Ang Kaisipan ng Laman

Romans 8:7-9 - Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:  At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya.

 

Paano ba tayo ginagabayan ng Banal na Espiritu ng Dios?

Mula nang magkasala si Adan at si Eva sa hardin ng Eden, nang kanilang suwayin ang utos ng Dios at kainin ang ipinagbabawal na bunga ng pagkakilala sa mabuti at masama, ay bumangon na sa tao ang isang katangian. Ito ang katangian ng pagsuway, ng pagkakasala, paglaban sa kalooban ng Dios. At ito ang naging dahilan upang sa kauna-unahang pagkakataon ay magkaroon ng pagitan na nagpapahiwalay sa Dios at sa ating mga tao.

Tinatawag ang katangian na ito na espiritu ng pakikipag-alit laban sa Dios, gaya nang talata na mababasa natin sa itaas. Ito ay lason, isang uri ng karamdamang espirituwal na humikayat sa bawat tao patungo sa isang makasalanang pamumuhay gaya nang naging pagpili nina Adan at Eva.

Subalit, kapag ang isang tao ay tinawag ng Dios upang maglingkod sa Kaniya at maging bahagi ng Kaniyang katawan, na siyang iglesia, sa pamamagitan ng pagpapakababa at pagsisisi ay maihahanda ang isang tao upang tanggapin ang Banal na Espiritu ng Dios. Ang kaloob ng Espiritu ng Dios ang kagamutan sa lason, na siyang masamang espiritu na patuloy na lumalason at humihikayat sa atin sa pagkakasala.

Ang taglay nating espiritu, sa katotohanan ay laging nakikipag-alit laban sa Dios, palibhasa ay mahina at madaling matukso at mahikayat ng espiritu ng kasamaan. Taglay nito ang pagiging makasarili, punung-puno ng pagmamalaki o pagmamapuri, subalit ang Espiritu ng Dios na Kaniyang ipinagkakaloob ay may kapangyarihan upang gamutin at pawiin upang maging malakas ang tao na labanan ang karamdamang ito.

At kapag nagsimula ang prosesong ito, na tanggapin ng tao ang Banal na Espiritu ng Dios, kung magkagayon ay makapagbubunga na ng bunga ng Espiritu, Gal 5:22  Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Gal 5:23  Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kapag tinaglay ng isang tao ang Banal na Espiritu ng Dios, kailangan din niyang alagaan at palakasin ito. Hindi maaaring iwalang kabuluhan ng sinumang nagtataglay ng Espiritu ng Dios ang kaloob na ito.

Nang magkasala si Haring David, sa pagkuha kay Bathsheba at pagplano sa kamatayan ng asawa nito na si Uriah, nahiwalay siya sa Dios dahil sa kaniyang nagawa. Mahabang panahon bago niya lubos na nakilala ang kaniyang pagkakamaling nagawa at ito ay nang isilang ang sanggol at sa pamamagitan ng propetang si Nathan (2 Samuel 12: 14-15).

Sa kaniyang mga awit, sinabi ni Haring David, Psa 51:10  Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Psa 51:11  Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.Naunawaan ni Haring David na kapag nanatili siya sa kalagayang yaon, na winalang kabuluhan ang Dios sa kaniyang buhay bunga ng kaniyang mga kamaliang nagagawa, ay maaaring ito ang maging dahilan upang tuluyang maputol ang ugnayan niya sa Dios at bawiin ang Banal na Espiritu na ipibinigay sa kaniya ng Dios.

Sa Bagong Tipan, binanggit din ni Apostol Pablo ang tungkol sa pagbabago ng Espiritu ng Dios na ipinagkaloob sa mga Kristiyano. Isinulat niya, 2Co 4:16  Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

At ito naman talaga ang nararapat sa lahat ng tumanggap ng Banal na Espiritu ng Dios sa pamamagitan ng Bautismo, na maunawaang kailangang iwan ang dating pamumuhay na masama, ang dating pagkatao na nilason ng kaisipan ng laman. At gagamutin ang nilason na ito sa pamamagitan ng paggawa ng katuwiran at kabanalan sa katotohanan. Eph 4:22  At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; Eph 4:23  At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, Eph 4:24  At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Mangyayari lamang ito kung araw-araw ay mag-iingat tayo, sisikaping lalong mapalapit sa Dios at laging nakikipag-ugnay sa Kaniya.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers