“Sa Dios Sasamba Ka”

Matthew 4:9-10, At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako. Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Ang dalawang talatang ito ay nangangahulugan ng pangunahing dahilan kung bakit kailangan nating sambahin ang Dios: Sapagkat Utos Niya! Utos Niya na sambahin natin Siya sapagkat alam ng Dios na bukod sa Kaniya ay sasambahin ng tao ang ibang mga dios na hindi tunay na mga dios.

Tinukso sa pagkakataong ito ni Satanas si Hesus upang siya ay Kaniyang sambahin – isang nilalang maliban sa Dios – at naging tugon ni Hesus, na tumutukoy sa Dios na Ama nating lahat,  Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Hindi lamang utos ng Dios na Siya ay ating Sambahin, kundi pinagbawalan Niya tayo na sumamba sa iba o magkaroon pa ng ibang dios na sasambahin. Dagdag dito, ang pahayag ni Hesus ay nagbibigay diin sa pagkakatulad ng pagsamba at ng paglilingkod sa Dios. Ang paglilingkod ay pagbibigay lugod sa Sinasamba.

Bakit kailangan pa tayong utusan ng Dios na Siya ay ating sambahin? Ang sagot, sapagkat alam Niya na maaari nating iukol ang ating panahon, lakas at paglilingkod sa iba bukod sa Kaniya. Kaya dapat nating maunawa na ang tunay na pagsamba ay may kinalaman sa kung SINO ang dapat SAMBAHIN o pag-ukulan ng paglilingkod.

Nang ibigay kay Moises ang kautusang ukol sa bayang Israel, mapapansin na ang unang APAT na UTOS ay patungkol sa PAGSAMBA, pagkilala sa makapangyarihang DIOS na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto. Ang unang apat na utos hanggang sa kaniyang ika-sampung utos ay nagtuturo sa kanila na kung ano ang kailangan nilang ganapin upang matugunan nila ang kalooban ng Dios.

Ang pagsamba sa ibang dios ay hindi lamang nangangahulugan na mayroong kilalaning ibang dios maliban sa tunay na Dios. Hindi man tuwirang mababasa sa Biblia, kapag mayroon tayong pinahalagahan na ibang bagay, mahal sa buhay o kayamanan, maging trabaho man ito o kapangyarihan, na higit nating pinahalagahan kaysa sa Dios, ay maituturing na ito ay pagsamba sa diosdiosan. Lumalabas na ang mga bagay na karaniwanang pinahahalagahan ng mga tao ay ibinibilang na mga diosdiosan sa kanilang buhay.

Lalo na kung ang sinusunod ng mga tao ay sa halip na utos ng tunay na Dios, ang kanilang ginaganap ay mga kautusang likha lamang o katha ng mga tao. Tuwirang paglabag ito sa kalooban ng Dios at malabo na ang pagganap ng mga ganitong utos ay maging karapatdapat sa Dios. Walang kabuluhan ang pagsamba ng taong ang sinusunod ay kautusan lamang ng mga tao. Mat 15:8  Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Mat 15:9  Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

Kung hindi nila ito gaganapin, magkakasala sila ng pagsamba sa ibang dios o yaong tinatawag na idolatry. Ang pinaka-pangunahing kailangan ay sambahin ang nag-iisang Dios, Siya lamang at wala nang iba pa. Kung hindi ito matutugunan, tuwirang paglabag ito sa kautusan o kalooban ng Dios na ating AMA.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 58 other followers