Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
Ang Matuwid na Pagtanggap ng Saway
(Lokal ng Bahrain – August 26, 2012)
26 Sunday Aug 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
19 Sunday Aug 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Tags
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
18 Saturday Aug 2012
Posted in Christian Teachings
Not everyone who preaches the words of God has purpose of bringing people to the perfection of faith. Some preach with good and holy intentions, others use the words of God for their own objectives. Jesus warns us about these so-called people, (Mateo 7:15) Beware of false prophets, which come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ravening wolves.
Jesus used the words sheep and wolves because they are accurate words that describes their occupations that time. Usually, shepherds guard their flocks against wild wolves.
God’s words are like double edge swords, it can have material and spiritual meaning. In the spiritual sense, Jesus warns us against pastors who use the words of God, and which purposes are against the true will of God.
Apostle Paul bid farewell to the brethren of the church and warned all of them to be cautious of those who will come after his death. The wolves he mentioned here are the people who will come after the members of the church to persecute them. (Acts 20: 28-30) Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Spirit hath made you overseers, to feed the church of God, which he hath purchased with his own blood. For I know this, that after my departing shall grievous wolves enter in among you, not sparing the flock. Also of your own selves shall men arise, speaking perverse things, to draw away disciples after them.
These people are like the scribes and the Pharisees, which were both rebuked by Christ because of their hypocrisy. They pretend to be righteous in front of the people, but inside they are full of insincerity and dishonesty. (Matthew 23:28)
We don’t expect that these kinds of preachers will hold on to the true teachings of God. Some of them are not bearers of His words, but actually possess man made teachings. (2 Timothy 2:16-18) Apostle Paul advises us to be cautious and be vigilant because their purpose is to turn us away from the truth especially those who are uninformed of the words of God. (Romans 16: 17-18) Now I beseech you, brethren, mark them which cause divisions and offences contrary to the doctrine which ye have learned; and avoid them. For they that are such serve not our Lord Jesus Christ, but their own belly; and by good words and fair speeches deceive the hearts of the simple.
There are some who even fought against the truth instead of listening and obeying to the teachings as told by Apostle Paul. (2 Timothy 3: 7-8) Ever learning, and never able to come to the knowledge of the truth. Now as Jannes and Jambres withstood Moses, so do these also resist the truth: men of corrupt minds, reprobate concerning the faith.
What is the worst purpose that these kinds of people can have?
Their purpose is indeed against the absolute will of God. Their objective is to deceive people, gain material things, and the worst is to turn people away from God and His teachings. (Galatians 4:17) They zealously affect you, but not well; yea, they would exclude you, that ye might affect them.
People have no knowledge of their intentions, because they see them dressed as sheep’s, but inside that are wolves ready to prey on them. (Hebrews 3:12) Take heed, brethren, lest there be in any of you an evil heart of unbelief, in departing from the living God.
Apostle John says that these people deceived many brothers and sisters and some of them were not able to continue serving God. They were revealed when they turned away from the congregation. Apostle John wrote this to warn us about these people who may show concern to each and every one, but their real motive is to trick us, misinform and mislead us. (1 John 2: 19, 26) They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would no doubt have continued with us: but they went out, that they might be made manifest that they were not all of us. These things have I written unto you concerning them that seduce you.
The Bible states that punishment waits for those who aim to turn away faithful from God. True messengers of God draw us near to God and turning away from Him is a work of His enemy, the devil. (Proverbs 28:10) Whoso causeth the righteous to go astray in an evil way, he shall fall himself into his own pit: but the upright shall have good things in possession. (Psalms 55: 23) But thou, O God, shalt bring them down into the pit of destruction: bloody and deceitful men shall not live out half their days; but I will trust in thee.
What do we need to learn on this topic?
The purpose of this Bible study is to warn us against those who may show concern and affection. We will know if they are hiding from a wolves’ skin if their teachings are not from God. Christ warned us before about these kinds of people. They will use the same Gospel to mislead people. (Matthew 7: 15-16, 20) Beware of false prophets, which come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ravening wolves. Ye shall know them by their fruits. Do men gather grapes of thorns, or figs of thistles? Wherefore by their fruits ye shall know them.
Jesus Christ stated that this is included in the many signs before His return. (Matthew 24: 4- 5) And Jesus answered and said unto them, Take heed that no man deceive you. For many shall come in my name, saying, I am Christ; and shall deceive many.
We should therefore stick to the true Gospel that was given to us, and as much as we can, through God’s help and mercy, we stay humble and live a holy life. Our foundation in His words should be strong enough so no other teachings could deceive us. (Proverbs 19: 27) Cease, my son, to hear the instruction that causeth to err from the words of knowledge.
We show our faith in His words and teachings by following them and living them into our lives. Tests, and trials may come, and temptations can be truly enticing, but the promised eternal life is enough to persuade us to remain faithful. (Hebrews 13: 9) Be not carried about with divers and strange doctrines. For it is a good thing that the heart be established with grace; not with meats, which have not profited them that have been occupied therein.
If we remain faithful, we will surely triumph. And if we overcome all things, the promised eternal life will be our reward. There are many servants of God who lost their way to God and also lost the chance of the eternal reward. Don’t let it happen to us. (1 Timothy 6: 20-21) Be not carried about with divers and strange doctrines. For it is a good thing that the heart be established with grace; not with meats, which have not profited them that have been occupied therein. (1 Corinthians 15: 1-2) Moreover, brethren, I declare unto you the gospel which I preached unto you, which also ye have received, and wherein ye stand; By which also ye are saved, if ye keep in memory what I preached unto you, unless ye have believed in vain.
17 Friday Aug 2012
Posted in Filipino Topics
Hindi lahat ng mga nagpapahayag ng mga salita ng Dios ay naglalayong ihatid tayo sa kasakdalan ng pananampalataya. Hindi lahat ng mga nangangaral ay mabuti at banal ang layunin. Mayroong ilan na nang ipakilala ng Biblia ay masama at madilim ang hangarin. Kaya naman, ipinahayag ng Panginoong Hesus ang pag-iingat na marapat nating gawin, (Mateo 7:15) Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.
Ang paghahambing ng Panginoong Hesus ay base sa sitwasyon noong kanilang kapanahunan. Ginamit Niya ang mga salitang “tupa” at “lobo” sapagkat noon ay pag-aalaga ng tupa ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao. Ang karaniwang kalaban ng mga pastor sa kanilang mga tupahan ay ang mga sumasalakay na lobo, na handang silain ang ito kung hindi mapipigilan o mababantayan ng mga pastol.
At gaya nang ating nauunawaan ang mga salita ng Dios ay may dalawang talim, may materyal at espirituwal na kahulugan kung ating pag-aaralan. Kaya naman, ang ipinahayag na ito ng ating Panginoong Hesus ay hindi literal na pagbabalatkayo ng lobo upang makasila ng tupa, kundi ito ay pagpapanggap ng maraming mga nagdadala ng mga salita ng Dios, subalit ang layunin ay taliwas sa tunay na kalooban ng Dios.
Ganito din ang ipinahayag ni Apostol Pablo sa kaniyang pamamaalam sa mga kapatid. Alam ni Pablo na nalalapit na ang kaniyang kamatayan at nagbilin siya sa mga kapatid na mag-ingat sila sapagkat sa kaniyang paglisan ay papasok ang mga ganid na loob, na hindi magpapatawad sa kawan. Ang tinutukoy niyang mga lobo ay mga tao na may madilim na hangarin, samantalang ang kawan na tinutukoy niya ay ang iglesia ng ating Panginoon. (Gawa 20: 28-30) Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
Ang mga katulad nila ay ang mga Eskriba at Fariseo na kapuwa tinuligsa ng ating Panginoong Hesus dahil sa kanilang mga pagpapaimbabaw o pagpapanggap. Nag-aanyo silang matuwid sa harapan ng mga tao, subalit sa kanilang mga kalooban ay puno ng mga pagpapanggap at katampalasanan. (Mateo 23:28)
Noon pa man ay inilarawan na ng Biblia ang mga katangian ng mga ganitong uri ng mga nagdadala ng mga salita ng Dios. Palibhasa’y nangasinsay sa katotohanan, huwag tayong umasang buong katotohanan ang taglay nila. (2 Tim. 2: 16-18) Kaya huwag tayong magtaka kung mayroong mga aral na aakalain nating sa Dios, subalit kung lubos na pag-aaralan ay katha lamang pala ng mga tao. Hindi ito nakapagtataka sapagkat nangasinsay nga o naligaw sa katotohanan.
Ipinayo ni Apostol Pablo na mag-ingat sa mga ganito sapagkat ang layunin ng ilan ay dayain ang puso ng mga tao lalo pa nga ang mga walang malay. (Roma 16: 17-18) Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo’y magsilayo sa kanila. Sapagka’t ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
Pahayag din ni Apostol Pablo na mayroong mga kapatid na noon pa ay nagsilaban sa katotohanan. Ang mga ito ay hindi tumalima sa mga aral ng ating Panginoong Dios at naging dahilan upang ang ilan ay magalinlangan sa kanilang mga pananampalataya. (2 Timoteo 3: 7-8) Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan. At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito’y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.
Ano ang pinakamasamang layunin na maaaring magawa ng mga nagsisilapit na may damit tupa ngunit sa loob ay mga lobong maninila?
Gaya nang ating naunawa, may mga taong ang layunin ay taliwas sa layunin at kalooban ng ating dakilang Dios. Mayroong ilan na ang layunin ay dayain ang walang malay na isipan ng mga tao, hihikayating sumunod sa mga aral na gawa lamang nila at sa huli ay ihiwalay sa katotohanan ng mga aral ng ating Panginoong Dios. (Galacia 4:17) May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali’t, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
Walang kamalay-malay ang mga taong kanilang nahihikayat, sapagkat inaakala na ang kanilang layunin ay ilapit sila sa Dios ngunit dahil sa ang aral na dala ay likha lamang nila, ang resulta nito ay pagkalayo o pagkawalay sa tunay na mga aral at katuwiran ng Dios. Dito pinag-ingat ni Apostol Pablo ang mga kapatid noong araw, sapagkat sadyang mayroong pusong masama at walang pananampalataya na ihihiwalay ang mga lingkod sa Dios. (Hebreo 3:12) Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:
At gaya nang pahayag ni Apostol Juan, marami ang sadyang hindi nakapanatili sa loob ng iglesia. Sila’y nagsilabas upang mahayag na sila ay hindi talaga sa atin. Inihayag sila ng kanilang pagtalikod. At isinulat ito ni Apostol Juan upang bigyang babala ang lahat patungkol sa mga nag-aanyong nagmamalasakit sa kawan, subalit sa katotohanan ang layunin ay iligaw ang marami. (1 Juan 2: 19, 26) Sila’y nangagsilabas sa atin, nguni’t sila’y hindi sa atin; sapagka’t kung sila’y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni’t nangagsilabas, upang sila’y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin. Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.
Ang hindi nila nalalaman, mayroong tiyak na kapahamakang naghihintay sa kanilang mayroong mga layuning iligaw sa katotohanan, lalo pa nga ang mga lingkod ng Dios. Hindi katangian ng isang mabuti at tunay na lingkod kung ang layunin ay iligaw sa katotohanan ang marami. Ang mayroong ganitong katangian ay walang iba kundi ang Diablo na ang layunin ay ihiwalay ang mga tunay na lingkod sa Dios. (Kawikaan 28:10) Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya’y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni’t ang sakdal ay magmamana ng mabuti. (Awit 55: 23) Nguni’t ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni’t titiwala ako sa iyo.
Ano ang tagubilin sa ating lahat tungkol sa araling ito?
Ang layunin ng araling ito ay bigyang babala ang sinuman na mag-ingat sa mga nagkukunwaring nagmamalasakit subalit ang layunin ay italikod sa tamang paraan ng paglilingkod. Noon pa man ay nagbigay babala na ang Panginoong Hesus sa mga ganitong uri ng mga tao na gagamitin ang Kaniyang ebanghelyo upang iligaw ang marami. (Mateo 7: 15-16, 20) Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila. Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Kaya’t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.
Tiniyak na ito ay magaganap lalo’t bago dumating ang Kaniyang muling pagbabalik. Kasama ito sa mga palatandaang isinaysay ng Panginoong Hesus patungkol sa mga kaganapang kailangang mangyari bago dumating ang kawakasan at ng palatandaang ng Kaniyang muling pagbabalik. (Mateo 24: 4- 5) At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
Hangga’t maaari ay pagyamanin natin sa ating buhay ang mga tunay na aral na ipinagkaloob sa atin, na iniaral sa atin, at siya naman nating sinampalatayanan at pinananatilihan. Sapagkat kung mahina ang pundasyon ng mga aral na ito sa atin ay malamang na mahikayat tayo ng mga ibang aral na ang layunin ay iligaw lamang tayo. (Kawikaan 19: 27) Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
Ipakita natin ang ating mga paninindigan sa mga aral na ating niyakap sa pamamagitan ng lubos na pagtalima sa mga ito. Ang tukso ng kasamaan at kalayawan ay totoong mapanghikayat, subalit ang biyaya ng pananatili sa mga tunay na aral ng Dios ay may taglay na gantimpalang walang kawakasan. (Hebreo 13: 9) Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka’t mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.
Sapagkat kung tayo’y mananatili sa mga aral, alam nating ang kahulugan nito ay pagtatagumpay. At kung magtagumpay tayo ay manahin natin ang gantimpalang nakalaan, samakatuwid baga ay ang pangako ng Dios, ang buhay na walang hanggan. Marami na ang nangasinsay sa pananampalataya bunga ng kawalang pag-iingat at kawalan ng tunay na pundasyon sa mga aral ng Dios, huwag nating pahintulutan na ito ay maganap sa ating lahat. (Hebreo 13: 9) Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka’t mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila. Na palibhasa’y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya aysumainyo nawa. (1 Corinto 15: 1-2) Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
12 Sunday Aug 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
11 Saturday Aug 2012
Posted in Christian Teachings
Tags
How do we know that a person has a true religion? Almost every one claim that they are in the right religion, each of them has its own basis and ideologies.
Many characteristics are mentioned in the Bible if we would like to know about the true and pure religion. Although it is easy to claim and say its certainty, we cannot prove it by mere words only, truth doesn’t only rely on words. Truth is explained in a variety of ways.
Religion came from the word “relegare” which means to bring back into relationship with God. Our fathers long before had fallen away from God and His commandments; thus, there is a need for us to come near again to God and ascertain our relationship with Him. Religion is therefore important to man to create a connection with God.
How did the Bible explain the true and pure religion?
Religion is made up of many elements. It composes of people who are prepared to follow God’s will and willing to be subjected under His commands and doctrines. Commands and doctrines are therefore part of religion. But the most important element is the relationship between God and man.
How do we know the true and pure religion? The Bible says, If any man among you seem to be religious, and bridleth not his tongue, but deceiveth his own heart, this man’s religion is vain. Pure religion and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, and to keep himself unspotted from the world. (James 1:26-27)
In these verses, we understand the attributes of people who possess the true and pure religion. It is manifested through actions and not through words alone. It is shown by how much we care for other people, for a brother or for a sister. Noticed, that it is a demonstration of the second greatest commandment, which is to love others as we love ourselves. Extending help, care and affection to those who are in need shows how to love others. (1 Timothy 5:10) Well reported of for good works; if she have brought up children, if she have lodged strangers, if she have washed the saints’ feet, if she have relieved the afflicted, if she have diligently followed every good work.
Noticeably, we learn that keeping ourselves clean and without blemish before God is a sign that we are in the true religion. Living holy in all aspects of life can do this. Living holy means turning away from all sorts of evil and wickedness and making sure that holiness is prioritized. (2 Timothy 2: 19) Aside from this, being a model for all faithful is established. (Titus 2: 7-8)
Therefore, the sign of true and pure religion is this, that each member is trying its best to be holy not only in the sight of God but as well as in front of all men. And they all follow without doubt and hesitations all the doctrines and teachings given to them by God.
It is also important that we determine how pure are the teachings that we possess. Teachings should be founded under God’s true teachings and not biased under different sectarian beliefs. (John 7: 17) If any man will do his will, he shall know of the doctrine, whether it be of God, or whether I speak of myself.
Now we know that being a member of the true church of God is a big responsibility. It is our duty to live differently from those who don’t possess faith, beliefs and teachings. (Romans 12: 1-2) I beseech you therefore, brethren, by the mercies of God, that ye present your bodies a living sacrifice, holy, acceptable unto God, which is your reasonable service. And be not conformed to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect, will of God.
Other than this, we also have a principal duty to perform as a member of the church.
What is this primary duty that we need to do?
It is our major role to demonstrate the glory and holiness of God, And one way to do this is by sharing the faith we received from Him. (1 Peter 2: 9-10) But ye are a chosen generation, a royal priesthood, an holy nation, a peculiar people; that ye should shew forth the praises of him who hath called you out of darkness into his marvellous light: Which in time past were not a people, but are now the people of God: which had not obtained mercy, but now have obtained mercy.
Preaching and sharing the words of God are not only a duty of the ministers and preachers of the church; each member is accountable for this role. There are many ways, which members can help to spread God’s words. Each one must answer to this calling because everyone is a member of the church of God. (Ephesians 3: 9-10) And to make all men see what is the fellowship of the mystery, which from the beginning of the world hath been hid in God, who created all things by Jesus Christ: To the intent that now unto the principalities and powers in heavenly places might be known by the church the manifold wisdom of God.
Each member is like a part of the body that needs to function well to achieve a common goal. If one part of the body will not move or function well, or will not help, this will turn out to be a burden for the whole body. This can happen in the church as well, if we will not help and extend our share in the primary goals of the church, then nothing will be achieved. Each one should therefore act as one body in one spirit. (1 Corinthians 12: 28, 4-7) And God hath set some in the church, first apostles, secondarily prophets, thirdly teachers, after that miracles, then gifts of healings, helps, governments, diversities of tongues. Now there are diversities of gifts, but the same Spirit. And there are differences of administrations, but the same Lord. And there are diversities of operations, but it is the same God which worketh all in all. But the manifestation of the Spirit is given to every man to profit withal.
What will happen if we try our best to contribute in the most important purpose of the church?
It is God’s will that people know the truth and be saved. But this will never be achieved if no one will bear the truth. Therefore, if all the members of the church will unite and hold each other’s hand to participate on this important purpose, then many people should be able to find the true and pure religion. (1 Timothy 2: 3-4)
And even those who hesitate and doubt God will eventually turn back to Him. And all the lost will find their way back to the Lord God. (Jude 22- 23) And of some have compassion, making a difference: And others save with fear, pulling them out of the fire; hating even the garment spotted by the flesh.
Even it is our duty to share the words of God to all, it doesn’t mean it will always be successful in gaining faithful members. Preaching and sharing God’s words are our duties, but calling is up to God. We are only instruments in the propagation of His teachings but the mercy and compassion of calling the faithful will always be God’s prerogative. (Romans 9: 15-16) For he saith to Moses, I will have mercy on whom I will have mercy, and I will have compassion on whom I will have compassion. So then it is not of him that willeth, nor of him that runneth, but of God that sheweth mercy.
So, each member should strive hard to be part of sharing the Gospel of the Lord. It is part of our calling.
What will we gain if we accomplish this?
Christ promised that He will be with us until the very end, that is if we let ourselves be part of following His final instruction, which doesn’t apply only to the Apostles but as well to us (Matthew 28: 19-20) Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit: Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you always, even unto the end of the world. Amen.
And if we respect and give importance on His promise, we must do our part of sharing His words to our friends and love ones; and we try also to purify ourselves, making us free from any sins and wickedness. (2 Corinthians 7:1) Having therefore these promises, dearly beloved, let us cleanse ourselves from all filthiness of the flesh and spirit, perfecting holiness in the fear of God. Most of all, if we accomplish all these things, God will surely grant us the promised eternal life, which He will only give to those who are righteous.
10 Friday Aug 2012
Posted in Filipino Topics
Paano ba makikilala ang isang taong nasa tunay at wagas na relihiyon? Halos lahat ay nagsasabing sila ay nasa tunay na relihiyon, bawat isa ay mayroong kani-kaniyang batayan na pinaninindigan.
Maraming katangian na ipinakikilala sa Biblia para makilala natin ang taong nasa tunay at wagas na relihiyon. Bagaman madaling sabihin at angkinin ito, hindi napapatunayan sa pamamagitan ng salita lamang ang pagtataglay ng katotohanan. Pinatutunayan ito sa maraming mga bagay.
Ang “Relihiyon” ay mula sa salitang Griyego na “relegare” na ang kahulugan ay muling pakikipagugnay sa Dios. Ang ating mga magulang ay nagpakaligaw sa mga palatuntunan ng Dios, kung kaya’t kinakailangan na ang mga tao ay manumbalik muli sa ating Panginoon. Kaya mahalaga ang relhiyon upang ang tao ay muling magkaroon ng ugnayan sa Dios. Ito ang tunay na kaparaanan ng pakikipagrelasyon sa Kaniya, samakatuwid ay sa pamamagitan ng pagrerelihiyon.
Paano nga ba ipinakilala ng Biblia ang tunay at wagas na relihiyon?
Ang relihiyon ay salitang binubuo ng maraming mga sangkap. Binubuo ito ng mga taong handang magpailalim sa palatuntunan ng Dios. Binubuo ito ng mga doktrina at mga kautusan. At higit sa lahat, ito ay kaparaanan upang ang tao ay magkaroon ng ganap na ugnayan sa Dios.
Paano makikilalala ang tunay at wagas?
Ang pahayag ng Biblia, Kung ang sinoman ay nagiisip na siya’y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. (Santiago 1:26-27)
Sa mga talatang ito ay mababasa natin ang ilan sa palatandaan ng tunay at wagas na relihiyon. Ipinakikita ang katangian ng mga nagtataglay nito sa anyo ng pagmamalasakit at pakikiramay sa kapuwa o kapatid. Mapapansin natin na ito ay tumutugon sa ikalawang pangunahing kautusan ng Dios, samakatuwid ay ibigin ang kapuwa na gaya nang pag-ibig natin sa ating sarili. Ang tunay na umiibig sa kapuwa ay ipinakikita ito sa pamamagitan ng pagtulong, pagdamay at pagmamalasakit. (1 Timoteo 5:10) Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya’y nagalaga sa mga anak, kung siya’y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya’y naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya’y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa’t mabuting gawa.
Mapapansin din natin ang isa pang katangian, ang pag-iingat sa sarili na maingatang walang dungis sa sanlibutang ito. Ibig sabihin, ang taong nasa tunay at wagas na relihiyon ay nagsisikap na magpakabanal sa lahat ng paraan ng kaniyang pamumuhay. Nilalayuan niya ang lahat ng anyo ng kasamaan at nagsisikap na maging malinis sa harapan ng mga tao at ng Dios. (2 Tim. 2: 19) Bukod dito, pinagsisikapan ding maging uliran sa lahat ng mga tao at sa harapan ng mga kapananampalataya. (Tito 2: 7-8)
Samakatuwid, isa sa kaparaanan upang makilala ang wagas at tunay na relihiyon ay sa pamamagitan ng mabuting patotoo ng mga kaanib nito. Palatandaan kung ang mga miyembro nito ay isinasakabuhayan ang mga tunay na aral na tinanggap mula sa Dios, at kanilang ginaganap sa kanilang buhay ang bawat doktrina, aralin at mga kautusan ng Dios.
Mahalaga din namang maunawaan natin kung anong klaseng aral ang tinataglay ng mga kaanib nito. Ang aral ay dapat nagmumula sa mga salita ng Dios, hango lahat sa katuruan ng Biblia, mga aral na walang daya, walang kinikilingan at hindi ayon sa katuruan lamang ng mga tao. (Juan 7: 17) Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Kaya naman, malaki ang responsibilidad at pananagutan ng mga tinawag sa loob ng iglesia. Tungkulin ng lahat ng mga naanib na bigyang pagkakaiba ang kanilang mga pamumuhay sa paraan ng pamumuhay ng ilan na hindi tumanggap ng pananamapalataya. Ang layunin nito ay upang makilala ang kanilang kaibahan sa mga hindi naglilingkod sa Dios. (Roma 12: 1-2) Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Bukod dito, mayroong tungkulin na kailangang ganapin kaakibat ng pagkakatawag sa loob ng iglesia.
Ano ang pangunahing tungkulin na ito?
Tungkulin ng bawat isa na ipahayag ang karangalan ng Dios. At ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng tinaglay na pananampalataya. (1 Pedro 2: 9-10) Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan: Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa’t ngayo’y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa’t ngayo’y nagsipagkamit ng awa.
Ang pamamahagi ng salita ng Dios ay tungkulin hindi lamang ng mga tagapangaral o ministro sa loob ng iglesia, kundi ito ay tungkulin ng lahat ng mga kapatid. Sa maraming kaparaanan ay maaaring umambag ang kapatid upang makabahagi sa mga gawaing pangangaral ng iglesia. (Efeso 3: 9-10) At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios.
Itinulad ang bawat kapatid sa bawat sangkap ng katawan na kailangang magtulong-tulong upang magawa ang isang layunin. Kung ang isang sangkap ng katawan ay hindi tutulong, magiging mabigat ito sa iba pang mga sangkap ng katawan. Ganito ang sitwasyon na maaaring kaharapin ng buong iglesia, kung hindi tutulong o aambag ang mga kapatid na kaanib nito. Bawat isa ay mga sangkap na kikilos sa iisang espiritu. (1 Corinto 12: 28, 4-7) At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika. Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwa’t iisang Espiritu. At may iba’t ibang mga pangangasiwa, datapuwa’t iisang Panginoon. At may iba’t ibang paggawa, datapuwa’t iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. Datapuwa’t sa bawa’t isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
Ano ang maaaring idulot kung ang bawat isa ay magsisikap na maging bahagi ng dakilang layunin na ito?
Kalooban ng Dios na ang mga tao ay makaaalam ng katotohanan at magtamo ng kaligtasan. Ngunit ito ay hindi magaganap kung walang magiging tagapagdala ng katotohanan. Kaya naman, kung ang iglesia ng Dios at ang lahat ng mga kaanib nito ay sama-sama at magkakapit-bisig sa dakilang layunin na ipangaral ang mga salita ng Dios, at ibahagi ang pananampalatayang kaloob ng Dios, kung magkagayon ay nangangahulugan ito ng kaligtasan sa mga tatanggap at sasampalataya. (1 Tim. 2: 3-4)
Maging sila na nag-aalinlangan sa Dios, at silang mga walang pananampalataya ay magkakaroon ng pananampalataya. At silang mga naliligaw ay ililigtas sa tiyak na kapahamakan. (Tadeo 22- 23) At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan; At ang iba’y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.
Kung tungkulin ng lahat ng mga kapatid ang ipangaral ang mga salita ng Dios, hindi nangangahulugang magiging matagumpay ang paghikayat ng mga bagong kaanib. Mananatiling ang pagtawag ay nasa kapasyahan at kalooban ng Dios. Kasangkapan lamang ang mga tagapangaral at mga kapatid na umambag sa pangangaral ng mga salita ng Dios, subalit ang habag at awa ng Dios pa din ang kailangan sa ganap na pagtanggap ng unawa at pananampalataya. (Roma 9: 15-16) Sapagka’t sinasabi niya kay Moises, Ako’y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako’y mahahabag sa aking kinahahabagan. Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.
Kaya naman, bawat isa ay kailangang magsikap sa pangangaral, sapagkat ang pangangaral ng Kaniyang mga salita ay dakila at pangunahing tungkulin ng Kaniyang mga lingkod. Lalong lalo na ang mga naatangan ng tungkulin na maging tagapagsalita, mga ministro o manggagawa, sa kanila nakasalalay sapagkat kasangkapan nga ng Dios, upang mabuksan ang pintuan ng unawa at pananampalataya ng mga taong naghahanap ng kaunawaan.
Tungkulin ng lahat na ito ay maisagawa lalong lalo na’t ito ang pagkakataon upang liwanag na nasumpungan ay maibahagi din naman lalo na sa mga mahal natin sa buhay. Ang pag-ibig sa kapuwa ay dapat magpasimula sa mga mahal natin sa buhay, kaya ang pangangaral ay dapat na pasimulan dito.
At kung ito ay magaganap ng lahat, ano ang maaaring maging pakinabang nito sa atin?
Gaya nang iniwang tagubilin ng Panginoong Hesus sa Kaniyang mga alagad, Siya’y sasaatin hanggang sa panahon ng kawakasan. Mahalaga ang tagubilin Niyang ito sapagkat ang pangunahing layunin ay gawing alagad ang lahat ng mga bansa, na ituro sa lahat ang nararapat na ganapin, samakatuwid ay ang Kaniyang mga kautusan. (Mateo 28: 19-20) Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Ngunit ang pinakamahalaga dito ay ang pangakong hindi Siya kaylanman mawawalay sa Kaniyang mga lingkod hanggang sa katapusan ng sanlibutan.
Kaya nga, yamang mayroong pangako ang Dios, kailangang pahalagahan natin ang kapangakuang ito sa pamamagitan ng lubos na pagtalima at pagpapailalim sa Kaniyang mga kalooban. (2 Corinto 7:1) Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.
At higit sa lahat, kung makapanatili tayo at makapagtagumpay sa mga layuning ito ng Dios sa atin, ay magiging karapatdapat naman tayo sa Kaniyang pangakong buhay na walang hanggan na Kaniyang ipagkakaloob sa mga nagtapat, nagbanal at nagsikap.
05 Sunday Aug 2012
Posted in Audio Blogs, Sermons
Rom 10:17 So faith comes by hearing, and hearing by the word of Christ.
Listen to the Topic:
04 Saturday Aug 2012
Posted in Christian Teachings
Tags
Heaven has a gate. But it is not the typical gate that we see in the movies; we can read in books, which are all product of man’s imagination. The gate of heaven mentioned in the Bible is the “house of God,” which we can read in Genesis 28: 17, that says, “And he was afraid, and said, How dreadful is this place! this is none other but the house of God, and this is the gate of heaven.”
In this verse, we can read the vision seen by Jacob in his dream. In his dream, he saw a ladder from the ground reaching up the heaven. And from there, he saw the angels moving up and down. He heard the voice of God telling him about how his seeds will multiply as God promised to Abraham and Isaac. God also promise that He will never left him wherever he goes.
In other scriptures, the house of God was built by Solomon and was later called the temple of Jerusalem. This temple was destroyed and was built again according to history.
When Christ came, He stated that His body is the temple of God. Later on, it was explained that He was referring to a spiritual body, which is the church or the congregation He founded. He is the head of the church and the members are all parts of the spiritual body. (Hebrews 3: 4, 6 ) For every house is builded by some man; but he that built all things is God. But Christ as a son over his own house; whose house are we, if we hold fast the confidence and the rejoicing of the hope firm unto the end.
Anyone who enters into Christ will be given rest, which means anyone who became part of the church He founded will be given peace and will be comforted. (John 10: 7, 9) Then said Jesus unto them again, Verily, verily, I say unto you, I am the door of the sheep. I am the door: by me if any man enter in, he shall be saved, and shall go in and out, and find pasture.
Entering the church will not be that easy because according to Christ, the way is narrow to enter. But although it is narrow, it will surely lead us to life, which is the everlasting life. The commandment is clear, “Enter ye in at the strait gate: for wide is the gate, and broad is the way, that leadeth to destruction, and many there be which go in thereat: Because strait is the gate, and narrow is the way, which leadeth unto life, and few there be that find it.” (Matthew 7: 13-14)
What does the Bible say about those who found and entered the narrow way?
Jesus says, we must “strive,” which means we need to do our best and do everything we can, if we want to enter the narrow way. This is because not all have been given the chance to enter it. Many people would love to serve God but don’t care about entering His church (strait gate (Luke 13: 24) Strive to enter in at the strait gate: for many, I say unto you, will seek to enter in, and shall not be able.
Like what we learned, entering the narrow way and strait gate will not be a walk in the park. There will be hindrances and sufferings are always present when serving God. But through sufferings, we will learn to be patient and from there we can attain holiness.
Aside from the sufferings, sins can also hinder us from serving the Lord. God’s enemy won’t stop until he fulfills his mission, which is to turn us away from the true God. He will do everything he can to stop us from doing the will of God. So, we need to overcome these sins. (Hebrews 12: 1) Wherefore seeing we also are compassed about with so great a cloud of witnesses, let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us
Not all who serve God have the same level of spritual maturity. There are some who showed lack of faith in God. In many things they demonstrated weakness. Like a typical body, we can also feel weak when sickness comes. (1 Corinthians 11:30) For this cause many are weak and sickly among you, and many sleep.
And because of this, many servants failed to remain faithful in the church. Some turned away and fell from temptations and worldly lusts. Some fell from wrong teachings and material promises. Others became enemies of the truth. (1 Timothy. 4:1; 2 Timothy. 3:7-9)
This goes to show that the number of those who will be saved are not many but few. And who are these few? The Bible states clearly, only those who “strive” to enter will have the chance to receive life. This means if a person doesn’t even try hard to listen and obey God’s calling, he must not expect that he will have any chance of receiving God’s promise.
Entering the narrow way would mean absolute obedience to the will of God. It says narrow because for men, obeying God’s commandment is a very difficult thing to do. We need a lot of sacrifice to be able to do them like turning away from our own self and carrying our cross. (Luke 9: 23) And he said to them all, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me. Carrying the cross means the sacrifice we must bear each day, not only once a year but to all the days of our lives.
Anyone who wishes to serve God and obey Him will set aside his own righteousness, will sacrifice everything just to be upright in the sight of God and the utmost priority is serving God. Everytthing will only become secondary such us our love ones, money, business and wealth. (Luke 9: 59-62) And he said unto another, Follow me. But he said, Lord, suffer me first to go and bury my father. Jesus said unto him, Let the dead bury their dead: but go thou and preach the kingdom of God. And another also said, Lord, I will follow thee; but let me first go bid them farewell, which are at home at my house. And Jesus said unto him, No man, having put his hand to the plough, and looking back, is fit for the kingdom of God.
As a servant of God, we need to adopt ourselves from the doctrines of His church such as always thinking about holiness in everything we do. Each member therefore, should turn away from his old self and become a new being created in the holiness of God. (1 Timothy 4:7-8) But refuse profane and old wives’ fables, and exercise thyself rather unto godliness. For bodily exercise profiteth little: but godliness is profitable unto all things, having promise of the life that now is, and of that which is to come.
Trying to live holy won’t be as easy as it is, days of trials and tests will be there to prove what we really are in the sight of God. We will experience unordinary sufferings to establish our true faith in God. (1 Peter 1: 6-7) Wherein ye greatly rejoice, though now for a season, if need be, ye are in heaviness through manifold temptations: That the trial of your faith, being much more precious than of gold that perisheth, though it be tried with fire, might be found unto praise and honour and glory at the appearing of Jesus Christ:
Why do we need to overcome all of these things?
Some of the sufferings we experience are all part of God’s righteous judgment. And it comes first to His house, which is the church of God. So, expect all the members to feel not little amount of pains and sufferings because He wants us to be judged now and not to become part of the judgment on the appointed Day of Judgment. (1 Peter 4: 17-19) For the time is come that judgment must begin at the house of God: and if it first begin at us, what shall the end be of them that obey not the gospel of God? And if the righteous scarcely be saved, where shall the ungodly and the sinner appear? Wherefore let them that suffer according to the will of God commit the keeping of their souls to him in well doing, as unto a faithful Creator.
And what did the Bible advise us to do?
The Bible says, “Having therefore, brethren, boldness to enter into the holiest by the blood of Jesus, By a new and living way, which he hath consecrated for us, through the veil, that is to say, his flesh; And having an high priest over the house of God; Let us draw near with a true heart in full assurance of faith, having our hearts sprinkled from an evil conscience, and our bodies washed with pure water. Let us hold fast the profession of our faith without wavering; (for he is faithful that promised” (Hebrews 10: 19-23)
It is very clear that we can’t afford to waste all the things that God had given us especially the chance that each of us had when He let us enter into the holiest blood of Jesus and let us live a new and living way. We should therefore try to live according to His glory by proving our faith and trust in Him, turning away from every wicked things in this world. Remember, that no unrighteous being will enter the kingdom of Heaven (Revelation 21:27). We should always keep in mind that being holy and righteous is the only way to inherit His promised eternal life.
Apostle Paul says we need to serve God in absolute obedience of His will while keeping ourselves into discipline. (1 Corinthians 9: 25-27) And every man that striveth for the mastery is temperate in all things. Now they do it to obtain a corruptible crown; but we an incorruptible. I therefore so run, not as uncertainly; so fight I, not as one that beateth the air: But I keep under my body, and bring it into subjection: lest that by any means, when I have preached to others, I myself should be a castaway.
03 Friday Aug 2012
Posted in Filipino Topics
Mahalaga na maunawaan nating ang langit man ay may pintuan. Hindi nga lang ito gaya nang karaniwang nakikita natin sa mga pelikula, nababasa sa mga libro at kathang isip lamang ng mga tao. Ang pintuan ng langit ayon sa Biblia ay walang iba kundi ang “bahay ng Dios” na mababasa sa Genesis 28:17. “At siya’y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito’y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.”
Sa talatang ito ay mababasa natin ang pangitain na nakita ni Jacob sa kaniyang panaginip. Sa kaniyang panaginip ay nakita niya ang isang hagdan na mula sa lupa ay umaabot hanggang langit, at doon ay kaniyang nakita ang mg anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon. At doon ay ipinahayag sa kaniya ng Dios ang kapangakuan na ang kaniyang binhi ay dadami gaya nang pangako ng Dios sa kaniyang mga magulang na sina Abraham at Isaac, at higit sa lahat ay pangakong saan man siya pumaroon ay hindi siya iiwan ng Dios.
Ang bahay ng Dios sa Biblia ay ang Templong ipinagawa ni David, na siyang Templo sa Jerusalem. Subalit ang templong ito ay giniba at ilang beses na ipinatayo at muling giniba.
Pagdating ng Panginoong Hesus, sa Kaniyang pangangaral ay ipnakilala Niya na ang Kaniyang katawan ay templo. Kalaunan ay ipinaunawa Niyang ang iglesia na Kaniyang itinayo ay ang templo na Siya ang puno nito. (Hebreo 3: 4, 6 ) Sapagka’t ang bawa’t bahay ay may nagtayo; datapuwa’t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.Datapuwa’t si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.
At ang sinumang pumasok sa Kaniya ay makakasumpong ng kapangahingan, na ang kahulugan ay kung sinuman ang ibig na maging bahagi Niya o ng Kaniyang iglesia, ay makakasumpong ng kapayapaan at kapanatagan. (Juan 10: 7, 9) Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
Subalit ang pagpasok dito ay hindi magiging madali sapagkat ang pahayag ni Hesus ay makipot ang daan. Ang kagandahan nito, makipot man ang daan subalit ang patutunguhan nito ay ang buhay na walang hanggan. Ang utos ay malinaw, “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.” (Mateo 7: 13-14)
Sa mga nakasumpong at nakapasok na sa pintuang makipot, ano ang ibig ipaunawa ng Biblia?
Nang utusan tayong magsipasok sa makipot na pintuan (iglesia), sinabi ni Hesus na kailangan nating “magpilit” sapagkat marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi mabibigyan ng pagkakataon. Ang pagpupumilit ay nangangahulugan ng ibayong pagsisikap na maging bahagi ng iglesia o ng katawan ng ating Panginoong Hesus. Maraming gustong maglingkod sa Dios ngunit hindi pinahahalagahan ang pagpasok sa pintuang makipot (iglesia). (Lukas 13: 24) Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka’t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
Gaya nang pahayag hindi magiging madali ang pagpasok sa pintuang makipot, maraming magiging kahadlangan at nangangailangan ng malaking pagtitiis sa paglilingkod sa Dios. Sa pagtitiis ay makakasumpong tayo ng malaking kabanalan, at itinulot ng Dios na maranasan natin ang maraming tiisin upang makalikha tayo ng ibayong kabanalan.
Bukod sa mga pagtitiis, nariyan din ang mga kasalanang maaaring pumigil at humadlang sa atin. Siyempre, hindi titigil ang kalaban ng Dios hangga’t hindi tayo napagwawagian. Gagawin niya ang lahat para mahikayat tayong tumalikod sa Dios, at ito ay sa pamamagitan ng mga tukso at kaway ng sanlibutang ito na siyang pipigil sa atin na gawin ang kalooban ng Dios. Kaya naman, kailangan nating mapagtagumpayan ang mga pagkakasalang ito. (Hebreo 12: 1) Kaya’t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.
Bukod dito, hindi lahat ng mga naglilingkod sa Dios ay pare-parehong matitibay ang pananampalataya. Mayroong ilan na hindi pa nagiging lubos o ganap ang paniniwala at pag-asa sa Dios. Kaya naman, sa maraming mga bagay ay agad na nasusumpungan sa panghihina. Kumbaga sa katawan, marami ang masasaktin at agad na bumibigay kapag dinadapuan ng karamdaman. (1 Corinto 11:30) Dahil dito’y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
Dahil dito, hindi lahat ay nakapanatili sa makipot na pintuan (iglesia). Ang iba ay nagsitalikod sa pananampalataya bunga ng kahinaan, tukso at kaway ng sanlibutan. Ang iba ay nahikayat ng mga maling aral ng pananampalataya. At ang ilan ay naging kalaban ng mga tunay na aral ng ating Panginoong Dios. (1 Tim. 4:1; 2 Tim. 3:7-9)
Kaya naman, madaling sabihin na kung bilang ng mga maliligtas ang pag-uusapan, tiniyak ng Biblia na hindi ito marami, sapagkat ayon sa Biblia, “kaunti lamang ang makakasumpong niyaon.” At sino ang mga kaunting ito na sinasabi ng Biblia?
Maliwanag ang pahayag, ang nagpipilit na makapasok sa makipot na pintuan ay mabibigyan ng malaking pagkakataon upang masumpungan ang buhay. Ibig sabihin, kapag ang tao ay hindi man lang nagsikap, o hindi pinahalagahan ang panawagang ito ng Panginoon, huwag umasa ang taong yaon na makakasumpong siya ng buhay.
Ang pagpasok sa makipot na pintuan (iglesia`) ay nangangahulugan ng ibayong pagsunod sa kalooban ng Dios. Ang pagtalima sa kalooban ng Dios ay hindi magiging madali, sapagkat kailangan ang malaking sakripisyo upang maganap ito. Sinumang sumusunod sa kalooban Niya ay kailangang talikuran ang sariling kagustuhan, at pasanin ang krus na ipinapapasan ng Panginoon. (Lukas 9: 23) At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Ang pagsunod sa Dios ay pagpasan ng krus sa lahat ng araw ng buhay. Hindi minsan lamang sa isang taon o kung kailan lamang natin maisipan kundi sa lahat ng pagkakataon.
At ang sinumang naghahangad na sumunod at tumalima sa kalooban ng Dios ay walang magiging katuwiran o dahilan sa sarili. Lahat ng bagay ay isasakripisyo natin kung gusto nating maging karapatdapat sa Kaniya. Ang magiging pangunahin sa atin ay walang iba kundi ang paglilingkod sa Dios at pagganap ng Kaniyang mga kalooban. Magiging ikalawa na lamang sa atin ang mga bagay na dati ay inaakala nating mahalaga gaya ng mga mahal natin sa buhay, negosyo, kabuhayan at mahahalagang gampanin. (Lukas 9: 59-62) At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa’t siya’y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama. Datapuwa’t sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa’t yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios. At ang iba nama’y nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwa’t pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.
Bukod sa mga sari-saring sakripisyo, tatanggapin din natin ang pag-uugaling itinakda sa loob ng iglesia samakatuwid ay ang pagpapakabanal sa lahat ng paraan ng pamumuhay. Bawat miyembro kung gayon, ay tatalikod sa dating pagkataong sumama dahil sa pandaraya ng kaaway ng Dios. Ang Banal na Espiritu ng Dios ang tutulong sa atin upang magawa natin ito. (1 Tim. 4:7-8) Datapuwa’t itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: Sapagka’t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni’t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
Hindi magiging madali ang pagsasanay sa kabanalan. Bibilang ito ng mga panahon at ng maraming pagsubok at pagtitiis. Dadalawin tayo ng mga hindi karaniwang pagsubok ng buhay kaya nangangailangan tayo ng katapangan at katatagan upang harapin at pagtagumpayan ang mga ito. Sa lahat ng mga ito ay layunin ng Panginoong Dios na palitawin ang tunay nating pananampalataya. (1 Pedro 1: 6-7) Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama’t ngayo’y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli’t muling pagsubok, Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
Bakit kailangang pagtagumpayan ang lahat ng mga ito?
Gaya nang pahayag ng Biblia, ang mga pagsubok ay tinatawag na matuwid na paghuhukom ng Dios sa Kaniyang bahay. Noon pa man ay nararanasan na ito ng mga unang naglingkod sa Kaniya. Ang layunin ng Dios ay upang bukod na mahatulan ang mga lingkod upang hindi mapasama sa itinakdang araw ng paghuhukom ng mga mabuti at masama. Ang paghuhukom ng Dios ay paraan ng Kaniyang pagpili upang sinumang makapagtagumpay ay mapabilang sa mga pagkakalooban ng pangakong gantimpala, ang buhay na walang hanggan. (1 Pedro 4: 17-19) Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios? At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap? Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
Dahil dito ano ang ipinapayo sa atin ng Biblia?
“Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sakaniyang laman; At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios; Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig, Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka’t tapat ang nangako:” (Hebreo 10: 19-23)
Ang payo ng Biblia ay malinaw, na huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa ating lahat na napabilang sa Kaniyang katawan (iglesia). Ingatan natin ang pagkakilala ng ating pagasa sa pamamagitan ng pagpapakita ng lubos na pananampalataya at pagtalima sa Kaniyang mga kalooban.
Alalahanin nating walang papasok sa kaharian ng Dios na anumang bagay na marumi (Apoc.21: 27). Ngayon pa lamang ay imarka na natin sa ating mga puso at isipan na ang tanging paraan upang makapasok doon ay ang pagpapakabanal sa lahat ng paraan ng ating mga pamumuhay. At anumang anyo ng kasamaan at kaway ng sanlinbutan ay ating iwasan at iwaksi.
Ipinayo ni Apostol Pablo na tumakbo tayo o maglingkod na may pagpipigil. Hampasin natin o disiplinahin ang ating mga sarili sapagkat kinakailangan ito upang makapagtagumpay tayo. (1 Corinto 9: 25-27) At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira. Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.