Isa sa mga karaniwang nagiging paksa ng pagtatalo sa maraming mga Relihiyon bunga ng pagkakaiba-iba sa paniniwala at interpretasyon sa Banal na Kasulatan ang tungkol sa Tunay na Kalagayan ng Dios. Sino ang Dios? Ilan ba talaga ang Dios? Ano ang katangian ng Dios na ito? Ilan lamang po iyan sa mga katanungan na sisikapin nating tugunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa Biblia.
Ang aming pananampalataya, sa pasimula pa lamang ay IISANG DIOS na tunay ang dapat na kilalanin ng lahat. Bagaman maraming mga dios na nakikilala ang maraming mga tao, at maraming mga dios ang ginawa at nilikha ng mga tao, IISA lamang ang dapat kilalanin at paglingkuran. Logically, hindi puwedeng paglingkuran ng sabay-sabay ang sinasabing maraming dios na ito.
Mayroon lamang IISANG DIOS… na dapat kilalanin…sampalatayanan… at paglingkuran.
Gen 17:1 At nang si Abram ay may siyam na pu’t siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya’y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
Gen 17:2 At ako’y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.
Ang salitang ELOHIM (אֱלהִים) ay salitang Hebrew na ang kahulugan ay katumbas ng pagka-dios, karaniwang ginamit bilang pangalan ng Dios sa Hudaismo.
Sa salitang Hebrew, tinatanggap na ito ay plural, at ginagamit bilang plural ang kahulugan sa mga angels, gods, rulers subalit ginagamit din bilang “plural intensive” na may singular meaning na inuukol sa dios o diosa, lalo na inuukol ito sa nag-iisang Dios ng Israel.
Ang salitang Eloah (אלוה) na maituturing na singular ay lumitaw lamang sa mga poetry at sa mga late Biblical Hebrew, bilang pagtulad sa Aramaic usage nito.
Sa TORAH, ang salitang ito ay karaniwang ginagamit bilang singular noun sa Hebrew grammar, at ikinakapit sa single God of Israel, subalit sa ibang kaso, karaniwang itong ginagamit na plural ngunit ang kahulugan ay ang polytheistic notion of multiple gods.
Nang magpakilala ang Dios kay Moises sa aklat ng Exodo 3: 13 -15, SIYA ang NAG-IISANG DIOS na nagsabing AKO YAONG AKO NGA, denoting God’s singleness.
Exo 3:13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
Exo 3:14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
Exo 3:15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Ang Dios na ito na nagpakilala kay Moises ay siyang Dios na nagpahayag sa aklat ng Bilang 12: 6 na siya ay magpapakilala sa mga propeta sa pamamgitan ng mga pangitain.
Num 12:6 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.
Kaya naman nang ipakilala ni Moises ang Panginoong Dios sinabi niya sa aklat ng Deuteronomio 4: 35 – 39, sinabi niyang WALA NANG IBA LIBAN SA KANIYA.
Deu 4:35 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.
Deu 4:36 Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig, upang kaniyang turuan ka; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy.
Deu 4:37 At sapagka’t kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
Deu 4:38 Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.
Deu 4:39 Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.
Deu 5:1 At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila.
Deu 5:6 Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
Deu 5:7 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.
Deu 5:8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Deu 5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka’t akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
At ang DIOS na NAG-IISA, nang SIYA ay magbigay ng kautusan sa lahing ISRAEL sa pamamagitan ni Moises, ay nag-utos na WALANG DAPAT na KILALANING IBANG DIOS MALIBAN SA KANIYA. Ito ay matutunghayan natin sa Deuteronomio 5: 1, 6- 9.
Ang kautusang ito ay siya ding inihayag ng lalaking si Josue nang siya ay humalili kay Moises upang manguna sa bayang Israel. Matutunghayan ito sa Josue 22: 5.
Jos 22:5 Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
Nang ipakilala ng DIOS ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng alat ni Isaias sa kaniyang Isaias 44: 8, SIYA ang nag-iisang Dios at MALAKING BATO.
Isa 44:8 Kayo’y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako’y walang nakikilalang iba.
Pinatunayan ito ni MOISES na ang DIOS ay siyang BATO, at mababasa naman ito sa Deuteronomio 32: 3 – 4.
Deu 32:3 Sapagka’t aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. Deu 32:4 Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.
Ganito din ang pagpapakilala ni Haring David patungkol sa Dios. Wala siyang nakikilang ibang Dios maliban sa nag-iisang Dios, na siya ding BATO ng KANIYANG KALIGTASAN. Matutunghayan ito sa maraming awit na natala sa Banal na Kasulatan. (Awit 18:1-3; II Samuel 7: 22; Awit 86: 10; Awit 89: 20 – 26)
Psa 18:1 Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Psa 18:2 Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya’y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. Psa 18:3 Ako’y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo’y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
2Sa 7:22 Kaya’t ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka’t walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.
Psa 86:10 Sapagka’t ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.
Psa 89:20 Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
Psa 89:21 Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.
Psa 89:22 Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
Psa 89:23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
Psa 89:24 Nguni’t ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko’y matataas ang kaniyang sungay.
Psa 89:25 Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
Psa 89:26 Siya’y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
Sinabi ng Dios na SIYA AY NAG-IISA at HINDI SIYA PUMAPAYAG NA SIYA AY MAY KAGAYA o KAWANGIS. Mababasa natin ito sa Isaias 46: 5, 8 – 9.
Isa 46:5 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?
Isa 46:8 Inyong alalahanin ito, at mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.
Isa 46:9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka’t ako’y Dios, at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya ko;
Ang mga pahayag na ito ay pinatotohanan ng mga unang naglingkod sa Dios sa kanilang kapanahunan. Ito ang kanilang naging mga pahayag patungkol sa Dios na kanilang SINAMBA at PINAGLINGKURAN.
Nagbago kaya sa panahon ng KRISTIYANO o sa panahon ng Panginoong Hesus ang PAGSAMBA, PANANAMPALATAYA, at PAGLILINGKOD sa IISANG DIOS?
Kung mayroon mang mga tao na makapagbibigay ng magandang paliwanag at testimonya tungkol sa IISANG DIOS ay walang iba kundi ang mga personahe na naitala at mababasa sa Biblia. Masasabi nating sila ang mga NAGING SAKSING BUHAY sa kanilang panahon na may kredibilidad para patunayan ang kanilang mga sinasabi at ang kanilang tinaglay na pananampalataya sa IISANG DIOS.
Unahin natin si Apostol Pablo, na tinawag na maging Apostol ng Panginoong Hesukristo at ayon sa kaniyang pahayag ay tinawag siya upang maging Apostol ng ka-Hentilan sa kalooban ng Dios sa loob ng Iglesia ng Dios.
Basahin natin ang ilan sa kaniyang mga patotoo ukol sa pagkakatawag sa kaniya bilang Apostol.
1Co 1:1 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,
1Co 1:2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
Act 9:15 Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka’t siya’y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
Maraming mga skeptics na hindi naniniwala sa Biblia ang nagpahayag na hindi daw kapani-paniwala ang mga sulat ni Apostol Pablo sapagkat hindi sila kailanman nagkita ng Panginoong Hesus nang ito ay nabubuhay pa. Sinasabi nilang sa mga sulat ni Pablo ay hindi mababasa ang tungkol sa kapanganakan ni Hesus at ang tangi niyang naisulat ay ang tungkol sa kaniyang pagkakapako sa krus, kamatayan at muling pagka-buhay.
At sapagkat hindi nila pinaniniwalaan na ang Panginoong Hesus ay naipako, namatay at muling nabuhay, lohikamente lamang na hindi din nila paniwalaan ang mga isinulat ni Apostol Pablo, na tinawag na maging Apostol sa panahong ang Kristo ay umakyat na sa langit. Mababasa ito sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol sa Gawa 9.
Act 9:1 Datapuwa’t si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
Act 9:2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya’y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
Act 9:3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya’y malapit sa Damasco: at pagdaka’y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
Act 9:4 At siya’y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya’y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
Act 9:5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako’y si Jesus na iyong pinaguusig:
Act 9:6 Nguni’t magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.
Act 9:7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa’t walang nakikitang sinoman.
Act 9:8 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
Act 9:9 At siya’y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
Act 9:10 Ngayon nga’y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.
Act 9:11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka’t narito, siya’y nananalangin;
Act 9:12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.
Act 9:13 Nguni’t sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem:
Act 9:14 At dito siya’y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.
Act 9:15 Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka’t siya’y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
Act 9:16 Sapagka’t sa kaniya’y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.
Si Pablo, palibhasa isang Hudyo mula sa angkan ni Benjamin ay naniniwala na mayroon lamang IISANG DIOS. Nakasanayan niya na kumilala at maglingkod sa IISANG DIOS mula pa sa kaniyang kabataan nang siya ay nasa mahigpit na sekta pa lamang ng Relihiyon na tinatawag na Fariseo.
Act 26:6 At ngayo’y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang;
Act 26:7 Dahil sa pangakong ito’y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi’t araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako’y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari!
Act 24:14 Nguni’t ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
Act 24:15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.
Act 24:16 Na dahil nga rito’y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.
Act 22:3 Ako’y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa’t pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa’y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon:
Act 22:4 At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
Ayon sa kaniyang pahayag, bukod sa ang kaniyang nakasanayan ay maglingkod at kumilala sa IISANG DIOS lamang, nang siya ay nasa sekta pa ng mga Hudyo ay naging pangunahing taga-usig din siya ng DAAN o SEKTA sa pag-aakalang ang kaniyang kinabibilangang sekta ay ang katotohanan.
Subalit nang magalingin ng Panginoong Hesus na siya ay matawag sa Iglesia ng Dios ay mula sa pagiging taga-usig ay naging Apostol siya upang itanyag ang Ebanghelyo ng ating Panginoong Dios.
Gal 1:13 Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
Ang DAAN, o SEKTA o IGLESIA NG DIOS na kaniyang inusig dati ay siya niyang ITINURO at IPINAKILALA bilang DAAN NA KAGALINGGALINGAN.
1Co 12:31 Datapuwa’t maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.
At upang patunayan ang kaniyang pagiging Apostol, isang Apostol na kabilang sa mga alagad ng ating Panginoong Hesus ang nagpatibay sa kaniyang mga sulat o pahayag. Ito ay si Apostol Pedro. Mababasa ito sa 2 Pedro 3: 15 – 17.
2Pe 3:15 At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
2Pe 3:16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.
2Pe 3:17 Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.
Kung hindi pinaniniwalaan ng mga SKEPTICS si Apostol Pablo, hindi din nila dapat paniwalaan si Apostol Pedro na nagbigay ng patotoo sa kaniyang pagiging apostol. At hindi natin pipilitin kung hindi sila naniniwala, ang importante ay ating paniwalaan ang mga pahayag ng mga TAONG tunay na NAGING SAKSI sa ating PANGINOONG HESUS. Higit naman na reliable si Apostol Pedro at Apostol Pablo kaysa sa mga taong ito na hindi naniniwala.
Ang pahayag ni Apostol Pablo, mayroon lamang tayong IISANG DIOS…
Eph 4:4 May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
Eph 4:5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
Eph 4:6 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
Hindi binabago ni Apostol Pablo ang aral, gaya nang paratang ng mga hindi naniniwala. Ito ang kaniyang ipinapangaral at inihayag maging sa mga Gentil na dating mayroong mga Paganong paniniwala.
Act 17:23 Sapagka’t sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo’y ibinabalita ko.
Rom 3:29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
Rom 3:30 Kung gayon nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
Rom 3:31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
Bagaman may tinatawag na iba’t ibang paggawa o pangangasiwa ay mayroon lamang IISANG DIOS ayon pa din sa kaniya.
1Co 12:4 Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwa’t iisang Espiritu.
1Co 12:5 At may iba’t ibang mga pangangasiwa, datapuwa’t iisang Panginoon.
1Co 12:6 At may iba’t ibang paggawa, datapuwa’t iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
Ang Dios na ipinakilala ni Pablo na SIYANG NAG-IISANG DIOS ay nahayag sa pamamagitan ng Panginoong Hesus.
Rom 16:26 Datapuwa’t nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:
Rom 16:27 Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Noong unang bahagi ng paksa na ito sinabi ni ISAIAS na propeta at ng Hari na si DAVID na ang DIOS ay MALAKING BATO NG ATING KALIGTASAN.
Nang ipakilala ni Apostol Pablo ang Panginoong Hesus, ipinakilala niya na ang BATO na ininuman ng mga anak ni ISRAEL ay walang iba kundi ang Panginoong Hesus.
1Co 10:4 At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka’t nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
1Co 10:4 And did all drink the same spiritual drink: for they drank of that spiritual Rock that followed them: and that Rock was Christ.
Imahinasyon lamang ba ni Pablo na sabihin niyang BATO sa ISRAEL ang Panginoong Hesus gayong ang pangyayaring ito sa Israel ay daang taon na ang lumipas?
Ang sagot dito ay matutunghayan natin sa aklat ng JUAN 8: 56- 59. Na mismong ang Panginoong Hesus ang nagsabi na bago pa si Abraham ay naroon na Siya. Samakatuwid, naroon na din ang Kristo sa panahon ng Israel na ipinahayag naman ni Pablo.
Joh 8:56 Your father Abraham rejoiced to see my day: and he saw it, and was glad.
Joh 8:57 Then said the Jews unto him, Thou art not yet fifty years old, and hast thou seen Abraham?
Joh 8:58 Jesus said unto them, Verily, verily, I say unto you, Before Abraham was, I am.
Joh 8:56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
Joh 8:57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
Joh 8:58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.
Mapapansin natin na ang AKO NGA na sinabi ng Panginoong Hesus ay tumutukoy sa AMA. Na siya namang ginamit ng DIOS nang magpakilala kay Moises. (Exodo 3: 15)
Exo 3:13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
Exo 3:14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
Exo 3:15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Sa naging pahayag na ito ng Panginoong Hesus ay hindi Siya kinasumpungan ng daya sa Kaniyang bibig.
1Pe 2:21 Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
1Pe 2:22 Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:
Paano pa pinatunayan ng Biblia ang pagiging Dios ni Hesus? Nangangahulugan ba na naging dalawa na ang Dios kung Dios din ang Panginoong Hesus?
Sinasabi ng Biblia at pinaniniwalaan ng marami na ang DIOS ay Makapangyarihan sa lahat (Genesis 17: 1-2). At dahil sa Kaniyang kapangyarihan MAGAGAWA NIYA LAHAT NG MGA BAGAY, sapagkat walang bagay na totoong mahirap sa Dios. (Marcos 10: 27)
Mar 10:27 And Jesus looking upon them saith, With men it is impossible, but not with God: for with God all things are possible.
Ang Dios na makapangyarihan sa lahat ay nagsabi na SIYA AT BABABA, mula sa Kaniyang kinaroroonan ay BABABA SA MATAAS NA DAKO NG LUPA. Mababasa ito sa Mikas 1: 2 – 3, 5.
Mic 1:2 Hear, all ye people; hearken, O earth, and all that therein is: and let the Lord GOD be witness against you, the Lord from his holy temple.
Mic 1:3 For, behold, the LORD cometh forth out of his place, and will come down, and tread upon the high places of the earth.
Mic 1:2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
Mic 1:3 Sapagka’t, narito, ang Panginoo’y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.
Ang tinutukoy na mataas na dako na siyang pagbababaan ng Panginoong Dios ay ang Jerusalem. Bababa ang Dios sa lupa sapagkat nakita Niya ang pagsalansang ng Kaniyang bayan, ang Israel.
Mic 1:5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
Binigyang linaw pa ni Propeta Mikas ang tungkol sa pagbaba ng Panginoong Dios alang-alang sa Kaniyang bayang Israel. Pansinin natin sa Mikas 5: 2 ang Kaniyang paglabas mula sa Kaniyang dako. Hindi Siya paririto na gaya ng iniisip ng marami na magpapakita sa Kaniyang tunay na kalagayan. Kundi Siya ay lalabas mula sa lahi ng Judah.
Mic 5:2 Nguni’t ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.
Mapapansin din natin na ang pinagbuhatan Niya ay mula nang Una at mula nang walang hanggan. Hindi ba’t DIOS lamang ang nagtataglay ng ganitong katangian?
Neh 9:5 Nang magkagayo’y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo’y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.
Neh 9:6 Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.
Puntahan naman natin ang sinasabi ni Propeta Isaias tungkol sa PAGBABA NG DIOS dito sa lupa. Nang Makita ng Dios na walang tagapamagitan, ang sariling bisig Niya ang naging Kaligtasan.
Isa 59:16 At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya’t ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
Sa paanong paraan nagkaroon ng katuparan ang PAGBABA NG DIOS sa lupa? Kung mamumula Siya sa lahi ng Judah, kung gayon, nangangahulugan na ang Dios ay magkakatawang-tao. Paano pinatunayan ng Biblia ang pagkakatawang tao ng Dios?
Isa 7:14 Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a virgin shall conceive, and bear a son, and shall call his name Immanuel.
Isang TANDA o SIGN ang magmumula sa Dios, maglilihi ang isang dalaga at ang kaniyang anak ay tatawaging Emmanuel na kung liliwanagin ay SUMASA-ATIN ANG DIOS (God with us).
Mat 1:23 Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us.
Ito din ang isinaad sa hula ni Propeta Isaias, isang batang lalake ang tatawaging MAKAPANGYARIHANG DIOS at WALANG HANGGANG AMA.
Isa 9:6 Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Isa 9:6 For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and his name shall be called Wonderful, Counsellor, The mighty God, The everlasting Father, The Prince of Peace.
Malinaw na sa mga hula ng propetang sina Isaias at Mikas ang pagkakatawang tao o ang pagbaba ng Makapangyarihang Dios dito sa lupa. Hindi kaila sa atin na ang tinutukoy na batang lalakeng ipinanganak ay walang iba kundi si Hesus, na siyang Kristo.
Bilang patunay ng kaganapan ng hula na ang Dios ay magmumula sa lahi ng Judah, binabanggit sa Mateo 1: 1 ang pinagmulan ng lahi ng Panginoong Hesus. Na siya y mula kay Abraham, mula sa lahi o angkan din naman ni David at kung ating aalamin, si David ay mula sa angkan ni Judah.
Mat 1:1 The book of the generation of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham.
At upang patunayan pa ang pagkakatawang tao ng Dios, mababasa natin sa Juan 1: 1, 14 ang VERBO, o salita ng Dios na SIYANG DIOS ay nagkatawang tao at nakipamayan sa gitna natin.
Joh 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.
Joh 1:2 The same was in the beginning with God.
Joh 1:14 And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.
Joh 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Joh 1:2 Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. Joh 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
Pansinin natin ang talatang ito na nagpapatotoo ng pagkakatawang-tao ng Dios. Nang siya ay nakipamayan sa atin ay nakita ang Kaniyang kaluwalhatian na gaya ng sa bugtong ng Ama.
Kung ang Dios ay IISA, hindi nangangahulugan na nang magkaroon ng Kristo ay naging dalawa na ang Dios. Nananatili na IISA LAMANG ANG DIOS, nagkatawang-tao lamang Siya sa pamamagitan ni Hesus.
Mula pa noon hanggang ngayon, IISANG DIOS lamang ang kinilala at pinaglingkuran ng mga tunay na nakakilala sa Kaniya. Pinatunayan ito ng mga Propeta at ng mga Apostol at maging ng Panginoong Hesus.
Nang magkatawang-tao ang Dios sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, hindi nangahulugan na ang Dios ay naging dalawa, nananatiling ang Dios ay IISA.
Ang mga hindi naniniwala sa PAGBABA NG DIOS sa lupa ay nagsasabing wala daw sa human logic na ang AMA AY MAGING KANIYANG ANAK… (A father can not be his own son according to them)… and they insist that this is outside human logic.
Itong aragumento na ito ang ginamit ni Tertulian sa kaniyang panahon upang maipagtanggol ang paniniwala tungkol sa TRINITY. Naniniwala ang Trinitarians na ang Dios ay subjected ukol sa human logic and therefore everything HE DOES is logical. Subalit malaking pagkakamali na makilala ang Dios sa ganitong katangian.
As God lives outside of time and space, HE ALSO LIVES OUTSIDE THE HUMAN LOGIC.
Nakasaad sa aklat ng Propeta Isaias na ang iba ang kaisipan ng Dios sa ating mga tao. Kaya ang logic ng tao ay hndi kaylanman dapat na ipantay sa logic ng DIOS.
Isa 55:8 Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Isa 55:9 Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. Isa 55:8 For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD. Isa 55:9 For as the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways, and my thoughts than your thoughts.
Ang Dios ay nag-iisip hindi gaya ng pag-iisip na ating ginagawa at hindi gumagawa ang Dios ng mga bagay na gaya ng inaasahan nating gagawin Niya. Sapagkat iba ang kaisipan at lohika ng DIos at anumang bagay na Kaniyang naising gawin ay ginagawa Niya bagaman ito ay labas sa lohika nating mga tao.
Kaya nga, MAAARI BANG MAG-EXIST KAPUWA ANG OMNIPRESENT GOD AT MAHAYAG DIN NAMAN SA LAMAN SA PAMAMAGITAN NG KAPANGANAKAN BILANG ANAK? (Can God our Father exist both as an omnipresent God and also be manidested in the flesh through virgin birth as the Son of God at the same time?)
MAGAGAWA NG DIOS.And while manifested in the flesh, can HE (God omnipresent) be a God to HIMSELF? (God in the flesh)
MAGAGAWA NG DIOS. (God is the God of ALL flesh…Jeremiah 32: 27)
Eph 1:17 That the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, may give unto you the spirit of wisdom and revelation in the knowledge of him: Jer 32:27 Behold, I am the LORD, the God of all flesh: is there any thing too hard for me?
And while manifested in the flesh, can He(God in the flesh) pray to Himself (God omnipresent)?
MAGAGAWA NG DIOS… All flesh comes to God in prays… (Psa 65:2 O thou that hearest prayer, unto thee shall all flesh come. )
Sinasabi sa Jeremias 32: 17 na sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan ay nilikha niya ang langit at ang lupa at tunay na walang bagay na mahirap para sa Kaniya.
Jer 32:17 Ah Lord GOD! behold, thou hast made the heaven and the earth by thy great power and stretched out arm, and there is nothing too hard for thee: Jer 32:17 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; walang bagay na totoong napakahirap sa iyo:
Kung sasabihin ng sinuman na walang sense na ang Panginoong Hesus ay manalangin sa Kaniyang sarili kung Siya nga ang AMA na nahayag sa laman, maaaring saliksikin muna niya ang mga kasulatan… sapagkat sinasabi sa I Corinthians 1:17…”But God has chosen the foolish things of the world to confound the wise.”
Ito ang naging dahilan kung bakit maraming relihiyon ang magpahanggang ngayon ay naniniwala sa konsepto ng TRINITY. Noon pa man ay na-confuse o nalito na sila sa sinasabi ng mga Banal na kasulatan lalo pa nga sa tunay na kalagayan ng Dios.
Kaya kapag sinabi ng sinuman na IMPOSIBLE ITONG GAWIN NG DIOS, ang sinasabi ng Biblia ay ito – Mateo 19: 26 … with men this is imposible, but WITH GOD ALL THINGS ARE POSSIBLE…
Ayon sa Biblia, Jesus is both the LION and the LAMB (Revelations 5: 5-6); He is both the ALPHA and the OMEGA, the FIRST and the LAST (Rev. 22:13); He is both the ROOT and OFFSPRING (Rev.22:16)… THEREFORE, IT IS NOT WRONG TO SAY THAT JESUS CAN BE BOTH THE FATHER AND THE SON. At sa lahat ng mga naniniwala sa TRINITY, hindi natin dapat bigyan ng logic ang bagay na ito… sapagkat ang Dios ay hindi susunod sa anumang lohika nating mga tao.
THE GREAT ASSUMPTION OF THE TRINITARIANISM
Naniniwala ang mga Trinitarians na ang AMA ay DIOS (John 6:27 Labour not for the meat which perisheth, but for that meat which endureth unto everlasting life, which the Son of man shall give unto you: for him hath God the Father sealed. )
Si Hesus ay DIOS (Heb 1:8 But unto the Son he saith, Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of righteousness is the sceptre of thy kingdom. )
At ng HOLY SPIRIT AY DIOS (Act 13:2 As they ministered to the Lord, and fasted, the Holy Ghost said, Separate me Barnabas and Saul for the work whereunto I have called them. )
Three Distinct Persons yet ONE GOD… (Joh 15:26 But when the Comforter is come, whom I will send unto you from the Father, even the Spirit of truth, which proceedeth from the Father, he shall testify of me: )
THIS IS A GREAT ASSUMPTION…for they are reading the scripture out of their INTENDED CONCEPTS. Bilang isa sa naniniwala na mayroon lamang IISANG DIOS, maipapakita natin sa kanila na tunay na mayroon lamang IISANG DIOS ayon sa BIBLIA.
ONE FATHER, ONE GOD… Mal 2:10 Have we not all one father? hath not one God created us? why do we deal treacherously every man against his brother, by profaning the covenant of our fathers?
YOU THE FATHER…THE ONLY TRUE GOD (Joh 17:3 And this is life eternal, that they might know thee the only true God, and Jesus Christ, whom thou hast sent. )
ONE GOD AND FATHER…ABOVE ALL (Eph 4:6 One God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all. )
THE ONLY LORD(Jud 1:4 For there are certain men crept in unawares, who were before of old ordained to this condemnation, ungodly men, turning the grace of our God into lasciviousness, and denying the only Lord God, and our Lord Jesus Christ. )
THERE IS ONE GOD, and one mediator, the man Christ (1Ti 2:5 For there is one God, and one mediator between God and men, the man Christ Jesus; )
MAIPAPAKITA NATIN NA ANG AMA (DIOS) AY NAGAWANG MAGKATAWANG-TAO AT NAHAYAG SA LAMAN HINDI BILANG TRINITY KUNDI BILANG IISANG DIOS.
MAKE STRAIGHT IN THE DESERT A HIGHWAY FOR OUR GOD (Isa 40:3 The voice of him that crieth in the wilderness, Prepare ye the way of the LORD, make straight in the desert a highway for our God. )
GOD MANIFESTED HIMSELF IN THE FLESH(1Ti 3:16 And without controversy great is the mystery of godliness: God was manifest in the flesh, justified in the Spirit, seen of angels, preached unto the Gentiles, believed on in the world, received up into glory. )
GOD was in CHRIST reconciling the world unto HIMSELF (2Co 5:19 To wit, that God was in Christ, reconciling the world unto himself, not imputing their trespasses unto them; and hath committed unto us the word of reconciliation. )
Ang salitang PERSONA ay karaniwang ginamit nila at ikinapit sa DIOS. Tingnan natin ang kahulugan ng salitang PERSONA. At tuklasin natin kung pwedeng ikapit sa NAG-IISANG DIOS ang salitang ito.
According to Dictionary.net, the word PERSON is applied to men, women and children, who are called natural persons.
A character or part, as in a play; a specific kind or manifestation of individual character, whether in real life, or in literary or dramatic representation; an assumed character. [Archaic] [1913 Webster]
The bodily form of a human being; body; outward appearance; as, of comely person. [1913 Webster]
A living, self-conscious being, as distinct from an animal or a thing; a moral agent; a human being; a man, woman, or child. [1913 Webster]
Theol.) Among Trinitarians, one of the three subdivisions of the Godhead (the Father, the Son, and the Holy Ghost); an hypostasis. “Three persons and one God.” –Bk. of Com. Prayer. [1913 Webster]
So basically, makikita natin na ang salitang PERSON o PERSONA ay tumutukoy lamang sa ating mga tao, tanging ang mga TRINITARIANS lamang ang nagbigay ng kahulugan tungkol sa HYPOSTASIS(which stand beneath) o pagkakaroon ng THREE PERSONS and ONE GOD.
IISA po ang DIYOS at TATLO ang KANYANG PERSONA. Ang PERSONA ang TATLO, HINDI ang DIYOS.
Ang BAWAT PERSONA ay DIYOS pero IISA SILA. (Mt28:19, Jn10:30)
Sinipi natin ito sa isang blog na nabasa natin, ipinaliliwanag niya sa kaniyang blog na mayroong ngang tatlong persona ang DIOS. Ang PERSONA daw ang TATLO at hindi ang DIOS. Take note po ayon sa kaniya, “Ang PERSONA ang TATLO, HINDI ang DIYOS.”
O sige tingnan natin ang ibang bahagi ng kaniyang paliwanag kung persona nga ang tatlo at hindi ang DIOS….
Ang KATOTOHANAN na HINDI PUWEDENG MAKITA ang DIYOS AMA ay MALINAW na INIHAYAG sa Jn1:18.
Sabi riyan.
“No one has ever seen God. The only Son, God, who is at the Father’s side, has revealed him.”
Ang talata po ay puwede ring isalin nang ganito:
“No one has ever seen God. GOD, the ONLY SON, who is at the Father’s side, has revealed him.”
Diyan ay MALINAW na MAY DALAWANG DIYOS na TINUTUKOY: UNA, ang DIYOS AMA. Ang IKALAWA ay ang DIYOS ANAK na NASA TABI ng AMA.
Kung gusto nyo pong makita at kayo mismo ang magbasa, click nyo po ang link na ito: TRINITY
Kayo po mismo ang magbasa at maiintindihan ninyo na masalimuot ang paniniwala ng mga ito. Sinabi nya nang una na “Ang PERSONA ang TATLO, HINDI ang DIYOS,” pagkatapos sinabi naman niya na ” Diyan ay MALINAW na MAY DALAWANG DIYOS na TINUTUKOY: UNA, ang DIYOS AMA. Ang IKALAWA ay ang DIYOS ANAK na NASA TABI ng AMA. “
Ano ba talaga? TATLO ang PERSONA o may dalawang DIOS na tinutukoy?
Ganito pa ang paliwanag nila tungkol sa TATLONG PERSONA, mababasa din po natin ito sa blog na iyon.
Ang DIYOS AMA ang SOURCE ng LAHAT ng BAGAY. SIYA ang UNANG PERSONA ng DIYOS na HINDI NAKIKITA at HINDI NARIRINIG. (Jn1:18)
Ang DIYOS ANAK ang IKALAWANG PERSONA na NAGMUMULA sa AMA (Jn8:42, 13:3) at SINUSUGO ng AMA (Jn12:49, 14:24). Kaya po SIYA ang NAKIKITA (Jn1:1, 14) at NARIRINIG (Jn14:24) ng TAO. SIYA ang NAGPAPAKILALA ng DIYOS AMA sa mga TAO (Mt11:27, Jn1:18, Jn8:20). SIYA rin po ang IMAHEN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA (Colossians 1:15). SIYA si HESUKRISTO.
Ang DIYOS ESPIRITU SANTO naman po ang PERSONA na NAGMUMULA sa AMA at ANAK (Jn15:26) para GABAYAN ang BAWAT ISANG TAO at ang BUONG SAMBAYANAN ng DIYOS (Jn16:13).
Pansinin natin ang mga salitang kinulayan ko po ng pula, DIOS AMA, DIOS ANAK at DIOS ESPIRITU SANTO.
Ang alam po natin, ang mababasa natin sa BIBLIA ay AMANG DIOS (FATHER GOD), at saan kaya pinulot nitong sumulat nito at ng mga naniniwala nito ang mga salitang DIOS ANAK at DIOS ESPIRITU SANTO?
Sinasabi nila na dito daw po galing ang mga salitang iyan….
Sa Matthew 28:19 ay sinabi ni HESUS, “Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the NAME of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT.”
Basahin man natin ng paulit-ulit ay hindi po natin mababasa ang salitang DIOS ANAK, DIOS ESPIRITU SANTO at maging ang DIOS AMA dito. Ito po ay maliwanag na “ASSUMPTION” o pagpapalagay. Matatawag din po itong PAGDARAGDAG ng mga bagay na nakasulat.
At Biblia po ang nagsabi na hindi tayo pwedeng magdagdag o magbawas ng mga bagay na nakasulat sa Biblia, dahil may kaukulang sumpa o parusa po sa sinumang gagawa nito.
Rev 22:18 Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
Rev 22:19 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
Hindi po natin maaaring dagdagan ang nakasulat sa BIBLIA para lamang pumabor sa ating paniniwala. At kung wala namang nakasulat sa Biblia ay hindi po dapat na maging ARAL.
Ang katwiran nila, hindi naman daw porke hindi nababasa ay hindi na daw totoo. Halimbawa daw ay ‘yung salitang BIBLIA ay hindi nakasulat, at marami pang ibang salitang hindi nakasulat pero tinatanggap at pinaniniwalaan.
Maganda sana at mahusay ang argumento na ito, kaso kapag ang pinag-uusapan na ay ang tungkol sa PAGKAKAROON NG IISANG DIOS, hindi natin dapat na iakibat ang mga salitang PERSONA para lamang pumabor sa ating paniniwala.
MYSTERY daw ito ng pagka-DIOS, kapag hindi naman maintindihan sinasabi nilang mystery, pero pag hindi pinaniwalaan, mapapasa-apoy naman daw ng impiyerno. So needless to say, sapilitan ba ang maniwala na mayroong PERSONA ang DIOS?
Kahit naman hindi itinuturo ng TRINITY na mayroong TATLONG DIOS, hindi maiaalis na ang implikasyon noon ay nakalilito at pawang walang batayan sa BIBLIA, ang ginagamit nilang mga batayan sa BIBLIA ay hindi AKMA ang pagkakagamit.
Kung ang PAKAHULUGAN nila sa PERSONA ay ang PAGPAPAKAHAYAG NG DIOS sa ating mga TAO, hindi din tama na MAGING TATLO LAMANG ang kanilang BILANG.
Kung ang pag-uusapan ay ang pagpapakahayag ng DIOS sa BIBLIA, napakaraming pagkakataon na nagpakahayag ang DIOS sa mga PROPETA, sa ISRAEL at sa KANIYANG mga unang lingkod.
Ibig bang sabihin na ang lahat ng pagpapakahayag na ito ng DIOS ay dapat ding ibilang na PERSONA? Bakit TATLO lang?
This is a common misconception about what the Trinity doctrine says, which actually has the opposite intent – to preserve the biblical witness to the oneness of God’s Being, yet at the same time accounting for the divinity of the Father, Son and the Spirit. The answer is that we must not confuse tritheism with the Trinity or think of “persons” as we do in the human sphere when we speak of God’s divine nature. What the Trinity says is that God is one with respect to his essence but is three with respect to the internal distinctions within his Triunity.(http://www.wcg.org/lit/god/threegods.htm)
IISAng DIOS din pala ang paniniwala nila tungkol sa doktrinang TRINITY, subalit mapapansin na naman natin sa pahayag nilang ito na ung ESSENCE LAMANG ANG IISA, PERO TATLO KUNG INTERNAL DISTINCTIONS ang pag-uusapan. Mula po ang sipi na iyan sa site ng Worlwide Church of God.
Napatunayan natin na nang magkatawang tao ang AMANG DIOS sa pamamagitan ng Panginoong HESUS, hindi nangahulugan na DALAWA na ang DIOS. Nananatili na IISA LAMANG ANG DIOS. Sapagkat ang AMA ay bumaba dito sa lupa, nahayag o na-manifest sa flesh.
Tungkol sa ESPIRITU (HOLY SPIRIT), mapapatunayan ba natin na ang tinutukoy nilang HOLY SPIRIT ay GOD the HOLY SPIRIT?
Tama kayang sabihin ang GOD the HOLY SPIRIT? HINDI PO DIOS ang ESPIRITU SANTO o ang BANAL NA ESPIRITU.
Psa 51:11 Cast me not away from thy presence; and take not thy holy spirit from me.
Psa 51:11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
Sino po ang nagsabi nito? Si Haring David.
Sinasabi niya sa DIOS na NAG-IISA na huwag bawiin ang BANAL na ESPIRITU na ibinigay sa kaniya ng DIOS. Samakatuwid, ang banal na Espirtu po ay hindi DIOS kundi ISANG KAPANGYARIHAN (power), o KALOOB (gift) na ibinibigay ng DIOS sa sinumang naisin Niyang pagkalooban nito.
Ang salitang espiritu (pneuma) ay maaaring mangahulugan ng HININGA o BREATH sa Biblia, subalit ang HOLY SPIRIT ay tumutukoy sa KAPANGYARIHAN o KALOOB na MULA sa DIOS.
Hindi DIOS ang ESPIRITU SANTO kundi KALOOB na MULA SA DIOS.
Luk 11:13 If ye then, being evil, know how to give good gifts unto your children: how much more shall your heavenly Father give the Holy Spirit to them that ask him?
Luk 11:13 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?
Ito yaong BANAL NA ESPIRITU na tinanggap ng mga APOSTOL nang araw ng PENTECOSTES, na naging hudyat upang makapagsalita sila ng iba’t ibang wika at makagawa ng mga gawang makapangyarihan.
Naniniwala po tayo na ang DIOS ay ESPIRITU, sapagkat binabanggit ito sa Juan 4: 24. At naniniwala din po tayo na palibhasa ang DIOS AY BANAL, nangangahulugan din na ang ESPIRITU ng DIOS ay BANAL din po.
Nangangahulugan ba na kung ang DIOS ay may PITONG ESPIRITU (Rev 5:6 At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa), ay dumami na ang DIOS?
So dapat hindi lang TATLONG PERSONA? Kundi 7 ESPIRITU NG DIOS + AMANG DIOS + ANAK = bale SIYAM (9) na DIOS lahat…nagtatanong lang po.
Ganito po kasi yan, pagka pinag-uusapan ang tungkol sa ESPIRITU, maraming kahulugan po iyan. Since ang pinag-uusapan natin ay BANAL na ESPIRITU o HOLY SPIRIT, sa iba’t ibang panahon at mga lingkod ay pinagkalooban ng DIOS ng HOLY SPIRIT, sapagkat ang HOLY SPIRIT ay indikasyon o palatandaan na mayroon tayong tinanggap na kapangyarihan o kaloob mula sa DIOS. Ito din ang nagpapatotoo na tayo ay mga tunay na anak o lingkod ng Dios.
Halimbawa ay kay Haring DAVID, nang piliin siya upang maging hari ng Israel ay pinahiran siya ng langis ng Propeta Samuel at kaalinsabay nun ay ipinagkaloob sa kaniya ang Espirtu Santo.
Sa aklat ng mga Gawa ng mga APOSTOL, binabanggit kung paano tataglayin ang KALOOB NG ESPIRITU SANTO, at ito po ay sa pamamagitan ng BAUTISMO.
Peter replied, “Repent and be baptized, every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins. And you will receive the gift of the Holy Spirit. (NIV)
Act 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
At maging si Apostol Pablo ay nagsabi na ibinibigay ng Dios ang kaniyang Espiritu Santo.
1Th 4:8 Kaya’t ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.
1Th 4:8 He therefore that despiseth, despiseth not man, but God, who hath also given unto us his holy Spirit.
Kung hindi DIOS ang ESPIRITU SANTO (Kundi kapangyarihan o kaloob na mula sa DIOS) saan ngayon mauuwi ang doktrinang TRINITY?
Kayo na po ang bahalang umunawa kung matatanggap ninyo ang maniwala at sumampalataya sa paniniwalang TRINITY o sa IISANG TUNAY NA DIOS na ipinakikilala ng BIBLIA.
Tanong ko lang po..sabi nyo po ay hindi Dios ang Espiritu Santo,dahil ito’y kaloob po ng iisang Dios na lumalang at isang kapangyarihan..ang tanong ko po,lumalang po ba ang Espiritu ng Dios o ang Espiritu Santo?..
Maraming salamat po sa inyong pagtatanong.
Magkaiba po ang Espiritu ng Dios at ang sinasabing Espiritu Santo.
Ang Dios po ay Espiritu (Joh 4:24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.)
Samantalang ang Espiritu Santo po ay ang ipinangako ni Hesus na ipadadala pagkatapos nang Kaniyang pagkakawang tao (Joh 14:26 Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi.)
Wala pong mababasa na lumalang ang Espiritu Santo, subalit nang likhain ng Dios ang sanlibutan ang Kaniyang Espiritu ay sumasaibabaw ng tubig. (Gen 1:2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.)
Ah ok po…ahm,tanong po ulit..pasensya npo brother ha..ahm,ang Espiritu Santo po ba ay Panginoon ng langit at lupa o hindi,kung talaga po na hindi siya Dios..salamat po..
At saan pong talata nyo po nabasa na yung Espiritu ng Dios ay hindi Espiritu Santo?
Kagalakan po namin na sagutin ang inyong katanungan kapatid.
Kahit po hindi basahin alam natin na ang Espiritu ng Dios ay Banal, sapagkat ang Dios ay banal.
Simple lang po ang paniniwala namin, kapag hindi po mababasa sa Biblia ay hindi namin pinaniniwalaan, gaya nang TRINITY o pagkakaroon ng tatlong persona sa iisang DIOS.
Wala din pong mababasa na ang Holy Spirit ay DIOS.
Therefore, hindi po tayo dapat mag-conclude na ang Espiritu Santo ay Dios.
IISA lamang po ang DIOS at ito ay walang iba kundi ang AMA.
Kapatid,ahm,18 pa lang po ako..ako po ay Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus rin po..at hindi rin po kami naniniwala sa trinity..at yung isa papo kapatid.ahm,mapapatunayan po na Dios ang Espiritu Santo..ang katunayan po ay sa Lucas 10:21,na sinabi ng Panginoong Hesus sa Espiritu Santo na Ama,Panginoon ng langit at lupa..Dios po ba yang Ama na tumutukoy sa Espiritu Santo o hindi?..At lubos ko po na sinasampalatayanan na iisa lang ang Dios,ang Ama..
Salamat po uli sa pagtatanong.
Mas malinaw po kung English version ang babasahin. Hindi po HOLY SPIRIT ang tinutukoy kundi SPIRIT lamang.
Luk 10:21 In that hour Jesus rejoiced in spirit, and said, I thank thee, O Father, Lord of heaven and earth, that thou hast hid these things from the wise and prudent, and hast revealed them unto babes: even so, Father; for so it seemed good in thy sight.
Naniniwala po kami na ang DIOS na nag-iisa ay ang AMA. Siya po ay Espiritu. Naniniwala din kami na BANAL siya o SANTO.
Pero wala po sa talata na ibinigay ninyo na nagpapatunay na ang Holy Spirit ay Dios.
Puntahan po natin ang orihinal na salin, ang salitang ginamit po ay “spirit,” mula po ito sa wikang Griyego na “pneuma” na ang kahulugan po ay espiritu o hininga.
pneuma (pnyoo’-mah)
From G4154; a current of air, that is, breath (blast) or a breeze; by analogy or figuratively a spirit, that is, (human) the rational soul, (by implication) vital principle, mental disposition, etc., or (superhuman) an angel, daemon, or (divine) God, Christ’s spirit, the Holy spirit: – ghost, life, spirit (-ual, -ually), mind. (Strongs Dictionary of the Bible)
Ayon po sa Clark’s commentary of the Bible, ang katagang “rejoice in spirit” ay may kahulugang pagkadama ng ibayong kasiyahan o tagumpay sa kalooban.
Rejoiced in spirit – Was truly and heartily joyous: felt an inward triumph. But τῳ πνευματι, τῳ ἁγιῳ, the Holy Spirit, is the reading here of BCDKL, six others; the three Syriac, later Persic, Coptic, Ethiopic, Armenian, Vulgate, all the Itala except one, and Augustin and Bede.
Ang nababasa po natin na “Espiritu Santo” sa saling Tagalog o Filipino ay hindi po mula sa orihinal na salin kundi mula po sa mga salin gaya nang binabanggit sa itaas. (Syriac, later Persic, Coptic, Ethiopic, Armenian, Vulgate)
Oh cge po,English version..Ok po mababasa rin po ang spirit,pero wala po bang Holy Spirit na mababasa sa talata kung ibang salin ang gagamitin?..Ito po ang halimbawa:
Lucas 10:21
“At that time Jesus, full of joy through the Holy Spirit, said, “I praise you, Father, Lord of heaven and earth, because you have hidden these things from the wise and learned, and revealed them to little children. Yes, Father, for this was your good pleasure.”
Lucas 10:21
21 Nang oras ding yaon siya’y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako’y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka’t gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.
Tinatanggap ko po ang spirit at Holy Spirit..
Kayo po tatanggapin niyo po ba na Holy Spirit rin ang nakalagay bukod po sa salin na ginamit niyo..?
At sabi niyo po,para po mas malinaw ay english version ang gamitin..sa Tagalog po ba na salin,hindi po ba malinaw yung talata na Espiritu Santo ang binabanggit?
Pakisagot lang po sana yung dalawa ko pong tanong..salamat po kapatid.
Hindi nyo po naintindihan ang naging sagot namin kapatid. Ang sabi po namin, yung salin po ng talata na Lukas 10: 21 na may “holy spirit” ay wala po sa ORIGINAL MANUSCRIPT.
DAGDAG lang po ang “holy spirit” ng mga salin na binanggit namin dahil sa paniniwala nila na DIOS ang HOLY SPIRIT.
Try to analyze po, “spirit” means breath or inward feeling according to the original manuscript. “Holy Spirit” meanwhile, is only a power coming from God and not God Himself.
Salamat po uli kapatid sa inyong katanungan.
Pasensya npo kapatid ha..ito po ang mga tanong ko:
1.Ibig nyo po ba sabihin na hindi tama ang pagkakasalin sa Filipino ng “Espiritu Santo” at ito’y magkaiba?
2.Ibig niyo rin po ba sabihin na mali ang pagkakasalin ng mga translators sa talata ng “Espiritu Santo”? at wla po akong kwestyon sa original manuscript..
Dahil po talagang pinagbabatayan niyo po ang original manuscript..naintindihan ko po iyon..
3.At isa papo,kung talagang hindi po Espiritu Santo iyon,anong spirit ang tinutukoy ng Panginoong Hesus? ..
pkisagot lang po lahat..thank you po ulit..
Tungkol po sa mga katanungan ninyo:
1.Ibig nyo po ba sabihin na hindi tama ang pagkakasalin sa Filipino ng “Espiritu Santo” at ito’y magkaiba?
Sagot: Maliwanag po na iba ang naging salin sa wikang Filipino mula sa orihinal na salin. Ang akmang salin ay yaong nasa English version (KJV). Magkaiba po ang kahulugan ng “spirit” at ng “Holy Spirit.” Wala po kami sa kalagayang magsabi ng tama o mali. Ang sa amin lamang po, bago kami mag-conclude na “Holy Spirit” nga ang tinutukoy dito ay tinitingnan muna namin kung ano ang katumbas nito sa orihinal na salin.
Kayo po ba ay papayag na gamitin ang salin na hindi tumutugma sa orihinal na salin? Ano po kaya ang mangyayari kung gagamitin ninyo ang salin na iba sa orihinal na salin?
2.Ibig niyo rin po ba sabihin na mali ang pagkakasalin ng mga translators sa talata ng “Espiritu Santo”? at wla po akong kwestyon sa original manuscript..
Dahil po talagang pinagbabatayan niyo po ang original manuscript..naintindihan ko po iyon..
Sagot: Kung tinatanggap po ninyo ang orihinal na manuskrito, ay dapat din ninyong tanggapin na hindi po akmang gamitin ang “Espiritu Santo” kundi “spirit” lamang na ang kahulugan ay breath or inward feeling.
Wala po kami sa kalagayang magsabi ng tama o mali. Kayo po mismo ang makasasagot kung tama o mali na ibahin ang salin na mula sa orihinal. Ang tanong, tama po ba o mali na ibahin translation at hindi ibatay sa orihinal na manuskrito?
3.At isa papo,kung talagang hindi po Espiritu Santo iyon,anong spirit ang tinutukoy ng Panginoong Hesus? ..
Sagot: Nasagot na po namin ito, ang espiritu na tinutukoy ng ating Panginoong Hesus ay tumutukoy sa nararamdaman ng Kaniyang kalooban.
Kung babalikan po ninyo ang kabuoan ng paksa na mababasa sa itaas nito, mapapatunayan po natin na hindi lahat ng “espiritu” na mababasa ay tumutukoy sa “Espiritu Santo.”
Ang Dios po halimbawa ay mayroong pitong Espiritu ayon sa aklat ng Apocalipsis, lahat po ng espiritung yaon ay banal o santo dahil mula sa Dios. Pero hindi po nangangahulugan na yaong pitong espiritu ng Dios ay maituturing din na Dios lahat.
Malabo po ang ating talakayan..atsaka po hindi po magsasalin ang mga tao sa Bibliya ng mga salitang hindi ito aangkop..Balik po tayo sa may gawing itaas po ng ating talakayan,kung Dios nga ba ang Espiritu Santo..
Sa Gawa 5:3-4,saan nagsinungaling si Ananias?..sa Dios ba o sa Espiritu Santo?
Ipagpaumanhin po ninyo kapatid, datapuwat kayo lamang marahil ang nalalabuan sa ating talakayan.
Malinaw po sa amin na hindi lahat ng Espiritu na mababasa sa Biblia ay tumutukoy sa Holy Spirit. At ang sabi ninyo ay hindi magsasalin ang mga tao sa Biblia ng mga salitang hindi aangkop. Nangyari na po iyan, napakarami pong mga salin na talagang hindi akma sa orihinal na salin, ang tawag po sa mga salin na iyan ay “Sectarian Bias.” Mga salin po iyan na ginawa ng mga iba’t ibang relihiyon para pumabor sa kanilang paniniwala.
Huwag po kayong magtaka kung bakit yan ang nangyari, sapagkat alam naman natin na ang Biblia din ang gagamitin ng Diablo para dayain ang mga tao at takpan ang katotohanan ng Dios.
Tungkol po sa Gawa 5: 3- 4, malinaw po na binanggit diyan na nagkasala ang mag-asawa sa Dios. Ang Espiritu Santo na tinutukoy po diyan ay ang Espiritu ng Panginoong Dios (Gawa 5:9- Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo’y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas)
It is to God’s Holy Spirit whom the couple sinned. Magiging iba po talaga ang pananaw ninyo sa amin sapagkat pinipilit ninyo na ang Holy Spirit ay Dios.
Unang ua po ay Biblia ang batayan namin datapuwat iba-iba po ang pinakahuhulugan ng tao,.Hindi po kami nagpaimprenta at wala kaming pangimprenta at hindi po namin iyon magagawa..Ok po..buti po at nasabi niyo po na ang Espiritu Santo ay Espiritu ng Panginoong Dios..ngayon ang huling tanong ko po,saan po ninyo nabasang talata na ang Espiritu ng Dios ay hindi Espiritu Santo?..sapagkat malinaw po na “Espiritu”po iyan hindi “espiritu”..Yung “Espirtu”po ba na iyan ay siyang “Espiritu ng Dios” o hindi?…
At ipagpaumanhin po ninyo,hindi ung mag-asawa ang tinatanong ko po,si Ananias lang po..
At kung talagang hindi Espiritu Santo ang tinutukoy sa Lucas 10:21,bakit po siya(spirit) tinawag na Ama,Panginoon ng lngit at lupa ng Panginoong Hesus?..
Salamat po..Pagpalain po kayo ng Panginoon..
Kung susuriin pong mabuti ang Lucas 10:21, hindi po ang Espiritu Santo ang tinawag na AMA ng ating Panginoong Hesus.
Luk 10:21 In that hour Jesus rejoiced in spirit, and said, I thank thee, O Father, Lord of heaven and earth, that thou hast hid these things from the wise and prudent, and hast revealed them unto babes: even so, Father; for so it seemed good in thy sight.
Mula po ito sa orihinal na salin, na ang kahulugan ay nagalak si Hesus sa espiritu (hindi po Espiritu Santo gaya nang ipinagpipilitan ninyo).
Paki-check na din po ang Mat 11:25 At that time Jesus made answer and said, I give praise to you, O Father, Lord of heaven and earth, because you have kept these things secret from the wise and the men of learning, and have made them clear to little children.
Napansin nyo po ang sipi na ito sa aklat ng Mateo? Bakit po kaya walang sinasabi dito tungkol sa espiritu? At tanging sa AMA lamang nagpasalamat ang Panginoong Hesus?
Maliwanag na ang AMA at hindi po ang Espiritu Santo ang pinasalamatan Niya. Hindi po tinawag na AMA ng Panginoong Hesus ang Espiritu Santo. Ang tunay na DIOS na nag-iisa po ang Kaniyang tinawag na AMA, Panginoon ng langit at lupa.
Sinabi na po namin sa inyo, paulit-ulit na nga po kami, na ang DIOS ay Espiritu (at Banal o Santo po ang taglay na Espiritu ng Dios). Huwag po nating ipagkamali na may separate na entity o personality dito. Wala pong ganyang katuruan ang Biblia. Turo po iyan ng mga nagliligaw sa tunay na aral.
Mula pa po sa pasimula IISA na ang DIOS (AMA) at ang Espiritu Santo (ipinangako ni Hesus na ipadadala ng AMA) upang pumatnubay, magturo at magbigay ng kapayapaan sa mga lingkod ng DIOS).
Maraming salamat po at pagpalain din nawa kayo ng ating NAG-IISANG DIOS (AMA).
Kaya nga po eh kapatid,kung sinabi niyo po na ang Espiritu ng Dios ay Espiritu Santo dapat tanggapin niyo po na ang Espiritu na iyon ay siyang Espiritu Santo..
Sana po lubos po natin maintindihan na ang Espiritu Santo ay lumalang, at siya ay Dios..
Salamat po sa inyong oras na nakasama ko po kayo sa maikling talakayan..
Ganito na lang po kapatid, tanggap namin na ang nag-iisang DIOS ay Espritu (at Banal o Santo ang Espiritu ng Dios).
Kung ang tinutukoy po ninyo na Dios (Espiritu) ang lumalang ay sumasang-ayon po kami diyan.
Subalit kung ang tinutukoy po ng ilang naniniwala na ang Espiritu Santo ay separate entity or personality ay kaylanman hindi po namin iyan maaayunan. Hindi po pumapayag kaylanman na ang nag-iisang DIOS ay may katulad.
(MKJV) God is a spirit, and they who worship Him must worship in spirit and in truth.
John 4:24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.