Ang Kapitulo 3 ng aklat ng Juan ang unang pagkakataon na matutunghayan natin ang katagang “born again” o “ipanganak na muli.” Ito ay nang ipahayag ni HESUS kay Nicodemo, isang miyembro ng sekta ng Pariseo na kailangan niyang ipanganak na muli kung ibig niyang makapasok sa kaharian ng langit. Ang karaniwang pagkaunawa ng mga Pariseo tungkol sa kaligtasan ay nag-uugat sa pagiging binhi ni Abraham.
Sa Biblia, ang pagiging “born again” ay karaniwang kaakibat ng mga terminong gaya ng pagkabuhay na mag-uli, bagong buhay, bagong panganak, bagong nilalang, pagbabago ng pag-iisip, kamatayan sa kasalanan, paglipat mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan.
ANG KAHALAGAHAN
Nang kausapin ni HESUS si Nicodemo, sinabi Niya,
Joh 3:3 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
Joh 3:4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
Joh 3:5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Joh 3:6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
Joh 3:7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.
Isa sa mga pinaniniwalaan naming Doktrinang Pang-Kristiyano na lahat ng mga tao- maging Hudyo man o Gentil – ay kailangang “ipanganak na muli” bilang mga espirituwal na binhi ni HESUS. Ito ang magiging kalagayan ng mga “ipinanganak na muli” na isa sa mga mahahalagang katuruan ni HESUS, na itinuro din naman Niya sa mga Alagad.
Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Ang iba’y naniniwala na ang pagiging “born again” ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa Dios sa pamamagitan ng pagtanggap kay HESUS bilang sariling tagapagligtas. Naniniwala kami na ang pagtanggap kay HESUS bilang tagapagligtas ay kailangan, at ang pagkakaroon ng relasyon o ugnayan ay kailangan din sa ikaliligtas, subalit hindi lamang ito ang mga sangkap na bumubuo sa KALIGTASAN. Ang “pagkapanganak muli” ay hindi nangangahulugang ligtas na, isa lamang ito sa mga proseso na kailangang pagdaanan ng tao upang maligtas.
Sa Juan 3:5, sinabi ni HESUS, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” Ang pagkapanganak na muli ay nangangahulugan ng pagkapanganak sa tubig – tinatawag itong BAUTISMO, at sa espiritu – ipanganganak ng Salita ng Dios – ang paglakad na ayon sa mga salita ng Dios.
Kaya naman, bilang pagpapakita ng halimbawa, nagpabautismo si HESUS kay Juan Bautista., na sinasabing “Mat 3:15 Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo’y pinayagan niya siya.” Kasama sa pagganap ng BUONG katuwiran ng Dios ang pagba-bautismo na siyang sangkap ng pagkapanganak na muli.
At ito ang naging pagtuturo ni Apostol Pedro, “1Pe 1:23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.”
Ginamit ni HESUS ang termino at paghahalintulad sa “kapanganakan” o “birth” bilang simbolo ng pagbabagong kailangang maganap sa atin (transpormasyon). Ang pagkapanganak sa laman ay pasimula ng buhay sa pisikal – ang pagkapanganak sa tubig at espritu ay pasimula ng buhay espirituwal.
Samantalang tayong mga tao ay nagkasala sa harap ng Dios, ang pangangailangan na muling ipanganak ay nararapat na gawin. Ito ang dahilan kaya itinuro ni HESUS ang konsepto ng bautismo, kailangang makapagsimula sa espiritu upang maging karapatdapat sa Dios. Sa anong dahilan? Sinabi ng Biblia, “Rev 21:27 At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.” Kaya kailangan nating magdaan sa proseso ng paglilinis ng tubig at salita upang makalakad sa panibagong buhay.
Kapag ang isang tao ay nabautismuhan, tinataglay niya ang bagong pagkatao, nagiging bagong nilalang siya sa harapan ng Dios. “2Co 5:17 Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.”
“Tit 3:5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo, “
Ang mga talatang Juan1: 12 -13 ay naglalarawan din na ang pagkapanganak na muli ay “pagiging anak ng DIOS” sa pamamagitan ni HESUS. “Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God— children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God. (John 1: 12-13 NIV)”
ANG PROSESO
Ang pagkakasala ng tao ay sapat nang dahilan upang pagdaanan niya ang bautismo. Ang bautismo ay paglilinis ng nagagawang kasalanan. Mahalagang elemento o sangkap ito ng kaligtasan. Sinabi ni Apostol Pablo, “Eph 2:1 At kayo’y binuhay niya, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,” At lahat ng tao ay nagkasala sa harap ng Dios. “Rom 3:23 Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;”
Paano ba isinasagawa ang Bautismo? Ano ang mahahalagang sangkap na kailangan upang ang tao ay maging karapatdapat sa bautismo? Ang bautismo ay paglilinis ng kasalanan, at ang tubig ay representasyon ng sangkap na panglinis at simbolo din ng paglilibing ng dating pagkatao, sapagkat ang binabautismuhan ay inilulubog sa tubig.“1Pe 3:21 Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo; “
Rom 6:4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.
Act 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Ngunit bago linisin ng tubig at ng espiritu ang kasalanan ng isang tao, ano ang kailangan niyang gawin?
Una, kailangan ang pakikinig sa mga SALITA NG DIOS.
1Pe 1:23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.
Dahil espirituwal ang kapanganakan, pinili ng Dios na kailangang ipanganak tayo sa pamamagitan ng Kaniyang mga salita. Ang kapanganakan na magaganap ay ukol sa langit; ang unang kapanganakan ay may katapusan, ngunit ang ikalawang kapanganakan ay walang hanggan.
Jas 1:18 Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.
Sinabi ni HESUS, “ang naaralan at sumampalataya sa aral ay bautismuhan.” Kaya isa sa mga sangkap na dapat nating maunawa ay hindi lamang ang ARAL o SALITA ng DIOS, kundi maging ang PANANAMPALATAYA sa mga SALITANG ipinangaral. Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng mga salita ng Dios. (Roma 10: 17) Kaya kailangan ang mga salita ng Dios, dahil hindi lamang ito pinagmumulan ng pananampalataya, kundi panglinis din ito sa atin.
Eph 5:26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita,
2Ti 3:15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
2Ti 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
2Ti 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Ang mga salita ng Dios ay nagtutuwid sa lahat ng ating mga kamalian, nagiging tanglaw sa ating mga landas at nagpapa-alala sa ating mga katungkulan. Ito ang umaakay sa atin patungo sa kasakdalan ng pamumuhay na kaaya-aya sa Dios. Ang mga salita ng Dios ang magbibigay sa atin ng pagkakataon upang magkaroon tayo ng panibagong buhay, na kung wala ang mga ito ay malabo na makalakad tayo sa panibagong buhay. “Joh 6:63 Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.”
Ang Bautismo ay pagbabagong buhay na gagawin ng isang Kristiyano sa loob ng iglesia, na siyang bahay ng Dios. Samantalang nakikipamahay tayo sa bahay ng Dios, dapat alam natin ang mga patakaran ng pakikipamahay. Ang mga Kristiyano noong araw ay pawang mga nabautismuhan at naging sangkap ng iglesia na itinayo ni HESUS. Ito ang tama at matuwid na paraan ng pakikipag-ugnayan o pakikipag-relasyon sa Dios. Hindi basta relasyon ito, sapagkat ang pananagutan ng pagiging sangkap ng iglesia, sa pamamagitan ng bautismo ay habang nabubuhay. Sa bautismo, magpapasimula ang panibagong buhay… sa loob ng iglesia.
Act 2:41 Then they that gladly received his word were baptized: and the same day there were added unto them about three thousand souls.
Act 2:47 Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily such as should be saved.
Pinasimulang tawaging mga KRISTIYANO ang mga alagad nang sila ay nasa Antioch. Pansinin natin, kailangan ng pakikisama sa iglesia; pakikisama sa mga alagad, sa mga gawaing pangangaral; kaya mayroong iglesia- samahan, kongregasyon, at hindi basta simpleng relasyon, kundi pagsasama-sama at pagtutulong-tulong sa mga gawaing pangangaral ng salita ng Dios. “Act 11:26 At nang siya’y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila’y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia.”
Kaya nga, lahat ng nababautismuhan ay nagiging kaanib ng iglesia ng Dios, sapagkat pawang idinadagdag sa iglesia. Ang iglesia ay siyang bahay ng Dios, at ang mga nababautismuhan ay nagiging kabilang sa bahay ng Dios. At lahat ay nagkakaroon ng bahagi sa biyaya ng Dios.
1Ti 3:15 Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
Ang ibang nagsasabing sila ay “born again” ay tinanggap si HESUS bilang tagapagligtas, at ito ang sinasabi nilang relasyon. Hindi natin hinahatulan ang paniniwalang ito, sapagkat kami man ay tinanggap si HESUS bilang aming tagapagligtas, at kami man ay nagpapahayag na taglay namin ang pakikipag-relasyon sa Dios. Kami ay mga TUNAY na BORN AGAIN, sapagkat tinularan namin ang mga unang Kristiyano, na tinanggap si HESUS, nagkaroon ng relasyon sa DIOS, nakinig ng mga salita, sumampalataya, nabautismuhan at pawang mga naanib sa iglesia na itinayo ni HESUS. Hindi kami nagtatayo ng ibang iglesia, naanib kami sa iglesiang itinayo ni HESUS gaya nang ginawa ng mga kapatid sa Tesalonica.
For you, brothers, became imitators of God’s churches in Judea, which are in Christ Jesus: You suffered from your own countrymen the same things those churches suffered from the Jews, (1 Thessalonians 2: 14)