Ang Galit ng Diablo

Rev 12:12 ”Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.

Maraming mga pangyayari dito sa mundo ang hindi maintindihan ng maraming mga tao.

Ang laganap na kahirapan, corruption sa lipunan at pulitika, kasamaan, karahasan, sari-saring sakit na hindi maintindihan, lahat ng mga ito ang karaniwang nagiging dahilan ng panghihina ng pag-asa ng maraming mga tao, lalo na ang mga walang pananampalataya sa tunay na Dios.

Sa halip na tumawag ang mga tao sa Dios, ay tumalikod sila at nawalan ng pag-asa. Ito ang layunin ng Diablo – na maihiwalay ang mga tao sa tunay na Dios. Kapag nahiwalay na nga naman ang mga tao sa Dios, nagtagumpay ang Diablo sa kaniyang layunin.

Gaya nang sinasabi sa Apocalipsis - ”Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. Kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa Diablo para gawin ang kaniyang layunin – na maihiwalay ang mga tao sa Dios. At taglay ng Diablo ang malaking galit sa pagka-alam niyang kaunti na lamang ang nalalabing panahon sa kaniya.

Kaya sa lahat ng kaparaanan ay umaatake ang Diablo para may makuha siyang kakampi at makakasama sa mga parurusahan ng Dios pagdating ng takdang panahon.

Gaano ba katindi magtrabaho ang Diablo?

1Pe 5:8 Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Ganito ang sinasabi ng Biblia na katangian ng Diablo, na gaya ng leong umuungal ay gumagala para makahanap ng kaniyang masisila. At dahil kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya hindi siya tumitigil para madami ang mapahamak.

Alam ng Diablo ang kahinaan nating mga tao, at yaon ang puntirya niya.

At maging ang mga anak ng Dios ay hindi nakaliligtas sa Diablo. Layunin niyang alisin sa puso natin ang mga aral na ating tinanggap upang hindi natin makita ang liwanag ng mga ito. Luk 8:12  At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo’y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas. 

Kaya kailangan natin ng kalasag upang hindi tayo mapagtagumpayan ng Diablo. Eph 6:11  Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Kailangan nating maunawaan na mayroong buong kagayakan na inihanda ang Dios para sa Kaniyang mga anak upang hindi mapagwagian ng Diablo.

Eph 6:12 Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Mahigpit na kalaban ang Diablo. Hindi natin mapapansin na siya na pala ang kalaban natin, sapagkat mahusay siyang magbalatkayo. Napakadami na nang nadaya niya kaya dapat tayong mag-ingat.

Eph 6:13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Hangad ng Dios na magtagumpay tayo sa Diablo, at upang magawa natin ito, dinisenyo para sa atin ang buong kagayakang ito, na magpapatibay sa atin upang hindi magapi.

Eph 6:14 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, Kailangan natin una sa lahat ang mga salita ng katotohanan ng Dios. Ang mga salita ng Dios, na pinagmumulan ng pananampalataya ang magpapatibay sa ating mga prinsipyo at paninidigan, para kahit anong tukso ay hindi magtagumpay sa atin.

Eph 6:15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

Eph 6:16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. Kapag tumibay ang pananampalataya, hindi ito kailanman pananagumpayan ng kasamaan.

Eph 6:17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios: Sa lahat ng mga ito, mapapansin natin na mahalagang sandata ang salita ng Dios. Ito ang pamatay sa lahat ng uri ng suligi ng kasamaan at sa lahat ng mga lalang ng Diablo.

Kapag ang tao ay nananalig lamang sa sariling kaunawaan, hindi ito kailanman magtatagumpay laban sa kasamaan. Ang salita ng Dios – ang tunay na kaunawaan ang makapagbibigay sa ating mga tao ng tunay na tagumpay. Sinasabi ng Biblia na marapat ikintal sa puso o itanim ng malalim sa ating mga kalooban ang mga salitang ipinangangaral upang ito ay magsilbing kalasag sa lahat ng uri ng kasamaan.

Pro 3:3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso:

Pro 3:4 Sa gayo’y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao.

Pro 3:5 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

Kung nakahanda tayong magpasakop sa mga Dios at sa Kaniyang mga salita, malaking bagay ito upang hindi magtagumpay sa atin ang Diablo. Jas 4:7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 60 other followers