Ang Kamelyo at ang Butas ng Karayom

Matthew 19:23-26 -At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios. At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas? At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa’t sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.

Ang talinhagang ito ni Hesus ay malaon nang panahon na pinagtatalunan kung ano ang kahulugan.

Isang araw, mayroon tayong nabasang isang kuwento sa internet tungkol sa isang gate sa wall ng ancient Jerusalem na tinatawag na “eye of the needle” o “needle’s eye.” Ang pagkakayari ng gate na ito ay dinisenyo sa paraang ang tanging makakadaan ay mga tao lamang ngunit hindi ang kanilang mga sasakyang kamelyo.

Ang tanging paraan para makadaan ang mga kamelyo sa lagusan na yaon ay kapag tinanggal nito ang kaniyang mga dala-dalahan, at pagapang na dadaan sa lagusan. Ang kuwentong ito ay sumikat nang ilang panahon. Ang espirituwal na pagkakatulad ay malinaw, makakadaan lamang ang mga kamelyo kapag inalis nito ang kaniyang mga dala-dalahan – ang kaniyang mga kayamanan.

Ang problema, ang kuwentong ito ay gawa-gawa lamang at hindi totoong pangyayari.

Walang sapat na historical at arcahelogical evidence na mayroon ngang ganitong lagusan. Luma na ang kuwentong ito at maaaring ito ay ginawa lamang upang maiakma ang mga salita ni Hesus sa kanilang ibig ipakahulugan.

Maliwanag ang pahayag ni Hesus, na mas madaling makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom. Subalit posible ba ang bagay na ito? Sa katotohanan ay imposible itong maganap. Ito ang pina-punto nito, na hindi ito kailanman pwedeng maganap.

Subalit maraming mga tao ang sinisikap na ito ay maisakatuparan. Ang iba ay ipinapanukala na malamang ito ay pagkakamali lamang sa pagkakasalin ng wika. Ang Greek word na kamelos, na ang kahulugan ay camel dapat daw maging kamilos, na ang kahulugan ay “cable” or “rope.”

Gayunpaman, ang tali ay imposible ding papasukin sa butas ng karayom. Posible kung ang gagamiting karayom ay malaking-malaki, at ang tali ay gawa sa buhok ng kamelyo.

Hindi kailangan ang ganitong pagpapakahulugan sa sinabi ni Hesus.

Maliwanag na ang mga sinalitang ito ni Hesus ay matatawag nating “hyperbole,” (deliberate exaggeration, not meant to be taken literally). Maraming pagkakataon na si Hesus ay nangangaral sa pamamagitan nghyperbole.

Ang kamelyo ay isa sa mga malaking hayop na maaaring makita sa Israel, at ang pagsasaad na papasukin ito sa maliit na butas ng karayom ay nagpapakita lamang na ito ay imposible.

Marami ang nagpapaliwanag ng kahulugan nito upang umayon sa kanilang mga sariling paniniwala.

Sa katotohanan, ang pagkakaroon ng malaking kayamanan ay hindi masama. Kapag mas mayaman ang isang lingkod ng Dios, mas malaki ang pagkakataon niyang tumulong sa mga nangangailangan, mas malaki ang pagkakataon niyang magbigay, na isa sa mga diwa ng pag-ibig.

Ang problema, kapag ang tao ay nagkakaroon ng yaman, masyadong natutukso ang tao at higit na minamahal ito kaysa sa Dios na dapat paglingkuran.

Ang mga Alagad ni Hesus ay nagulat sa Kaniyang pahayag. Sino nga naman ang makakaligtas pa? Simple lang naman ang ibig ni Hesus na ipakahulugan dito, na ang kayamanan ay hindi makapagliligtas sa tao. Ang pagliligtas ay nasakahabagan ng Dios. Kaya hindi tayo maililigtas ng ating mga talento, kayamanan, talino at panlabas na anyo.

Sa panahon ni Hesus, naniniwala ang mga Hudyo na ang pagtataglay ng kayamanan ay isa sa mga palatandaan na pinagpapala ng Dios. Kaya naman hindi makapaniwala ang mga Alagad ni Hesus sa Kaniyang naging pahayag.

Kalaunan, may ilang mga Kristiyano na nagpapahayag naman na makakapasok lamang daw sa langit kung magkakaroon ng maraming kayamanan. May ilan namang nagsasabi na kailangang maging mahirap at magtiis para makapasok sa kaharian ng langit.

Sa katotohanan, mayroon ilan na madaling humahatol sa mga mayayaman na napak-imposible daw sa kanila na makapasok sa kaharian ng langit. kaya’t ang iba ay nagpapasalamat na hindi naging mayaman sa kanilang buhay. Kaya daw ang binatang mayaman ay tumalikod kay Hesus sapagkat hindi nito magawang iwan ang kaniyang kayamanan at sumunod sa kaniya.

Sa katotohanan, nagkulang lamang sa pananampalataya ang binata kaya siya tumalikod kay Hesus. Kung alam lamang niya na magagamit niya ang kaniyang kapangyarihan at kayamanan sa paglilingkod sa Dios, dapat sana ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maligtas.

Ang sulat ni Apostol Pablo, “2Ti 4:10  Sapagka’t ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa’y iniibig niya ang sanglibutang ito… ” Hindi malinaw kung si Demas ay mayaman o mahirap.

Ang malinaw sa aral na ito, walang mayaman o mahirap na makakapasok sa kaharian ng langit kung iibigin ang sanlibutang ito. (Santiago 4:4)

1Jn 2:15  Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.

1Jn 2:16  Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

1Jn 2:17  At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers