Dilidilihin kung Gaano Kadakila ang mga Ginawa ng Dios

1Sa 12:24  Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo.

Sa talatang ito ay pinaalalahanan ni Propeta Samuel ang bayan ng Dios na pagbulayan ang mga ginawa ng Dios sa kanilang buhay. Napakaraming mga dakilang bagay ang ginawa ng Dios sa bayang Israel. Psa 107:43  Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon. 

Ang pagbubulay sa mga gawa ng Dios ay isang paraan para Makita natin ng lubos kung gaano kalawak ang kabutihan at pag-ibig ng Dios sa Kaniyang mga lingkod. Sa pagbubulay, natutuon ang ating pansin sa kapangyarihan ng Dios, ang Kaniyang kahabagan, pamamatnubay at pagliligtas na siyang nagpapatatag ng ating mga pananampalataya sa Kaniya.

Maraming mga tao sa kasalukuyan ang natuon ang kanilang mga kaisipan sa pag-unlad at pag-aalala kung paano haharapin ang bukas, subalit nakakaligtaan naman ang lahat ng mga nagawa ng Dios sa kanilang buhay.

Makakatulong sa atin ang pagdidilidili sa mga bagay na Kaniyang ginawa para sa atin upang habang lumilipas ang mga araw, at habang patuloy tayong binibigyan ng buhay at lakas ay Makita ng Dios na tayo ay nagiging mapagpasalamat sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa.

Mahalaga sa isang tunay na Kristiyano na Makita ang lawak ng pag-ibig ng Dios sa kaniyang buhay, sapagkat ito ang nagpapaalala sa kaniya na siya ay isa lamang alipin gn Dios na kailangang gumanap ng tungkulin. Sinabi ni Pablo, Eph 5:20 Na kayo’y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;

Ang pagiging mapagpasalamat ay palatandaan na naapreciate natin ang mga ginawa ng Dios sa ating mga buhay. Ito ang kalooban Niyang Makita sa bawat isa sa atin. 1Th 5:18  Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

 

Ang pagbubulay sa mga gawa ng Panginoon ay isang paraan din kung paano natin lalong mapapatatag ang ating ugnayan sa Dios.

Gaano ba katatag ang relasyon natin sa Dios?

Hindi ba’t isang relasyon, kailangang ma-appreciate natin ang mga magagandang bagay na ginagawa sa atin ng ating karelasyon? Kadalasan sinusuklian pa nga natin ng regalo ang kabutihan na ginagawa sa atin. Hindi baga lalong higit dito ang gawin natin sa ating Panginoong Dios? Kung ibig nating lalong mapaganda at mapatatag ang ating pakikipag-ugnayan sa Kaniya, kailangang makita Niya sa atin na tayo ay nagbubulay sa Kaniyang mga gawa. Psa 77:12  Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers