Ang Paguugali ng mga Tao sa Huling Araw

(From the sermons entitled, “Ang Paguugali ng Tao lalo’t sa mga Huling Araw” and “Ang mga Kabataan sa Huling Kapanahunan” for dates July 4 and 7, 2013)

me self Libong taon na ang nagdaan, hinulaan ng Biblia ang magiging likas na ugali ng mga tao. Bawat salita ng Dios ay makapangyarihan, subok at totoo. At ang katotohanan na ang mga hulang ito ay nagaganap sa panahon nating ito ay nagpapahayag na tayo ay nasa mga Huling Araw na.

Hindi natin kayang ikaila na nagaganap ang sinalita ng Biblia tungkol sa magiging ugali ng mga tao. Lalo nating dapat sampalatayanan ang Biblia kung napatutunayan nating ang mga ito ay nagkakaroon ng katuparan.

Gaya nang pahayag ni Apostol Pablo, “Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.” (2 Timoteo 3:1-5)  

Ang paguugaling ito na naging likas ng mga tao, kabataan man o may sapat na gulang ay naging sanhi ng pagsama ng panahon, at pagkakaroon ng panahong tunay na mapanganib.

Ang pagtalikod sa Dios at ang paglilingkod sa hindi tunay na dios ang dahilan kung bakit naging ganito ang mga tao. Hindi magkakaganito ang mga tao kung sinusunod nila ang kalooban at katuwiran ng Dios. Idinagdag ni Apostol Pablo, “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.” (1 Timoteo 4:1)

At dahil tinalikuran ang tunay na kabanalan, ang mga tao’y nagsigawa ng mga gawa ng laman, na tiniyak namang ang mga gawang ito ay kaylanman hindi magmamana ng kaharian ng Dios. (Galacia 5:19-21) “At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.”

Nasa panahon tayo na ang ating mga anak ay nahaharap sa mapanganib na sitwasyon. Tila napakahirap para sa ating mga anak na sila ay lumaking disente at may takot sa Dios. Kailangang magsikap tayo at magtulungan na ituro sa kanila ang mga importanteng paguugali gaya nang katarungan, katapatan, pagpipigil, kabaitan, pagtitipid, pagsisikap at kasipagan.

children smoking

Kung hindi tayo kikilos at hindi natin sila magagabayan nang ayon sa kalooban ng Dios ay tiyak na maging sila ay mahahawa ng kasalukuyang ugali ng sanlibutan.

Ito ang malaking hamon sa atin bilang mga Kristiyano, samakatuwid baga’y ang palakihin ang ating mga anak sa kabanalan at pagtatapat sa Dios.

Kung hindi natin sila mailalapit sa Dios, maaaring maganap sa atin ang naganap sa mga unang Kristiyano na nahawa sa gawi ng sanlibutang ito. Isinulat ni Apostol Pablo, “O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni’t nangahugasan na kayo, nguni’t binanal na kayo, nguni’t inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.” (1 Corinto 6:9-11)

Isipin natin kung mayroon tayong mga anak na ganito, ano na lamang ang problema na maaaring ibigay nito sa atin, ano na lamang ang maaaring kapintasan na idulot nito sa ating mga pagkatao? Sinabi ni Solomon na ang mga ganitong anak ay pasanin ng kanilang mga magulang. “Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.” (Kawikaan 17:25)

Hahayaan ba nating maganap ang ganito sa ating mga anak, at sa mga anak ng ating mga mahal sa buhay at kapapanampalataya?

Patungo sa kapahamakan ang lakad ng mga ganitong mga anak. “Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: Sapagka’t ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay.” (Kawikaan 2:17-18)

Ano ang marapat nating ituro sa ating mga anak upang hindi sila matulad sa kasalukuyang ugali ng sanlibutang ito?

Habang paslit pa ang ating mga anak, sikapin nating imulat sila sa landas na dapat nilang lakaran, samakatuwid ay ang ilapit sila sa matuwid na paglilingkod sa Dios. “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” (Kawikaan 22:6)

Kung kinakailangan, at nakikita natin silang nagkakamali, huwag nating kunsintihin ang mga kamalian na kanilang nagagawa, bagkus ay sawayin natin silang may pagibig at pagmamalasakit upang hindi sila umabuso. “Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni’t ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.” (Kawikaan 29:15) “Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.” (Kawikaan 19:18)

Kung gagawin natin ito, inilalayo natin sila sa tiyak na kapahamakan. “Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka’t kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya’y hindi mamamatay. Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.” (Kawikaan 23:13-14)

At upang maging masunurin ang mga anak sa ating mga magulang, dapat lamang na tayo ay maging huwaran o ehemplo nila pagdating sa ating pananampalataya. Hindi natin sila mapapasunod sa kalooban ng Dios kung tayo mismo ay hindi gumagawa nito. “Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.” (Kawikaan 20:7)

Ano ang dapat nating imulat sa isipan ng ating mga anak na kabataan?

Tandaan nating tayo’y mga anak ng Dios. Dala dala natin ang pangalan ng Dios na ikinapit sa atin nang yakapin natin ang pananampalataya at naanib sa Kaniyang iglesia. Ang ating mga anak ay dapat nating mahikayat na sumunod din naman at tumalima sa pananampalatayang ito.

Sapagkat kung hindi ito mangyayari, anong kapalaran ang maaarin nilang sapitin? Alam nating mapapahamak sila kung hindi natin sila mahihikayat patungo sa Dios. Imulat natin sa kanilang kaisipan na sila’y kailangan din namang tumahan sa bahay ng Dios (iglesia ng Dios – 1 Timoteo 3:15) at samantalang nasa loob ng iglesia, ay mayroong paguugali na kailangang talimahin.

Ang mga paguugaling ito ay itinakda ng Dios sa ikabubuti ng bawat sumasampalataya. Ang mga paguugaling ito ang magtatakda ng pagitan at kaibahan nating may pananampalataya sa kanilang mga walang pananampalataya. “At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.” (Roma 12:2)

Base sa iniwang halimbawa ng Panginoong Hesus, ituro natin sa ating mga anak na ang pinakamahalagang bagay na kailangan nilang matutunan ay ang lubos na pagtalima sa kalooban ng Dios. Si Hesus ay nagpakababa at naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus (Filipos 2:5-8). At tayo’y tinawag upang sundan ang halimbawang ito na iniwan Niya sa atin (1 Pedro 2:21-22). Gawin man natin ito ay matuwid lamang sapagkat ito ang nararapat sa ating lahat (Mateo 3:15).

Kung gawin natin ito at matutunan ng ating mga anak ang lubos na pagtalima sa kalooban ng Dios, ano ang idudulot nito sa ating lahat?

Dito’y makikilala tayo ng Dios kung sino at ano tayo sa loob ng Kaniyang bahay. Ang dapat na masumpungan sa atin ay gaya ng mga kasangkapang kapurihan, na lagi nating nabibigyan ng lubos na kapurihan ang Dios sa pamamagitan ng ating lubos na pagtalima sa Kaniyang mga kalooban.

Sinabi ni Apostol Pablo. “Datapuwa’t sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang iba’y sa ikapupuri, at ang iba’y sa ikasisirang-puri. Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.” (2 Timoteo 2:20-21)

Ang masunuring anak ay nagbibigay ng kapurihan sa magulang, at ang masunuring lingkod ay nagbibigay ng lubos na kapurihan sa Dios. Kabaligtaran nito, ang suwail na anak ay pasan ng magulang at ang lingkod na masuwayin ay itinatakwil ng Dios.

 

 

About these ads
This entry was posted in Filipino Topics and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s