.

Marami ang nagsasabing naniniwala sila sa Dios. Subalit ano ang naging impluwensiya ng paniniwala nilang ito sa kanilang ugali, kilos at pagkatao? Sapagkat kung hindi naging malaki ang epekto ng sinasabi nilang pagtitiwala, masasabi nating ang mga taong ito ay mga taong may paniniwala subalit kulang o hindi ganap. Walang katiyakan ang ganitong pananampalataya. At sa halip na umunlad at yumabong ang ganitong pananampalataya, ang ganito ay umuurong at hindi nagtatagumpay.

Gaya nang pahayag, Heb 10:38  Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa. Ang mayroong tunay na pananampalataya ay nagiging matuwid, at ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya. Siya ay hindi umuurong anuman ang maranasan. Maranasan mang malugmok o matisod ay pilit na magbabangon upang ipakilala ang kalakhan ng kaniyang pananampalataya.

Ang tunay na nananampalataya ay naghihintay na may pagtitiis. Ang kanilang pag-asa ay ang Dios at ang Siya ang kanilang kaligtasan.Heb 10:35  Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala. Heb 10:36  Sapagka’t kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako. Heb 10:37  Sapagka’t sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers