Aanihin Kung Ano ang Itinanim sa Buhay

Batas ng Katalagahan o Natural Law Order, narinig na ba natin ito?

Nang likhain  ng Dios ang lahat ng bagay sa sanlibutang ito, kusa nang gumalaw ang lahat ng bagay, kusa na itong lumikha sa kaniyang sarili at hindi na kailangang muli Siyang lumikha pa ng mga bagay-bagay.

Halimbawa,  ang mga halaman at mga puno, sa pamamagitan ng life cycles,umiikot ang buhay at nagpo-produce ito ng panibagong buhay. Iyan ang batas ng katalagahan. Lahat ng bagay na nilikha ng Dios, ipinagkatiwala Niya sa ating mga tao. At tayong mga tao ay naging tagapagangalaga ng kalikasan, ng kapaligiran.

Subalit ano ang naging pag-iisip ng tao? Siguro naman, hindi na kailangan pang sabihin, dahil tayo ang nakakaalam kung paano inabuso ng maraming tao ang kalikasan para lamang sa sariling interest nito.

Kaya naman, bilang batas ng katalagahan, bumabalik sa ating mga tao kung ano ang pinaggagagawa ng ilang may pansariling interest. Inaani natin ngayon ang mga kalamidad na dapat sana ay hindi natin nararanasan. Nararanasan natin sa kasalukuyan ang mga pagbabago ng panahon na dapat sana ay hindi natin nararanasan.

Malinaw ang pahayag ni Apostol Pablo, kung ano ang itinanim natin, aanihin natin ito. Gal 6:7  Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Sa talatang ito, at sa iba pang kahawig na talata sa Biblia napapatunayan na kung ano ang ginawa natin sa buhay natin, iyon din naman ang tatanggapin o tatamuhin natin.

Kung konti lang ang pagsisikap na ginawa natin, huwag tayong umasa na ibayong ginhawa ang kakamtan.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi sila yumayaman o gumiginhawa sa buhay. Ang pagginhawa ng pamumuhay ay depende kung gaano kalaki ang naging puhunan natin. Kung konti lang ang puhunan, konti lang ang kikitain, konti lang ang magiging interest nito.

Materyal man ang pag-usapan, ganito lagi ang takbo ng buhay nating mga tao. Nakasalalay kung ano at kung gaano kalaki ang pinuhunan natin.

Ganito higit sa lahat sa panig ng espirituwal na bahagi ng ating buhay.

Ang Kaligtasan ay hindi instant o madalian lamang. Tanggap natin na ang pagliligtas ay habag ng Dios, subalit ang Kaniyang kahabagan ay nakasalalay kung gaano natin hinahangad na matamo ang kaligtasan at kung ano at kung gaano kalaki ang pinuhunan natin sa paglilingkod sa Kaniya.

Kaya kung ano ang itinatanim natin ngayon, ito ang aanihin natin pagdating ng araw.

Sabi nga ng Biblia, Pro 22:8  Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat. Ang kasamaan na inihahasik ng marami sa ngayon, aanihin niya pagdating ng araw. Lahat ng kasamaang gawin ng tao, unti-unting nagtutulak sa kaniya sa walang hanggang pagkapahamak. Ito ang batas ng katalagahan sa ating mga tao at iiral ang Katarungan ng Dios.

Datapuwat sa mga gumagawa ng mabuti, hindi naman mawawala ang kagantihan ng Dios.

Maging sa pamilya at mga mahal sa buhay, ganito ang sitwasyon. Kung tayo ay ama o ina, magtanim tayo ng pag-ibig sa ating mga anak. At makikita natin na babalik ang pag-ibig na ito sa atin.

Sa paglilingkod sa Dios, sinabi ng Biblia, Psa 126:6  Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. Ito ang pangako ng Dios sa lahat ng Kaniyang mga lingkod. Sinumang nagtitiis, namumuhunan ng luha at sakripisyo dahil sa pagganap ng Kaniyang kalooban, ang mga ito ay aani ng kagalakan sa sandaling kamtin ang pangakong Buhay na Walang Hanggan.

 

 

1 thought on “Aanihin Kung Ano ang Itinanim sa Buhay”

  1. pa share po ulit :) )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 57 other followers