Ang Mga Bagay nang Una ay Naparam Na

Rev 21:4  At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Sinong hindi naghahangad na matapos na ang maraming problema na kasalukuyan nating nararanasan?

Sinong hindi nangangarap ng buhay na walang hanggan na kung saan ay wala nang hirap, wala nang dalamhati, wala nang panambitan o ng hirap pa man?

Kailan mangyayari ito?

Kailan ito mararanasan? At lahat ba ng tao ay marararanasan ito?

Bago natin sagutin ang mga katanungang ito, alamin muna natin sa pamamagitan ng Biblia kung ano ang kalagayan ng kasalukuyang sanlibutan. Ayon sa Biblia, ang sanlibutang ito ay naibigay na sa kamay ng masam – Job 9: 24. Nangangahulugang hindi dapat pagtakhan ang mga kasamaang nakikita at nasasaksihan sa paligid. Mula sa mga pinuno, hanggang sa mga galamay nila at hanggang sa mga karaniwang tao ay nahawa na sa kasamaan ng sanlibutang ito.

Sinabi din ni Apostol Pablo ang pagiging maibigin ng tao sa kaniyang sarili ang magiging daan ng maraming kasamaan na makikita sa kaniya. Mababasa ito sa 2 Timoteo 3: 1-5.

2Ti 3:1  Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

2Ti 3:2  Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

2Ti 3:3  Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,

2Ti 3:4  Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

2Ti 3:5  Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

At dahil sa kasamaang taglay ng sanlibutang ito, nagpasya ang Dios na ang sanlibutang ito ay ilaan sa araw ng paghuhukom. Maliwanag sa mga talatang ito na binanggit ni Apostol Pedro na ang kasalukuyang langit at lupa na ating nakikita sa ngayon ay nakataan o nakalaan na sa araw ng paghuhukom na lilipol sa mga taong masasama.

2Pe 3:7  Nguni’t ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

2Pe 3:10  Datapuwa’t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Kailan mangyayari ang sinasabing paghuhukom? Ang pagkasunog ng sangkalangitan at ng lupa? Kailan magaganap ang pagkawala ng lahat ng mga ito?

May mga sunud-sunod na pangyayaring magaganap bago dumating ang mga pangyayaring ito. Kailangan lamang ay saliksikin natin ang Biblia upang hindi tayo maligaw o magkamali. Ang mga sumusunod ay ang mga pangyayaring magaganap ayon sa Biblia:

UNANG PAGKABUHAY NA MAG-ULI

Paparito ang Panginoong Hesus upang buhayin ang mga nangamatay dahil sa Kaniyang pangalan. Ang mga namatay na lingkod ay bubuhayin at kukunin ni Hesus. Ang mga lingkod ng Dios na natitirang buhay ay aagawin sa alapaap at sasa-Panginoon. Mababasa ito sa 1 Timoteo 4: 15-18.

Bakit kailangang buhayin?

Ang sagot ay mababasa sa 1 Corinto 15: 52-53.

Bubuhayin at babaguhin ang mga unang makakasama sa unang pagkabuhay na mag-uli sapagkat kailangang baguhin ang katawan upang maging karapatdapat sa paglalagyan sa kanila. Ang katawang taglay natin sa kasalukuyan ay pang-lupa. Hindi ito maaaring makapasok sa kaharian ng Dios kaya kailangang palitan ito ng katawang pang-langit.

Mapalad ang makalakip sa unang pagkabuhay na ito, dahil hindi magkakaroon ng kapangyarihan ang impiyerno o ang ikalawang kamatayan sa kanila.

Rev 20:5  Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.

Rev 20:6  Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

PAGKATAPOS NG ISANG LIBONG TAON

Pagkatapos ng isang libong taon ay muling paririto ang Panginoong Hesus, kasama na ang mga unang nangabuhay na mag-uli upang buhayin ang lahat ng mga namatay mula nang lalangin ang sanlibutan.

At dito magaganap ang Paghuhukom upang hatulan ang mga tao ayon sa kanilang mga gawa, maging ito man ay mabuti o masama.

Rev 20:7  At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,

Rev 20:8  At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.

Rev 20:9  At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.

Rev 20:10  At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Rev 20:11  At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.

Rev 20:12  At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.

Rev 20:13  At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.

Rev 20:14  At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Rev 20:15  At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

 

Hindi lahat ng tao ay makakapasok sa kaharian ng langit. Ang papasok lamang ay yaong mga gumaganap ng kalooban ng AMA na nasa langit. (Mateo 7: 21)

Kaya hindi lahat ay makakatikim ng buhay na wala nang hirap, wala nang luha at wala nang panambitan.

Ang ibang bubuhayin ay hindi para sa buhay na walang hanggan. Ang ibang mga bubuhayin ay para sa walang hanggang kaparusahan. Ito ang ikalawang kamatayan samakatuwid ay ang dagatdagatang nagniningas na apoy at asupre o walang iba kundi ang impiyerno. Rev 20:14  At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Naisulat ang mga ito hindi upang takutin tayo.

Naisulat ang mga ito upang tayo ay mangag-aliwan sa pamamagitan ng mga salitang ito. 1Th 4:18  Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.

Naisulat ang mga pangyayaring ito upang maunawaan natin kung ano ang mangyayari sa hinaharap at kung paano natin dapat harapin ang mga araw na yaon na darating.

Mapalad tayo sapagkat mapaghahandaan natin ang mga araw na yaon.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers