Dapat pa bang Lumakad sa Dating Daan?

Tanong: Dapat pa bang Lumakad sa Dating Daan?

Ang dating daan na ipinakikilala ng Biblia ay ang lumang paraan ng paglilingkod sa Dios. Ito ang daan na nilakaran ng mga unang naglingkod sa Dios, partikular na ang mga Israelita. Sadyang may daan na pinalalakaran ang Dios sa lahing Israel, subalit ang mga ito ay nagpakaligaw sa Kaniyang mga tuntunin at hindi nila nilakaran ng wasto ang daan na ito.

Jdg 2:17  At gayon ma’y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka’t sila’y sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon:sila’y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; nguni’t hindi sila gumawa ng gayon.

Dati pang pinalakaran ang dating daan na ito, subalit marami sa lahing Israel ang hindi nagsilakad dito. Jer 6:16  Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo’y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni’t kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

Mauunawaan natin na ang daan na nilakaran ng kanilang mga magulang ay ang daan na pinalalakaran ng Dios. Subalit, ang mga anak o ang mga sumunod na lahi, palibhasa iniligaw ng mga maling paniniwala ay naligaw sa landas na ito.

At sa halip na tamang landas ang kanilang malakaran, ibang landas ang kanilang dinaanan o ibang kautusan ang kanilang naging paraan ng pamumuhay. Job 22:15  Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?

Jer 18:15  Sapagka’t kinalimutan ako ng aking bayan, sila’y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila’y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;

Kung nilakaran na ito ng masama (dating daan), bakit pa natin ito lalakaran?

Maging karapatdapat kaya tayo sa Dios kung ang dating daan na nilakaran ng masama ang ating lakaran?

Bukod dito, dapat nating maunawa na nang dumating ang Panginoong Hesus, ang Lumang Tipan ay nagkaroon ng pagbabago. Sa pamamagitan ng Bagong Tipan na Kaniyang itinatag, nagkaroon ng malaking pagbabago sa daan o paraan ng pamumuhay o paglilingkod sa Dios.

Heb 9:1  Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.

Heb 9:11  Nguni’t pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga’y hindi sa paglalang na ito,

Heb 9:15  At dahil dito’y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

Heb 9:16  Sapagka’t kung saan mayroong tipan doo’y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

Heb 9:17  Sapagka’t ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa’y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

Heb 9:18  Kaya’t ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

At dahil bago na ang Tipan, pinalitan o inamiyendahan ang Kautusan. Heb 7:12 Sapagka’t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan. Kaya hindi na ang dating kautusan ang susundin, kundi ang kautusang ayon na sa Bagong Tipan.

Kaya hindi na po ang dating daan ang pinalalakaran sa atin, kundi ang DAANG BAGO. Heb 10:20  Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sa kaniyang laman;

Sinabi ni Hesus, Joh 14:6  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Ang daan na Kaniyang tinutukoy ay ang Kaniyang katawan na ibig Niyang papasukan sa ating lahat.

Mat 7:13  Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok.

Luk 13:24  Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.

Col 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

Col 1:24  Ngayo’y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;

Ito ang daang itinuro ni Apostol Pablo, na siyang daang kagalinggalingan na daang dati din niyang pinag-usig.

Act 22:4  At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.

1Co 12:31  Datapuwa’t maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.





Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers