Maraming mga paniniwala tungkol sa kalagayan ng mga namatay na. Ang iba ay sali’t saling sabi lamang ng mga ninuno natin na karaniwan sa mga ito ay haka-haka lamang at walang sapat na batayan upang paniwalaan natin.
Kung matalino tayong nagsasaliksik ng mga BANAL na KASULATAN ay matutunghayan natin na marami sa mga sinasabi nating naging paniniwala ng marami ang TINUTUTULAN pa nga ng BIBLIA.
Ilan sa karaniwang paniniwala tungkol sa mga patay ay ang mga sumusunod:
- REINCARNATION- Naniniwala ang mga Egipcio sa reincarnation o paglilipat-buhay ng kaluluwa ng tao. Iniisip nilang ang kaluluwa ng tao ay nagpapalipat-lipat ng katawan tungo sa panibagong katawan at ito ang dahilan kung bakit ini-embalsamo nila ang mga patay upang maingatan ito, at ang maging paglalakbay o pagtahak sa panibagong buhay ay makalakip ang kapuwa katawan at kaluluwa sa susunod nitong buhay. Ilan sa mga dakilang philosophers ng Egypt at Greece ay sina Pythagoras at Plato, na kapuwa naniniwala sa ganitong kalagayan ng tao. Naniniwala sila na ang tao kapag namatay ay muling mabubuhay sa ibang anyo at ito ay magpapatuloy hanggang sa matamo ng tao ang kadalisayan ng kaniyang kaluluwa, doo’y matitigil na ang kaniyang pagsasalin-saling buhay. Subalit kung ang kaluluwa niya ay patuloy na nadudumhan at nasisira sa paglilipat-lipat buhay, ito ay mauuwi sa dako ng Tartarus, isang lugar na walang hanggang kaparusahan (katumbas ng impiyerno). Ilan sa mga relihiyon na naniniwala sa reincarnation ay ang HINDUISM, BUDDHISM at TAOISM.
- Ang mga Saduceo naman, ay isa sa mga sekta ng pananampalataya na kilala sa panahon ni HESUS. Kaalinsabay ng sekta ng mga Fariseo, ang sekta ng mga Saduceo ay binubuo ng mga elitista sa kanilang panahon. Kapuwa matatagpuan ang dalawang grupo na ito sa Sanedrin, hukuman ng mga Hudyo, at binubuo ng mga 71 miyembro na ang layunin ay ipaliwanag ang mga kautusang pang-relihiyon at sibiko. Sinasabing ang mga Saduceo ay hindi naniniwala sa PAGKABUHAY na MAG-ULI ng mga PATAY at maging sa mga anghel, na kapuwa naman pinaniniwalaan ng mga Fariseo. Hindi sila naniniwala sapagkat ang kanilang katuwiran ay wala naman ito sa lumang kautusan. Kapuwa sila naniniwala sa kautusan na ibinigay kay MOISES. (Act 23:8 Sapagka’t sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli, ni anghel, ni espiritu; datapuwa’t kapuwa pinaniniwalaan ng mga Fariseo.)
- Samantala, isang palasak na paniniwala tungkol sa mga patay ay ang PAGBABALIK ng KALULUWA nito at PAGPAPAKITA sa mga mahal sa buhay. Ang ibang kaluluwa ayon pa sa kanila ay naliligaw at hindi natatahimik kaya kinakailangang magpalibot-libot pa dito sa lupa hanggang sa makumpleto nito ang ilang mga bagay na kailangan pa niyang gawin.
- May naniniwala naman na kapag ang tao ay namatay, deretso na ito sa langit kung siya ay mabait, at deretso na sa impiyerno kung ito ay masama. Kung siya ay hindi mabait o hindi naman masama, kailangan niyang pumaroon pa sa PURGATORYO, na lugar kung saan kailangan niyang magdalisay o maglinis ng kaluluwa at kung magawa na niya ito ay saka pa lamang siya makakaparoon sa langit.
Alin sa mga paniniwalang ito ang katotohanan at ayon sa kalooban ng DIOS? Pag-aralan natin isa-isa at alamin natin kung ano ang sinasabi ng BIBLIA tungkol sa mga ito.
Unahin natin ang tungkol sa Reincarnation. Ang mga naniniwala dito ay nagsasabi na mababasa daw diumano sa BIBLIA ang konsepto ng reincarnation. Ayon sa kanila, sinabi ni HESUS na “kailangang IPANGANAK MULI ang tao upang makaparoon sa kaharian ng DIOS.” In other words, a man must be reincarnated.”
Tunghayan natin ang sinasabi nilang sinalita ni HESUS. Mababasa po ito sa aklat ng Juan 3: 3.
John 3:3 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
Hindi po kapanganakang muli sa laman ang tinutukoy dito. Ang tinutukoy na kapanganakang muli dito ay sa pamamagitan ng TUBIG at ng SALITA, o ang kautusan tungkol sa BAUTISMO na itinuro ng Panginoong HESUS at ng mga APOSTOL. Iba po ang konsepto ng Bautismo(ipanganganak muli) at ng reincarnation.
John 3:5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Ang paniniwala naman ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na mag-uli ay tinututulan din ng BIBLIA. Ipinangaral ng BIBLIA na mayroong pagkabuhay na mag-uli. Si HESUS ay namatay, inilibing at pagkatapos ng ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli.
1Co 15:3 Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
1Co 15:4 At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;
1Co 15:5 At siya’y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;
1Co 15:6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito’y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa’t ang mga iba’y nangatulog na;
At kung si HESUS ay hindi MULING BINUHAY ay walang kabuluhan ang PANGANGARAL at ang PANANAMPALAYA.
1Co 15:13 Datapuwa’t kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
1Co 15:14 At kung si Cristo’y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
Paano ba mangyayari ang pagkabuhay na mag-uli sa mga tao?
Ganito po kasi yan, noon pa man ay hinulaan na ng BIBLIA sa aklat ng Ezekiel na may magaganap na pagbuhay sa mga patay.
Eze 37:1 Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao’y puno ng mga buto.
Eze 37:2 At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.
Eze 37:3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako’y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam.
Eze 37:4 Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.
Eze 37:5 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo’y mangabubuhay.
Eze 37:6 At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo’y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Pansinin nating sa pamamagitan ng SALITA NG DIOS ay bubuhaying muli ang mga patay o yaong mga buto ng mga patay. Muling magkakaroon ng mga litid at laman at papapasuking muli ang espiritu na siyang hininga na mula sa DIOS.
At alam naman natin na kapag DIOS ang nagsalita, walang salita na mula sa KANIYA na hindi may kapangyarihan. Kung sinalita NIYA sa pamamagitan ni propeta Ezekiel na mabubuhay muli ang mga tao, dapat lamang na paniwalaan natin ito, sapagkat walang pagsalang ito po ay magaganap. Ganito kabisa ang kapangyarihan ng KANIYANG mga salita. Sa pamamagitan ng KANIYANG mga salita ay nalikha ang lahat ng mga bagay. At sa ganun ding salita ay magaganap ang pagkabuhay na mag-uli sa mga patay.
Luk 1:37 Sapagka’t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.
Bakit po kailangang buhayin ng DIOS ang mga patay? Bubuhayin po ang mga patay sapagkat kailangang ipatupad ng DIOS ang KATARUNGAN o JUSTICE. Ito ay ang paghuhukom na KANIYANG isasagawa sa lahat ng mga tao. Kaya mabuti man o masama, lihim man o hindi ang nagawa ng mga tao, haharap ang tao sa sinasabing paghuhukom na ito na gagawin ng DIOS.
Rev 20:13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
Kailan naman po magaganap ang pagkabuhay ng mga patay?
Ganito po yan, paparito ang Panginoong HESUS gaya ng isinaad ng BIBLIA, at sa KANIYANG pagparito, may dalawang uri ng kalagayan na tinutukoy ang BIBLIA. Una’y ang mga daratnang buhay, sapagkat hindi naman lahat ng tao ay patay na sa pagparitong muli ni HESUS. Sa mga daratnang buhay, dalawang uri pa din ng mga tao ang tinutukoy, una’y ang mga naglinlingkod sa tunay na DIOS at ang mga taong hindi gumaganap ng KANIYANG kalooban.
1Th 4:16 Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
1Th 4:17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.
1Th 4:18 Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.
Ang ikalawang uri ng mga tao sa pagparito ng Panginoon ay ang mga NAMATAY na. At dito’y dalawa din ang uri na binabanggit. Una’y ang mga NANGAMATAY kay KRISTO (o mga taong nagsipaglingkod sa tunay na DIOS) at ang ikalawa’y ang mga taong hindi nagsipaglingkod sa tunay na DIOS.
Pagparito ni HESUS, ang mga daratnang buhay (na nagsisipaglingkod sa tunay na DIOS) ay sasalubungin sa hangin upang makapiling ng DIOS sa KANIYANG kaharian.
Samantala, ang mga NAMATAY na nagsitupad sa mga kautusan ng DIOS ay UNANG MANGABUBUHAY na MAG-ULI. Ito ang UNANG PAGKABUHAY na tinutukoy ng BIBLIA.
Ano ang mangyayari sa mga PATAY na hindi nakasama o nakalakip sa UNANG PAGKABUHAY na MAG-ULI?
Ang mga ito ay hindi BUBUHAYIN hanggang sa maganap ang isang libong taon. Pagka-naganap na ang isang libong taon, ay muling paririto ang PANGINOON, kasama ng mga lingkod ng DIOS na BINUHAY noong una at mga buhay na isinama sa KANIYANG kaharian upang hatulan ang lahat ng mga tao.
Ito ang tinutukoy ng BIBLIA na PAGHUHUKOM – isang araw na itinakda ng DIOS upang HUKUMAN ang sanlibutan.
Rev 20:4 At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Rev 20:5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Rev 20:6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
Tungkol sa ibang paniniwala, hindi po totoo na ang mga kaluluwa ng tao ay deretso agad sa langit o sa impiyerno. May takdang panahon po ng pagparoon sa langit, walang mauuna o walang mahuhuli, kundi sabay-sabay. At ang pagparoon naman sa impiyerno sa dako ng kaparusahan ay ganun din, walang mauuna, walang mahuhuli, sabay sabay na matitikman ang kaparusahang inilaan ng DIOS.
Tungkol naman sa pagdalaw o pagbabalik ng kaluluwa, hindi din po ito sina-sangayunan ng BIBLIA. Kapag namatay po ang tao, ang katawang lupa niya ay mauuwi sa alabok kung saan siya nagmula. Ang espiritu (hininga) ay babalik sa DIOS na nagbigay nito. At ang kaluluwa naman (na siyang pagkataong-loob) ay mananatiling nakadikit sa alabok.
Ecc 12:7 Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.
Job 14:10 Nguni’t ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
Job 14:11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
Job 14:12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila’y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
Job 14:13 Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
Job 14:14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
Job 7:9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
Job 7:10 Siya’y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
Mabubuhay lamang ang katawan, kaluluwa at espiritu sa takdang panahon na sinasabi ng BIBLIA.
Conclusion: Mapalad ang makalakip sa UNANG PAGKABUHAY na mag-uli sapagkat walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan o impiyerno sa mga ito. Mapalad din ang madatnan ng PANGINOON na gumagawa nang AYON sa KANIYANG kalooban. Ang mga ito ay mayroong karapatan sa BUHAY na WALANG HANGGAN na ipinangako ng AMA.
Sa ARAW ng PAGHUHUKOM, ang mga ito ay mapalad na makasama ng DIOS na hatulan ang sanlibutan.
Ang dapat pagsikapan ng bawat isa ay huwag nang makasama pa sa dakilang paghuhukom na sinasabi ng BIBLIA. Subalit paano matatakasan ng tao ang paghuhukom na itinakda ng DIOS?
Magagawa nating takasan ang paghuhukom, kung gaganapin natin ang mga KALOOBAN ng DIOS.
Rom 8:1 There is therefore now no condemnation to them which are in Christ Jesus, who walk not after the flesh, but after the Spirit.
Sinasabi ng BIBLIA, “Wala nang anumang hatol ang mga nakay KRISTO HESUS.” Kaya kailangan na ang bawat isa ay mapabilang o masangkap sa KATAWAN ni HESUS.
Ang KATAWAN ni HESUS ay ang IGLESIA na KANIYANG itinayo. Anong IGLESIA?
Ang IGLESIA na kinaaniban ng mga APOSTOL, na kanilang ipinangaral at sinampalatayan.
Col 1:18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
Col 1:24 Ngayo’y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
Ito ang IGLESIANG pinagbuhusan ng KANIYANG dugo, na KANIYANG INIBIG at pinag-ukulan ng PAGLILIGTAS.
Act 20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Eph 5:23 Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Eph 5:24 Datapuwa’t kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
Eph 5:25 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Katapustapusan, malaki ang kinalaman ng IGLESIA sa PAGKABUHAY na MAG-ULI. Mapalad ang masangkap sa TUNAY na IGLESIA na itinayo at ipinangaral ng PANGINOON at ng mga APOSTOL.