Dapat Magpasalamat sa Dios

Kung mayroon mang nakagawiang gawin ang mga lingkod ng Dios, hindi ito yaong nakagawian ng marami na taliwas sa kalooban ng Dios. Hindi tayo dapat mahawa ng kasalukuyang gawi ng sanlibutang ito na pawang nagmula sa mga tradisyon at paniniwalang pagano.

Bawat araw ay mahalaga para sa ating mga lingkod ng Dios. Anumang araw ito, ibinibilang natin na ito ay biyaya ng Dios sa atin. Una, sapagkat muli ay ipinagkaloob Niya sa atin ang pagkakataong patuloy pang mabuhay sa mundo at makapiling pa ang ating mga mahal sa buhay.

Ikalawa, nananatili sa atin ang liwanag ng kaisipan at pananampalataya. At sa bawat araw na dumadating sa ating buhay, alam nating natatawid natin ang mga ito dahil mayroong Dios na umaalalay at nagkaloob ng lakas sa atin upang mapagtagumpayan ang maraming mga pagsubok at mga tuksong dumadating sa ating buhay.

Sa lahat ng mga bagay ay hinahanap ng Dios ang ating pagpapasalamat na tunay namang nakapagbibigay sa Kaniya ng ibayong kapurihan at karangalan. (1 Tesalonica 5:18)  Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. (Heb_13:15)  Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

Ang mga unang lingkod sa Biblia ay hindi kaylanman nagpakahawa sa mga gawi ng sanlibutang ito. Alam nilang kailangang mag-iba ng pag-iisip ang mga lingkod ng Dios. Lagi nilang iniisip kung ano ang maaaring makalugod sa kalooban ng Dios, at hindi ang kanilang pansariling kagustuhan.  (Roma 12:2) At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Bilang hari, si David ay kung ilang beses ang paghahandog ng pagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang kaniyang tinamasa at ipinagkaloob ng Dios. Hindi niya kaylanman ipinagkait ang pagpapasalamat sapagkat alam niyang tunay na dapat pasalamatan ang Dios sa lahat ng sandali ng ating buhay. Hindi Niya tayo pinababayaan, hindi Niya tayo pinagkukulang at sa tuwing tayo ay tumatawag sa Kaniya, ay lagi Niya tayong dinidinig. (Awit 54:6)  Ako’y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako’y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka’t mabuti.

(Awit 7:17)  Ako’y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.

(Awit 9:1)  Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.

(Awit 18:49)  Kaya’t ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.

(Awit 30:12)  Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako’y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

(Awit 35:18)  Ako’y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.

(Awit 52:9)  Ako’y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka’t iyong ginawa: at ako’y maghihintay sa iyong pangalan sapagka’t mabuti, sa harapan ng iyong mga banal.

(Awit 54:6)  Ako’y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako’y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka’t mabuti.

(Awit 57:9)  Ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: ako’y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.

(Awit 92:1)  Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:

(Awit 108:3)  Ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako’y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.

(Awit 109:30)  Ako’y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan.

(Awit 111:1)  Purihin ninyo ang Panginoon. Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.

(Awit 118:19)  Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako’y magpapasalamat sa Panginoon.

(Awit 118:21)  Ako’y magpapasalamat sa iyo, sapagka’t sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.

(Awit 118:28)  Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.

(Awit 119:7)  Ako’y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

(Awit 138:1)  Ako’y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.

(Awit 138:2)  Ako’y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka’t iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.

(Awit 139:14)  Ako’y magpapasalamat sa iyo; sapagka’t nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.

(Awit 140:13)  Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers