Hindi matatawaran na malalaking trahedya ang kasalukuyang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Kabilang dito ang kamatayan ng libu-libong nasalanta ng lindol at tsunami na naganap sa Japan at kamatayan ng ilang daang tao sa Gitnang Silangan bunga ng mga karahasang panlipunan.
Maituturing na malalagim na trahedya ang mga pangyayaring ito. Gawa man ito ng tao o ng kalikasan, maituturing na ang mga trahedya ay bagay na kinatatakutang maganap sa buhay nating mga tao.
Ngunit alam ba natin na hindi pa ito ang maituturing sa talaan ng kasaysayan na mga malalaking trahedya?
Nakatala dito sa ating reference ang ilang mga trahedya sa kasaysayan ng daigdig:
Ten Deadliest Natural Disasters
- 1931 - China Floods – 1, 000, 000 to 2, 500, 000 deaths
- 1887 - Yellow River flood – China – 900, 000 to 2, 000, 000 deaths
- 1556 - Shaanxi, China Earthquake – 830, 000 deaths
- 1970 – Bhola, Pakistan (Now Bangladesh) Cyclone – 500, 000 deaths
- 2004 – Indian Ocean Tsunami – 300, 000 deaths
- 1839 – India Cyclone – 300, 000
- 526 – Antioch, Eastern Roman Empire, Earthquake – 250, 000 to 300, 000 deaths
- 1976 – Tangshan, China- Earthquake – 242, 219 deaths
- 1920 – Haiyuan, China Earthquake – 234, 117 deaths
- 2010 – Haiti, Earthquake – 230, 000 deaths
Reference:
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_natural_disasters
Sa reperensiyang ito, kung atin pong titingnan, may ilang talaan pa ang kabilang na hindi na natin itinala dito, kayo po mismo ang makakabasa na napakaraming mga trahedya ang kumitil sa napakaraming bilang ng mga tao sa kasaysayan ng daigdig.
Ngunit, alam po ba natin na hindi kamatayan ng tao o ng napakaraming tao ang maituturing na dakilang trahedya?
Kung pag-aaralan natin ang Biblia, ang buhay na walang layunin o halaga sa paningin ng Dios ang maituturing na dakilang trahedya. Nang likhain tayo ng Dios, nilikha Niya tayo na mayroong layunin. Psa 100:3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo’y kaniya: tayo’y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
Maraming mga tao ang sinikap na alamin ang layunin na ito sa pamamagitan ng kanilang sariling pag-aaral at panghuhula. Sa kasaysayan, napakaraming mga pilosopo ang nag-aral sa kadahilanan ng kanilang pagiging-tao at lahat ng kanilang naging resulta ay pawang mga hinuha lamang o guesses.
Hindi ganito ang tugon ng Biblia.
Sa Biblia matatagpuan ang tunay na dahilan kung bakit tayo nilikha ng ating dakilang Dios. At mayroon Siyang layunin sa atin. Ang layuning ito ang dapat nating tuklasin at alamin. Ang layunin ng Dios para sa ating mga tao ang dapat nating sundin at hindi ang layunin lamang natin sa ating mga sarili.
Mahalaga na maunawaan natin kung ano ang kalooban ng Dios, sapagkat ayaw ng Dios na maging mangmang tayo o walang alam pagdating sa Kaniyang mga kalooban. Eph 5:17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
Kapag mangmang ang tao sa pag-alam ng kalooban ng Dios, ang lakad ng taong yaon ay pawang taliwas sa kalooban ng Dios. Sinisira nito ang kaniyang lakad at bawat gawin niya ay pawang pakikipag-alit na lamang lagi sa Dios.
Pro 19:3 Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.
Mapait ang kapalaran ng taong walang unawa sa kalooban ng Dios. Higit pa sa kamatayan na ibinibilang ng marami na trahedya. Sa kalakaran o standards ng mga tao, ang pagkakaroon ng magandang kalagayan ng buhay ay ibinibilang na pagkakaroon ng kabuluhan.
Ngunit iba ang ang kalakaran ng Dios. Ang pag-iisip ng Dios ay malayo sa pag-iisip nating mga tao. Isa 55:8 Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Isa 55:9 Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
Kaya sa paningin ng Dios, kaawa-awa ang mga taong walang unawa sa kaniyang mga kalooban. Ang ganito ay pinakadakila o pinakamalaking trahedya na posibleng mangyari sa isang tao.
Job 11:12 Nguni’t ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
At ang masakit nito, ang nagiging katulad lamang ng tao sa paningin ng Dios ay ang mga hayop, na walang unawa, na kapag namatay ay inililibing na lamang. Psa 49:20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.
Bakit trahedya ang kawalan ng unawa?
Ang kahihinatnan ng taong walang unawa ang pinakamalaking trahedayng maituturing. Kapag walang unawa sa kalooban ng Dios, karugtong na nito ang kawalan ng pagganap sa Kaniyang mga kalooban at kautusan. At kapag hindi ito nagawa ng tao, hindi nito natutugunan ang dahilan ng pagkakalikha sa kaniya ng Dios. Walang silbi ang taong hindi natagpuan ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya ng Dios.
Ang higit na trahedya kasasapitan ay ang ikalawang kamatayan – dagat-dagatang apoy na asupre – o ang impiyerno na nakasaad sa Apocalipsis. (Apoc. 20: 10) Samakatuwid, hindi ang kamatayang literal o pisikal ang maituturing na trahedya kundi ang kamatayan ng kaluluwa.
tragedy – noun – (plural tragedies) 1 an event causing great suffering, destruction, and distress. ORIGIN Middle English: from Old French tragedie, via Latin from Greek tragoidia, apparently from tragos ‘goat’ (the reason remains unexplained) + oide ‘song, ode’.