Ako’y Nakatayo sa Pintuan at Tumutuktok

Rev 3:20  Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.

Sa talatang ito, nag-aanyaya si Hesus sa Kaniyang iglesia. Sinasabi Niyang “Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok.” Hindi lahat ay dumidinig ng tinig ng ating Panginoon. Hindi lahat ay tinanggap ang paanyayang ito ni Hesus sa kanilang buhay. Mayroon pa ngang nasa loob na ng iglesia subalit nananatiling hindi pa din pinapatuloy ang Panginoong Hesus sa kanilang buhay, nananatili Siyang nasa labas ng kanilang buhay.

Subalit mayroon pang pag-asa, sapagkat binabanggit sa talata, “kung ang sinuman” ay duminig at magbukas ng pinto. Nangangahulugang mayroong mga matuwid na magbubukas ng kanilang buhay para sa Panginoon.

Kaya ba nating pagbuksan ang Panginoon? Bibigyan ba natin ng pagkakataon ang Panginoon sa ating buhay upang tayo ay makabuo ng pakikipag-ugnayan o relasyon sa Kaniya na maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan? Joh 17:3  At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.

Sa sandaling tawagin ang isang lingkod sa Kaniyang banal na iglesia, sinasabing ang pagtawag na ito ay hindi kaylanman maaaring baguhin pa. Rom 11:29  Sapagka’t ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.Hangad ng Dios na sa pagkakatawag na ito upang Siya ay paglingkuran ay magtagumpay tayo. Joh 6:39  At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw. Joh 6:40  Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.

At kapag ang isang bagay ay ipinanukala ng Dios, mananayo ito at magkakaroon ng katuparan. Isa 14:24  Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo: Kung hangad Niyang tayo ay makatapagtagumpay, asahan natin na hindi Niya tayo pababayaan. Asahan nating ang tulong Niya ay aalalayan tayo upang makapagtagumpay. Sa katotohanan, ibinigay na Niya sa atin ang lahat ng ating mga kailangan upang makapagtagumpay; ang kailangan na lamang ay Pagbuksan natin ang Panginoon sa ating buhay.

 

Binubuksan ba natin ang Pintuan? Paano natin malalaman na binubuksan natin ang pintuan?

Narito ang ilang mga katanungan upang malaman natin ang ating mga sarili:

  • Sa tuwina ba ay nasusumpungan tayo sa mga pananalangin, pagbubulay-bulay, pag-aayuno at pag-aaral ng mga salita ng Dios?
  • Hindi ba natin pinapahintulutan ang mga pandaraya ng diablo?
  • Hindi ba natin pinapahintulutan na magtagumpay ang katamaran sa ating mga paglilingkod?
  • Bukas ba ang ating mga puso at isipan sa tuwing dumadalo tayo ng  mga pagkakatipon?
  • Naging matalino ba tayo sa paningin ng Dios gaya nang inaasahan sa atin? (Mateo 25: 1-12)
  • O baka naman ang ilan sa atin ay naging tamad sa paghihintay? 2Pe 3:4  At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka’t, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.

Nalalaman ng Dios ang kasagutan sa mga katanungang ito.

Mahalaga sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ang mga katanungang ito upang tayo ay maging mabuting Kristiyano sa paningin ng Dios. Mga katanungan ito na maaaring maliliit lamang ngunit sinusukat nito ang tunay na laman ng ating mga puso at kalooban patungkol sa ating mga pananampalataya at paglilingkod sa Dios. Ang kabiguan na panghawakan ang mga ito ay patunay na hindi tayo naging tapat na lingkod ng Dios.

Luk 16:10  Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami. Luk 16:11  Kung kayo nga’y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan? Luk 16:12  At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba, sino ang sa inyo’y magbibigay ng sa inyong sarili. Luk 16:13  Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya’y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.

Kailangan nating buksan ang ating mga pintuan kay Hesus na ating Panginoon, sapagkat ito ang panahon na sinasabing kailangan nating magsigising mula sa ating mga pagkakatulog. Rom 13:11  At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo’y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka’t ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo’y magsisampalataya nang una.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers