Ang Kahulugan ng Kasalanan

Ano nga ba ang kahulugan ng kasalanan?

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, (1 Juan 3:4)  Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.

At sinasabi din na sinumang hindi tinutupad ang mga utos ng Dios, walang katotohanan  sa taong yaon. (1Jn 2:3-4)  At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya;

Sapagkat ang palatandaan ng pag-ibig sa Dios ay ang pagtupad ng Kaniyang mga utos. Kaya sinumang hindi tumutupad, hindi na nakikita ang pag-ibig, ay nagkakasala pa sa Dios. (1Jn 5:3)  Sapagka’t ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Kaya’t ang kasalanan ay paglabag sa mga kautusan ng Dios.

Ngunit dapat ba tayong mag-alala kung labagin man natin ang kautusan ng Dios? Dapat tayong mag-alala at matakot kung nilalabag natin ang Kaniyang mga kautusan, sapagkat nakasalalay dito ang kahihinatnan ng ating mga kaluluwa, mayroong kapalit ang paglabag sa mga kautusan ng Dios.

Ayon kay Apostol Pablo, (Roma 6:23)  Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Ang karaniwang nalalaman nating kasalanan ay pagnanakaw, pagpatay, pananakit ng kapuwa. Subalit para kay Hesus, ang kasalanan ay nagpapasimula sa kaisipan at hindi lamang sa paggawa nito.

Ang pagtatanim ng galit, maging ng pagnanasa sa laman ay kabilang lamang sa mga kasalanang nagagawa sa pamamagitan ng kaisipan at ayon sa Panginoong Hesus, ang mga ganito ay uri ng kasalanang halos kapareho ng mga kasalanang ipinakikita sa paggawa.

(Mat 5:22)  Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

(Mat 5:28)  Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Ngunit lahat tayo ay nagkakasala ayon na din sa paliwanag ni Apostol Pablo, (Roma 3:23)  Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios

Sa gayunding aklat, sinipi ni Pablo ang kalagayan ng mga tao sa harap ng Dios ayon na din sa lalaking si David. (Rom 3:10-12)  Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

(Rom 3:15-18)  Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.

Mababasa ang siniping ito sa Awit 14:2-3 at Awit 53:2-3, gayundin sa Isaias 59:7-8 at Awit 36:1.

Subalit ang Dios ay mahabagin, bagaman alam ng Dios na tayo ay makasalanan ay binibigyan Niya tayo ng pagkakataon na magsisi at manumbalik sa Kaniya. Ang kailangan lamang ay tanggapin at aminin natin ang ating mga pagkakamaling nagagawa, at lubos na sumuko at magpasakop sa Kaniya.

Hangad din ng Dios na ang maging kaisipan natin at paggawa ay naayon sa Kaniyang banal na kalooban. Hangad Niyang pagkatapos ng pagsisisi ay hindi na natin babalikan ang dati nating masama o makasalanang pagkatao upang maging isang “taong bago” sa kaisipan, sa salita, sa paguugali at sa paggawa. (Eph 4:22-24)  At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Hindi man ganap o maging lubusan agad ang pagbabago, ang pagbabagong ito ay maaaring ipakita natin sa kabuoan ng ating paglakad sa mga kalooban ng Dios habang tayo ay nabubuhay at naglilingkod sa Kaniya, ngunit ang pasimula ay kailangan ng ganap o lubos na pagsisisi o pagtalikod sa mga kasamaang nagagawa.

Kailangang manaig sa atin ang mga salita ng Dios na magtutulak sa atin upang baguhin ang ating pagkatao. Dito nagaganap ang tunay na pagsisisi, na ang magpapasiya ay tayo bilang mga nagkasala sa harap ng Dios. At dito’y bibigyan tayo ng Dios ng pagkakataong makalapit sa Kaniya. (Santiago 4:8)  Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.

Ang Dios ay maawain. Handa Niya tayong patawarin anuman ang ating mga nagawang kamalian at gaano man ito kabigat. Subalit kailangang gawin din naman natin  ang ating bahagi – na itakuwil ang nagagawang mali sa isipan at sa paggawa. (Isa 55:7)  Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana.

 

About these ads
This entry was posted in Filipino Topics and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s