Ang Sikreto ng Kagalakan

Sino ba ang ayaw na makadama ng kagalakan?

Lahat ng pagpupursige ng tao ay pawang sa kaniyang kasiyahan. Subalit nakakamtan ba ng marami ang kasiyahan na kanilang hinahanap? Anong uring kasiyahan ba ang hinahanap ng marami? Saan nga ba matatagpuan ang tunay na kagalakan? Nabibili ba ang kagalakang ito? Nangangahulugan ba na kapag mayaman na at marami nang pag-aari ay tataglayin na ang kagalakan? Kapag nakatapos ba ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho, o di kaya ay magkaroon ng pamilya ay magiging masaya na tayo?

Hindi lamang tayo sa panahong ito ang pilit na naghahanap ng kagalakan sa buhay na ito. Maging ang mga unang lingkod gaya ni Haring Solomon ay hinanap kung paano masusumpungan ang kagalakan.

Ecc 2:1 Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya’t magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.

Ecc 2:2 Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito’y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?

Ecc 2:3 Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.

Halos lahat ng bagay ay sinubukan ni Solomon. Pilit niyang hinahanap ang kagalakan sa kaniyang puso at lahat ng bagay na maaaring makapagpapagalak sa kaniyang puso ay kaniyang ginawa. At lahat ng kaniyang tinaglay, lahat ng kaniyang mga ginawa, mula sa materyal na bagay, hanggang sa pagkakaroon ng sarisaring kalayawan, lahat ng mga ito ay nasa kaniya ngunit kalaunan ay kaniyang nasumpungan na walang kabuluhan ang lahat ng mga ito.

Ecc 2:4 Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

Ecc 2:5 Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga:

Ecc 2:6 Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

Ecc 2:7 Ako’y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem:

Ecc 2:8 Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya’y totoong marami.

Ecc 2:9 Sa gayo’y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin.

Ecc 2:10 At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka’t nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain.

Ecc 2:11 Nang magkagayo’y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw.

Gaya ni Solomon, marami sa atin ang ganito sa kasalukuiyan. Naghahanapbuhay, nagpapakahirap at pagkatapos ng pagpapagal ay pilit na hahanapin ang kagalakan sa pamamagitan ng kalayawan, ng pagbili ng mga materyal na bagay na naiibigan ng puso at kalooban. Ngunit pagkatapos taglayin ang mga materyal na bagay, at pagkatapos na mapuntahan ang mga pasyalang dako, gaya nang sinasabi ni Solomon, walang kabuluhan ang lahat. Nakakadama pa din ng kakulangan, ng kahungkagan at ng kalungkutan.

Bakit ganito ang buhay natin sa sanlibutang ito?

Bakit nakadadama pa din tayo ng kahungkagan o kakulangan sa kabila ng pagtamasa natin ng mga bagay na naisin natin?

Bakit hindi permanente ang kagalakan na nadarama natin?

Ang sagot sapagkat kung hahanapin natin ang kagalakan sa mga materyal na bagay – tunay na hindi natin ito masusumpungan. Wala sa materyal na bagay ang tunay na kagalakan. Ang tunay na kagalakan ay tunay na napakalayo sa kagalakang inaasam ng marami. Nasumpungan ni Haring David ang tunay na kagalakan – natagpuan niya ang sikreto nito, kung paano ito tataglayin. Ito ang uri ng kagalakan na puwedeng madama kahit na maraming kabagabagang nararanasan. Kahit na maraming pagsubok  at kapighatian sa buhay, nadarama pa din ang kagalakan.

Psa 16:9 Kaya’t ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.

Psa 16:10 Sapagka’t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.

Psa 16:11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.

Pansinin nating, ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa Dios. Kaya kapag natagpuan na natin ang Dios sa ating buhay, doon pa lamang natin masusumpungan ang kagalakan. Subalit, ang kagalakan dito sa lupa ay may hangganan, pawang pansamantala lamang. Ang kagalakan dito ay pansamantala sapagkat lahat ng pinagmumulan ng kagalakan (gaya ng materyal na bagay) ay mayroon ding hangganan o limitasyon.

Ibig sabihin ang kagalakang nasumpungan ni David ay hindi pa tunay? Tunay ang kagalakan na kaniyang nadama, sapagkat ang nagbigay nito ay walang iba kundi ang Dios. Subalit patikim pa lamang ito. Ang kagalakang nadarama natin sa paglilingkod, sa pagtupad ng utos, sa pagbubulay bulay ng Kaniyang mga salita, lahat ng mga ito ay ipinatitikim sa atin ng Dios upang maramdaman natin ang itinakdang tahanang dako natin kung tayo ay papalarin na maging bahagi ng buhay na walang hanggan – kung saan matatagpuan ang tunay na kagalakan.

Pansamantala, habang tayo ay narito pa sa lupa, sikapin nating hanapin ang kagalakan sa pamamagitan ng paglapit sa Dios, na siyang pinagmumulan ng tunay na kagalakan. Habang kapiling natin ang Dios sa ating mga paglilingkod, at nagbubulay tayo sa Kaniyang mga gawa at mga salita, ito ang magbibigay sa atin ng kasiyahan o kakuntentuhan. At sapagkat nauunawaan natin kung kailan at paano matatagpuan ang tunay na kagalakan, asahan natin na ito ang magbibigay sa atin ng kagalakang sapat upang sa kabila ng maraming mga bagabag at salaghati ng buhay ay makadama tayo ng kagalakang mula sa Dios.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers