Huwag Lakaran ang Landas ng Masama

Hangad ng Dios na maligtas tayong mga tao. Hindi Niya ibig na tayo ay mapahamak. Ang Biblia ay nagtuturo ng kaparaanan upang huwag mapahamak ang tao. Nasa ating mga tao kung susundin natin ang mga bagay na Kaniyang kalooban na ating gawin.

Sinabi ng Biblia,  Pro 4:14  Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. Pro 4:15  Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.

Noon pa man, kung pag-aaralan natin ang Biblia, ang sanlibutang ito ay nilason na ng kasamaan ng diablo. Maraming mga bagay ang inaakala nating tama at maganda sa ating paningin ngunit daan pala ang mga ito ng kapahamakan. Malinaw ang pahayag ng Biblia, na ang sanlibutang ito ay naibigay na sa kamay ng masama at ito ay nakahilig na sa kasamaan.

Job 9: 24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: At kung ito ay naibigay na sa masama, huwag nating asahan na lahat ng bagay dito ay malinis, banal at dalisay. Higit ang dami ng mga kasamaan, sapat upang hikayatin ang tao sa paggawa ng kasamaan. 1Jn 5:19  Nalalaman natin na tayo’y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

Noon pa man ay binanggit na ng Biblia na iwasan ang madaming kasamaan. At sadyang may mga taong hindi mapakali hanggat hindi nakagagawa nito. Pro 4:16  Sapagka’t hindi sila nangatutulog, malibang sila’y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila’y makapagpabuwal. Pro 4:17  Sapagka’t sila’y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan.

At ito ay hinulaan din ng apostol na si Pablo na dadating ang panahon na gaya ng panahon natin sa kasalukuyan, na ang mga tao ay magiging masasama, pangunahin dito ang pag-ibig sa sarili, at kawalan ng kabanalan o takot sa Dios.

2Ti 3:1  Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

2Ti 3:2  Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

2Ti 3:3  Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,

2Ti 3:4  Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

2Ti 3:5  Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

Ang lingkod ng Dios, hindi nakikigalak sa kalikuan. Ang lingkod ng Dios gaya ni Lot sa lumang tipan, na kapag namamalas ang kasamaan ng sanlibutan ay nahahapis. Ang lingkod ng Dios, hindi humahatol sa sanlibutan kung ito ay masama. Ang lingkod ng Dios, nag-iiba ng kanilang pag-iisip sa sanlibutang ito.

Ito ang hamon ni Apostol Pablo sa mga Kristiyano sa kaniyang kapanahunan, na mag-iba ng kanilang mga pag-iisip sa kaisipan ng sanlibutang ito. Rom 12:2  At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Ang hindi pag-ayon ay hindi nangangahulugang lahat ng gawa ng sanlibutan ay salungatin na lamang nating lahat. May mga bagay na ginagawa ang mga tao na kailangan din naman nating tularan. Hindi naman lahat ng gawa ng mga tao ay masasama na. Mayroon ding mga gawa na makabubuti para sa atin. Ang hindi lamang pinaaayunan sa atin ay ang mga gawa ng kasamaan, mga lalang ng diablo.

Ang lingkod ng Dios ay hindi pumapayag na malamangan at mapaglalangan ng diablo. 2Co 2:11  Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka’t kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.

Ang lingkod ng Dios ay nakahanda laban sa mga kaway ng sanlibutan sapagkat taglay nila ang kagayakan ng Dios upang tumibay laban sa mga pandaraya gn diablo. Eph 6:11  Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

Matalino man ang diablo, higit ang karunungang dapat taglayin ng sinumang naghahangad na maging karapatdapat sa Dios. Yamang taglay ang karunugang ito an nagmumula sa Kaniyang mga salita, hindi tayo dapat magpa-apekto o magpadala sa mga lalang na ito. Hindi tayo dapat masumupungang lumalakad sa mga landas ng kasamaan.

Eph 1:7  Na sa kaniya’y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Eph 1:8  Na pinasagana niya sa atin, sa buong karunungan at katalinuhan,

Eph 1:9  Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers