Karaniwan sa ating mga kababayan, at maging sa ibang panig ng mundo na may kahawig na pananampalataya, ay naniniwala na kailangan pang ipagdasal ang mga patay. Naniniwala sila na kapag isinagawa ito ng mga nabubuhay ay makakatulong nang husto para sa mga patay na nasa purgatoryo, upang ang mga ito ay maka-ahon mula sa purgatoryo patungo sa langit sa lalong mabilis na kaparaanan. Naniniwala sila na ito ang pinakamalaking charity na maaaring maibigay ng kanilang mga kaanib sa kanilang mga kapuwang yumao na.
Ang mga pagdarasal na ito ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalay ng nobena para sa mga patay. Ang isa sa mga basehan na pinagkunan nila ng ganitong doktrina o paniniwala ay matatagpuan sa ikalawang aklat ng Maccabees.
Sa aklat na ito, tinatalakay ang paghihirap na naranasan ng mga Hudyo mula sa Seleucid empire, mga 100-200 taon bago ipanganak si Hesus. Ang ikalawang aklat ng Maccabees ay nagsasaad na mayroong isang pinuno ng mga Hudyo, na pinangunahan ang kanilang hukbo sa isang digmaan na naganap noon 163 B.C. Nang matapos ang digmaan, nagbigay siya ng utos na ang mga katawan ng mga Hudyo na namatay ay maipalibing.
Habang hinahanda ng mga kawal ang kanilang mga kasamahan para ilibing, natuklasan nila na ang mga ito ay may mga suot na agimat na nakuha nila mula sa mga paganong templo. Ang ginawa nilang ito ay paglabag sa batas na mababasa sa Deuteronomio, kaya’t ang ginawa ni Judas at ang mga kawal ay nagdasal sa Dios na patawarin ang mga kasalanan ng mga kawal na ito na nagkasala (2 Maccabees 12: 39-45).
Ayon sa kanilang paniniwala, ito ang kaunaunahang pagkakataon na mababasa diumano sa Biblia ang katunayan na maaaring idalangin o ipagdasal ang mga patay para mapatawad ang kanilang mga kasalanan.
Kung hindi pa po natin alam, ang aklat ng Maccabees ay kabilang sa mga tinatawag na Apocryphal books. Ang mga aklat na ito ay tinatawag na Apocryphal mula sa salitang Greek na apokruphos, na ang kahulugan ay “hidden.” Tinawag itong hidden sapagkat ang mga ito ay (1) hidden; (2) of unknown authority; (3) spurious.
Ang mga aklat na ito ay hindi kinikilala bilang mga inspired books of the Jews at karaniwang matatagpuan lamang sa mga Biblia ng mga Catoliko. May labing-apat na aklat na kabilang dito: 1 and 2 Esdras, Tobit, Judith, the rest of Esther, Wisdom, Ecclesiasticus, Baruch, the Song of the Three Children, the Story of Susannah, Bel and the Dragon, the Prayer of Manasses, and 1 and 2 Maccabees.
Noon lamang 1545 – sa Council of Trent ipinahayag ng simbahang Catoliko na ang mga aklat na ito ay dapat pagtiwalaan, subalit bago dumating ang panahong ito, ay itinuturing na hindi katiwa-tiwala ang mga aklat na ito.
Samantala, ang talata na kanilang ginamit sa 2 Maccabees ay sinang-ayunan daw diumano ni Apostol Pablo sa kaniyang sulat sa 2 Timoteo 1:18 - (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso. Ang talatang ito ay tumutukoy kay Onesiforo, na isa sa mga pangunahing tauhan ng iglesia sa panahon ni Pablo.
Walang katibayan na mababasa dito at maging sa 2 Timoteo 4:19 – na patay na si Onesiforo at idinalangin nga ni Apostol Pablo. Hindi kailan man idadalangin ni Pablo si Onesiforo kung ito ay patay na, sapagkat walang ganitong doktrina o katuruan ang Biblia. panibago na naman itong pagdadagdag o maling interpretasyon sa talata. Maliwanag ang isinaad sa talata. Idinalangin ni Pablo si Onesiforo, ngunit walang katibayan na ito ay patay na. Samantala maraming katibayan na si Onesiforo ay buhay at nakasama ni Pablo sa mga gawaing paglilingkod sa Dios.
2Ti 4:19 Batiin mo si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan ni Onesiforo.
2Ti 1:16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka’t madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala;
Naniniwala sila na ang pagdadasal para sa mga patay ay mababakas sa mga sinaunang Kristiyanong paniniwala. Naniniwala din sila na pagkamatay, magpapatuloy ang tao na mabubuhay, lamang ay hihiwalay ito sa kaniyang katawang-lupa.
Isang pag-aaral ang ginawa ng isang mananaliksik na si Alexander Hislop at sa kaniyang aklat na may titulong “The Two Babylons,” ay mababakas natin ang mga paganong paniniwala at ating makikita na ang paniniwala ng ating mga kaibigan tungkol sa purgatoryo, at pananalangin sa mga patay ay hindi mula sa Kristiyano o Biblikong paniniwala kundi sa paganong paniniwala.
Sa halos maraming relihiyon ang doktrina o katuruan tungkol sa purgatoryo at pagdarasal para sa mga patay ay malimit na masumpungan. Noon man o sa panahon nating ito, ang paganong paniniwalang ito ay malimit na magbigay ng pag-asa na pagkatapos ng kamatayan maging ng mga makasalanan, na namatay at hindi nakapagsisi ng lubusan at hindi karapatdapat sa langit ay nabibigyan ng pagkakataong makarating sa langit sa pamamagitan ng pagdarasal.
ito ang naging dahilan para ma-imbento ang purgatoryo (pagkat wala sa biblia), para bigyang pag-asa ang mga nangamatay na at nawalan ng pagkakataong makapagsisi. At ngayon ay mayroon na nga daw pagkakataon na ang mga kasalanan ay malinis sa pamamagitan ng pagpapakasakit sa purgatoryo.
Sa bansang Greece, itinuro ni Plato, isang dakilang Pilosopo na mayroong paghatol sa mga patay.
“speaking of the future judgment of the dead, holds out the hope of final deliverance for all, but maintains that, of “those who are judged,” some must first “proceed to a subterranean place of judgment, where they shall sustain the punishment they have deserved.”
Sa Roma, palibhasa bansang pagano, ay pinaliwanag ito ni Virgil, isang manunula sa Roma:
“Nor can the groveling mind, in the dark dungeon of the limbs confined, assert the native skies, or own its heavenly kind. Nor death itself can wholly wash their stains; but long-contacted filth, even in the soul, remains the relics of inveterate vice they wear and spots of sin obscene in every face appear. For this are various penances enjoined; and some are hung to bleach upon the wind, some plunged in water, others purged in fires, till all the dregs are drained, and all the rust expires. All have their Manes, and those Manes bear. The few so cleansed to these abodes repair, and breathe in ample fields the soft Elysian air. Then are they happy, when by length of time the scurf is worn away of each committed crime, no speck is left of their habitual stains, but the pure ether of the soul remains.”
Sa bansang Egypt, ang kaparehong doktrina ng purgatoryo ay itnuturo. Ngunit ang doktrinang ito ay nagtulak upang maging daan ng pagmamalabis sa panig ng mga priests o mga pari na nagsisilbing tagapamagitan sa mga patay at mga buhay upang magkaroon sila ng ugnayan. At ito ay magagawa lamang kung may kaukulang halaga na ibabayad ang mga buhay.
Ayon pa kay Hislop,
“One of the oppressions under which people in Roman Catholic countries groan, is the periodical nature of special devotions, for which they are required to pay, when death has carried away a member of a Catholic family. Not only are there funeral services and funeral dues for the repose of the departed at time of burial, but the priest pays repeated visits afterwards to the family for the same purpose, which entail heavy expense, beginning with what is called “the month’s mind” mass, that is, a service in behalf of the deceased when a month after death has elapsed.”
Ang kaparehong paniniwala ay masasalamin sa sinaunang Greece. Ayon kay Hislop, “There the Argives sacrificed on the thirteenth day (after death) to Mercury as the conductor of the dead.”
Maging sa India, ay mayroon ding kahawig na paniniwala, na ang mga donasyon na gaya ng baka, lupa, ginto, pilak at iba pang materyal na bagay ay nagiging karaniwan para lamang maibsan ang paghihirap ng kanilang mga mahal sa buhay na may ganitong paniniwala.
Sa maraming mga bansang pagano, gaya ng Tartary, ang “Gurgumi” o panalangin para sa mga patay, ayon sa ASIATIC JOURNAL, ay napakamahal. Sinasabing sa bansang Greece, ayon kay Suidas, ang pinakadakila at pinakamahal na sakripisyo na maaaring ibigay ay ang mysterious sacrifice na tinatawag nilang TELETE, na ayon kay PLATO, ay isang uri ng sakripisyo na isinasagawa kapuwa sa mga buhay at sa mga patay, na pinalalaya ang sinuman sa lahat ng mga masasamang espiritung tinaglay ng mga ito bago pa sila yumao sa sanlibutang ito.
Sa bansang Egypt, ang pamisa sa mga inililibing at mga patay ay masyadong mabigat sa bulsa. Ang mga pari ay pinipilit na magbayad ng malalaking halaga para sa funeral rites.
Sa maraming mga paganong paniniwalang ito, makikita natin na halos walang pinag-iba ito sa nakagisnan nating paniniwala. Kapuwa nangangailangan ng pagbabayad para maipagpadasal ang sinuman na nasa purgatoryo.