Huwag Iwawala ang Pag-asa

Sa dami ng mga karahasang nagaganap sa paligid, lalo na sa Gitnang Silangan, at mga trahedyang sunud-sunod na gumimbal sa maraming panig ng daigdig, marami na ang nawalan ng pag-asa.

Nakita natin kung paano binalot ng kapanglawan ang puso ng marami nating kapatid, kababayan at kapuwa tao sa bansang Japan. Libong tao ang namatay at hanggang sa kasalukuyan ay binibilang pa ito, hindi pa tapos ang paghahanap sa mga taong nawawala. Kabi-kabila ang mga humihingi ng tulong sa kani-kanilang mga gobyerno, umiiyak at tumatangis sa kasalukuyang trahedya na kanilang nararanasan.

Sa kabilang panig ng daigdig, sa Gitnang Silangan ay patuloy pa din ang tinatawag na social unrest. Ang mga karaniwang mamamayan ay pilit na lumalaban sa kanilang gobeyrno at isinisigaw ang pagbabago na kanilang hinahangad. Hindi naging maganda ang pagtugon ng kanilang mga protesta sapagkat marami na ding buhay ang nalagas dahil sa mga sumiklab na mga kaguluhan. Naiipit ang mga kapuwa nating wala naman sanang hinangad kundi makapag-hanapbuhay sa kanilang dako. Ang iba ay nadadamay pa sa kanilang sariling mga gulo.

Sa gitna ng mga tensiyon na nangyayari, ano ang sinasabi ng Biblia?

Malaon nang panahon na hinulaan ng Biblia ang magaganap na mga karahasan at trahedya bilang palatandaan ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon. Mababasa ito sa buong chapter ng Mateo 24.

Mga lingkod man ng Dios noong araw ay nakaranas ng mga ganitong hirap ngunit hindi sila kinakitaan ng kawalan ng pag-asa. 2Co 4:8  Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma’y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma’y hindi nangawawalan ng pagasa;

Sa kabila ng mga nararanasan ng marami nating kababayan at kapuwa tao, dapat ba tayong matakot at mawalan ng pag-asa? Ang sagot ay HINDI, sapagkat ang mga ito ay kailangang maganap o mangyari upang bigyang daan ang kaganapan ng mga nakatakdang mangyari na naisulat upang bigyang babala tayo sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoon.

Ano ba ang kailangang gawing paghahanda?

Kailangang maging karapatdapat tayo pag dumating ang Panginoon. Ang pagkakalooban lamang ng gantimpala ay yaong mga nagtagumpay. Rev 3:21  Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

2Ti 4:8  Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Jas 1:12  Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka’t pagkasubok sa kaniya, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.

Rev 2:10  Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.

Rev 3:11  Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.

Paano ba dapat gawin ang paghahanda?

Mahabang proseso ang paghahanda, una, kailangan nating maging bahagi ng pagtawag ng Dios. Kailangang mailagay tayo sa paglilingkod sa Kaniya. 1Ti 1:12  Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka’t ako’y inari niyang tapat, na ako’y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;

Si Pablo na tinawag na maging Apostol ng Panginoon ay inilagay sa paglilingkod. Bagaman, mamumusong nang una at numero unong mang-uusig ng iglesia ng Dios, tinawag pa din siya sa iglesia upang maging apostol. 1Co 1:1  Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, 1Co 1:2  Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

At nang siya ay nasa paglilingkod na, sinikap niyang ganapin ang lahat ng kalooban ng Dios. Ito lang ang tanging paraan upang maging karapatdapat sa paghahanda sa nalalapit na pagdating Panginoon. Ito ang matalinong paghahanda sa Kaniyang muling pagbabalik.

1Co 15:1  Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, 1Co 15:2 Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

Habang naghihintay at naghahanda, kailangang ipakita at gawin ang nararapat sa paningin ng Dios, gaya ng pagsisikap na matupad ang mga utos ng Dios, gaya nang mabuting pakikipagbaka sa lahat ng mga pagsubok at panghawakang matibay ang pananampalataya sa Dios. 2Ti 4:7  Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: 2Ti 4:8  Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Dahil dito, sa maraming bagay na ating nakikita sa paligid. Ito man ay mabuti o pangit sa ating paningin, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Isipin na lamang nating ang mga ito ay palatandaan ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon. Hindi naman talaga tayo pangmatagalang mabubuhay at manunuluyan dito sa lupa. Ang mga lingkod ng DIOS ay mayroong patutunguhang higit sa mga bagay na panlupa. Col 1:5  Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio,

Tit 1:2  Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

Hindi dapat iwala ang pag-asa. Rom 12:12  Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers