Kailangan pa bang Magtayo ng Ibang Iglesia?

Naunawaan natin na ang iglesia ay mula sa wikang Griyego na ekklesia na ang kahulugan ay kalipunan ng mga taong may iisang pananampalataya. Isinalin ito sa wikang Filipino at Kastila na iglesia.

Katawan ni Hesus ang Iglesia

Ang iglesia ay inilarawan ng Biblia na espirituwal na katawan ng ating Panginoong Hesus.

Col 1:24  Ngayo’y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;

Col 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

Ang iglesia ay itinayo ng ating Panginoon upang maging dakong pagkakatipunan ng Kaniyang mga mananampalataya. Joh 10:16  At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

Binubuo ito ng mga taong Kaniyang inilagay pangunahin ang mga Apostol. 1Co 12:27  Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa’t isa’y samasamang mga sangkap niya. 1Co 12:28  At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.

Mahalaga ang Iglesia sa paningin ng Dios

Ang iglesia ay mahalaga sa paningin ng Dios. Hindi magtatayo ang Dios ng iglesia kung hindi ito importante. Ang isa sa mga katangian ng iglesia ayon mismo sa Panginoong Hesus ay hindi ito pananaigan ng hades. Ang salitang hades  ay nangangahulugan ng impiyerno. Ibig sabihin ang iglesia ay hindi pananaigan ng impiyerno. Mat 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

At upang patunayan na tunay na mahalaga ang iglesia sa ating Panginoong Dios, ang iglesia ayon sa Biblia ay binili mismo ng Panginoon ng Kaniyang sariling dugo. Karaniwan, ang ipinambibili ay salapi, subalit ang iglesia ay binili ng Panginoon ng Kaniyang dugo. Dito natin mapapatunayang ang iglesia ay tunay na mahalaga. Act 20:28  Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.

Bakit kailangang bilhin ang iglesia ng dugo ng Panginoong Hesus? Ano ang kahulugan ng pagbili sa iglesia ng Kaniyang sariling dugo?

Heb 9:14  Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?

Heb 9:15  At dahil dito’y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

Heb 9:16  Sapagka’t kung saan mayroong tipan doo’y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

Heb 9:17  Sapagka’t ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa’y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

Heb 9:18  Kaya’t ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

Heb 9:19  Sapagka’t nang salitain ni Moises ang bawa’t utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing, na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan,

Heb 9:20  Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

Heb 9:21  Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.

Heb 9:22  At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

Ang pagkabuhos ng dugo o pagkabili sa iglesia ng dugo ng ating Panginoong Hesus ay simbolo ng kapatawaran ng mga kasalanan. Nahiwalay tayong lahat sa Dios sa pamamagitan ng pagsalansang natin sa Kaniyang mga kautusan at mga palatuntunan. Ang pagkakabuhos ng dugo ay simbolo ng kapatawaran at sinumang magiging bahagi ng iglesia na binili Niya ng Kaniyang sariling dugo ay magtatamo ng kapatawaran ng kasalanan. Col 1:14  Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:

Sinumang magsisi at magbalik loob sa Dios sa pamamagitan ng bautismo ay magiging bahagi ng iglesia at magtatamo ng kapatawarang ng kasalanan.

Act 2:38  At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Act 2:41  Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.

Act 2:47  Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas. ( And the Lord added to the church daily such as should be saved. )

Kung ang layunin ng Dios sa pagtatayo ng iglesia ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga tao na magbalik loob sa Kaniya, dapat lamang na bigyang halaga ito ng mga taong ibig magtamo ng kaligtasan.

Subalit kailangan pa bang magtayo tayo ng iglesia?

Iisa lamang ang iglesiang itinayo ng ating Panginoong Hesus. At kung may nakatayo nang iglesia, makapagtatayo pa ba tayo ng iba? 1Co 3:10  Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni’t ingatan ng bawa’t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito. 1Co 3:11  Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Cristo Jesus.

Kung hindi na makapagtatayo ng iba, ano ngayon ang ating dapat gawin? Ang iglesia ay naitayo sa panahon ni Hesus at ng mga Apostol, paano tayo aanib sa iglesiang itinayo ng ating Panginoong Hesus?

Walang dapat gawin kundi ang umanib at tularan ang iglesiang ito na itinayo ng ating Panginoong Hesus. Ito ang ginawa ng mga unang Kristyano na tumulad sa iglesia na itinayo sa dako ng Judea. 1Th 2:14  Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka’t nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;

Kaya nga tutularan natin ang ginawa ng mga unang Kristyanong ito na tumulad sa iglesia ng Dios na naitayo sa Judea. Ang aral na pinagsaligan ng mga Apostol at ng mga unang Kristyano ay ang aral din na pagsasaligan natin.

Eph 2:19  Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,

Eph 2:20  Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

Mapapansin na ang mga naging bahagi ng iglesia ay yaong mga tumulad, lumakad sa ibabaw ng pinagsasaligan ng mga Apostol at sila’y ibinilang na bahagi ng sangbahayan ng Dios. Ang sangbahayan ng Dios ay yaong mga naanib sa iglesia. Ang bahay ng Dios ay ang iglesia. At mayroon lamang iisang bahay ang Dios – ito ang iglesia ng Dios – na siyang haligi at suhay ng katotohanan. 1Ti 3:15  Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers