Ang Tunay na Naturuan at Natuto sa mga Salita ng Dios

Sa buong mundo, laganap na din ang mga taong mayroong interes sa pagsasaliksik ng mga katuwiran at salita ng Dios. Kabi-kabila na ang mga sumusulat ng mga bagay na may kinalaman sa Dios at sa kaligtasan. Laganap na din ang pangangaral sa lahat ng sulok ng mundo, wala na sigurong hindi pa nararating ng pangangaral. Ang Biblia ay naisalin na din sa halos lahat ng uri ng wika sa buong mundo.

Marami na din ang mga makabagong paraan ng komunikasyon na nagiging daan upang lalong malayo at mabilis na maiparating ang mga mensahe ng Biblia.

Sa panig ng mga nagsisipagsaliksik at nagsisipag-aral, malaking bagay na matutunan ang pamamaraan ng Dios kung paano matatamo ang kaligtasan. Iba iba man ang kaparaanan, depende sa naging pagpapaliwanag ng maraming mga relihiyon o samahang pananampalataya, ang mahalaga ay may pitak sa ating puso ang mga salita ng Dios.

Nasa Dios kasi ang awa – ibig sabihin kung kalooban Niya na matutunan natin ang Kaniyang mga pamamaraan ay mapalad tayo. Ngunit paano nga ba masasabing ang isang taong nagsasaliksik ng mga salita ng Dios ay tunay na natututo?

Ang tunay na natuto sa mga salita ng Dios ayon kay Apostol Pablo ay yaong mga kinakikitaan ng pagbabago sa kanilang buhay. Ito ang tunay na kahulugan ng salitang learning. Ang isang nag-aaral ay masasabing natututo kung mayroong changes o pagbabago na nakikita sa kaniya. Kung walang pagbabago, walang pagkatuto.

Eph 4:21  Kung tunay na siya’y inyong pinakinggan, at kayo’y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

Eph 4:22  At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

Eph 4:23  At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

Eph 4:24  At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Kung walang pagbabago – ay walang pagkatuto

Gaya nang pahayag ni Apostol Pablo, ang tunay na natututo sa mga salita ng Dios ay kinakikitaan ng pagbabago. Anong klaseng mga pagbabago? Ang hinahanap sa atin ay pagbabagong positibo, mula sa madilim at masalimuot na paraan ng pamumuhay ay magiging maliwanag at sakdal ito sa paningin ng Dios.

Ang tunay na natuto sa mga salita ng Dios ay yaong nagbihis ng bagong pagkatao. At magagawa lamang ito kung ang magiging basehan ng pagbabago ay mga salita ng Dios.  Kung ang basehan ng pagbabago ay base lamang sa sariling kalooban o sa kalooban ng ibang tao – hindi ito tunay na pagbabago. Kailangang ang maging batayan ng pagbabago ay ang mga salitang napapakinggan o napapag-aralan.

Dito pumapasok ang aral na mula sa Dios. Mayroong mga aral na mula lamang sa mga tao. Mahalagang makilala ang aral kung ito nga ay mula sa Dios o mula lamang sa kaisipan ng mga tao. Sinabi ng Biblia, 1Jn 4:1  Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Dios: sapagka’t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. Hindi dapat basta na lamang maniniwala sa mga nangangaral ng mga salita ng Dios. Dapat muna itong subukin at siyasating mabuti kung ito nga ay sa Dios.

Makakatulong ang panalangin sa Dios upang ipagkaloob sa atin ang tunay na unawa sa Kaniyang mga salita.

Kaya ang tunay na natuto ng mga salita ng Dios ay may kakayahang magpigil sa lahat ng mga bagay. Kung dati ay walang pagpipigil at ginagawa ang lahat ng hila ng tukso at hila ng laman – hindi gayon ang tunay na natuto sa mga salita ng Dios. Ang tunay na naturuan ay may kakayahang pigilan ang sarili. 1Co 9:27  Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil. 1Co 9:27  But I give blows to my body, and keep it under control, for fear that, after having given the good news to others, I myself might not have God’s approval.

At nalalaman ng isang naturuan na mahalaga higit sa lahat ang tumutupad sa mga salita ng Dios. Hindi sapat na napakinggan o nabasa lamang ang Kaniyang mga salita, ang pinakamahalaga ay yaong makita na ang isang nakapakinig o nakapagbasa ay ginaganap ang mga salitang kaniyang napakinggan o nabasa.

Jas 1:22  Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.

Jas 1:23  Sapagka’t kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin:

Sa kabuoan makikilala natin ang tunay na natuto kung may pagbabago sa pamamagitan ng paglakad sa mga bagay na kaniyang natutunan – samakatuwid ay sa mga salita ng Dios.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers